Chapter 3: Terra Academy


ALAZNE'S POV

Gaya nga ng napagkasunduan namin ni Headmaster Bins ay dito na ako titira sa Azarath mula ngayon at bagong maga-aaral ng Terra Academy at magiging parte ng SSTF o mas kilala bilang Supreme Student Task Force, isang mataas na pribelehiyo na mayroon ang isang estudyante ng Terra Academy.

Kabilang doon ang SSTF na kinabibilangan ni Vanelope at ganoon na din ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinuha ni Headmaster Bins bilang bagong myembro. Basta ang alam ko lang ay dito ako mag-aaral.

Hindi lang basta aral dahil kasama na doon ang mahika dahil isa rin daw akong gifted ayon sakanila. Siguro nga? Dahil may mga bagay akong nagagawa na nagagawa din nila, magkakaiba nga lang.

Hindi na ako nag-isip pa at umiling nalang atsaka ko inayos ang suot kong uniform, lunes ngayon at ngayong araw din ako papasok. Sinabi na din ni Headmaster Bins sa mga magiging professor ko na isa akong transferee dahil sa biglaan kong paglipat sa kalagitnaan ng semester.

Isang white fitted blouse na may blue linings sa collar at sa manggas at blue ribbon, above the knee rin ang skirt na kulay stripe blue, long white socks at yung logo ng academy sa left chest ko.

Kita ko din sa salamin ang kulay light blue na mga mata ko, hindi ko alam kung anong nangyari at pareho na silang asul. Dati ay red and blue ang kulay nito at para akong may heterochromia. Nagkibit balikat nalang ako atsaka ko kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto.

"Goodmorning!"

Pagbati ko kay Vanelope dahil hinintay niya ako sa may hagdanan para sabay kaming pumasok, inayos na din ni Headmaster Bins ang schedules at classes ko, first class ay magkaklase kami ni Vanelope.

"Goodmorning too. In all fairness, bagay sayo yung uniform." pagpuri nito saakin habang kinikilatis ang kabuuan ko.

"Hindi naman, ikaw kaya mas bagay sayo. Ang ganda mo." pagbalik puri ko naman sakanya.

"Ano ka ba, wala yun." pa-humble niyang sagot.

Talagang maganda si Vanelope at hindi maikakaila iyon, ganoon din noong nasa Earth pa kami nakatira, siya ang school muse ng Black Pearl University. Hanggang dito lumalabas ang ganda niya.

"Tara na nga, ma-late pa tayo." sabi niya at hinila ang kamay ko atsaka kami naglakad.

Habang naglalakad ay hindi maiwasang pagtinginan kami, lalo na ako dahil bagong salta ako dito. Hindi ko naman maiwasang mailang kaya nagtuloy nalang ako sa paglalakad. Confident namang naglalakad si Vanelope na parang rumarampa sa pageant.

Umakyat kami sa second floor sa isang building at pumasok sa isang classroom, may kanya-kanya silang mundo pero napatigil sila ng pumasok kami ni Vanelope.

"Sit here, tabi tayo."

Iginiya ni Vanelope yung upuan sa tabi niya at doon niya ako pinaupo. Hindi naman ako umangal at magiging awkward lang kapag sa ibang upuan ako uupo. Nagkwentuhan lang kami ni Vanelope ng tuluyang pumasok yung professor namin.

Pumasok ang isang lalaki nasa tingin ko ay nasa fifties na ito, namumuti na rin ang buhok nito, kapansin-pansin din ang dilaw nitong mga mata. Binati niya kami at mabilis akong napatayo ng hagilapin niya ako.

"You must be the new student. Kindly introduce yourself to everyone." sabi nito kaya naglakad ako sa harap atsaka humarap sakanila.

"Hello everyone! I am Alazne Thanatos, and I'm the new member of SSTF." pagpapakilala ko at kanya-kanya sila ng reaction.

"OMG! So the rumours are true."

"She's the sixth member of SSTF."

"Urgh! I'm so envious."

"Welcomed to my class Ms. Alazne, I'm Fernando Roberts, your professor for alchemy subject. Just call me Ferns." pagpapakilala din ni Professor Ferns kaya tumango ako.

"Thank you Professor Ferns." sambit ko atsaka bumalik sa upuan ko.

"That's a quite amusing to introduced yourself." bulong ni Vanelope.

"Is that bad?" tanong ko.

"No, it's great actually." sagot niya at tumango nalang ako.

Nagsimulang magturo si Professor Ferns patungkol sa klase niya. As expected nasa gitna na sila ng lesson at sobrang late na ako sa mga itinuturo niya, hindi ko nga maintindihan yung mga sinasabi niya.

Natapos ang klase niya at wala ni isa ang pumasok sa utak ko, puro patungkol sa paggawa ng mga gamot at kung ano-ano pa. Mabuti nalang at nandyan si Vanelope para tulungan ako.

Natapos na din ang mga sumunod naming subjects at ngayon patungo kami sa cafeteria para kumain. Nandoon na din daw yung mga kaibigan niya na member din ng SSTF, medyo kinabahan naman ako dahil ito ang unang beses na makakausap ko sila.

Agad kaming nakarating doon at hinila ako ni Vanelope paupo sa maluwang na table sa gitna kung saan nandoon yung mga kasama niya. Hindi ko naman alam ang iaakto ko dahil naiilang ako.

'What am i supposed to do?'

"So guys, I know you knew Alazne, the new member of our group." sabi ni Vanelope at tumango naman sila.

"Hi Alazne, I'm Myra Celeste. Nice to meet you." pakilala noong babae kaya kinamayan ko siya.

She has this long pink hair na naka-pigtails, she also has a pair of sea green eyes. Fair complexion and slim composure.

"Yow! I'm Chase Galeo, and this is Draizen Swarzen. Nice to meet you too." pakilala naman ni Chase at doon sa kasama niya pang lalaki na busy sa pagkain niya.

Kulay red and buhok ni Chase at may brown na mga mata at si Draizen naman ay may brown na buhok at gray na mga mata, pareho din silang fair ang skin tone at muscular ang pangangatawan, halata ding matangkad sila.

"Teka nasaan si Raegan?" tanong ni Vanelope ng napansin na wala iyong Raegan daw. Napansin ko din siya noong nasa office ako ni Headmaster Bins pero hindi ko maalala ang mukha niya.

"May inasikaso daw, susunod daw siya. Bakit miss mo?" sagot sakanya ni Chase.

"Stop me Chase, he's our leader malamang dapat makilala din siya ni Alazne." asik naman ni Vanelope.

"Ayan na naman kayong dalawa, manahimik kayo. Nakakahiya naman kay Alazne." singit ni Myra kaya agad akong sumagot.

"Nako, okay lang. Ang cute nga eh, para silang aso't pusa." sabi ko at mabilis pa sa alas quatro na ibinuga ni Draizen yung kinakain niya.

"Ewwss! Aso't pusa pa nga! Hahaha!" pang-aasar ni Draizen kina Chase at Vanelope at natawa pa.

"May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko at natawa ng pilit.

"No, don't mind them, ganyan lang yang dalawa na yan." sagot ni Myra kaya tumango nalang ako.

Mabilis na tumayo si Vanelope at umorder ng makakain namin. Naiwan naman ako at ramdam ko parin ang pagkailang. Nakaka-intimidate pa ang aura nila.

"Relax Alazne, kami lang 'to. Huwag kang mailang hahaha!" sabi ni Myra na tila napansin ang pagkailang ko.

"Oo nga, magka-kaibigan na tayo dito." sabi naman ni Draizen.

"Yup, bawal ang hiya-hiya." sabi naman ni Chase kaya tumango ako.

"Oh! Nandyan na pala si Raegan."

Napatingin naman ako sa likod ko dahil sa sinabi ni Myra at doon ko nakita ang lalaking may Raegan na pangalan at siyang leader ng grupong kinabibilangan ko.

Naglakad siya sa gawi namin at umupo sa tabi ni Chase, pansin ko din na pinagtitinginan kami, lalo na siya. He's so tall at hindi maikakaila na may itsura siya.

Kapansin-pansin din ang white almost silver gray nitong buhok at yung gold niyang mga mata. Fair din ang complexion niya at kita ko ang dalawang itim na hikaw sa magkabila niyang tenga.

"Raegan, that's Alazne." pakilala saakin ni Chase kay Raegan.

Napatingin naman siya saakin at ganoon din ako sakanya. Hindi ko alam pero mas lalo akong nailang sa tingin niya.

"Raegan Klifford, welcomed to our group." sabi nito sa malaki at malalim na boses.

"T-thanks." sabi ko at tumango siya.

Sakto namang dating ni Vanelope at kusang lumitaw sa hapag ko yung pagkain na inorder niya at ganoon din siya, pati narin si Raegan.

"Let's eat. Siguro naman nagpakilala kana Raegan kay Alazne." sabi ni Vanelope kay Raegan.

"Yeah." sagot nito at nagsimulang kumain.

"Don't mind him, ganyan lang talaga siya."

Tumango naman ako at nagsimula na din kaming kumain. Habang kumakain ay tahimik lang ako at ganoon din si Raegan na silent type, ako naman sinusubukang makipag-friends sakanila.

I've never had a friend before gaya ganito ang ikinikilos ko, nagkwe-kwentuhan din sila ng kung ano-ano at nakikisabat naman ako minsan.

"Oh right, since Alazne was now member but not officially, then why can we make her do our initiation." biglang bulalas ni Draizen sa kalagitnaan ng pag-uusap namin.

Mabilis namang kumunot ang noo ko sa sinabi niyang initiation.

"What Initiation?" taka kong tanong.

"Are you guys sure? Seems like Alazne can't handle it?" patanong na sambit ni Vanelope.

"And why is that? She's gifted, of course she can do it." sabi naman ni Myra.

"Okay who's on favor?" tanong ulit ni Vanelope and seriously i don't know what are they talking about.

Hindi man lang nila sinagot yung tanong ko kung ano ba yung initiation na sinasabi nila. Isa pa, anong hindi ko kaya?

Mabilis namang nagtaas ng kamay sina Chase at Draizen, ganoon din si Myra but Vanelope didn't raise her hand, same as Raegan. The hell! Pinagpupustahan ba nila ako?

"Bro what's your choice?" tanong ni Chase kay Raegan.

"Count me in." sabi nito at napasinghal naman si Vanelope.

"Okay, majority wins." sabi ni Myra.

"Wait, what Initiation is that? Some sort of fraternity or sorority?" tanong ko pero natawa lang sila.

"Hahaha no! You need to fight one of us." sabi ni Draizen.

"What? How can i supposed to do that?" gulat kong tanong dahil alam kong malalakas sila. Hindi naman sila mapipili bilang member ng SSTF kung hindi eh.

"See? Noong nakaraan lang niya nalaman na isa siyang gifted, it's seems likes she don't a proper training too." sabi ni Vanelope habang nakatingin saakin. Kita ko naman ang violet niyang mga mata.

"It's our way to welcome a new member of our group, she needs to face the proper way. Y'all knew what she can do." sagot ni Raegan at napatingin kaming lahat sakanya.

Normal na tingin lang ang ibinigay niya pero may otoridad sa mga boses niya. Tinignan ko naman siya at hindi naman siya natinag at hindi man lang kumurap.

"Fine I'll do it." kusang lumabas sa bibig ko ang mga iyon at hindi ko alam pero bigla akong na-challenge sa gusto nilang mangyari.

"But Alazne." pigil saakin ni Vanelope na bakas sa mukha niya ang paga-alala.

"Don't worry Vanelope, i can handle it. Kayo narin nagsabi, I'm a gifted too, like the rest of us." sabi ko at wala naman siyang nagawa dahil sa desisyon ko.

"Then choose, piliin mo kung sino ang gusto mong makalaban saamin." sabi ni Myra kaya napatingin ako sakanila isa-isa.

Dumako ang tingin ko sa taong nagpatuloy sa pagkain niya at tila ba hindi kami nakikita. Iniangat nga ang tingin niya at nagtama ang tingin naming dalawa.

"No way!" sabay-sabay nilang reaction at kita kong napangisi siya.

~~
REVISED AND EDITED.

Pls vote and comment.

Thank you :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top