Chapter 5: The Duel


ALAZNE'S POV

Parang apoy na mabilis na kumalat ang balita sa buong Terra Academy patungkol sa magiging laban namin ni Vivian Flaire, maraming na-excite at natuwa sa balitang iyon pero hindi sang-ayon sina Vanelope sa ideyang iyon.

Ngunit wala na akong magagawa dahil pumayag na ako dahil iyon ang gusto ni Raegan, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya kung bakit gusto niyang labanan ko si Vivian at hindi kin alam saakin kung sundin ko ang gusto niya, sinasabi niya bang si Vivian nalang ang kalabanin ko dahil hindi ko siya kaya?

Doon ko din napag-alaman na si Vivian ang nangunguna sa buong senior year bilang top students ng Terra Academy, sunod sa SSTF. Malamang sakanya lahat ng bapor at boto ng mga estudyante dahil sikat siya, doon ko din napag-alaman na anak siya ng Head Council.

Mas mataas na ranggo at position kay Headmaster Bins, pero si Headmaster ang may kapangyarihan saaming lahat dito dahil siya ang namumuno sa Terra Academy.

Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame, bukas na gaganapin ang laban namin ni Vivian, siguradong maraming mage-expect na si Vivian ang mananalo, top student versus freshmen.

Hindi nalang ako nag-isip pa ng kung ano-ano at tuluyang natulog. Bahala na kung anong mangyari bukas, atleast kahit paano ay nakapag-training ako.

--

The day has come, nakatayo ako sa harap ng full length mirror habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. Suot ko parin ang uniform ng Terra Academy, hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya.

Mabilis kong tinali ang buhok ko atsaka lumabas ng kwarto ko, nakita ko ulit si Vanelope na naghihintay sa may hagdanan, nandoon din sina Myra, Chase at Draizen na tila hinihintay din ako.

"Did you guys wait for me?" tanong ko at tumango naman sila.

"Sure ka ba? Tutuloy ka parin?" tanong ni Vanelope.

"Yup why not? I'm not that weak to back out." sabi ko at mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Sorry, i didn't intended to offend you, I'm just concerned." sabi nito.

"Okay lang hahaha." sabi ko at natawa.

"Ingat ka kay Vivian, that girl is a psycho." sabi naman ni Myra.

"Baliw huwag mong takutin si Alazne." asik naman ni Draizen.

"Oo nga, cheer up Alazne. Nandito lang kami." pagpapanatag naman saakin ni Chase.

"Siraulo, tara na nga!"

Nagpaumuna kaming naglakad nina Vanelope at Myra at nasa likod naman sina Chase at Draizen. Habang naglalakad ay napapatingin saamin yung ibang estudyante at nagbubulungan.

Malamang alam nila ang tungkol sa laban namin ni Vivian. Mabilis kaming naglakad papunta sa battle arena kung saan doon gaganapin ang laban namin ni Vivian.

Pagkarating namin doon ay nagulat pa ako ng halos lahat ng estudyante ay nandito at kulang nalang mapuno ang buong arena. Ganoon ba sila ka-excited at mas nauna pa sila dito kesa sa mismong maglalaban.

"Wew, mukhang inaabangan talaga nila ang laban niyong dalawa." sambit ni Chase habang nakatingin sa kumpol ng mga estudyante.

"Anyway, goodluck Alazne, we know you can do it. Huwag kang manghinayang na labanan si Vivian, crush her okay?" sabi naman ni Myra kaya napangiti ako.

"Sure I'll try."

"Remember everything that I teach okay? Nandito lang kami." tumango ako kay Vanelope.

"Goodluck!" tinanguan ko din si Draizen.

Mabilis silang umalis at naghanap ng mauupuan, nakatayo ako dito sa baba ng mismong duel platform at hinihintay na tawagin ang pangalan ko, pati kasi mga professors namin ay gustong manuod sa laban naming dalawa ni Vivian.

Iginala ko ang tingin ko at nahagip ko si Headmaster Bins na nakaupo sa mataas na parte ng bleachers kung saan kita ang lahat, mukhang napansin din niya ako atsaka siya tumango.

Kung hindi lang sana nanghamon si Vivian ay malamang si Raegan ang kalaban ko ngayon. Speaking of Raegan, mabilis ko ulit inilibot ang paningin ko at nakita ko siya sa kabilang bleachers kasama sina Vanelope.

Nakatingin din siya saakin pero normal na tingin lang ang ipinukol niya. Nagsigawan ang lahat ng unang tinawag si Vivian at sunod ako, agad akong naglakad paakyat ng duel platform at mas lumakas ang hiyawan ng lahat.

Nakita ko si Vivian na nakatayo sa harap ko ilang metro ang layo saakin, pansin ko ang hapit na hapit niyang uniform, ang iksi din ng skirt niya, halos lumuwa din ang dibdib niya sa suot niyang blouse dahil sa size nito.

Kita ko din ang crimson hair nito na naka-side habang naka-ponytail. Ganoon din ang pula niyang mga mata, may subo din siyang lollipop. Para siyang bampira dahil sa kulay ng mata niya at sa maputi at makinis nitong balat.

Hindi rin magkandamayaw ang mga kalalakihan dahil maganda at sexy naman talaga siya, may attitude nga lang. What do i expect? Spoiled brat dahil anak Head Council.

Kahit ganoon ay hindi ako nagpatalo, kahit uniform lang ang suot namin ay mas tinapangan ko naman ang itsura ko, hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang meron siya.

"There's only one rule in this duel, the last man standing will be winner and remember, do not kill each other. Once you do, a severe punishment will be your consequences!"

Tumango kami sa sinabi ng emcee atsaka ibinigay ang hudyat at ang hinihintay ng lahat, ang simula ng laban naming dalawa, muling nagsigawan ang lahat na mas lalong nagpagana saakin para talunin ang babaeng 'to.

"You really have the guts to show up huh?" sabi nito.

"Of course, why wouldn't I show up, as if you can beat me easily, considering that you're the top student of the senior year." sambit ko at napahalakhak siya.

"Hahaha! OMG! So you did your research. Well i agree, that's true. Hindi ka ba kinabahan sa katotohanang iyon?" tanong nito.

"Well to tell you frankly, I would say no." sagot ko at nakita ko kung paano umarko ang kilay niya at mabilis niyang tinapon yung subo-subo niyang lollipop.

"Then let's see, i will show to you the real hell!" sigaw nito at naunang sumugod saakin.

Naging mabilis ang kilos niya at wala akong nagawa kundi umatras, isang sipa ang binigay niya saakin at sinangga ko lang yun at inatake ko din siya ng suntok pero nasangga din niya.

Pareho kaming lumayo sa isa't-isa, ngayon ako naman ang sumugod at mabilis siyang sinipa pero nasambot niya ang paa ko at mabilis na ibinalibag. Naramdaman ko ang sakit ng likod ko at narinig ko ang pagsigawan ng lahat.

Hindi pa ako nakaka-recover pero naramdaman ko ulit na sumugod saakin si Vivian kaya agad akong lumihis at pinatid ang tuhod niya at napaupo siya atsaka ko mabilis na sinipa ang mukha niya.

Lumayo ako sakanya ng bahagya atsaka tumayo dahil masakit ang likod ko, ako naman ang napangisi dahil nasipa ko ang maganda niyang mukha.

"Boo!!!"

Mabilis siyang tumayo at masamang tumingin saakin.

"You bitch, you really getting to my nerves. You'll pay for this." sabi niya habang nakahawak sa nasipa kong mukha niya.

"I'm just being fair, we're equal now." sabi ko at naramdam ko parin ang kirot ng likod ko sa pambabalibag niya saakin.

Kita ko kung paanong mas naging pula ang mga mata niya at kasabay noon ang paglabas ng dalawang bola ng apoy sa palad niya, ngumisi siya atsaka mabilis na sumugod saakin at ibinato ang bola ng apoy.

Bumulusok ito sa gawi ko at ramdam ko ang init nito. Tumalon ako patalikod para iwasan yung fireball niya pero bumulusok ulit saakin yung isa pa niyang fireball.

Hindi ko iyon naiwasan kaya sinangga ko ang dalawa kong palad atsaka lumayo sakanya ng bahagya, napadaing ako ng malapnos ang palad ko.

"I told you, you'll pay for what you did to my face." sabi niya at muli siyang sumugod.

This time, nag-apoy ang dalawa niyang palad at may nabuo doong imahe ng dragon pero gawa sa apoy, umapoy din ang dalawa niyang paa dahilan para mas bumilis ang kilos niya.

Ginawa niyang fire booster ang apoy niya atsaka umatake saakin. So apoy ang kapangyarihan niya. Todo iwas lang ako sa mga atake niya at inaaral kong mabuti ang mga kilos niya, muling nag-boo yung mga manonood dahil hanggang iwas lang ako.

"What now bitch? Surrender and accept defeat if you just keep dodging." sambit nito saakin habang matalim na nakatingin saakin.

Nawala ang apoy sa dalawa niyang palad at sa paa, itinaas niya ang kanan niyang kamay at may nabuo na maliliit na bola ng apoy sa bawat dulo ng daliri nito.

"You're done!"

Pagkasambit nito ay mabilis niyang pinakawalan ang limang maliliit na bola ng apoy, bumulusok ito sa gawi ko at biglang sumabog. Nakaiwas ako sa pagsabog at hindi ko naiwasan ang isa kaya nasabugan ako nito at tumilapon palayo.

Mabuti na lamang ay nakakapit ako sa dulo ng duel platform dahil kung hindi ay tuluyan akong nahulog at natalo, pero hindi ko hahayaang mangyari iyon, nawala ang usok at napatigil ang hiyawan ng muli akong sumulpot sa gitna ng platform.

"Hahaha! You're tough huh? That's one of my strongest attacked and yet you're still standing." sabi nito at nag-cross arms pa.

"I told you, you can't beat me that easily." sabi ko at ngumisi sakanya.

Unti-unting naghilom ang sugat ko sa katawan dahil sa pagsabog at yung nalapnos kong palad. Nagulat siya kaya mas natuwa ako.

"Now it's my turn." sabi ko at kita ko kung paano siyang napaatras.

Naramdaman kong nag-init ang buo kong katawan at naramdaman ko na parang sinaniban ako ng kuryente, mabilis kong pinalabas sa dalawa kong palad ang kulay asul na enerhiya, gaya ng turo saakin ni Vanelope. Naramdaman ko din na parang mas naging blue ang kulay ng mata ko.

Hindi ko pa alam ang tawag sa kakayahan kong ito pero gusto ko itong tawaging blast force, nagliliwanag ito at purong energy lang ito pero malakas ang pagsabog dahil naipon sa loob nito ang compression ng bawat particles.

Pinagsama ko ang dalawang blue energy sa palad ko at nabuo ang isang mas malaking blast force sa harap ko. The bigger the energy, the stronger the force.

"Let's see if you can handle this blast force of mine." sabi ko at agad ko itong binato kay Vivian dahilan para maging defense mode siya.

Bumuo siya ng barrier na gawa sa apoy bago siya matamaan ng atake ko pero wala din iyong silbi dahil sa lakas ng impact at pwersa ng atake ko, sumabog yung ginawa kong blast force at gumawa iyon ng malakas na pagsabog.

"Aaahhh!!!"

Isang sigaw ang kumawala kasabay ng pagsabog at nabalot ng usok ang buong duel arena, ilang segundo bago ito na-dissolve at doon tumambad sa harap ko si Vivian na nakahandusay sa platform at walang malay.

'I won'

"Alazne Thanatos won the duel!"

Nagsigawan ang mga kaibigan ko at nangunguna si Vanelope na tuwang-tuwa, sila lang ang nagsisigawan dahil karamihan sakanila ay boto kay Vivian at pabor na siya ang mananalo. Who would have thought that a mere freshmen like me
defeated a senior student and a top student at the same time.

It's just me. No other than Alazne Thanatos...


~~
REVISED AND EDITED.

Pls vote and comment.

Thank you :)

@LhemorPatchie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top