33

Mas lumakas ang ulan at habang nakatayo pa rin sa harap ng estatwa ay nag-isip-isip ako kung paano ako makakabalik sa studio.

Naramdaman ko ang titig ni Martell sa akin pero umakto akong hindi iyon napansin. Narinig ko ang pagsinghal niya at saka ang papalayo niyang yabag. I stared at his back until he disappeared from my sight.

Pumunta ako sa may exit ng museum at ang plano ko ay magpakabasa na lang. May CR naman doon sa studio at pwede akong maligo roon. Ngunit bago ko pa magawa ang pinlano ay tinawag ako ng guard at saka binigyan ng payong.

"What's this?" I asked while absentmindedly looking at the umbrella.

"That's an umbrella, Maam," the guard answered with a smile before going back to his post. Pinilosopo pa talaga ako! As if namang hindi ko alam kung ano ito.

Napailing na lang ako at nagpasalamat sa guard bago naglakad pabalik ng building. Kaunti pa lang ang naroon at kabilang na sina Milena at Martell. Sinubukan kong hanapin sina Margarita at Maliaxinne ngunit baka hindi na sila bumalik dito.

"Oohh! Gazella!" Milena called, then checking my shoulders. "Where did you eat— oh wow! Where did you get that umbrella?" She asked, her eyes now focused on what I'm holding.

"Pinahiram ng guard sa museum," maikli kong sagot habang ang mga mata ay pasimpleng sinulyapan si Martell na nakaupo sa may isang sulok at hawak-hawak ang kaniyang camera.

Milena looked interested with it so I handed it to her but she merely shook her head. Maganda ang pagkakagawa ng payong at masasabi kong mamahalin ito kaya siguro interesadong-interesado si Milena. Baka nga ay kilala pa niya ang gumawa nito.

"Maybe this is from your soulmate, Gazella," Milena joked with a smirk, her eyes still not leaving the umbrella.

"HA!" I clapped a hand to my mouth when I realized how loud my reaction was and tried to stifle my laugh. I smiled sheepishly to the ones who looked at me because of what I did.

Kung kay Martell 'to edi payag ako na maging ka-soulmate ang may-ari nito kaso malabo iyon. Tinawanan ko na lang si Milena at humiga sa isang beanbag para makapagpahinga. Wala akong ganang kumain kaya pagkatapos na lang siguro ng shoot ako magtatanghalian.

"Tikman mo 'to, oh!" Ani Milena sabay lahad sa akin ng cupcakes. "Margarita brought some snacks for all of us. May mga drinks din doon kung hindi ka pa ganoon ka busog."

We continued with the photoshoot after our lunch break. When our shoot ended, I went to the hospital and visited my friends and invited Caramel and Vanilla to go to the gym with me. Nagdalawang-isip pa ang dalawa pero pumayag din naman dahil may nagbabantay naman kay Sugar.

The three of us wore a matching pastel-colored leggings set. And just like the first time I saw Gabriello's gym, they, too, have the same reaction as I did.

Imbes na pag-e-exercise ang unahin ay ay naglibot-libot muna kami dahil gusto raw ng dalawa na makita ang kabuuan ng gym. Nang matapos kami sa paglilibot ay saka lang kami nag-workout.

Nilibot ko ang tingin, pasimpleng hinahanap si Martell. Kanina pa kasi tanong nang tanong ang dalawa dahil alam nilang madalas kaming pumupunta ni Martell dito noon. Wala akong planong ipaalam sa kanila kung sino si Martell at kung ano ang hitsura ni Martell. Tiyak na ipapahiya ako ng dalawang ito!

"Come on! Just tell us his name!" Caramel said while shaking my arm. She was shamelessly pointing at random dudes and trying to guess if that guy is my ex or not.

"How about that one?" Vanilla joined Caramel in her pointing and guessing game. "He's looking at you and it shows that you two know each other— oh wait! I think I know him!"

Napatingin ako sa tinuturo ni Vanilla at nakita si Gabriello. Nakatingin nga siya sa amin at ngayon ay naglalakad na patungo sa amin.

"We've met before," Gabriello said matter-of-factly, his eyes at Vanilla. "You're Orion's girlfriend's best friend, right?"

Mabilis na tumango si Vanilla at mukhang sayang-saya pa na natandaan siya nito. "You remembered! We met at the party of Orion's mom."

Gabriello smirked and crossed his arms. "Of course! How could I forget such pretty face?"

Vanilla groaned and rolled her eyes while Caramel and I were on the verge of laughing.

"Ah, you're the flirty-cousin," natatawang sagot ni Vanilla habang umiiling-iling. "So, are you Galaxy's ex—"

Bago pa matapos ni Vanilla ang sasabihin ay binatukan ko na siya. "No, he's not!"

"What a small world, eh?" Gabriello pointed out, his eyes now drifting to Caramel. Sa pagkakaalam ko kasi ay magkakilala rin sila ni London dahil kay Orion. "So, care to introduce me?"

"No!" Sagot ko at saka hinatak ang dalawa ngunit hindi sila nagpatinag.

"Cara Marcella," Caramel introduced with a smile and offered a hand which Gabriello immediately shook. "So... how did you and Galaxy meet?"

Gabriello's mouth opened, it was as if he was about to say something. But instead of answering, his eyes seemed to be focused on what's behind us. Before I could ask, he raised a hand and waved on whomever is behind us.

"Martell, look! Sweetener is here!"

My heart felt like it jumped when I heard his name. No words can describe how nervous I am right now and how much I'm trying to control myself from panicking.

Damn! He knows Vanilla too?!

Mariin akong napapikit. Mukhang malaking pagkakamali ang pag-aya ko sa dalawa na sumama sa akin dito. Mabubulgar pa yata ang pinakatatagong sikreto ko.

"Oohh! The talented-cousin is here," magiliw na sabi ni Vanilla at saka nakipagkamayan kay Martell. Nagpakilala rin si Caramel at saka sila nag-usap-usap habang ako naman ay parang estatwang nakatayo at nakikinig lang sa kanila at parang gusto ko munang maglaho.

"See? I told you! It's a really small world," ani Gabriello. "Sweetener is the best friend of your's and Orion's girlfriend! I mean..." he trailed off as if he just realized that it'll be awkward after this. "Ex..." he added in a whisper.

Parang sinakluban ako ng langit at lupa nang marinig ang sinabi ni Gabriello. Siya pa ang nakabunyag ng sikreto ko ngunit hindi ko naman siya masisisi. Malay naman niyang hindi pala alam ng mga kaibigan na si Martell iyong ex ko.

Nanghihina ako sa pag-iisip na pagkatapos ng ilang segundo ay ma-re-realize na ng dalawa ang sinabi niya at hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"Stop calling me Sweetener— wait, what?! A-anong... girlfriend?" Puno ng pagkalito ang mukha ni Vanilla hanggang sa napalitan ito ng expresyon na parang naliwanagan na siya. Ganoon din ang nagyari kay Caramel.

"I think he's talking about London and—" she paused as if she realized something, then turning to me with wide eyes, her mouth gaping as she pointed to Martell. "—he's your baby—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay nasampal ko siya. Huli ko nang napagtanto ang ginawa kaya mabilis ko namang inalo ang kaibigan. Ngunit nang makitang hindi naman siya ganoon ka nasaktan ay mabilis akong umalis.

"Uhh..." I said with a sheepish smile. When I realized that I have nothing else to say, it was when I decided to run and hide.

Nakita kong sandali ring nalito sina Gabriello at Martell pero sa tingin ko ay napagtanto na nila ang nangyari. Alam kong alam na nila na hindi alam ng mga kaibigan na naging parte si Martell ng buhay ko.

Damn it! Why did I slap Caramel and why did I run?! Mas nagmukha akong katawa-tawa at defensive dahil sa ginawa ko. Ang mas malala pa ay nagmukha pa akong baliw!

Nahihirapan na nga akong harapin si Martell dahil sa mga pinaggagawa ko, paano pa kaya pagkatapos ng nangyari? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko?

Sandali pa akong namroblema tungkol doon ngunit natandaan kong sobra-sobrang kahihiyan na pala ang natamo ko ngunit nakaya ko pa rin siyang harapin. Wala na lang ito kaya hindi na dapat ako mamroblema.

Masakit at nakakahiya man isipin pero mukhang makapal talaga ang mukha ko.

"Don't worry, we can pretend like nothing happened," Caramel's voice made me look up. I was sitting behind an equipment with my face on my knees.

The two of them sat beside me and though we're not facing each other, I'm still sure that they're smiling like crazy and I also know what's going on in their minds.

"But hey, nice choice," Caramel added in a whisper, making my cheeks burn. Parang gusto ko na lang tumakbo ulit ngunit baka kung gawin ko iyon ay sina Gabriello at Martell pa ang makabungguan ko. "And the slap didn't hurt. Worth it iyong nalaman namin."

I shook my head and smiled lazily. I guess it's about time for them to know who my secret boyfriend slash lover slash heartbreaker was. Hindi ito ang gusto kong pagpapakilala sa kanila pero ano pa ang magagawa ko?

"Feel free to ask," I said. I know that they've been waiting for this time to come but their response was far from what I expected.

Vanilla smiled while shaking her head. "Just tell us whenever your ready."

"Mhmm..." pagsang-ayon ni Caramel. "Plus, we're still surprised that we met him and we're still trying to grasp what's happening."

Napailing na lang ako pero nakahinga rin ng maluwag. May parte sa akin na gustong magkuwento pero mas nangingibaw ang kagustuhan na patuloy na sarilihin ang mga 'to. At isa pa, alam ko namang dahil kilala na ng dalawa kung sino si Martell ay sila na ang bahala na kumilala sa kaniya.

"Is it okay if I look him up on Google?" Caramel asked. Hindi nga ako nagkakamali na ito ang gagawin nila. Kahit pa magkakilala na sina Vanilla at Martell ay sigurado akong 'yon din ang gagawin niya at naging interesado na siya kay Martell ngayon na mukhang tinutukso-tukso niya lang noon.

Sandali pa kaming nanatili roon bago umalis. Sa kaniya-kaniyang hotel kami dumiretso at anang dalawa na hindi ko na raw kailangang bumalik sa hospital dahil may shooting pa ako pagkabukas.

Milena, Martell and Gabriello were already at the studio when I arrived. Maaga akong pumunta sa studio dahil hindi ako nakatulog. Overthinking kept me awake last night so now I look stressed.

"Hey!" I greeted with forced enthusiasm. My eyes went to Gabriello who was casually sitting as if he's at a theater waiting for a play to start.

"Just stopping by," he said with a shrug.

"I doubt!" Ani Milena at pinanliitan ng mata si Gabriello na hindi siya pinapansin. "I'm pretty sure something happened to Martell and now Gabriello's here hoping to witness the aftermath of whatever it is that happened."

"No, I'm not!" Mabilis na pagtanggi ni Gabriello ngunit wala siyang nagawa nang pinaalis siya ni Milena. Anito na disturbo raw ito.

At dahil hinatid ni Milena si Gabriello, naiwan akong kasama si Martell na tahimik pa rin at may kinakalikot lang sa camera. Naupo na rin ako sa isang makeup chair at susubukan ko sanang matulog nang biglang tumunog ang tiyan ko.

Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Alam kong narinig iyon ni Martell dahil malakas iyon at sobrang tahimik pa ng studio.

Nakakain naman ako kanina pero tinapay at yogurt lang iyon. Ang plano ko sana ay dadamihan ko na lang ang tanghalian ngunit mukhang kailangan ko na talagang kumain ng meal.

Nasa gitna ako ng pagpipili nang o-order-in nang bumalik na si Milena na may dala-dalang mga paper bags. Binigay niya iyon kay Martell na agad din namang binuksan ang mga supot.

Inalis ko na ang tingin sa dalawa at ipinagpatuloy na ang pamimili. Magtsi-checkout na sana ako ng mga napili nang bigla kong narinig ang parang nagtatalong boses ng dalawa.

Napatingin ako sa banda nila at nakitang pasulyap-sulyap sila sa akin. Nginitian ako ni Milena na may Tupperware nang hawak bago binalingan si Martell at saka ito tinapik sa balikat bago lumabas, iniwan ulit kami ni Martell.

Nagkatinginan kami ni Martell at para mabawasan ang awkwardness ay nagngiting-aso ako bago ibinalik ang tingin sa cellphone.

Gusto kong batukan ang sarili dahil sa ginawa. Sa dinami-rami ng pwedeng gawin ay nagngiting-aso pa talaga ako! Ano na lang ang iisipin niya? Na nagpa-pa-cute ako?!

"That's from Margarita," Martell's low voice made me flinch, a paper bag then appearing in front of me.

I looked up to him and his serious eyes were looking down at me. He let go of the paper bag and placed both hands in his pocket. I want to say something but I don't know what. The fact that he's here in front of me looking as if he's waiting for something hindered me from thinking straight.

"I think Margarita's mad at me," I said out of nowhere. I mean... he didn't ask nor he probably doesn't care but then it dawned on me that Margarita wouldn't send something for me if she's mad at me.

Instead of answering, Martell only shrugged and walked back to his corner while I was left dumbfounded.

I opened the paper bag and saw a similar Tupperware Milena was holding a while ago when she went out. Parang dessert iyong sa kaniya kanina pero itong sa akin ay rice meals. May yogurts din sa loob at may kaunting cupcakes.

Napangiti ako nang makita ang mga pagkain. Iyong yogurts ay katulad ng mga binigay ni Martell sa akin noon na galing din daw kay Margarita. Iyong mga cupcakes naman ay ang mga eksaktong unang in-order ko sa bakery ni Marga noon na si Martell pa ang nakipag-meet up sa akin.

Kagat-labi kong pinigilan ang mga ngiti at umiling-iling. Hindi pala ako nag-iisa ngayon at baka masaksihan pa ni Martell na nagfi-feeling teenager na kinikilig ako rito dahil sa binigay niya.

I mean... technically, these aren't from him but then he's the one who handed these to me plus the foods here reminds me of something during our time together.

Damn it! Mariin akong napapikit dahil sa napagtanto. Someone has to stop my brain from associating everything to Martell!

Damn it, Galaxy! Kaya ka hindi nakaka-move on eh!

The following day, a similar thing happened. Martell gave out food packs but this time, he gave everyone in the studio. Rinig kong sabi niya sa isang staff nang napadaan ako sa may banda niya na galing daw ang mga pagkain sa restaurant at bakery ng mga kapatid niya. Siyempre, walang umangal! Ang sarap kaya ng mga pagkain at napakamahal pa.

"Hindi naman siguro maghihirap ang mga kapatid niya, ano?" Ani Marigold habang kumakain kami.

"Baliw! Nakalimutan mo yatang rich kid ang mga iyon!" Sagot naman ni Magnolia at binatukan pa ang isa. "At isa pa, rinig ko kina boss na binabayaran naman daw ito ni lodibells Martell."

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Akala ko ay sponsor sina Margarita at Martini kaya sila padala nang padala ng mga pagkain. 'Yon ang sinabi ni Milena sa akin nang tinanong ko siya pero kabaliktaran naman ang pinag-uusapan ng kambal.

"Anyways, enjoy-in na lang natin 'to dahil second to the last na 'to," dagdag ni Magnolia at patuloy na kumain. Aniya raw na susulitin niya na ang libreng pagkain dahil last day na ng photoshoot namin bukas. Ibig sabihin, last day na rin ng libreng pagkain.

The following day, I woke up really early since I want to be the first one to arrive at the studio. I don't know why but it's like there's this silent competition between Martell and I in getting to the studio first. Nitong mga nakaraang araw ay maaga akong pumupunta roon pero ni isang beses ay hindi ko siya naunahan sa pagdating doon.

Hindi ko alam kung nasisiyahan ba ako sa "kompetisyong" ito dahil hindi ako nale-late at feeling ko, ang productive ko, o dahil ba ito sa kaalamang ako palagi ang pinakaunang nakakatikim ng mga pagkain na dinadala ni Martell dahil sa kaagahan ko.

The only downside here is that I feel like I'm being more and more shameless and my face is getting thicker as each day passes by.

Though hindi kami nag-lo-long talks, may mga pagkakataon pa rin naman na makakapag-usap kami tuwing inaalokan niya ako ng mga dala niyang pagkain at tuwing magpapasalamat ako.

"Hey," he called in his usual low and unenthusiastic voice.

For the first time, I came to the studio before he arrived. Siyempre, alas cinco pa lang ng umaga ay nandito na ako. Pasimple akong tumingin sa orasan at nakitang labinlimang minuto lang ang nilamang ko sa kaniya.

Napailing na lang ako sa naisip. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit palagi siyang maaga rito. Pero... hindi ko na dapat pagproblemahan iyon dahil ang sariling dahilan nga kung ba't din ako maagang pumupunta rito ay hindi ko rin alam.

Bumaling ako sa kaniya at umakto pang nagulat nang nilahad niya ang isang paper bag. Araw-araw niya itong ginagawa at araw-araw din akong nagpapanggap na nagugulat.

Siyempre, ayaw ko namang isipin niya na hinihintay ko talaga ang mga dala niya kahit iyon naman talaga ang ginagawa ko dahil... wala lang... ang simpleng "hey, here are some foods from Margarita" niya ay highlight na ng buong araw ko. Ito ang ni-lo-look forward ko palagi.

Nahihibang na rin siguro ako pero... wala eh... alam kong ito ang gusto kong gawin.

"Here are some foods from Margarita." As always, walang bago sa script niya na na-memorize ko na iyon.

He gave me a look as if he found me weird and amusing. It seems to me that he's biting the insides of his cheeks as if he's preventing himself from smiling but I might be imagining things.

"Did you just..." he said, then trailing off. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa at mukhang pinapagalitan na ang sarili dahil hindi niya nasunod ang kaniyang script.

Ako naman, napaisip-isip kung ano ang tinutukoy niya. Huli ko nang napagtanto na sinabayan ko siya sa "here are some foods from Margarita". Bigla naman akong nahiya dahil sa ginawa.

"I wasn't mocking you or anything," I explained, raising both hands. "I really wasn't... I just, uh, guessed that you're gonna say that—"

I paused midway when I saw him smile. It was as if he finds me explaining funny and amusing. And yes, I got distracted with his smile that I clearly missed seeing.

He noticed that I stopped speaking, which I think made him think why I paused, which eventually made him realize that he's already smiling.

Agad niyang binawi ang tingin at tinanguan na lang ako. Ako naman, gustong ipagpatuloy ang sinasabi ngunit una, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin at pangalawa, tinalikuran niya na ako.

Napapikit na lang ako dahil sa nangyari, pinipigilan na batukan ang sarili. Mukhang igugugol namin ang susunod na tatlong oras sa nakakabinging katahimikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top