12
Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama at hinihintay ang reply ni London. I asked for a copy of her list on how to avoid heartbreaks since I couldn't find mine. Hindi ko alam pero parehong nae-excite at kinakabahan ako para sa sarili dahil sa naamin.
"Finally! Naamin niya na rin," ani Mabel at kinuha ang baso at itinaas iyon. "Cheers to Gazella and her blooming love life."
They all took their glasses and waited for me to do the same. Even though I'm not really sure if this is necessary, I still took my glass and we all clinked them together as if we're celebrating something.
"Don't worry, gagawa ako ng paraan para lumayo na ang peste niyang ex," Marga assured. Ngayon lang siya sumali sa usapan at ngayong sinabi niya ito, napagtanto ko na baka may kung ano na siyang pinaplano. "Akong bahala sa'yo. Team Gazell is sailing!"
Because of that, we once again clinked our glasses. Nakikisakay lang ako sa trip nila kahit ang isipan ko ay kung saan-saan na pumupunta.
Hindi ko alam kung paano ba dapat akong umasta kung magkasama kami. Kahit pa iyong normal kong kilos ang gagawin ko, may parte na sa akin na maiilang at mag-iisip na baka nilalandi ko siya o ano. Alam ko rin na iyong mga kilos niya na wala namang ibang kahulugan ay bibigyan ko na ng malisya.
I was brought back from my reverie when my phone vibrated. I've been spending the time waiting for London's reply by replaying our dinner conversations earlier.
I read what she sent and saw that I wasn't able to follow one of the rules which also happens to be the most important one. Ngunit ngayong hindi ko na mababawi ang nasabi na gusto ko nga siya, susubukan ko na lang sundin ang iba pang nandito sa list at baka sakaling maiwasan ko pa ang heartbreak na iyan.
Buti naman at hindi naman kami masyadong nagkikita nitong mga nakaraang araw ni Martell. Kung magpapatuloy ito, baka mawala pa itong nararamdaman ko para sa kaniya.
Buti nga ba? Hindi mo ba na-miss? Anang isang bahagi ng isipan ko.
Agad akong umiling at kinumbinsi ang sarili na hindi ko siya na-miss. Just because I like him doesn't mean I miss him! Kahit pa limang araw na ang nakalipas noong huli naming pagkikita, hindi ibig sabihin nun, miss ko na siya agad.
Huwag kang OA, Galaxy!
Nahiga na lang ako sa kama habang kinakabisado ang mga rules sa list ni London at pinag-iisipan ang dapat kong gawin at ikilos kung sakaling magkikita kami. Ito ang ginawa ko hanggang sa nakatulog ako.
The following day wasn't eventful. I spent the whole Saturday studying and doing my school works. I also filmed and edited a video for my YouTube channel and when I finished all my tasks, I continued knitting Martell's sweater.
It was hard to do so without thinking about him. I can't believe that I'm actually curious whether he has eaten or not!
My gosh! Alam ko namang may pagka-chismosa ako minsan pero hindi ko alam na pati kung nakakain na siya ay gusto ko ring malaman!
I figured it's impossible for me to stop thinking about him so I crossed another rule from London's list that I wrote on my notes this morning. Maybe for now, I can't get him off my mind. But I'm pretty sure that once I stop knitting his sweater, I'd also stop thinking about him.
Because of that thought, I decided to continue knitting some other time. I wanted to prove to myself that he'd actually leave my mind once I stop doing anything that has something to do with him.
I went to the fridge and took some yogurts. Another thing that I have to do is to divert my attention because in that way, if I'm busy with something else, I wouldn't have the time to even think about him and create some imaginary scenarios in my head which I've been actually doing in the past hours.
Dahil sa mga pinag-iisip ko, napagtanto ko na sobrang makulay pala ng imahinasyon ko. Nalaman ko rin na kaya ko palang mag-concentrate sa isang topikong iniisip sa mahabang oras. At iyon ay kung ang iniisip ko ay si Martell.
Napailing na lang ulit ako sa sarili at pumunta sa kwarto. I took my headphones and listened to my favorite song, "A Dream is a Wish Your Heart Makes" from Cinderella. It has soothing tunes and uplifting lyrics which never fails to calm my nerves.
I hummed with the song, then remembering the time I met Fairy at the hospital. She made me sing this one and fell asleep. I could still remember how tight she held my neck because she didn't want to go. I also thought that time that Fairy was Martell's daughter.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa naisip ngunit agad din itong napawi nang mapagtanto na iniisip ko na naman siya.
Dahil mukhang hindi talaga mawawala sa isipin ko ang mala-anghel na iyon, matutulog na lang ako. Sana naman pahingahin niya muna ang isipan ko dahil gusto kong makatulog ng mahimbing at ayaw ko munang mag-isip.
Maaga akong nagising pagkabukas. Hindi talaga tinantanan ni Martell ang isipan ko at napanaginipan ko pa siya!
Hindi ko alam kung normal pa ba itong nangyayari sa akin. Baka kasi kailangan ko nang magpa-check.
I shrugged those thoughts off and convinced myself that this is just a post-confession disorder. I proceeded in doing my usual Sunday yoga session and as expected, my mind wandered off. It was first about the gym, then my yoga classes, which then took a turn that lead to Martell.
Napasapo ako ng mukha at napailing-iling na lang. Mukhang naadik na talaga ang isipan ko sa kaniya.
I decided to call London instead. Maybe I need to let this all out.
"I thought you figured it out?" She said in a mocking tone. "Anong nangyari sa 'hindi ko talaga siya gusto' mo?"
"Eh..." hindi ko na alam kung anong isasagot kaya iyon na lang. Mas mabuti rin na siya muna ang pasalitain ko dahil sigurado akong ibabalik niya lang sa akin ang mga salita ko.
"I knew that this day would come and I'm proud to assure you that I've been preparing for this for years," aniya sa seryosong boses. "Upon my extensive research and thorough examination of symptoms, you have a serious case of—"
Tumigil ito sa pagsasalita at umobo-ubo. Alam kong hindi naman talaga siya inuubo at gusto lang talagang tumigil para may dramatic effect kuno. Alam ko ang mga gawi at tactics niya at sigurado akong isa ito.
"What case? London sumagot ka! Hindi ako nakikipagbiruan." Patuloy siyang umuubo at pinapatagal ang suspense. May parte sa akin na kinakabahan dahil baka kung anong sakit na ang mayroon ako.
"—You have a serious case of lovesickness!" Aniya at saka humalakhak.
Pasalamat lang talaga ang baliw na ito at hindi kami magkasama dahil kung hindi, malamang binatukan ko na siya.
"Baliw ka! Akala ko may kung ano na..."
"Mas baliw ka! Paano naman naging sakit ang pagkaroon mo ng pagkagusto sa kaniya? Normal lang naman na palagi siyang nasa isipan mo kasi gusto mo nga diba? Siyempre mag-iimagine ka ng kung ano-anong scenarios na magpapakilig sa'yo!"
"Paano mo nalaman? Ginagawa mo rin?"
"Baliw! Ilan lang 'yan sa mga sintomas ng pagka-lovesick. GMG!" Even though we're not together, I'm pretty sure that she's rolling her eyes right now.
"Anong GMG? Saan mo—"
"Google mo, girl!"
Natawa na lang ako sa kaniyang sagot at patuloy siyang kinuwentuhan hanggang sa sumakit na ang panga ko sa kasasalita at katatawa. Kailangan ko na ring magpaalam dahil dadalo pa ako ng misa at saka pupunta sa grocery.
Pagkatapos mag-ayos, dumiretso na ako sa simbahan. Nagsindi rin ako ng kandila dahil iyon ang nakasanayan ko tuwing nagsisimba. Kung ang iba, tig-iisang kandila lang, ako naman, lahat ng kulay binili ko.
Iba nga lang ang araw na'to at dinamihan ko talaga ang kulay pula at pink. I wasn't sure which one is for love and romance so I bought more of the two instead. Buti nang sigurado para more chances of winning.
I drove to the nearby mall and went straight to the groceries. I'm not in the mood for shopping which is odd. There's this "energy" that I feel like is propelling me to the grocery.
I shrugged those thoughts off cuz I might be overanalyzing things again. I first went to the meat section, then to the fruits and vegetables section. I only took a few chips and not-so-healthy snacks since I'm on a strict diet. And then, last but not the least, I proceeded to the dairy section.
Kahit nasa malayo, kitang-kita ko na agad ang mga yogurts na bibilhin. Kaunti na lang ang mga iyon kaya patakbo kong tinulak ang cart papunta doon.
Ngunit kung sinusuwerte ka nga naman, may taong sumulpot galing sa kung saan at kinuha ang mga yogurts na dapat kong bilhin. Lalapit na sana ako at baka may makuha pa ako pero bago ko pa iyon magawa, nakilala ko ang taong iyon kahit nakatalikod.
Matangkad, matipuno ang katawan, gwapo kahit nakatalikod, at may matinding epekto sa akin at nagpapahumerantado ng kalooban ko.
Isang tao lang ang kilala ko na ganoon ang epekto sa akin. Kaya bago pa niya ako makita, kumaripas na ako ng takbo, huli nang napagtanto na naiwan ko pala ang cart ko.
Wala naman akong importanteng gamit doon kaya hindi ko na binalikan. Habang pauwi, hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ako tumakbo eh pwede lang naman akong umalis doon at bumalik lang kapag wala na siya.
One of the rules in London's list states that I should I avoid that person while another says be casual. Nasunod ko nga ang isa, sinuway ko naman ang isa.
Dahil nalilito, ang una kong ginawa pagkadating ng apartment ay ang tawagan siya.
"Sinunod ko lang naman ang isa—"
"Avoid that person but be casual! Dapat hindi halata," singhal niya sa kabilang linya. May kung ano sa tono ng pananalita niya na nagsasabi sa akin na parang ang bobo ko. "Paano naging casual ang pagtakbo paalis tapos iniwan mo pa ang cart mo? Nasunod mo nga ang isang rule pero sinuway mo naman ang dalawa."
Habang nakikinig sa kaniya, kinuha ko naman ang notes kung saan ko nilista ang rules. Tama nga siya at nasuway ko ang dalawa; iyong "keep calm" at "be casual".
"Naku, kung ako sa'yo, huwag mo na lang sundin ang list. Mukhang stressed ka na sa sarili mo eh," aniya na ikinagulat ko naman. Hindi ko inasahan na magsa-suggest siya ng ganoon.
"Kung ikaw kaya? Hindi mo rin susundin?"
"Hey!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya. "Ibang usapan na 'yan! I'm London and I don't do boyfriends."
Napangisi ako sa narinig. I can't wait for the time when this scaredy-cat of a best friend of mine would rebel against her own rules for someone.
"Hinding-hindi ko susuwayin ang rules para kanino, noh! Mas malaki ang pagkakataon na hindi niyo susundin ang rules kaysa sa akin," aniya pa, mukhang gusto talaga akong kumbensihin. "Ako kaya ang gumawa nun!"
Napailing na lang ako sa kaibigan at patuloy kaming nag-usap hanggang sa may nag-doorbell. Wala naman akong inaasahang bisita pero baka sina Sasha at Olivia ito.
"Hey."
Nabitawan ko ang cellphone nang makita ang taong nakatayo sa labas ng unit ko. I didn't want to say some bunch of nonsense and I'm sure that I'll just stutter so I just gaped at him, surprise with his unexpected visit.
"Are you okay, Axyne?"
Tumango ako sa kaniyang tanong at agad na napunta ang tingin ko sa mga dala niyang tote bags.
"Aren't these your groceries? I bought them for you cuz I thought you had some emergency—"
"You saw me?" Gulat kong tanong. Tumango siya at saka nilagay ang mga iyon sa gilid ng pintuan.
Kaya nga ako kumaripas ng takbo para hindi niya ako makita tapos nandito siya ngayon para ibigay sa akin ang mga groceries na iniwan ko?! Parang nawalan ng silbi ang pag-alis ko kanina. Todo effort pa naman ako sa pagtakbo!
"Uh... how much do I owe you?" I asked, breaking the silence.
Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya. Mukha siyang pagod pero kahit ganoon, mapayapa pa rin ang itsura. Umiling siya sa tanong ko at patuloy akong tinitigan at sumandal sa hamba ng pintuan.
"How are you?"
"I'm good..." napakagat ako ng labi at binaling ang tingin sa gilid.
Ito ang unang beses na nagkita kami pagkatapos kong naamin na gusto ko nga siya. Hindi ko alam kung paano kumilos dahil isang mali lang, tiyak na malalaman niya ang tinatago ko.
"I... uh... am actually in the middle of something so..." I said, then facing him. I'm not sure if I'm just assuming or what but something changed in his expression.
He nodded and smiled, "Okay... good luck on that something then."
His smile made my chest flutter. He took a step towards me but out of instinct, I took a step backward as well.
Panic and embarrassment crossed his face before muttering a curse to himself. "I'm sorry, I didn't mean to. I'll get going now."
Dali-dali siyang umalis habang ako naman ay naiwang sapo-sapo ang mukha. Sigurado akong iniisip niyang may ginawa siyang mali kaya napaatras ako.
I only did it because I knew that he's gonna mess with my hair and it would cause some unexplainable sensations that I still don't know how to handle.
OA akong tao kaya kahit simpleng paggulo niya lang ng buhok ko ay may matinding epekto sa akin.
Sorry, Martell, pero ayaw ko pang magka-heart attack dahil sa mga kilos mo.
Napasinghal na lang ako bago dinala ang mga groceries sa loob. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya. I messaged him on Instagram and thanked him.
Alam ko ring magre-reply siya at baka magtanong pa sa dahilan ng mga kilos ko. I still don't know on how I would respond to such so I deactivated my account instead.
'Di bale na, at least makaka-social media detox muna ako.
The following days progressed by quickly but there was something weird in it. Something seems to be missing but I can't pinpoint it yet.
I was also starting to get crazy about London's list and I'm now contemplating if it's worth ditching or not. Baka kasi tama ang advice niya na huwag ko na lang sundin ang rules lalo na't kahit ano pa ang gagawin ko, mukhang hindi talaga mawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"Alam mo ba, kahit anong sunod mo sa ibang rules, lalo na kung nalabag mo na ang first rule, kung hindi pa rin gumagana sa'yo, ibig sabihin, seryoso na 'yan. Kahit anong sunod mo pa, hindi talaga tatalab ang list at mababaliw ka lang," sabi niya noong isang araw.
I then told her that I don't want to get my heart broken. It seems so immature of me but I'm only up for the fun part. But what she said next struck me deeply. It's been on my mind for days and it makes more sense the more I think about it.
She said that in all matters that has something to do with the heart, there is always a possibility of getting a heartbreak. We just have to find that person who's worth getting our hearts broken for.
"It's Mabel's birthday," ani Olivia. Hindi niya na kailangang dugtungan dahil alam na namin na may pupuntahan na naman kami.
Pagkatapos ng klase, sabay kami nina Sasha at Olivia na umuwi sa apartment at saka nagbihis. Doon daw gaganapin sa bahay ng mga magulang ni Mabel ang surprise party.
I wore a black tube dress with feathers on the top hem and paired it with my stilettos and purse of the same color. I then curled my hair and put some light makeup on.
We used Sasha's car and just like me, they, too, were on full glam mode. The three of us were wearing black party dresses as instructed by the birthday girl.
There were already lots of guests when we arrived but the first thing we did after giving our gifts to Mabel is to eat. After our meal, we had some drinks. Dumating din si Marga kaya lalong umingay ang table namin.
"Girl, you have a text," ani Olivia na nagsisimula nang mag-ingay dahil nakarami na ng inom.
Binuksan ko ang phone at nakita na ang bakery iyon ni Marga.
Bakery:
Are we okay?
"Margaaa!" Tawag ko sa kaibigang nasa dance floor. "Why is your bakery texting me?"
Nalilito niya akong tinignan bago humalakhak. Patuloy siyang sumayaw at hindi ako sinagot.
Ako naman, binasa ang mga past convo namin ng number na ito, huli nang napagtanto na si Martell pala ito!
Hindi ko napalitan ang pangalan niya sa contacts ko. "Bakery" ang nakalagay dahil siya ang nag-deliver ng inorder ko sa bakery ni Marga.
That time, hindi ko pa siya kilala pero ngayon, heto ako, gustong-gusto na ang lalaking iyon!
Napansin kong may nakatitig sa akin mula sa kung saan. Nilibot ko ang tingin hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa grupo ng kalalakihan na nasa isang sulok.
Martell who looked so worried yet serious at the same time was there. He was with his cousins and some familiar faces but my vision started to get blurry.
Bumalik ako sa table namin at nakitang tulog na si Olivia at si Sasha naman ay tinatawagan yata ang kapatid at nagra-rant. Napailing naman kami ni Mabel bago niya tinulungan si Olivia at dinala ito sa kaniyang kwarto. Si Sasha, naman nag-aya ng umuwi.
Bago pa ako makapagsagot, bumalik na rin si Marga at inaya pa akong sumayaw. Sumama ako sa kaniya at pinauna na lang si Sasha na nagpasundo.
Kami naman ni Marga, patuloy lang na kumain at uminom. Magkasama na lang daw kami uuwi mamaya dahil nakakahiya naman kung dito kami makikitulog sa bahay ni Mabel. Napansin niya yatang gusto kong magpakalasing kaya tumigil muna siya sa kakainom at kinausap ako.
"Kung ano man ang problemang iyan na gusto mong takasan, gusto ko lang ipaalala na hindi makakatulong ang pag-inom," aniya at seryoso akong tinitigan.
"I appreciate your concern, Margie babe. Too late though and I drank a lot already." I shrugged nonchalantly and chugged another bottle. "The alcohol will start to kick in— hey!"
Nag-agawan kaming dalawa dahil kinuha niya ang kase-serve naming inumin. Tumakbo siya papalayo ngunit hindi ko siya mahabol dahil bigla akong nahilo.
Bumalik din naman si Marga na may dalang tubig. Tatlong bote ng mineral water ang pinaubos niya sa akin at wala naman akong magawa kundi sumunod. Biglang bumuti ang pakiramdam ko pero nahihilo pa rin.
"Margie babe, I'm sleepyyyy..."
I heard her sigh before helping me get up. Narinig ko pa siyang nagreklamo pero hindi ko na iyon pinansin at niyakap na lang siya. I buried my face on her neck, then getting confused on why her scent suddenly changed.
If I'm not mistaken, she likes floral perfumes. But why am I suddenly smelling a woody and oriental scent?
"Hmm... ang bango mo," I complimented while sniffing the scent on her neck. "Magkasing-taas lang naman tayo ngunit ba't parang naging higante ka bigla?"
"I think you should open your eyes," anang seryosong boses na malayong-malayo kay Marga.
Iminulat ko ang mga mata at tumambad sa akin ang itsura ni Martell. Nakapalibot ang mga braso ko sa leeg niya at mukhang tinutulungan niya akong maglakad.
Pero... si Marga ang kasam ko kanina, ah!
Napahalakhak na lang ako at napailing. Grabe talaga siguro ang pagkagusto ko kay Martell at nagha-hallucinate na ako tungkol sa kaniya.
May binulong siya sa akin ngunit hindi ko iyon naintindihan. I felt myself being lifted before my back touched something soft. I looked to the side and saw that I was in a bed. A really soft bed!
I took a pillow beside me and hugged it. The pillow smelled so aromatic and familiar that I couldn't help but inhale it even more.
"Kuya, dito na rin ako matutulog," rinig kong sabi ng isang boses.
"That's why she's here and not in your room cuz you're just gonna kick her," sagot ng isa na kaboses ni Martell.
"Fine, you have point. Pero sa labas ka matutulog, ha?" Sabi ulit ng isa. Sigurado akong si Marga ito. "Huwag mo rin siyang galawin dahil itatakwil talaga kita. Naku kuya—"
"Do I look like a manyak to you?"
Marga mocked the other voice before saying that she's gonna sleep now. I'm not really sure if such conversation really happened cuz I might just be in a dream.
Naramdaman kong may naglagay ng kumot sa katawan ko bago inayos ang pagkakahiga ko. Binuksan ko ang mga mata at si Martell na naman ulit ang nakita.
"Grabe ka talaga. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nakikita ko," sabi ko na nagpatigil naman sa kaniya na paalis na sana.
Alam kong isang panaginip lang ito kaya bigla akong nagka-confidence na magsalita.
Tumayo ako mula sa higaan at lumapit sa kaniya bago ipinalibot ang braso sa kaniyang leeg. I rested my head on his chest for a while before meeting his serious gaze.
"Ah, this feels so real," I said with a smile.
Since this is just a dream, I'll make sure that I'll maximize my time here. This is probably the best and most realistic dream I ever had. I just I found out that I'm actually capable of feeling some emotions and get butterflies in my stomach even in my dreams.
"What made you think this isn't real?" Sagot niya, hindi pa rin inaalis ang seryosong tingin sa akin.
Ngumiti na lang ako at marahang hinaplos ang kaniyang mukha na nagpapikit naman sa kaniya at mukhang dinadama ito.
Because you're my impossible dream, Martell.
"Did you know that you look like an angel?" I said, still caressing his face.
It's not everyday that I get a chance like this so why not tell him the things I want to say?
"Your eyes look so innocent, your kagwapohan is just so—" I removed my hand from his face and did a chef's kiss. "—it's so ethereal and magical and I can't even! But wow, Gretchen's kaconyohan is starting to rub off on me."
Sandali akong natawa sa mga pinaggagawa bago ulit itinuon ang buong atensyon sa kaniya.
"You're like an art, Martell. Perfectly sculpted with those intricate details and those abslicious!" Pagpatuloy ko. Bigla siyang natawa ngunit hindi ko alam kung bakit.
It's a dream. Things are not supposed to make sense, Galaxy.
I distanced myself from him and cleared my throat. I raised both hands and imitated a handgun.
"Nasa 'yo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Nasa 'yo na ang lahat pati ang puso ko," I started singing as I bounced my hips to the side, still doing the finger gun gesture.
Patuloy akong kumanta ngunit pinatigil niya ako. Sigurado akong nagustuhan niya iyon dahil narinig ko siyang tumawa. Aniya raw na baka pagsisisihan ko 'to bukas.
Ba't ako magsisisi kung panaginip lang naman ito?
Dahil pinatigil niya ako sa pagkanta, lumapit na lang ulit ako sa kaniya.
"You know why I sang that? It's because nasa 'yo na ang lahat," I said, then tracing a line from his forehead down to his chin. He was only intently looking at me while I did that.
"You have the looks, the personality, the talent, the brains, the humor," I continued, then enumerating every single thing I found attractive in him. "Maybe that's why I like you," sabi ko pa at umaktong nag-iisip.
I sighed, then sitting at the edge of the bed. "It's like you have everything, Martell."
Mapakla akong tumawa sa hindi malamang dahilan. Alam ko na malapit nang matapos ang panaginip na ito.
Nahiga ako sa kama ngunit ang mga paa ay nasa sahig pa rin. "Oh wait—" Sabi ko sabay bangon na ikinagulat niya naman. "—may kulang pala!"
"In my life? What is it?" He asked in an amused tone.
Ah! Even the Martell in my dreams looks so swag when smirking!
"Ako!" Sagot ko at tinuro ang sarili. Humalakhak ako bago umayos ng higa at tuluyan nang natapos ang panaginip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top