2

Naging maganda ang takbo ng gabi lalo na't kumanta si Martell. And yes, first name basis na kaming dalawa dahil feelingera ako at sigurado akong magiging close din kami.

Nanatili si Liv kasama kay Mabel habang kami ni Sasha ay naunang nauwi. Katulad ko, kahit palagimik kaming dalawa, ayaw din ni Sasha na magpagabi ng uwi.

Araw-araw kaming kumakain sa labas nina Sasha at Olivia pagkatapos ng klase. Minsan, kasama rin namin si Mabel na nagpapasundo pa sa MIT. Siyempre, gustong-gusto ko naman dahil baka makita ko rin si Martell.

Doon ko palaging inaaya ang mga kaibigan sa rooftop restau kung saan ko unang narinig si Martell na kumanta ngunit ni isang beses, hindi ko siya ulit nakita roon.

"You're stalking him again?" Ani Sasha at sumulyap sa phone ko na agad ko namang tinago.

"Luv, don't be such a chismosa."

Ngumisi siya sa akin bago nilapit ang mukha sa akin at bumulong, "Sus, kunyare ka pa. Ang obvious mo kaya."

Sinamaan ko siya ng tingin at sakto rin ang pagdating ni Liv kaya nagsimula na kaming kumain. May kaniya-kaniya pang lakad ang dalawa kaya nauna na akong umuwi.

Pagkatapos mag-ayos, ginugol ko ang oras sa social media. Inedit ko rin ang video na ipo-post ko bukas at nang matapos, nag-social media ulit ako.

@gazelLUVaxyne:

so excited for your next vid 🧚🏻‍♀️🍯✨ enjoy States for us!

Napangiti ako sa nabasa. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero basta na lang nagsulputan ang mga fan accounts na para raw sa akin. Isa si user "gazelLUVaxyne" sa mga pinakauna at kahit hindi ko kilala ang taong sa likod ng account na 'yon, magaan ang loob ko sa kaniya.

Pagkatapos magkalat sa Twitter, sa Instagram naman ako tumambay at ini-stalk si Martell. Sa pagkakaalam ko, hindi siya modelo o social media influencer pero sobrang dami ng followers niya!

Madalang lang siya mag-post at black and white lahat ng iyon pati mga videos niya. Most of his posts are I think things he loves like his instruments. May mga song covers din siyang pinopost pero isang post lang yata ang naroon siya. Tapos silhouette pa!

Patuloy akong nag-browse sa kaniyang profile at nang hindi nakuntento, sa Youtube at Google naman ako dumiretso.

And in just a span of an hour, I feel like I know Martell and his family already. Bigatin pala ang mala-anghel na 'yon at kung ano-anong mga restaurants at hotels ang pagmamay-ari!

Medyo pribado nga lang ang angkan nila kaya ang mga nalaman ko ay tungkol lamang sa kanilang mga negosyo at kung gaano sila kayaman. Nalaman ko rin na may lahing Pilipino sila kaya lalo pa akong naganahan!

Ang gusto ko sanang malaman ay tungkol sa mga hilig niya at mga ganon-ganon! Pero 'di bale na, malalaman ko rin ang mga iyon kapag naging close na kami!

"Lady M's?" I read the tagged bakery on his latest Instagram story. Narinig ko na rin ito noon kay London na gusto niya raw kumain sa bakeshop na'to ngunit hindi ako mahilig sa mga sweets.

Pero ngayong nakita ko si Martell na kumakain doon, gusto ko na ring bumili ng kahit anong pagkain doon.

I scrolled through their online menu and added several cupcakes to my cart. They also sell yogurts so I bought a dozen of it.

Hindi nagtagal, nag-reply din ang bakery at sinabing bukas daw ang meetup namin. May binigay din siyang number at doon daw ako magme-message bukas at hindi sa Instagram.

Hindi ko alam pero parang nae-excite ako. I'm not a fan of sweets but the thought that the one I bought is from a store where he also ate made ma feel like the both of us now have a "connection". I feel silly but... oh well...

Ako:

Hello! I'm here already. I'm wearing red btw and my hair is braided in two.

Hindi nagtagal, nag-reply din naman ang magde-deliver.

Bakery:

I'm behind you.

Just like always, I readied a smile before facing the delivery person. But when I saw whom it was, the surrounding seemed to fade away and everything was suddenly dramatic and in slow motion.

"That's fifty dollars," aniya kaya naputol ang imaginasyon ko.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mala-anghel na lalaki na 'to na sobrang seryoso at daig pa yata ang taong may pinakamaraming problema kung maka-ismid?

His eyes stayed on me for a while before handing me the paper bag. I took it and paid him my due, eyes still not leaving him.

We both muttered a thank you then he nodded and left. Ako naman, nanatiling naestatwa sa kinatatayuan, hindi makapaniwalang nagkita kaming dalawa.

Kaya pala palagi kong nakikita sa mga posts niya ang Lady M's na bakery dahil sa kaniya iyon!

Dahil sa napagtanto, nag-isip-isip na ako ng mga paraan para magkita kami ulit. At iyon ay ang pagbili ulit sa kaniya!

Mukhang magkaka-sweet tooth ako nito ah!

Nang dumating ako sa apartment, malaki ang mga ngiti kong binuksan ang paper bag. Nilapag ko ang mga pinamili sa mesa at inayos-ayos iyon para maging aesthetic tignan at saka kinuhanan ng litrato at pinost sa Instagram.

Usually, binabayaran ako para mag-promote ng kung ano-ano. But since kay Martell naman ito, free promotion na lang!

Hindi pa nag-iisang minuto at marami na ang nagsi-reply sa story ko. Pinakauna sa lahat ay si London.

@lorelle_andionna:

anong nangyari sa "mUkhaNg m4saRap kAso hiNdi aKo mAHiliG sA swEetS" ??? 👁👄👁 #iFeelBetrayed

Natawa ako sa kaniyang reply at natandaan na ganoon nga ang sinabi ko noong inaya niya akong kumain sa Lady M's. 

Eh kasalanan ko bang na-influence ako ng mala-anghel na 'yon?

Nag-reply ako sa kaibigan at nagpalusot. Saka ko na lang siya kukuwentuhan tungkol kay Martell kasi alam kong isa-stalk niya ito at baka i-tag pa ako sa mga posts.

Paligid-ligid lang ako buong umaga at nang sinipag, nag-exercise ako. Kahit nag-lie low na ako sa gymnastics at modeling, nagwo-workout pa rin ako dahil ito ang nakasanayan ko at parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakapag-pawis.

The following day, I went to church. And surprisingly, Martell was there too! What's even more surprising is that I found out that Margarita, the girl who claimed to be a "fan" of mine's, and Martell are siblings!

Buong pamilya nila ang nagsimba at sigurado ako tungkol dito sapagkat sa kaka-stalk ko kay Martell, pati mga pinsan at tiyahin niya, kilala ko na rin ang itsura.

"By the way, do you still train?" Margarita asked, pertaining to gymnastics. "Cuz there's like this gym which I go to, then it's also where I do my trainings."

"Omg, really?" I answered with enthusiasm. "I'm actually looking for a gym. Maybe we could train together."

Lumaki ang ngiti ni Margarita at saka binigay ang mga detalye ng gym. Wala raw siyang schedule kung kailan siya pumupunta roon kaya magme-message lang daw siya sa akin. Ako naman, dahil sa nakasanayan, baka araw-araw akong pupunta roon.

Pagkatapos naming mag-usap ni Marga, bumalik na siya sa pamilya niya. They were looking at me so I gave them a small smile. Martell was beside their mother who had a blank look on his face but he was still angel-like in my eyes.

I swept one last glance at their direction before heading out. I went straight home, excited to register as a member of this gym Marga introduced me to. But when I visited its website, I honestly couldn't believe what I saw.

This one is not just a gym! It's more like fitness center or a health club. 

I browsed through the online gallery and explored all the amenities they offer; they have what usual gyms have but with more advance equipments; saunas; steam rooms; warm up and cooling rooms; snack bars; golf club; running tracks; area for group sports; indoor and outdoor pools; spa; and massage and tanning services.

Hindi ko inakala na ganito kalaki at karangya ang "gym" na tinutukoy ni Marga. Kaya pala may binigay siyang parang invitation sa akin kasi exclusive ang membership. In short, this "gym" operates by invitation only.

Pagkatapos asikasuhin ang mga kakailanganin para sa membership ko, nakatanggap din ako ng confirmation email. Hindi ko alam pero may kutob ako na malakas ang kapit ni Marga at parang may kung ano sa binigay niyang invitation na mas nagpadali ng proseso dahil sa pagkakaalam ko, hindi ganito kabilis at kadali maging miyembro ng mga clubs lalo na kung pribado at ekslusibo.

Ngunit dahil hindi naman dapat gawing palaisipan iyon, naghanap na lang ako ng maisusuot para sa panibagong linggo. I usually have a hard time deciding on what to wear so to avoid further internal arguments when I'm running late for school, what I do is that I plan my outfits in advance during the weekend.

The following morning, I excitedly got up. Though we had draining lessons, my enthusiasm in going to the "gym" didn't falter.

Pagkatapos ng klase, naligo at nagbihis muna ako sa apartment bago dumiretso sa gym. I usually follow a workout schedule and Monday is my "leg day". May trainer na tumutulong sa akin, si Chloe, and so far, so good. Hindi ko nga lang maramdaman ang mga paa ko.

"That's it for today, Gazella," anang trainer at tinapik ako sa balikat. "Tomorrow, we'll do some chest workouts. But for now, treat yourself at the snack bar."

Bago pumunta sa snack bar, nag-shower muna ako at nagbihis. Suwerte siguro ako ngayon at sa dinami-rami ng pwedeng makatabi ko sa pila, si Martell pa talaga!

Magkaharap ang mesa namin kaya malaya ko siyang tinitigan. Naka-workout clothes din ito pero katulad ko, mukhang nag-shower din siya bago kumain. His usual coiffed hair were untidy and strands were messily cascading on his forehead. His tall and athletic build plus his serious face was actually intimidating.

Now that I'm having a good look of him, I'm not really sure on how I was able to say that he has an angel-like face. But then... maybe it's because even though he's serious and unsmiling, he has a calm demeanor plus his innocent set of eyes. And unlike me, his eyebrows weren't arched, which I think is what made him give off this oh-so-kind and soft aura.

Tinigil ko lang ang pagtitig sa kaniya nang tumitig siya pabalik at nginitian ko siya ngunit umakto itong hindi ako nakita. May dalawang libro siyang kinuha mula sa duffel bag at kung tama ang pagkakabasa ko, tungkol iyon sa computer science at programming.

Grabe talaga 'tong mga mata ko, bigla-bigla na lang lumilinaw!

Ipagpatuloy ko na sana ang pagkain nang nakatanggap ako ng dalawang mesahe. Ang isa, galing kay London. Ang isa naman, number na binigay sa akin noong umorder ako sa Lady M's. Ito rin ang number na ginamit ko para ma-contact ang magde-deliver ng inorder ko which means... si Martell ito!

London:

Kmsta na kau dyan? i2 na bgo ko roaming #. d2 na kau mgtxt. My padala ako pckage dyan my cp at ibng gmt sa bhay. Ingat kau plgi.

Bakery:

Stop staring.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis o mahihiya para sa sarili. Tinigil ko na ang pagsusulyap-sulyap kay Martell at baka ma-distract ko pa siya at nagtipa na lang ng reply kay London.

Ako:

Ma, nktxt lng ko nand2 ako sa hospital disgrasya kmi nwala cp ko ma loadn mo itng smart #09350923871 ko ng 300 my emergency kmi ttwagan m4tante.pls hintay ko ma

Napangisi ako nang mabasa ang reply. Akala niya siguro magpapatalo ako sa ganito. Baka nakalimutan niyang kaming dalawa ang tagasulat ng mga chain mails at kung ano-anong mga kalokohan na messages noon para inisin sina Vanilla, Caramel, at Sugar.

Pinatuloy ko na ang pagkain at tumigil lang ulit nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Martell bago niyang nalilitong tinitigan ang cellphone at pabalik ulit sa akin.

Napatingin din ako sa cellphone at ngayon lang napagtanto na sa kaniya ko pala na send ang message at hindi kay London! Dahil sa kahihiyan, umakto ako na walang nangyari at binilisan ang pagkain bago kumaripas ng takbo papalayo roon.

Nang makalabas na ng establisyemento, tinampal-tampal ko ang mukha. Sa susunod, sisiguraduhin ko na talaga na hindi ako maro-wrong send. Pero sa ngayon... 'di bale na... hindi naman niya ako kilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top