Chapter 64
CHAPTER 64
Mateo
Marahan kong isinandal ang sarili ko sa haligi ng veranda at pinakatitigan ang likod ni Fayra. Kakagising ko lang, at medyo maayos na ang pakiramdam ko unlike kahapon. Nang magdilat ako ay agad ko siyang hinanap. Bago pa man ako makagawa ng ingay ay natanaw ko na siya na nandito.
Iba na ang suot niya. Isa na 'yun sa mga damit ko at mukhang malaki pa nga sa kaniya dahil umaabot ang laylayan nun sa hita niya.
This is the first time na gumamit siya ng damit ko. At kakaibang kalabog sa dibdib ang nararamdaman ko ngayon. She looks cute with my shirt. Bagay na bagay sa kaniya ang damit ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng husto, dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin si Fayra sa akin. Hindi niya talaga ako iniwan. Ang alam ko ay may meeting pa siya kahapon. Hindi ko naman alam kung pinaka-cancel niya ba or what, pero alam ko na hindi siya umalis sa tabi ko.
"Naka-usap ko na ang board of directors ng kompanya. Lahat naman sila pabor sa bagong project na'tin, as long as, katulad nang mga nauna, kailangan successful din ang isang 'to." Aniya sa kausap.
Kahit nakatalikod siya sa akin ay halatang halata na sa boses niya ang kaseryosohan. Nakatrabaho ko na si Fayra. Ilang beses simula nang magkapirmahan kami ng kontrata, nung mga panahong hindi pa kami ayos. Gustong gusto ko ang pananaw niya, kilos, at dedikasyon na ibinibigay niya sa trabaho. And one more thing, ayaw na ayaw niyang may naiwan siyang trabaho. Ayaw niyang uuwi siyang walang natatapos, at higit sa lahat, she's very consistent with it comes to partnership. Commitment is a must sa trabahong ito, para maging matagumpay ang mga binubuong plano ng bawat kompanya.
She's very hard working. At hindi ata ako mauubusan ng mga salita na maipupuri sa kaniya.
Nasa gano'n akong pag-iisip nang makarinig ako ng pagtikhim. Awtomatikong napabalik ako sa katinuan at sinalubong ang nagtatakang tingin ni Fayra.
"What's up to you, Mateo. Parang wala ka sa sarili mo. Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Nasa harapan ko na siya, nakatayo, at napalitan na ang pagtataka niyang reaksyon. "Hindi ka naman na masyadong mainit." Saad niya nang makapa ang noo at leeg ko.
Tapos na siguro siya sa meeting niya. Hawak hawak niya na ang laptop sa isang kamay niya at ang ilang mga papeles.
"May iniisip lang." Tipid kong sagot at ngumiti.
Ngumuso naman siya at nailing. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa reaksyon niya. Lumapit ako sa ilang hakbang na pagitan namin at agad na isinirko ang braso ko sa maliit niyang baywang. Ramdam ko ang pagkagulat ni Fayra, ngunit agad din naman iyong nawala.
"Let's make love, babe." Mahinang bulong ko sa kaniya. It was supposedly a joke, ngunit naging iba bigla ang epekto sa akin.
I'm just trying to tease her, but I think I'm the one who got hit by my words.
"A-Aray!" Napanguso ako nang malakas niya akong batukan. Hindi pero ang lakas nun ah.
"Nilagnat ka lang, kung ano ano na ang lumalabas sa bibig mo. Hays, tabi ka nga muna. Magluluto ako nang umagahan." Tapik niya pa sa'kin.
Kumawala naman ako sa yakap ko sa kaniya. Ngunit agad ko ring ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad ko. Ayon na naman ang masama niyang titig, ngunit walang pagtutol na hinayaan lang ako.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng mukha ni Fayra at napatango tango. This woman really bring out something in me. This woman taught me everything. Itong babaeng ito, ang nagparamdam sa akin na malaki siyang kawalan at tanga ako para pakawalan siya ng isang beses. She made me realize a lot of things, and regret everything I've done.
I know asking her again to comeback is too much. But I really want her back. I'm trying my best to catch her feelings again. Alam kong tagilid, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lalo na ngayon, na nandito siya sa tabi ko't hindi ako iniwang nag-iisa.
"Ang ganda mo." Nangingiti kong puri sa natural niyang kagandahan.
Mas lalo siyang napanguso at tinabig ang kamay ko.
"Ang aga mo namang mambola, Vejar." Asik niya.
"Hindi ako nambobola. Totoo namang maganda ka." Kindat ko sa kaniya.
"Eh, bakit ngayon mo lang 'yan sinabi? Sa tagal na'ting magkasama, ngayon ko pa lang narinig 'yan sa 'yo, kaya ang tingin ko ay binobola mo lang ako." Aniya sabay pasok sa kwarto.
Napangiwi ako.
"This is not the first time I told you your beautiful. Sa kasal nga natin noon ay sinabihan din kita, don't you remember?"
Umiling siya nang mabilis. "Wala akong narinig. Sinungaling 'to."
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Papaanong wala siyang narinig, eh namula pa nga siya ng mga oras na 'yun. Naghihiwa kami ng cake nang sabihin ko 'yun sa kaniya. Dapat sa isipan ko lang 'yun, ayaw kong malaman niyang nagagandahan ako sa kaniya, but then, my mouth sabotage me.
"Bababa na ako. Ayusin mo na 'yang higaan mo at sumunod ka. Pagkatapos na'ting kumain ay aalis na rin ako." Aniya habang inaayos ang mga gamit niya.
"Ang bilis naman. Pwede bang mamaya na?" Nangungusap kong tanong.
Nilingon niya ako. Sumilay ang pagkakangisi sa kaniyang mapupulang labi.
"Ang swerte mo na nun." Palatak niya. "Kukunin ko pa si Ace kay nila Lyden. Kapag maayos na ang pakiramdam mo, pumunta ka na lang sa bahay. May out of town meeting ako kasama si Sébastien, walang maiiwan kay Ace." Dagdag pa niya.
"Panay naman ang samahan niyong dalawa. Nitong past week, kayo ang magkasama. Ngayon kayo na naman?" Hindi maiwasang pag-angal ko.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Fayra. Napalunok naman ako. Na-misinterpret niya ata ang sinabi ko.
"Walang namamagitan sa amin ni Sébastien kung 'yan ang iniisip mo. I'm not like that---"
"That's not what I meant, babe." Putol ko sa kaniya. Akmang hahawakan ko siya nang umiwas naman siya sa'kin.
"Yan ang gusto mong iparating, Mateo. What the hell is wrong with you? Kung ano ano ang pumapasok diyan sa isip mo." Inis niya wika.
Napakamot ako sa batok. "Hindi 'yun ang gusto kong ipahiwatig sa 'yo, Fayra. Isa pa, hinding hindi kita pag-iisipan nang gano'n. Ang gusto ko lang namang malaman mo ay nagseselos ako, dahil mas marami pang oras ang pagsasama niyo kahit meeting lang 'yan."
"Edi, kayong dalawa ang magsama." Pabalang niyang salubong sa'kin, sabay labas ng kwarto.
Napa-upo ako sa kama at nasapo ang aking mukha. Wrong move, Mateo. Very wrong move!
Hindi ako pinansin ni Fayra sa buong oras na nasa kusina kami at kumakain. Ang tahimik naming dalawa, lalong lalo na siya. Sinusubukan ko siyang kausapin, pero kahit ekspresyon man lang ay hindi niya ibinibigay sa'kin. Hanggang sa tuluyan na siyang umalis sa puder ko. Nag-text na lang ako sa kaniya na mag-ingat siya't susunduin ko siya mamaya.
Para akong lantang gulay habang nasa sofa at nakatingin lamang sa kawalan.
Ayaw ko nang patagalin pa ang oras. Hindi ko alam kung kailan ang tamang panahon, pero ayaw ko nang patagalin pa ang sa amin ni Fayra. I need to know, kung kaya pa ba niyang magsimula together with me or not. Kabado ako, sa isipin pa lang na malaki ang pabor na ayaw niya na akong kasama pa. Natatakot ako, but I need to try.
Fayra
"Ewan ko ba diyan sa lalaking 'yan. Kung maka-bintang naman sa akin ay para bang kaya kong tumalon sa relasyon ng iba. Hindi ko talaga nagustuhan ang tabas ng dila niya kanina, na kung sa makatutal, baka siya pa ang may kakayahang gumawa nun."
"Chill, Fayra. Hindi naman kita masisisi kung gano'n ang naging dating sa 'yo. Pagpasensyahan mo na lang, natatakot kasi siyang balikan siya ng karma niya." Natatawang saad ni Morgan.
Napabuntong hininga ako habang nagtitipa sa laptop. Naiinis talaga ako kanina. Masyadong presko ang lalaking 'yun, siya na nga ang inasikaso't lahat lahat, parang ako pa ang masama. Kaya't hindi ko na siya kinibo pa.
"Wala pa bang improvement sa inyong dalawa? Ilang buwan na kayong civil." Si Sébastien.
"Let's not talk about that. Wala magandang kapupuntahan 'yan. Anyways, sabay sabay na ba tayo sa wedding day ni Rose?" Pag-iiba ko.
"Invited nga pala tayo doon. Ikakasal na siya." Si Morgan.
Siniko naman siya ni Sébastien. May mapang-asar na ngiti ang iginawad niya kay Morgan at alam kong may naisip na namang kalokohan ang lalaking 'yan.
"Parang nanghihinayang ka ah."
"Tangina mo." Malutong na mura nito kay Sébastien sabay hagis ng unan sa mukha nito.
Natawa naman ako.
"Lakas mo maasar ah. Napapaghalataan ka." Dagdag na naman niya.
"Tigilan mo ako, Sébastien ah. Kung nandito lang ang asawa ko, hindi lang unan ang ihahagis ko sa 'yong gago ka."
"Tumigil na nga kayong dalawa. Mamaya kung saan pa mapunta 'yang bangayan niyo. Kayo pa magkapikunan." Suway ko sa kanila.
Lagi namang ganyan 'yang dalawang 'yan. Tuwing magkakasama kami ay hindi na nawala ang asaran. At ang pinaka-pikon ay si Morgan, dahil malakas ding mang-asar si Sébastien.
"Siya nga pala. Ayos na pala 'yung birth certificate ni Ace. This year, may balak ka na bang i-enroll siya? He's genius. Tingin ko ay ipapasa agad 'yan in higher level."
"Tatanungin ko na muna si Ace. Si Mateo rin, kasi ako gusto ko na ipasok si Ace sa school para naman hindi siya maburyo sa bahay, kahihintay sa amin ni Mateo."
"Sabagay, may point ka rin. Pero kung magbabalikan kayo ni Mateo. Hindi na maghihintay pa hanggang gabi si Ace sa inyong dalawa, dahil may companion na siya." Singit pa ni Sébastien.
"Anong connect ng magbabalikan? May maisingit ka lang ah."
Nagkatawanan sila ni Morgan na ikinailing ko na lang.
LUMIPAS ANG ilang oras at natapos na rin namin nila Morgan ang report na ipapasa namin ni Sébastien sa out of town meeting namin, dapat this week ang alis namin, but then naurong dahil imbitado rin pala ni Rose ang ilan sa ka-meeting namin.
Nagpaalam na ang dalawa sa akin. Ako na lang ang naiwan sa opisina at kasalukuyang inaayos ko ang gamit ko nang mapalingon ako sa pinto. Pumihit ang siradura at iniluwa nun kinalaunan ang isang bulto.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na."
"Sinusundo ka. Kagayg ng sabi mo, gabi na." Ani Mateo.
Seryoso ang reaksyon niya, ngunit halata ang panghihina sa kaniyang kilos.
Muli kong binalingan ang ginawa ko. "Dapat ay nagpahinga ka na lang. Para kang lantang gulay sa kilos mo. Nag-abala ka pang pumunta dito, may sasakyan naman ako. Kung ipinagpahinga mo 'yan, mas maigi pa sana."
"That's the case why I am here."
"Eh?" Baling ko sa kaniya.
Dumukwang siya ng upo sa upuan ko. "Sermon ang hanap ko. Na-miss ko boses mo."
"Tigilan mo nga ako, Mateo. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Baka mamaya bigla ka na lang himatayin. Sinasabi ko sa 'yo, hindi kita kayang ilabas ng building na 'to."
"Don't worry, babe. Hindi naman ako magiging pabigat sa 'yo, I can handle myself. Siya nga pala, tapos ka na ba?"
"Oo. Tapusin ko lang 'to." Aniya ko.
Sabay kaming lumabas ni Mateo. Nasa may parking kami nang unahan niya ako ng daan patungo sa kotse niya na katabi lang rin ang sa'kin.
"Hop in, ipapadaan ko na lang kay Mang Jose ang sasakyan mo dito."
Hindi na ako nakipagtalo pa. Pinaunlakan ko ang alok niya. Pagod din ako. Mukha hindi ko na kakayanin pang magmaneho. Baka imbes na sa bahay ang punta ko ay hospital ang bagsakan ko.
Hindi ko na namalayan na nakaidlip pala ako. Ang gumising na lang sa akin ay ang mahinang pag-alog ni Mateo sa balikat ko. Nang magmulat ako ay mukha niya ang sumalubong sa akin. Agad kong sinuyod ng tingin ang lugar kung nasaan kami at gayon na lamang ang pagkakakunot ng noo ko.
"Dinner na muna tayo." Aniya, na nagpa-ayos sa pagkaka-upo ko.
Si Mateo naman ay bumalikwas palikod at maging ako ay napasunod ng tingin at napaawang ang labi nang makita ko si Ace sa likod. Nakahawak ito sa phone ng ama, at nang makita ako ay agad na sumilay ang ngiti sa mukha niya.
"Come here, baby." Tawag ni Mateo.
Nang maka-upo si Ace sa kandungan ni Mateo ay agad itong yumakap sa'kin.
"Gutom na ako, Mommy." Reklamo niya.
Natawa naman ako. "Alright, sabihin mo kay daddy mo, dali."
"Tara na. Ang bilis mo naman magutom, anak. Kakabili ko lang sa 'yo sa drive thru." Natatawang himas ni Mateo sa busog na tiyan ng anak.
Nang makababa kami ay agad kaming sinalubong nang mga sa palagay ko ay tauhan ng restaurant. Ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang isa sa kanila ay bigyan ako ng bungkos ng rosas.
"Flowers po, galing sa husband mo po, Ma'am." Nakangiting abot sa akin ng isa.
Agad akong napatingin kay Mateo. Malawak itong ngumiti sa akin.
"Pambawi," aniya sabay halik sa noo ko.
Gumawi kami sa loob. Maraming tao ang nasa restaurant. Nang makarating kami sa lamesa namin ay nagtabi sila ni Ace. Agad kaming inasikaso ni Mateo. Nang maihain din ang pagkain namin ay pinaghimay niya pa ako, at sinunod ang anak namin.
Habang panay ang pagkain ko ay busy naman si Mateo kay Ace na walang ibang ginawa kung hindi ang ngumanga, kahit katatapos lang siyang pakainin ng ama.
"Nguyain mo nang maigi ang pagkain, Ace. Mamaya hindi ka matunawan." Wika ko.
Nag-thumbs up siya sa akin, bagay na ikinailing ko.
Pinanood ko silang dalawa. Napaka-hands on ni Mateo sa anak niya. Hindi lang ngayon, halos sa araw araw naman na magkasama sila, at kahit nasa bahay pa. Si Ace ang lagi niyang inuuna. Kapag magkasama sila, ang tingin niya ay laging nakay Ace.
"Ang cute naman ng family niyo. Parehas na maganda ang magulang ng batang ito."
Napataas ang tingin ko sa dalawang may katandaan na dumulog malapit sa may lamesa namin.
"Salamat po." Wika ni Mateo.
"Bagay na bagay kayo ng asawa mo hijo. Ngayon lang ulit ako nakakita ng couple na ang ganda tingnan mula sa mesa namin." Aniya pa ng matandang babae.
"Naku, nagkakamali po kayo. Hindi po kami mag-asawa." Habol ko.
Naningkit naman ang mata ni Mateo.
"Ay gano'n ba? Pero sa titig niya sa 'yo kanina, parang may something." Kinikilig pang saad ng matandang babae. "Hindi ba, mahal?" Baling nito sa asawa na natatawa lang.
"Pasensya na kayo sa asawa ko mga anak. Hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili niya sa mga batang katulad niyo."
"Ayos lang ho, Lo." Aniya ko pa.
Kalaunan ay nagpaalam ang dalawa sa amin. Hinatid ko pa sila ng tingin, at nang pasadahan ko si Mateo ay nakanguso na ito.
"Nakatingin ang anak ko sa 'yo, at ginagaya 'yang reaksyon mo, Mateo." Hapyaw ko sa kaniya.
Panay ang lingon ni Ace sa ama. Kung ano ang tulis ng nguso ni Mateo ay sinisikap na gayahin ni Ace sabay muling tingin sa ama para makasiguro na gano'n nga ang reaksyon nito.
"Mommy,"
Napabaling ako kay Ace.
"Yes, anak?"
"I want to have a sister."
Kapwa kami natigilan ni Mateo sa narinig.
"Sister? Kapatid?" Sunod kong tanong.
"Ahm, katulad po kay Maui."
Bago pa ako makapagsalita ay si Mateo na ang sumagot sa anak.
"Ilan ba ang gusto mo, anak?"
Hindi sumagot si Ace. Itinaas nito ang kamay at itinapat ang limang daliri sa ama. Parang akong mabibilaukan sa sarili kong laway.
"Five." Tipid niyang dugtong.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top