Prologue
ALAZNE'S POV
Maaga akong nagising para pumasok sa pang-alas singko kong trabaho, sa isang 24/7 na convenience store, dalawang oras para sa alas siete kong pasok sa school.
Kinuha ko sa bag ko yung eyepatch ko atsaka ko isinuot sa kaliwa kong mata at nagsuot naman ako ng black contact lens sa kanan kong mata bago ako tuluyang lumabas at dumiretso sa trabaho ko.
Kasalukuyan kong inaayos yung mga products dito sa counter ng tumunog yung bell sa door, senyales na may pumasok, simple naman akong napatingin doon at nakita kong pumasok ang isang middle age man.
Naka-black suit ito at mabilis na naghanap sa rack ng mga paninda, ilang minuto din ng pumunta siya sa gawi ko para magbayad habang dala ang isang pakete ng sigarilyo.
Kinuha ko naman yun at ini'scan.
"50 pesos sir." sabi ko at binalot ang sigarilyo niya.
Ramdam kong nakatingin siya saakin pero hindi ko siya binabalingan ng tingin.
"Ganyan ba turo sayo ng boss mo? Hindi ba itinuro sayo ang makipag-eye contact sa mga customer!?" malakas at pabalang niyang tanong saakin.
'Eye contact'
Napailing nalang ako at hindi parin siya pinansin, tama naman siya at bastos talaga ang iniaasta ko pero it's better this way. Medyo napaatras ako ng binato niya saakin yung bayad niyang tagpi-piso.
Nagkanda-kanda hulog yun sa sahig kaya medyo uminit ang ulo ko pero mas minabuti ko nalang na manahimik, huminga akong malalim bago ko pinulot yung mga barya.
"Aba't talagang matibay kang babae ka!"
Bigla akong hinigit no'ng lalaki sa kwelyo ng damit ko at malakas na kinaladkad palabas ng store, wala pa gaanong dumadaang mga tao dahil masyado pang maaga at tiyak na tulog pa yung iba.
"Bitawan mo'ko!" singhal ko at hinigit ko ang damit ko sakanya at bahagya siyang tinulak.
"Talagang matapang ka, wala kana ngang respeto sa mga customer niyo tapos wala ka ding respeto sa mga nakakatanda sayo!" angal niya at literal na nanlilisik ang mga matang nakatingin saakin.
"Marunong akong rumespeto pero sa mga piling tao lang, at hindi ikaw yun gago!" asik ko sakanya at doon siya tuluyang sumabog.
Kinaladkad ulit niya ako at dinala sa isang eskinita malayo sa convenience store na pinagtra-trabahuhan ko. Malakas niya akong tinulak sa pader atsaka sinampal.
'Fuck!'
This time hindi na ako nakapagtimpi at tuluyan na rin akong sumabog sa inis at galit, malakas ko siyang sinuntok sa sikmura niya at napaubo siya, hindi niya iyon inaasahan. Nag-init yung kaliwa kong mata at ramdam ko din na nalusaw yung suot kong contact lens.
'Revealing my true eye color'
Sinugod ulit ako no'ng lalaki at mabilis kong hinawakan yung leeg niya atsaka ko inalis ang eyepatch sa kaliwa kong mata atsaka siya tinitigan. Unti-unti siyang umangat sa ere dahil sa pagkakasakal ko sakanya.
"De-de-mon-yo ka!" naghihingalo niyang bulalas habang pilit na kumakawala sa pagkakasakal ko.
"Hindi ako ang demonyo kundi ikaw."
Nakita kong naging purong itim ang dalawa niyang mata kaya mabilis ko siyang ibinaba atsaka ko ulit isinuot yung eyepatch sa kaliwa kong mata. Shit! I did it again.
Mabilis akong umalis doon, leaving the man behind. He gets what he deserved, bumalik akong store at kinuha ang bag ko atsaka umalis, wala na akong pakialam at alam kong magagalit saakin yung boss ko.
Dumaan ako sa back gate ng school para di ako makita ng guard, pumasok ako sa cr at humarap sa salamin, kita ko ang reflection ko lalo na ang namumula kong pisngi dahil sa pagkakasampal saakin no'ng lalaki kanina.
Kinalkal ko'sa bag ko yung extra contact lens ko atsaka ko iyon isinuot at nag-ayos ng kaunti para hindi sila magtaka mamaya pagpasok ko. Napailing nalang ako dahil naalala kong wala naman talaga silang pakialam saakin.
'Wala din akong pakialam sakanila'
Dumating ang oras ng klase ko at as usual malayo sila saakin, hindi naman ako affected sa presensya nila kaya pabor na saakin yun. Naririnig ko ang bulungan nila patungkol saakin pero pinalalabas ko lang sa kabila kong tenga.
Dumating ang lunch break at kasalukuyan akong nakapila para umorder ng makakain ko, kaliwa't kanan ang ingay ng kapwa ko estudyante at naiirita na ako sa tagal ng pila.
Nang ako na ang susunod ay may bigla nalang sumingit sa harap ko na mas lalo kong ikinais.
"Well! Well! Well! Looks who's here? The weird girl."
Umakto sa harap ko si Marigold, ang queen wannabe ng Black Pearl University na pinapasukan ko. Naipakot ako ng mata at akma na sanang aalis ng hilain niya ang braso ko.
"Wala ka talagang manners no? Hindi pa ako tapos magsalita!" asik niya at hinablot ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"I don't care, I'm just going to leave before i could slap you." sagot ko sakanya at nagngitngit siya.
"How dare you, bitch!"
Akma niya akong sasampalin pero agad ko naman iyong nasambot at binato ang kamay niya.
"Yes, i dare you. Stop your nonsense Marigold, tahimik lang ako pero mas maldita ako sayo." i said before leaving cafeteria and left her dumbfounded.
Sumapit ang hapon, uwian na at agad akong dumiretso ulit sa cr para magpalit para sa susunod kong trabaho sa isang fast food chain. Palabas na ako ng makaramdam ako ng kakaiba.
Nilibot ko ang paningin ko at alam kong may kakaiba sa paligid, sigurado akong may balak na naman si Marigold saakin, alam kong hindi siya papayag na hindi makaganti sa ginawa ko sakanya kanina.
Agad akong lumabas ng cr at lumiko pero may dalawang lalaki ang humarang saakin. Sinasabi ko'na nga ba't may balak akong gantihan ni Marigold.
Hinatak ako ng dalawang lalaki at yung isa sinubukang takpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Hindi ako nagpumiglas dahil kayang-kaya ko naman silang patumbahin pero mas pinili ko nalang maging kalmado.
'Maybe it's time to teach them a real lesson'
Dinala ako ng dalawang lalaki sa isang empty room at sipilitang pinaupo sa upuan atsaka ako tinali. Mga tanga, kaya kong makawala dito sa isang iglap lang, pero hindi ko ginawa dahil mabubuko ang pagkatao ko at malalaman nila ang sikreto ko.
'I'll choose the latter than to reveal my secret'
Nagtawanan pa silang dalawa at nag-apir bago umalis at iwan ako, padilim na at mahuhuli na ako sa susunod kong trabaho. Hindi ko din alam kung bakit hindi pa ako umaalis at hinihintay ko pang may mangyari saakin.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Marigold kasama ang dalawa niyang alipores. Tama nga ako't siya ang may kagagawan nito.
'Isip bata'
"What now Alazne? Nasaan na ngayon ang tapang mo kanina?" tanong niya at mahigpit akong hinawakan sa panga.
Hindi ako sumagot.
"Ang lakas ng loob mong ipahiya ako kanina, worst sa harap pa mismo ni Bryan!" sigaw niya at malakas akong sinampal.
PUTANGINA! Gusto kong matawa dahil baliw na baliw parin siya sa Bryan na'yon, wala akong pakialam at magsama silang dalawa.
"Ano sagot? Nasaan na yung tapang mong babae ka!" sigaw niya atsaka ako sinipa sa sikmura dahilan para matumba ako sa kinauupuan ko.
Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko, ayokong madamay sila at mas pipiliin ko nalang na manahimik. Fuck these eyes!
"Magsalita ka! Bwisit ka!"
Sumugod na din saakin yung dalawa niyang alipores at malakas nila akong pinagsisipa, nakaramdam din ako ng sabunot at sampal mula sakanilang tatlo. Isang sipa ulit ang nakuha ko at tumama iyon sa ribs ko at alam kong nabali ang buto ko doon.
Pinigilan ko ang impit kong sigaw at tuluyan nang nagbago ang kulay ng mga mata ko at nalusaw ulit ang suot kong contact lens. Kusang naalis sa pagkakatali yung tali saakin atsaka ako tumayo.
"Now it's my turn!" ramdam kong mas lumalim ang boses ko at gulat silang napatingin saakin kaya malakas silang nagsisisigaw.
Kusang nagsara yung pinto at mga bintana na mas lalo nilang kinatakot. Napangisi ako dahil doon.
"Nasaan ang mga tapang niyo ngayon?"
Kita ko kung paano silang manginig sa takot dahil sa tanong ko, halos hindi sila magkandamayaw kasisigaw, useless din dahil hindi sila naririnig.
Ramdam kong mas uminit ang mga mata ko atsaka kusang dumilim sa loob ng room. Mas lalo silang nabaliw kakasigaw. Ganyan nga, matakot kayo sa sarili niyong kinatatakutan.
"Tignan natin kung makalabas pa kayo ng buhay!" asik ko atsaka tuluyang lumabas ng room at iniwan silang mabaliw ng tuluyan.
They're now trapped on their own fears, maaari silang mamamatay kapag hindi sila agad nakalabas, wala na akong pakialam doon. Alam kong brutal pero wala na akong magagawa.
Naramdaman kong naghilom ang bali kong ribs at bumalik sa dating posisyon. I could also heal instantly, mabilis akong umalis ng school at diretso sa apartment ko.
~~
REVISED AND EDITED
Pls vote and comment.
Thank you :)
@LhemorPatchie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top