Epilogue
EPILOGUE
7 years later
"Mommy, hindi na ako natutuwa sa anak ni Tito Sébastien. Masyado siyang bossy. Akala mo naman may sahod ako sa bawat utos niya sa'kin. Kung hindi lang siya kaibigan ni Maui, hindi ko talaga siya susundin!"
"Anak, nag-please naman sa 'yo, hindi ba?" Sa tanong ko ay tumango nang nakanguso si Ace. "Then it's okay. Hindi rin naman mabigat ang pinapagawa niya sa 'yo, kaya hayaan mo na. Mas matanda ka rin sa kaniya, kaya patience, anak. Patience." Ulit ko na ikinabuntong hininga niya.
"Pasalamat siya cute siya." Kamot batok niyang asik sabay kagat sa sandwich na pinagawa niya sa akin.
Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Ace. Sa tuwing uuwi siya dito galing sa school ay wala siyang ibang naging reklamo kung hindi si Ida, na masyado daw bossy sa kaniya.
Sampong taong gulang na si Ace. At sa loob ng ilang taon ay lumaking bibo at magalang ang anak ko. Pasensosyo siya, pero mabilis lang ring sumabog lalo na kapag ako ang kaharap niya. Laging nasa akin ang sumbong at hinanakit. Wala nga atang araw na hindi siya nagsusumbong at ang lagi niyang bukambibig ay si Ida. Si Ida na bossy. Si Ida na lagi siyang tinatarayan. Si Ida na lagi siyang kinukulit and so on. Si Ida na kaisa isang anak nila Sébastien at Isabella, na uma-under sa unico-hijo ko.
"Siya nga pala, Mommy. Magpapaalam po ako na kay nila Tita Lyden muna matutulog bukas."
"Bakit naman, anak? Iiwanan mo ako dito?" Malungkot kong wika. Sinusubukan ang makukuha kong reaksyon sa kaniya.
"Mommy, kung ayos lang naman po sa 'yo. Tutulungan ko po kasi si Maui sa project niya, tapos si Mavi din, nagpapaturo sa akin maglaro ng psp. But you know Mom, pwede namang sila na lang ang papuntahin ko dito, or maaga na lang ako pupunta sa kanila para maka-uwi ako kaagad." Mahabang paliwanag niya.
Natawa naman ako. "I'm just joking, Ace. Of course, you can. Naiintindihan ko naman, dahil ikaw naman ang kuya nila."
Ngumiti ng malawak sa akin ang anak ko at tumayo ito para yakapin ako.
"Thank you, Mommy. I'll bring you roses, bago ako umuwi."
Ginulo ko ang buhok ni Ace bago hinatid siya ng tingin palabas ng kusina.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagpaluluto.
Maaga pa ako bukas. Maraming kailangang asikasuhin lalo na sa ilang cafe na binuksan ko. 5 years ago, I already withdraw from being a CEO, ang namamahala nun ngayon ay si Mira. After consulting her for more than two years, napapayag ko na rin siya. Ang isa rin sa rason kung bakit niya tinanggap ang pwesto ay dahil brokenhearted siya those times. Gusto niya daw magpakalunod sa trabaho, para huwag maisip ang lalaking bumulabog sa tahimik niyang buhay.
Pabor na pabor sa aming dalawa ang naging desisyon ko. At until right now, nasa linya pa rin ng tagumpay na kompanya ang ipinundar ng pamilya namin. As a matter of fact, maraming naipasokna project si Mira. Proud na proud kami sa kaniya.
Ako naman ay naisipan na lang na magtayo pa ng Cafe sa iba't ibang lugar. Hindi na rin ako masyadong hectic sa oras, at mas natututukan ko si Ace habang nalaki siya.
DUMIRETSO NA ako sa pinakamalapit kong branch. Agad akong sinalubong ng tauhan kong si Joy na siyang matagal ko nang katiwala. Agad niyang ibinalita sa akin na nakakuha daw kami ng isang big time customer, at ang cupcakes namin ang magiging main dessert sa party na ilulunsad this coming week.
"Yes! Mukhang makaka-bonus ulit tayo!"
Sa sinabing 'yun ng isa sa mga tauhan ko ay nagsipalakpakan ang lahat. Maging ako ay napapalakpak.
"Matik 'yan. Si Ma'am Fayra pa ba?"
"Heh!" Natatatawang suway ko. "Inuuto niyo na naman ako eh. Pero syempre, alam niyo naman ang laging gawi dito kapag ganiyan na kinuha para pagsilbihan sila. It means, may extra cash kayo sa'kin." Aniya ko't kindat.
"Yun oh!"
"Dabest ka talaga, Ma'am!"
"Hindi talaga ako nagkamali na huwag nang tumuloy sa college eh, kasi dito pa lang, mataas na ang sweldo ko."
"Buti na lang, hindi ko pinursue 'yung pa-Japan. Tiba tiba na ako dito eh."
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Wala namang bago. Lagi naman silang ganiyan, bagay din na ikinatutuwa ko ng sobra.
"Hala sige na, bumalik na kayo sa trabaho niyo't mag-aasikaso tayo ng grocery mamaya para mapaghandaan ang order na kailangan sa party."
Nang sabihin ko 'yun ay bumaling ako kay Joy.
"Ikaw na ang bahala na pumunta sa grocery store, Joy. Magsama ka ng ilan sa mga tauhan na'tin para hindi ka na mahirapan pa. May mga stock pa naman tayo, pero maigi nang hindi tayo maubusan."
"Oo nga, Ma'am. Masyado pa namang madami ang order nila. Marami rin siguro ang dadalo sa party. Siya nga pala Ma'am, dadaan po muna ako sa nanay ko. Baka nakalimutan na naman nun 'yung gamot niya." Kamot ulo na wika ni Joy.
"Oo ba, ikumusta mo na lang din ako kay nanay. I-text mo na lang rin ako kapag nasa grocery na kayo."
Matapos ang sandaling pag-uusap namin ni Joy ay umalis na rin ito dala ang ilan sa mga tauhan. Ako naman ay tumoka sa may cashier. Ilang saglit pa ay dinagsa na rin kami ng mga estudyante at ilang mga trabahante.
Naging busy ang buong maghapon ko. Ni hindi ko na nga kami naka-upo dahil sa daming taong naglalabas masok sa Cafe. Bagay naman na ikinatuwa ko. Ibig sabihin lang nun ay mauubos ang ginawa na mga cupcakes ngayon. Pabor na pabor dahil bukas baka magsara itong main branch ko, para mapaghandaan namin 'yung order para sa darating na party.
Hindi ko na namalayan pa ang oras. Nang mapasilip ako sa may labas at matawanawan ang orasan ay gano'n na lamang ang pagbuga ko ng hangin.
Gabi na pala.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Manang. Kinumusta ko si Ace. Kaagad naman itong nagreply. Tulog na daw at nauna nang kumain dahil maaga pa daw ito bukas.
"Mauna ka na Ma'am. Ako na hong bahala dito. Baka mag-overtime kami ngayon, dahil sa dami ng tao."
Kita ko nga. Hindi naman namin pwedeng paalisin ang mga ito. At isa pa, nakagawa pa kami ng another batch ng cupcakes dahil ang iba ay talagang nagdouble pay pa.
"Mukhang gano'n nga ang mangyayari, Joy. By the way, kahit tanghali na kayo pumasok bukas. Tutal sirado naman tayo until the week ends."
"Maiwan ko na muna kayo, Ma'am. Sabihan niyo na lang ho ako, para maihatid ko kaya sa parking."
Inayos ko na nga ang gamit ko. Maging ang sarili ko rin at kinuha ang mga papers na need ko dito sa Cafe. Nang matapos ay kaagad kong hinanap si Joy, pero masyado naman itong busy, kaya naman tapik lang ang naging paalam ko sa kaniya. Hindi ko na rin sya hinintay pa dahil kaya ko naman.
Nasa parking na ako nang maalala ko na hindi nga pala ako nagdala ng sasakyan. Nasa talyer nga pala. At nagpahatid lang ako kanina kay Mang Jose, na siyang nasa mga Vejar ngayon. Napanguso ako at lumakad pabalik. Ngunit wala pa man sa kalahati ang naglalakad ko ay napatili naman ako sa bumusina sa akin.
"Pusang gala naman oh!"
"Hop in, Fayra. Pauwi ka na rin naman 'di ba?"
Naningkit ang mga mata ko.
"Shit ka, Sébastien! May balak ka bang patayin ako sa gulat?!" Inis kong wika, sabay lakad papunta sa kotse niya.
"Ito naman. Papatayin agad? Baka ako pa mauna." Tawa tawa niyang wika.
Napailing ako. "Mauuna ka talaga. Galit na galit na si Isabella sa 'yo, ilang araw kang hind nagparamdam sa asawa mo."
"Hindi ko naman sinasadya. Out of town ako. At walang masyadong signal doon. Isa pa, galit talaga sa akin 'yun, paano ako pinaglilihian eh."
Oo nga pala. Buntis nga pala si Isabella sa pangalawa nilang anak. Nang ibalita 'yun ni Sébastien sa amin ay lahat kami ay napa-signed of the cross dahil isang himala ang biyaya sa kanila. After kasi ng anak nilang si Ida ay sumubok sila, pero hindi maganda ang naging balita ng doctor nang magpatingin sila. 50-50, ang sabi nito na magkakaanak pa silang muli. At ito na nga. Ang kaso, lagi namang galit si Isabella kay Sébastien. Pinalayas niya nga ito sa bahay nila, kaya ang ending nag-out of town si Sébastien. Para naman 'yun sa kompanya niya, pero nang malaman 'yun ni Isabella ay para bang gusto niyang hagilapin si Sébastien at ibaon.
"Buti na lang dito ako dumaan. Kundi, commute malala ka talaga."
"Thank you naman kung gano'n." Sarkastikong pasasalamat ko na ikinatawa namin.
"Siya nga pala. Did you receive an invitation?"
Napalingon ako sa kaniya.
"An invitation for what?"
"It's Gio's party. Tagumpay ng kompanya niya na partnership namin nila Morgan. Actually, ako nga ang kumuha sa Cafe mo para sa dessert na ihahanda." Kindat ni Sébastien.
Namilog ang bibig ko.
"Hindi libre 'yun ah!" Hirit ko agad.
Lumukot ang mukha niya. "Of course! Kailan ba kita binuraot?"
"Gusto mo sagutin ko 'yan?" Hamon ko, dahil binuburaot niya naman talaga ako when it comes to my cupcakes.
Nag-iling siya. "Okay, fine. I did. Pero iba this time. Alam ko naman kasi na sa may charity kang sinusuportahan, and isa 'yun sa mga tatanggap ng donasyon sa party ni Gio. Kaya nga you're invited."
MABILIS LANG na lumipas ang ilang araw. Nakita ko na lang ang sarili kong inaayusan. Abala ang buong team ko para mapaganda ang suot ko't make up ngayong gabi.
Nagkasuot ako ng silver dress na hapit na hapit sa katawan ko, na siyang iniregalo pa ni Sébastien sa akin. Bagay na bagay sa theme ng party.
Pumihit ako ng tingin nang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Morgan, kasama si Lyden.
"Ang ganda mo ah." Salubong kaagad ni Lyden. Naka golden dress naman ito na hapit rin sa kaniyang katawan.
"Ikaw rin. Kayong dalawa. Ang ganda niyong tingnan." Abot taingang ngiti ko.
"Siya nga pala, hinahanap ka na sa ibaba. Tapos ka na ba?"
"Ah, oo. Tara." Yaya ko't nagpatiuna.
Nang makababa kami ay kaagad akong kinamayan ng samo't saring mga gustong magdonate sa charity na hawak hawak ko. Para 'yun sa orphanage nila Sister Arlet, dahil marami rami na rin ang mga batang naninirahan sa ampunang 'yun.
"That's good, Hija. Keep up the good work. Marami kang batang mapapangiti, and we decided na mag-donate for all children's living on that orphanage." Wika ng isa sa mga tinitingala na business owner sa industriya.
"Thank you, Mr. Lim. We really appreciate your donation. Thank you so much." Pakikipagkamay ko.
Sunod sunod pa ang nakausap ko na about din sa charity ang pakay. Labis labis naman ang naging tuwa ko sa mga naririnig mula sa kanila. Tiyak na matutuwa Mira sa ibabalita ko sa kaniya. Speaking of Mira, mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko siya. Nakabusangot ang mukha nito habang nakatingin kay Giovanni.
Naningkit ang mga mata ko.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila.
Habang sumisimsim ako ng wine ay nakatuon lang ang paningin ko sa kanila.
Ilang beses na napapairap si Mira habang panay naman ang iling ni Gio. Para silang nag-aaway sa hindi ko malamang dahilan.
"Is there's something wrong?" Napa-angat ako ng tingin. Si Matthias. Kasama ang dalawa niyang buntot. Sila Massimo at Maximilian.
"Wala naman. Pero, ako lang ba ang walang alam na magkakilala 'yang dalawang 'yan?"
"Who? Si Giovanni tsaka ang kapatid mo?" Pagsisigurado ni Matthias. Napatango ako. Napansin ko naman ang mabilis na pagsisikuhan ng dalawa sa likod niya. Nang mapansin nila ang tingin ko ay pilit silang ngumiti.
"Kain na muna kami, bye!" Paalam nila na hindi na hinintay si Matthias.
"I don't have rights to tell you the details. All I can say is that, matagal na silang magkakilala."
Hindi na ako kumibo.
May kutob ako, pero gusto kong manggaling mismo kay Mira.
"Mira Grace, tsk tsk." Naiiling kong sambit sa aking sarili.
Dumaos nang masaya at maingay ang party na inilunsad ni Giovanni. Ilang mga bisita rin ang nadagdag. Kanina pa rin ako pabalik balik sa stage, dahil ang daming donations. Umuulan ng donation ang natatanggap ng charity ko, na balak kong hatiin sa iba pang orphanage.
Umabot na nga ata ng million ang natanggap ko, kaya't laking pasasalamat ko talaga.
Nasa paghihilot ako ng binti ko nang kalabitin ako ni Mira, na siyang nasa tabi ko na ngayon.
"Bakit?" Takang tanong ko. Maging sila Lyden na nasa mesa namin ay napatingin sa kaniya.
"Si Kuya Mateo 'yun 'di ba?"
Napalingon ako sa tinuro niya. Nung una ay hindi ko pa mahagilap ang sinasabi niya, but then when he's bulk walk towards to our table, para akong namatanda.
"Sino naman 'yang babaeng nakaangkala sa braso niyang lalaking 'yan?" Si Lyden.
Napapaayos ako ng upo at blangko siyang tiningnan nang makalapit sila sa mesa.
"Nakarating ka. Akala ko, next week pa uwi mo." Bati agad ni Morgan sa kapatid. Humiwalay muna ito sa babae na ngayon ko lang nakita.
"I missed my girl, hindi ko kaya na nasa malayo akong lugar habang siya, inuulan na ng tingin ng mga ka-meeting niya." Sagot naman ni Mateo.
Napangiwi ako.
Binalingan nito ang kasamang babae. Inakbayan niya ito at naggawi ng tingin kay Massimo.
Seryoso itong nakatingin sa pinsan niya, at nang makitang nakatingin kami sa kaniyang lahat. Ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Tsk, selos." Rinig kong bulong ni Sébastien sa tabi ko, sabay simsim sa wine niya.
Nang mabaling ulit ako ay pabalang na tumayo si Massimo sa kinauupuan niya at walang paalam na iniwan kami sa mesa.
Nang tuluyang mawala sa paningin namin si Massimo ay tsaka nagsitawanan sila Morgan. Tanging kami kami lang nila Lyden, Isabella at Mira ang hindi nakisawsaw dahil mukhang maging sila ay wala ring alam sa nangyayari.
Nasa gano'n akong pag-iisip nang lumapit sa akin si Mateo. Humila pa ito ng upuan mula sa kabilang mesa at itinabi sa akin. Umusog din sila Sébastien at inalis ang tingin sa amin.
"Missed you so much, sana ikaw rin." Nakangiti niyang bati sa'kin.
Imbes na batiin siya pabalik ay iginawi ko ang tingin ko sa babaeng kasama niya kanina. Naka-upo na siya sa pagitan nila Matthias.
"Sino siya?" Tanong ko. Nasa babae pa rin ang tingin. Nakayuko lamang ito, parang nahihiya. Ina-approach na nga siya nila Isabella, pero mukhang mahiyain talaga.
"Ah, that woman." Nilunok niya muna ang kinakain niya. "Nang-iwan kay Massimo." Kaswal niyang sagot.
Namilog ang mata ko sa narinig. Nilingon kong muli si Mateo. Sa tinginan namin ay para bang nabasa niya na ang nasa isip ko. Tumango tango siya at nagtaas ng kilay.
Hindi na ako nagtanong pa.
Wala akong alam na may ganyan pa lang nangyari. Tahimik kasi ang lovelife ni Massimo. Ni ngayon ko nga lang nalaman na may karelasyon pala 'yan.
"Kumain ka na ba?" Pag-iiba niya sa usapan. Dumukwang pa siya palapit sa akin.
"Nakasubo na ako bago ka dumating." Sagot ko.
Bahagya siyang natigilan at bigla na lang namula ang tainga niya.
"Choose your words wisely, Fayra. Mahirap magpigil."
Natawa ako sa sinabi niya. Kaya pala. Napailing na lang ako at tinapik tapik siya sa braso.
"Ayusin mo rin ang pag-iisip mo, Mateo. Nasa public place ka, masyadong malaswa 'yang nasa utak mo."
Tumawa ito at isinandal kalaunan ang ulo niya sa akin.
"Tatapusin mo pa ba 'tong party?"
"Hindi na. Inaantok na ako, tsaka idadaan nila mommy si Ace mamaya, bago sila pumunta ng airport."
"Good. Pagod na rin ako. Wala pa akong pahinga sa loob ng isang buwan kong pamamalagi sa Tagaytay. Ang daming events, kailangan lahat puntahan dahil inaaasahan nila ang presensiya ko. I'm starting to hate my job."
"Nagrereklamo ka na. Tara na nga, umuwi na tayo't para naman makapagpahinga ka na. Kailangan mo pang bumawi kay Ace, miss na miss ka na nun sobra."
Isang buwang wala sa paligid namin si Mateo buhat ng mga events na kailangan niya mapuntahan sa Tagaytay. Buti na lang ay sana na si Ace sa ama niya kaya, nakuntento na lang ito sa pag video call nila.
"Uwi na kayo? Hindi niyo ba muna tatapusin ang party?" Tanong ni Giovanni. Nakipagkamay ito kay Mateo at sa akin.
"Hindi na, Pare. Baka kasi walang madatnan ang anak namin sa bahay. Tsaka, pagod na rin ako. Si Fayra, bawal mapuyat 'yan."
"Gano'n ba. Sige, ako na bahala sa mga donations. Directly naman ang mga cheque nila sa account ng charity. I'll make sure na safe ang transactions."
"Thank you, Gio." Pagkasabi ko nun ay akmang hahakbang na ako nang maalala ko si Mira. "Si Mira pala, isabay na na'tin---"
"Wag na. May maghahatid naman sa kapatid mo." Pigil sa akin ni Mateo, hinawakan pa ang baywang ko at pinauna ako ng lakad.
"Eh? Sa akin nga 'yan sumabay kanina. Walang maghahatid diyan." Protesta ko pa.
Inilingan na ako ni Mateo. "Tara na. Malaki na si Mira, isa pa. Mag la-loving loving pa tayo. Nakakahiya naman kung masasaksihan niya." Kindat niya.
Napangiwi naman ako dahil narinig 'yun ni Giovanni. May sumupil na ngiti sa kaniya.
"Let's go. Bago pa tayo makaabala sa panunuyo ng isa diyan."
NASA BAHAY na kami nang sakto din naman na nakasunod pala sa amin sila mommy. Kaagad na tumakbo si Ace palapit sa ama niya nang magbukas ang sasakyan.
Sinalubong ko naman sila mommy at daddy, gano'n din si Mateo na nasa tabi ko.
"Pasok ho muna kayo, Tita Meg." Alok ni Mateo.
Sumenyas si mommy na hindi na. "Mabilis lang kami, may hahabulin pa kaming flight kasama ang mga amiga namin. Anyways, hahabilin na namin sa 'yo ang anak at apo ko." Taas kilay na sabi ni mommy.
"Don't worry Tita Meg. I'll handle everything."
"Paano, mauna na kami. Sana naman pagkabalik namin may surprise news kaming makuha mula sa inyong dalawa. Aba'y anong petsa na." Si Daddy.
Napailing na lang ako.
"Anak niyo ho kasi, Tito. Ayaw akong pa-iskorin." Sa sinabing 'yun ni Mateo ay agad kong tinakpan ang tainga ni Ace. Sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Mommy, daddy. Sige na ho. Tawagan niyo na lang ako kapag nakalapag na kayo." Aniya ko at nagpaalam na sa kanila. Maging si Ace din na kulang na lang ay maglumpasay sa sobrang pagka-antok.
Pumasok kami sa bahay at sa sofa pa lang ay nagbagsakan na ang mag-ama. Itinikom ko na lang ang bibig ko, dahil parehas silang pagod.
Dumiretso ako sa kwarto at agarang naligo. Inabot din ako ng mahigpit isa't kalahating oras, bago lumabas. Bumaba ako at tiningnan ang dalawa. Tulog na sila at parehas nang nasa lapag.
Napailing ako. Habang lumalaki si Ace ay nagiging kamukhang kamukha niya si Mateo. Sa kilos, pananalita, at itsura. Para silang binagbiyak na bunga.
Nasa gano'n akong pagtingin sa kanila nang maalala ko ang huling eksena namin ni Mateo 7 years ago.
"You're late, Mateo. Too late to claim me back." Pagpapatuloy ko.
"B-Babe, please. Don't do this to me. Please."
Halos lumuhod na siya sa harapan ko, habang umiiyak. Ako naman ay nag-uumpisa na ring masaktan dahil sa pagmamaka-awa niya. But I composed a strong aura.
"We're not meant to be with each other at this moment, Mateo. Please understand that. Kasi kung tayo talaga, hahayaan mo ang tadhana ang humusga---"
"No! No!" Sunod sunod niyang pag-iling. "Please, Fayra. Don't do this. It's not late for the both of us. Hindi. Mahal kita. I love you so damn much, baby. Please. I'm begging you, give me a shot."
Umiling ako. Desidido ako sa sinabi ko. We're just going to hurt each other. Nagsasayang lang rin kami ng oras kung susubok kami, tapos mauuwi lang rin sa wala. I don't want it to be like that. Ayaw ko. Ayaw ko na.
"B-Baby, look at me." Pag-aangat niya ng aking baba. "Please, one more chance. One more."
"Let's just be friends, Mateo. This one will not going to work. We had a dark past---"
"I don't want you to be my friend, Fayra. C'mon, baby. I want to savor you with kisses, I want to build a big family with you, and I can't do that if you're become my friend. That's not going to happen. It's okay to me, kung hindi ka pa handa, kasi maghihintay naman ako. Kahit taon pa 'yan, basta ayaw kong ganito. Please. I'm pleading you, Fayra."
"Why so stubborn, Mateo? Gusto mo ba talagang nakikitang nasasaktan ako?" Umiiyak kong tanong.
Para siyang batang umiling. "B-Baby, please. Ayaw kong nasasaktan ka. That's why I'm trying to become better for you. Ano pa bang gusto mong baguhin ko? I can change, sabihin mo lang. Please, baby. S-Sabihin mo sa'kin. Handa naman akong tanggapin kung ano ang ayaw mo sa akin, para mabago ko."
"Bakit ba kasi hindi na lang ibang babae ang kulitin mo, Mateo. Ang dami namang iba diyan---"
"I don't care! I don't fucking care about them, Fayra. All I want is you. I don't deserve a woman like you. I don't deserve you at all, but damn, I want to be selfish again, dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw at ikaw, Fayra."
Nang sumunod na araw nahimasmasan kaming dalawa. Napag-usapan namin lahat ng bagay bagay. And surprisingly, mas lalo pang nagdididikit si Mateo sa akin. Naging extra maalaga. Kapag dadating ako sa bahay, maabutan ko siyang nagluluto o kung minsan ay pagod na siya, nakakatulog na nga sa sala, at magiging naman agad sa hindi ko malamang dahilan na sumasakto pa sa oras ko.
Agad 'yan siyang tatayo at aalalayan ako sa sofa. Kahit inaantok ay hihilutin niya ang talampakan ko. Pagkatapos ay aasikasuhin ang anak niya. All around. Naging all around si Mateo sa buhay ko, namin ng anak niya.
"T-Tangina!" Napabalik ako sa realidad nang marinig ang malutong na pagkakamura ni Mateo.
Hawak hawak nito ang kamay ko sabay pasok ng hintuturo ko sa bibig niya. Ramdam ko ang pagsipsip niya doon. Pagkatapos ay inilapit niya ako sa sink. Dumura muna siya bago niya hugasan ang daliri ko.
"What the hell on earth! Are you trying to cut yourself, babe?!" Namumulang gagad nito.
Nahimasmasan naman ako sa boses niya. Tiningnan ko ang hintuturo ko. May hiwa. Tila bumalatay ang hapdi sa akin kaya hinatak ko pabalik ang kamay ko ay pinisil para lumabas ang dugo.
"Akin na. Lalagyan ko ng first aid." Buntong hininga niya. "Kung hindi pa ako dumating dito sa kusina, baka naputol mo na ang daliri mo. God, babe. Ano bang nangyayari sa 'yo?"
"Nag-iisip lang." Tipid kong wika.
"About what? Care to share?" Tanong niya habang binebendahan ang daliri ko.
"You and I." Pag-aamin ko.
Natigilan siya. I knew it. Para na naman siyang babae. Dinaig pa ako kung mamula.
"W-What about you and I?"
"Nauutal pa." Puna ko.
"Cuz you're making me nervous!"
"Tsk, but I'm serious, Mateo."
"Okay, what about it then?" Halata ang kaba sa boses niya.
Ilang araw---nope actually, ilang buwan na akong nag-iisip tungkol sa aming dalawa. Kung ano ba ang gusto kong mangyari. Simula nang gabing 'yun hindi umalis si Mateo sa tabi ko. Hindi niya ipinaramdam sa akin ang tagilid na pagmamamahal na sinasabi niya.
Naging maayos. Maayos ang takbo ng buhay naming pareho. Hinayaan niya ako sa sarili ko. Being single for more than 7 years was not bad at all. Kahit nandiyan siya ay hindi ako dumepende sa kaniya, dahil kayo ko naman. Pero sa loob ng pitong taon, araw araw siyang hindi nagsawang manligaw sa akin.
Kaya nga nagkaayos sila kahit papaano nila mommy. Sinabay niya ang panliligaw niya sa akin sa panliligaw niya rin sa mga magulang ko.
7 years and counting. Hindi ko alam kung tama ba o hindi, pero I want to give it a shot. Malaki na si Ace. Marami nang nagbago. Ikinasal na rin si Rose. Masaya na si Morgan.
Halos lahat ay nasa tamang lugar na.
"I want to start again." Hapyaw ko.
Titig na titig si Mateo sa akin habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.
"I want to start over. Have a new life, and have a better family---"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang siilin ako ng halik ni Mateo. Hindi na ako nagulat pa sa naging kilos niya. Nang gumalaw ang labi niya sa akin ay hindi na ako nagpigil pa. Sinalubong ko ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin.
"Y-You really mean it? I'm not daydreaming right?" Pagkukumpirma niya.
Napailing ako. "No, you're not. Gusto kong sumubok. Hindi dahil sa gusto kitang pagbigyan, kundi dahil gusto kong bumuo ng masayang pamilya. I still have those desires, where I want to build a happy family."
"O-Oh shit." Napapalabing mura niya. "So that means, you're accepting me again?"
Tumango ako. Bago pa man ako makasagot ay para nang bata na nagtatatalon si Mateo, habang sumisigaw.
"Fuck. Yes!"
Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nandoon pa na kinuha niya ang phone niya, at base sa obserbasyon ko, he's trying to contact them.
"We're back together!" Pamamalita pa niya.
Napailing na lang ako at tinapos ang ginagawa ko. Panay na ang daldal ni Mateo, nang magbaling pa ito sa akin ay bumulong pa ito sa hangin.
"I love you so much."
Nag-iwas ako ng tingin at hinayaan na muna siya. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa sala. Wala dito si Ace. Nasa school, habang si Mateo ay mamaya pa ang alis papuntang opisina niya. Ako naman ay dito muna mamalagi sa bahay.
Hindi rin nagtagal ay sumunod rin si Mateo. Agad niya akong niyapos at nagsumiksik pa lalo sa akin.
"Thank you, baby. Hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay mo sa'kin. I will work hard to become more better, so that I can say that I'm deserving for your forgiveness. This is the best feelings. Thank you."
Hinimas ko ang pisngi niya at mahina siyang tinapik tapik.
"Sana manindigan ka na hindi mo sasayangin ang pagkakataong ito, Mateo. Matagal ko 'tong pinag-isipan. Ayaw kong magkamali." Seryosong usal ko sa kaniya.
"I don't want to promise you anything. But this one, I will never again hurt you, Fayra. I learned a lot from my mistake. I realize such things. Iingatan ko kayo. Iingatan kita, Fayra. Itong second chance, akaka-ingatan ko 'to, dahil maswerte ako sa pagtanggap mong muli sa akin."
Pinagdikit niya ang noo namin at marahang hinimas ng hinlalaki niya ang pang-ibabang labi ko. Napapikit naman ako at ninamnam ang katahimikan sa pagitan namin.
"I will make you walk down to the aisle again, Fayra. But this time, it will be all worth it. It will be the best memory, for our new beginning."
Sa pagkakasabi niyang 'yun ay bigla na lamang lumuhod si Mateo sa harapan ko. Surprising me with a small red box na kinuha niya sa kaniyang bulsa.
Hindi ko maiwasang hindi maluha.
"M-Mateo," utal kong pagtawag sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin.
"Hindi ko alam kung ano ang naging magandang ginawa ko sa mundo, at tinupad nitong ang hiling kong magawa ang bagay na ito, at matanggap mo akong muli, Fayra. Pero kahit gano'n, masayang masaya ako. Sulit ang taon na paghihintay ko sa 'yo. Kahit malabo. Wala akong pinagsisisihan. Mahal na mahal kita, Fayra. And I want to marry you for the second time around. This time, no barrier between us. No hesitant. Just a purity of my love, and my wants to hold you both until the last breath of my life."
Malawak akong napangiti. Ramdam ko ang kaginhawaan sa dibdib ko. Ito ang kulang. At ngayon, tinatanggap ko na.
Mateo pulled out the ring inside the box. Mabigat siyang huminga, at muling tumitig sa akin.
"Fayra Amora Fabian, will you accept my last name for the second time around?"
I bowed down to kiss him deeply. Wishing that he could take it as my answer. Ramdam ko ang gulat sa kaniya. Nang humiwalay ako ay namumula na siya.
"I'd take that as a yes, baby. Diretso simbahan na 'to." Natatawang wika niya nang makabawi sabay suot ng singsing sa aking daliri.
Pinakatitigan ko 'yun. It's a diamond ring. Kasyang kasya ang sukat sa akin, at bagay na bagay sa daliri ko. The first time na sumuot ako nito ay kakaibang saya na ang dulot sa akin, and right now, mas masaya ako.
"You like it?"
Tumango ako. "I love it, Mateo. It's so pretty." Maluha luhang sambit ko. Lumapit siya sa akin at mabilis na humalik sa labi ko.
"Thank you, Fayra. Thank you for opening your heart to me once again."
Matagal kong pinakatitigan si Mateo. He seems so very happy and thankful, habang hinahalik halikan ang likod ng palad ko.
"I love you too, Mateo. I really do."
Sa sinabi kong 'yun ay tila ba tumigil ang mundo niya. Marahan ko siyang hinampas para mahimasmasan siya. Nang hindi pa rin siya matinag ay hinila ko na ang kwelyo ng damit niya at siniil siya ng halik sa labi.
Ikinawit ko ang braso ko paikot sa kaniyang leeg nang tugunin niya ako. Ang braso niya ay ipina-ikot niya sa baywang ko at maya'y binuhat ako pakandong sa kaniya.
Ang tagpo naming 'yun ay umabot hanggang sa sukdulan. Natagpuan ko na lang na kapwa kami nasa kwarto at nag-uumpisang gumawa ng apoy sa pagitan namin.
Bawat halik na iginagawad niya sa akin ay buong puso kong tinatanggap. Para na akong nasa alapaap.
Ang apoy na pinagsasaluhan namin ay patuloy na lumalagablab. Sa bawat ulos na ibinibigay niya sa akin ay siyang paulit ulit kong sinasalubong.
"I-I love you, Fayra. I love you so much, baby."
I won't regret this anymore. Hindi ko 'to ginawa para magkaroon ng buong pamilya si Ace, dahil kahit sa civil na pagsasama namin ni Mateo ay kumpleto naman na kami. Hindi ko binigyan ng pagkakataon muli si Mateo, dahil lang naaawa ako sa kaniya o ano pa man. Ginawa ko 'to walang iba kung hindi para sa sarili ko.
Ang kamalian nang kahapon ay nagiging leksyon sa pagdaan ng panahon. Ang pagpapatawad ay nagiging bunga nang pag-iisip sa gusto mong makamtang katahimikan. Ang pagbibigay ng tyansa ay hindi masama.
Pinili kong magpatawad. Pinili kong magbigay ng ikalawang pagkakataon, dahil gusto kong makasama ang taong itinitibok ng puso ko.
Marami mang kamalian sa pagitan namin noon. Hindi naman nun mababago ang katotohanang, mahal ko pa rin si Mateo.
Loving someone must not hurt your feelings, they say. But for me, loving hurts. Loving someone will always hurt you in some way. There's no way that someone will always make you feel happy.
I learned a lot. There's no point in hiding your true feelings from someone. I'm losing the chance to become happy with the person I tried to move on from, so I again tried to take a risk.
I'm not scared of being hurt anymore. If we are meant to be this time. Then we are meant for each other. And if it turns out not, then I'm still glad that at least we tried.
Taking risks will always be a big part of my life. At ang sugal na ginawa ko ay papanugutan ko, kahit maging maganda o masakit ang maging resulta sa muli naming pagsasama.
"I'll take the risk, Mateo. Loving you the second time around is a risk that I will not regret."
A soft kiss landed on my forehead. A massive smile invaded my face.
"And I'll catch you, Fayra. I'm catching you this time."
End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top