Chapter 65

CHAPTER 65

"Gusto na ng kapatid. Pagbigyan na na'tin." Hapyaw ni Mateo habang nagmamaneho pauwi.

"Siraulo." Tanging naikomento ko na ikinatawa niya.

"But to tell you honestly, gusto kong sundan si Ace."

Nilingon ko siya at pinaningkitan. "Oh, edi maghanap ka ng babaeng aanakan mo."

Hindi makapaniwalang binigyan niya ako ng tingin. "That's not what I want to pertain, Fayra. Damn it!"

"Then what? Huh? Ano, ako ang gusto mong anakan?" Sa tanong kong 'yun ay sumilay ang pagkakangisi niya. Napailing ako. "Para kang umasa na magkaka-snow dito sa pinas, Mateo."

"C'mon, babe. Nalaki na si Ace. Syempre, kailangan niya rin ng kapatid, katulad ng anak nila Lyden. Look at Maui, she looks so happy with her siblings. 'Yan din ang gustong maranasan ni Ace."

"Tigilan mo nga ako Mateo. Akala mo naman madali manganak ng mag-isa." Bulong ko sa sarili.

"Nasa tabi mo ako this time, Fayra. Tinaga ko na sa bata na I won't let you go again. Na hindi na kita pababayaan pa. Hindi na mangyayari na maging mag-isa ka pa ulit." Seryosong saad niya.

Nilingon ko siya. Nakatitig lamang ako sa kaniya na para bang ina-absorb ko pa ang mga salita niya.

"We can't make another one with this kind of environment, Mateo. Ace was never planned. 'Yung gabing nangyari sa atin, it's not a mistake, but it was so full of hatred. At doon gawa ang anak mo." Pagpupunto ko.

"F-Fayra---"

"Totoo naman hindi ba?" My voice started to shake. Umayos ako ng upo at gumawi ng tingin sa may bintana ng sasakyan.

"That night. It's all hatred. Pinagbigyan mo lang ako para matigil na ako sa kahibangan ko. At 'yun ang dahilan kung bakit may koneksyon pa rin tayo hanggang ngayon. It's all about Ace."

"Please don't say that. Hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari sa atin, Fayra. Nakapagbitaw ako ng mga masasakit na salita, dahil gago ako. Pero hindi ako nagsisisi, kahit nu'ng mismong araw na 'yun. Please don't say that Ace was just a mistake of that night, dahil hindi ko kailanman naisip 'yun." Aniya sabay kuha sa kamay ko't hinalikan ang likod ng aking palad.

"I'm a jerk, stupid and asshole for making you cry and bark out words that full of hatred, and I regret everything, Fayra. Binulag ako ng sama ng loob, binulag ako ng pinaniniwalaan kong kasalanan na siyang binabato ko sa 'yo, and I hate myself for that. Alam kong mahirap akong paniwalaan, after what you've been thru to me. I made your life miserable, each day and night. Pinakita ko sa 'yo na iba ang gusto ko well in fact you are the one that my heart keeps beating on, since the first day I saw you. Nadala ako ng nararamdaman ko. At dahil doon nasira ko ang buhay mo. Ako ang nakasakit, pero ako pa ang may ganang masaktan. I know that. Wala akong karapatan, pero hindi ko naman kayang ikaw ang lumayo sa akin. Nakakatakot. Siguro ito nga 'yung sinasabi nilang multo, na mismong ako ang may kagagawan."

Nanatili lamang akong tahimik. At kinakapa ang damdamin ko. I saw how old things started to flash back in my vision. All the bad old things I've been thru while I'm with him.

"I want to claim you back, Fayra. But to tell you honestly, I'm afraid I might hurt you again. Dinadahan dahan ko. Bulaklak, paghatid at pagsundo, pagtambay ko sa bahay mo at maliit na pag-aasikaso. Pero alam kong hindi pa sapat ang lahat ng  'yun to make you believe that I'm willing to take you again. And this time, it's pure."

Napailing ako. Ramdam ko naman ang pagbawi niya sa amin ni Ace, lalo na sa akin. Sa inaraw araw ba naman naming pagsasama ay walang palya niya ipinaparamdam sa akin na mahalaga kami ni Ace. Unlike before. Ang laki ng ipinagbago niya.

Naniniwala naman ako sa mga sinasabi niya. That's he's totally willing to claim us back again to his life. But I was afraid of the cons I might endure.

I'm not willing to take over.

I'm not willing to take risk. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang tamang oras for the both of us. Masyadong mabilis. Kahit maayos na ang lahat ay wala pa rin akong makapa na sign para magkabalikan kami at buohin ang pamilya para kay Ace.

My reason maybe stupid, but I have a lot of second thoughts.

"Why not try to lighten, Mateo? Try to explore another woman. Bakit ako pa?"

Hindi makapaniwalang muli niya akong tiningnan. Bago sagutin ay namalayan ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Ipinasok niya kaagad ang sasakyan at kinuha si Ace sa likod na tulog na tulog na.

Pinanood ko siyang pumasok, at sumunod.

Iba na ang aura ni Mateo. Mukhang bad trip siya sa naging pag-uusap namin. Dumiretso ako sa sala at ibinagsak ang sarili ko doon. Kaagad naman din akong dinaluhan ni Manang Celly na may dala dalang isang basong tubig.

"Mukhang wala sa hulog ang dati mong asawa ah."

Hindi maiwasang hindi matawa sa i-nadress ni Manang kay Mateo.

"Ewan ko ba diyan, Manang. Kung kelan nadagdagan ang edad tsaka naman hindi makausap ng maayos. Para siyang bata."

"Gustong magpapansin sa 'yo eh."

"Manang, nakita mo naman akong umiyak noon hindi ba." Pag-uumpisa ko.

Natigilan si Manang Celly at napabuntong hininga.

"Tara sa labas, hija. Sariwa ang hangin sa hardin. Mas maganda kung doon na'tin 'yan pag-uusapan."

Kagaya nang sinabi ni manang ay gumawi kami sa may hardin. Kapwa kami umupo sa may bench habang ako ay nakatanaw sa kawalan.

Pasado alas siete na ng gabi. Malapit sa oras na ito ang oras nang pag-iyak ko noon, na ang tanging saksi ay ang kwarto namin ni Mateo, si Manang Celly at kung minsan ay ang mga bintuin at buwan na siyang kinakausap ko at tinatanungan kung ano ba ang kulang sa akin.

"Nagdadalawang isip ka ba kung tuluyan mong papapasukin si Mateo muli sa buhay mo, anak?" Tumango ako sa naging tanong niya. "Kung nagdadalawang isip ka, huwag ka na munang sumubok---"

"Naghihintay si Manang Celly." Putol ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at inabot ang dalawang kamay ko.

"Maghintay siya hanggang sa handa ka na kung talagang may paninindigan siya, Fayra. Kung talagang totoo siya sa mga salita niya sa 'yo, tatanggapin niya ang magiging hatol mo. Walang pagmamahal at pagsasama na kailangang pilitin, dahil magiging magulo lamang ang lahat kung bibiglain ang bawat kilos."

"Napag-usapan na ho namin ang lahat kanina sa sasakyan. Naungkat lang po ang iba, dahil sa pabor siyang sundan namin si Ace." Kamot batok kong kwento.

"Aba'y nanghihingi na ba si Ace ng kapatid?"

"Opo. Nakikita niya kasi sa pinsan niya." Pagtutukoy ko sa anak nila Morgan.

"At pabor sa ama." Maiksing dagdag ni manang na hindi ko na kailangang sagutin pa.

"Alam mo hija. Walang masama kung didiretsuhin mo sa Mateo. Kung hindi ka pa handa, hindi mo kailangang pilitin na isipin ang sagot sa mga katanungan niya. Kung ayaw mo pa o kung ayaw mo na talaga, wala siyang magagawa, dahil siya ang may kagagawan kung bakit ka lumayo sa kaniya."

"Ayaw ko nang umiyak ulit, Manang Celly. Nakakatakot ho kasing sumugal ulit kay Mateo."

"Tatapatin kita ng tanong hija." Seryosong saad ni manang. Bumuntong hininga naman ako. "May nararamdaman ka pa ba para kay Mateo?"

Hindi ako nakasagot. Nakipagtitigan lamang ako kay manang. Ilang minuto lang rin ang lumipas bago ako kumalas kay manang.

Hindi niya naman ako pinilit na sagutin siya. Bagkus ay ngumiti lang siya at hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi porket mahal mo ay sapat na dahilan na para bumalik ka, anak. Tandaan mo, huwag ipilit ang sarili kung naglalaroon ka ng pag-aalinlangang isipan patungo sa gusto mong tahakin. Hindi kailangang madaliin ang lahat. Unahin mo ang sarili mo anak, huwag ang kapakanan ng kahit na ninoman, dahil ikaw ang mahihirapan."

Naiwan ako sa hardin matapos ang malalim naming pag-uusap ni manang. Maya maya lang rin ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Dali dali akong dumako sa gawing 'yun at nakita ko ang bulto ni Mateo na siyang patungo sa akin.

"Let's talk." Buntong hininga nito. Akmang sasagot na sana ako nang muli naman siyang magdagdag ng salita. "But not here, I know a place where it's so good to unwind."

"Paano si Ace?"

"Si Manang Celly na ang bahala sa kaniya for the meantime." Aniya at inilahad ang palad niya sa akin.

Pinakatitigan ko 'yun ng ilang segundo bago iniabot ang kamay ko. Ramdam ko pa ang mahina niyang pagpisil.

HINDI KO INAASAHAN ang lugar na pinuntahan namin. It's an open area, where there's many people, especially couples are in here. Vibing to the bands who's performing on stage with a lovely songs.

Mahangin ang lugar. Punong puno ng mga nagtataasang puno. At kahit gaano kadami ang tao ay may mga spot pa rin na hindi nila nasasakop.

"Sa trunk na lang tayo kumain. Maganda ang view sa napag-parkingan ko." Anyaya ni Mateo sa akin.

Hindi ko namalayan na nakapag-order na pala siya ng pagkain namin.

"Kakakain lang na'tin ah." Saad ko pero natatakam ako sa amoy ng pagkain.

"Marami rami tayong pag-uusapan. Kakailanganin na'tin parehas ng lakas." Pabirong sagot niya.

Nasa may trunk niya kami. Ang kaninang pagkatakam ko ay nawala dulot ng magandang tanawin. Wala kaming ibang kasama sa part na ito, kung saan tanaw na tanaw ang city lights. Kaya pala pataas ang daan kanina ay dahil ganito naman pala ang tanawin na ibinibigay sa itaas.

Itinabi na muna ni Mateo ang pagkain. Magkatabi kami at kapwa tahimik lang habang ang mga mata'y umiikot sa tanawing nasa harap namin.

"Yung tanong mo kanina." Pag-uumpisa niya. Napadako ang tingin ko sa kaniya. Maging siya sa akin. "Kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw at ikaw, dahil ikaw ang nagbigay sa akin kay Ace. Ikaw ang nagparamdam sa'kin kung gaano kasaya ang magkaroon ng isang pamilya. Ikaw ang nagmulat sa akin, kung papaano mangarap ng isang pamilya na uuwian ko galing sa trabaho. Pamilya na magiging pahinga ko sa mga araw na lubog ako. Sa 'yo ko lahat naramdaman 'yun, Fayra. At wala akong plano na humanap pa ng iba, dahil ikaw ang gusto ko para sa'kin."

Nag-iwas ako ng tingin.

"Kung noon mo 'yan sinabi baka,... Baka bumigay agad ako sa 'yo. Kung noon ko 'yan narinig baka, wala akong pagdadalawang isip ngayon." Naisambit ko.

"I'm sorry. I'm really sorry for everything, Fayra. I'm not expecting anything. Hindi rin naman kita pipilitin, 'cuz I'm wiling to wait, no matter what time. Mabigat ang naging kasalanan ko sa 'yo. Walang kapatawaran 'yun kung tutuusin, yet I'm so lucky that you forgive me."

"Dahil ayaw kong mabuhay ng may hinanakit sa kahit na kanino. Kahit pa sinabi ko na babaunin ko hanggang hukay ang parteng 'yun ng buhay ko."

Muli akong tumingin sa kaniya. Namumungay ang mata niyang nakatuon sa akin.

"Binigyan mo ako ng hindi ko malilimutang alaala mula sa nakaraan, Mateo. And I'm afraid na bigla na lang kitang iwasan dahil doon, kung tatanggapin kita muli."

Kasabay ng salitang 'yun ay naglandas nang tuluyan ang luha sa aking pisngi. Naalarma doon si Mateo at agad akong niyakap. Mas lalo lamang akong naging mahina dahil sa ginawa niya.

"Sorry won't erase what you witnessed that day, Fayra. But I'm willing to do every single thing, para hindi mo maalala ang bagay na 'yun." Aniyang hinahagod ang likod ko. "Lahat lahat gagawin ko para tuluyan mong makalimutan lahat. Alam kong mahirap paniwalaan, dahil ako ang may kagagawan nu'n, but I assured you, every pain you gained from our past, papalitan ko 'yun ng senserong pagmamahal. Mahal kita, Fayra. I really do. At hindi ko lang sa salita ipaparating sa 'yo ang pagmamahal ko."

Ramdam ko ang sensiridad sa kaniya. Kumalas ako at pinunasan ang sariling luha. Umiling iling ako at suminghot. Matagal ko siyang pinakatitigan, bago nagwika.

"Tingin mo kaya pa?"

Halata sa mukha niya ang gulat.

"Ayos na ang lahat, Fayra. Ikaw na lang ang hinihintay ko." Maluha luha niyang wika.

Bumuntong hininga ako at niyakap ang sarili ko. Ang paningin ko ay iginawi ko sa malawak na kalawakan. Puro bituin, at ang buwan ay mismong nasa itaas lang namin. Kaya medyo maliwanag sa puwestong kinaroroonan.

"Ang naging takbuhan ko noon ay ang buwan. Itong gabi, kung saan tanaw na tanaw ko ang payapang kalangitan. Alam mo, lahat ng hinanakit ko, ibinubuhos ko ng iyak sa kaniya. Tinatanong ko rin siya kung ano ang kulang sa akin, at kung bakit gano'n ang sitwasyong binagsakan ko. But then I realized something... Every hurtful moments will make someone stand for itself. No matter how hurt or hard the situation is, ay siyang magpapalakas lang sa pagkatao. At 'yun ang nangyari sa akin. And you're the lesson of my life, na ayaw ko nang danasin pang muli."

Nang mailabas ko ang huling salita ko ay gumaan ang aking pakiramdam. Para akong nabunutan ng sandamakmak na tinik.

Ngumiti ako at bumaling sa kaniya. Tanggap ang nakaraan at kasalukuyan na ipagpapatuloy ko pa.

"I already made up my mind, Mateo." I whispered. Ini-angat ko rin ang kamay ko at inisang daliri ang pagpunas sa luhang pumatak mula sa kaniyang mata.

"F-Fayra, please."

Napailing ako. "Shh. If we're meant to be, ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan, Mateo."

Agad na hinagilap ni Mateo ang kamay ko. Pinagdaop niya ang palad ko at inilapit sa kaniyang labi. Ilang beses niya 'yung pinaghahalikan at niyakap pa.

I gave him a warm smile, before letting my guard off.

"I am flattered that you want to claim me back, but... But you're too late, Mateo."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top