Chapter 63

CHAPTER 63

Napahimas ako sa noo ko nang mabilis akong makalabas ng opisina ni Mateo. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon na nakita nila sa akin kanina, at ang interpretasyon nila sa mabilisan kong pag-alis, kaya naman hindi ko alam ang gagawin ngayon.

"Fayra, wait!" Habol ng boses ni Mateo sa akin, ngunit wala akong balak na lingunin siya sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis ang pagkakalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ito. Ngunit hindi ako tanga para paniwalain ang sarili ko na walang gumuhit na kirot sa akin.

After a long time. Hindi ko maatim na makita sila ulit na gano'n kalapit. Ewan, basta bigla na lang gano'n ang naging pakiramdam ko kanina. Pasalamat na lang ako at kahit papaano ay walang nakaraan na imahe ang lumitaw sa paningin ko.

"Fayra, please. Let me explain."

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Mateo, dahilan para mapahinto ako at walang ibang magawa kundi salubingin ang titig niya. At may napansin lang akong isang bagay. Medyo namumutla siya, hindi namumutla dahil lang sa simpleng bagay. Namumutla siya't butil na pinagpapawisan. Gusto ko siya tanungin ngunit, nangibabaw naman muli ang kaba sa kaniyang mukha.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag, Mateo. Isa pa, umayos ka nga. Bakit ba namumutla ka diyan?" Pagkasabi ko nu'n ay hinila ko siya sa pinakamalapit na lounge. Sakto din at may mini fridge doon kaya naman kinuhaan ko na siya ng maiinom.

"Magpapaliwanag ako sa nakita mo kanina." Hawak niya sa kamay ko.

Napangiwi naman ako. "Uminom ka na muna." Aniya ko sa kaniya na sinunod niya naman. Akma naman siyang magsasalita ngunit mabilis ko na siyang inunahan.

"You really don't need to explain anything, Mateo. If you're back together, then there's no problem with that. Isa pa, we're civil---"

"No, Fayra. You misunderstand what you saw. Walang kami. Walang nagkabalikan, dahil sa umpisa pa lang naman ay hindi naging kami ni Rose. You knew that. Kung may gusto man akong balikan, hindi siya 'yun." Aniya na para bang inaalo niya pa ako.

Makailang beses akong lumunok habang nakatitig sa kaniya. Bakit naman ganito ang pakiramdam ko ngayon? Para akong namatanda na ewan, dahil bigla bigla na lamang bumibigay ang pader na itinayo ko sa pagitan namin.

"M-Mateo, hindi ko kailangan nang kahit anong paliwanag. Hindi mo kailangang magpaliwanag dahil wala naman akong hawak sa 'yo. Labas ako kung ano ang gusto mong gawin and so on." Pagpapaintindi ko sa kaniya, na siyang ikinailing niya.

"Hawak mo ako, Fayra. I know we're nothing. We're just civil. Pero sa 'yo ako. Ikaw at ikaw ang babalikan at ibabalik ko sa buhay ko. Yung nakita mo kanina, friendly hug lang 'yun. Actually here," abot niya sa akin sa isang envelope na kanina niya pa dala dala. "Open it."

Sinunod ko siya. Maingat kong binuksan ang envelope at napataas agad ako ng kilay sa nabasa.

"It's her wedding, at imbitado tayo nila Morgan this end of the week."

"Is this for real?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, that's real."

Kaagad akong napabalikwas ng tayo at napaharap sa likod ko nang magmula doon ang sumagot sa aking tanong.

It's her. Rose.

Bumaba pa ang tingin ko sa may bandang maumbok niyang tiyan. Kaya't mas lalo akong napamaang.

"Sana makapunta kayo, Fayra. Pinuntahan ko na talaga si Mateo dito para pormal na ibigay 'yan, para naman makasigurado akong mauupo kayo sa nalalapit kong kasal. You're both busy kasi, at baka kung sa mga sekretarya niyo pa ako mag-abot niyan ay baka late niyo na rin makita."

"We're definitely coming, Rose. Right, Fayra?" Himas ni Mateo sa balikat ko.

Napalunok naman ako at tipid na ngumiti.

"Y-Yes. Ahm, mamaya ay dadaan na ako sa mga boutique for my gift."

"Presensya niyo lang, ayos na. Tsaka pala, 'yung nakita mo kanina. Wala lang 'yun ah. Hindi ko na uulitin 'yung pagkakamali ko noon---"

"Matagal ko na 'yang binaon sa limot, Rose. Tapos na lahat." Pagsisiguro ko.

Ngumiti naman siya nang malawak sa akin at nabigla pa ako sa biglaan niyang pagkakayakap sa'kin. Inangkala ko naman ang braso ko at napangiti.

"I'm sorry again." Bulong niya, na ikinatango ko.

"Huwag kang iiyak." May pagbabanta sa boses ko. Garalgal kasi ang boses niya. "Makakasama 'yan sa baby mo."

Nang maghiwalay kami ay malawak pa rin siyang nakangiti sa amin. Ramdam ko naman sa likod ko si Mateo na inisirko pa ang braso niya pa-ikot sa baywang ko.

"Kayo ba, kailan niyo ba balak magpakasal ulit?" Maya'y tanong ni Rose.

Agad na lumukot ang mukha ko at inalis ang braso ni Mateo sa'kin.

"Wala kaming balak. Isa pa, hindi naman kami." Parang batang nguso ko.

Umarko ang kilay ni Rose at nagsalin ng tingin kay Mateo.

"Oh, you hear that?" Mapang-asar niyang tanong kay Mateo.

Hindi na ako nagtangka pang tingnan ang reaksyon niya dahil sa pagpalatak niya pa lang ay alam ko na na hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bunganga ko. Pero 'yun naman talaga ang totoo.

"Dadating din kami diyan. Haharap din kami ulit sa altar."

Hindi na ako nagsalita pa. Ngumiwi na lang ako at napailing.

"Sige na, mauna na ako sa inyong dalawa. Kung ano ano na ang nalabas sa bunganga ni Mateo." Ani Rose, sabay muling yakap sa akin. "Basta sa kasal niyo, paki invite kami ng magiging asawa ko." Pabulong niyang tapik sa akin.

"Isa ka pa eh. Sige na, mag-iingat ka ah." Untag ko.

Nang maka-alis naman si Rose ay kaagad akong nagbaling kay Mateo na siyang nakatingin na sa akin. Nakanguso habang nakakunot ang noo sa akin. Naka-pamaywang pa habang hinihimas himas ang baba niya.

Ipinagsawalang bahala ko 'yun at nagwika.

"Siya nga pala. Kaya pala ako napadaan dito kasi kailangan ko 'yung pirma mo para doon sa napagkasunduan na'tin na project sa may Bulacan."

"Yun lang ang ipinunta mo dito?"

"Oo. Bakit ano pa bang ine-expect mo?"

Ngumiwi siya. "Ako." Walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Akala ko pa man din, kaya ka nagawi dito kasi nami-miss mo ko."

"Ang kapal naman ng apog mo." Bulong ko, na alam ko namang narinig niya. Lumakad ako pauna, pabalik sa kaniyang opisina.

"Makapal talaga. Kaya nga ang lakas kong mag-assume eh."

Hindi ko naiwasang hindi mapangiti. "Mateo, umayos ka nga. Pa-gurang ka na't lahat lahat ganiyan ka pa rin mag-isip." Naiiling kong sabi.

"Sige, sabi mo eh." Pasukong saad niya na ikinailing ko.

Umupo muna ako sa may couch at sinuyod ng tingin ang buong office niya. Malaki na ang pinagbago nito. Maraming nabago. Napangiti ako. Nang huli akong tumapak dito ay masamang alaala ang ibinaon nu'n sa buong pagkatao ko. Ngayon, wala na akong masalamin.

Nang dumako ang paningin ko sa likod ng upuan niya ay naningkit ang aking mga mata. Paano'y may isang malaking frame doon, at ang larawan namin nu'ng kasal kami ang siyang nandoroon.

Imbes na punain ay hindi na lang ako umimik.

"Shit." Mahinang pagmumura niya. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya.

Kapa kapa niya ang kaniyang ulo at halos nanginginig na nakatukod ang kamay sa lamesa niya. Kaagad na nabuhay ang kaba sa aking dibdib.

"M-Mateo, umupo ka na muna." Alalay ko sa kaniya.

Mabilis ko na ring tinawagan ang sekretarya niya para maabutan ako ng bimpo at maligamgam na tubig, dahil nagpapawis ng butil butil si Mateo at malamig 'yun.

"Ano pong nangyari, Ma'am?" Takang pagtatanong ng sekretarya niya.

Piniga ko na muna ang bimpo at pinasadahan ng punas ang mukha ni Mateo.

"Masama ata ang pakiramdam niya. Paki-kuha naman ako ng gamot, para sa lagnat." Pakisuyo ko na agad niyang ikinatalima.

Napabuntong hininga naman ako nang mag-dilat si Mateo. Halata na hindi maganda ang pakiramdam niya, kung ikumpara sa kanina.

"Sumabay ka na sa'kin umuwi. Idadaan kita sa bahay mo." Aniya ko sa kaniya.

"K-Kaya ko naman. Kumirot lang."

"Anong kaya. Eh kanina ka pa namumutla. Huwag ka nang matigas ang ulo. Si Morgan na muna ang sasabihan ko para sa kompanya mo." Saad ko.

Hindi naman na tumutol si Mateo. Sakto rin ang pagkabalik ng sekretarya niya na may dalang mga gamot. Pinainom ko lang siya nang biogesic, at kinausap sandali ang sekretarya niya.

NANG MAKARATING kami sa bahay niya ay nag-asikaso na ako nang pang lugaw na makakain niya. Kanina habang binabagtas namin ang highway ay panay ang request niya sa'kin na gusto niya daw ng lugaw.

Pagkatapos kong makapagluto ay nagsandok agad ako para maipakain ko sa kaniya. Panay din ang patingin ko sa oras dahil may meeting pa akong dadaluhan mamaya.

"Galit na galit nga si Morgan. Paano, sinabihan niya na pala 'yan na magpahinga na lang muna. Ayaw naman daw siyang pakinggan."

"Mas tumaas nga ang lagnat niya ngayon. Balot na balot na nga siya ng kumot." Aniya ko kay Lyden mula sa kabilang linya.

"Balak mo bang mag-stay diyan? Kasi, kukunin na muna namin si Ace."

Napatitig ako kay Mateo sa naging tanong ni Lyden. Mukha wala akong choice kung hindi ang mamalagi dito ngayong araw. Wala naman siyang ibang kasama, at hindi rin naman pwede sila Manang Celly dahil nasa mansion siya ngayon ni Don Madeo.

"Walang choice, Ly. Ikaw na muna ang bahala kay Ace."

"Walang choice? O gusto mo talagang samahan si Mateo to make sure everything will be alright?"

Napailing ako sa naging tanong niya. "Ibababa ko na 'to, Lyden. Kung saan saan na naman tumatakbo ang imahinasyon mo."

Nang matapos kaming mag-usap ay lumapit ako sa kama. Sinalat ko ang noo ni Mateo. Sobrang init niya. Gusto ko na siyang dalhin sa hospital, pero ang sabi niya kanina ay ayaw niya daw doon. Mas gusto pa niyang sa bahay niya, kaysa mamalagi sa hospital.

"Mateo. Kumain ka na muna, habang mainit pa 'tong lugaw." Mahinang pag-gising ko sa kaniya.

Pag-ungot naman ang isinukli niya sa akin.

"Sige na. Para magkaroon ka ng lakas."

"Pa-Pakilapag mo na lang diyan. Tatayo na lang ako mamaya."

"Ang tigas naman ng ulo mo. Kapag hindi ka pa bumangon diyan at kumain, lalayasan talaga kita ora mismo." Inis kong pagwika, sabay lapag ng padabog sa tray na bitbit ko.

"O-Okay, I'm up." Garalgal na wika nito, at pinilit na pina upo ang sarili niya.

Hirap na hirap pa nga siya, kaya't tinulungan ko na siyang makasandal sa headboard ng kama.

"Anong oras ka pala uuwi?" Tanong niya kinalaunan.

Hinipan ko na muna ang kutsara na may lugaw at inilapit 'yun sa bibig niya.

"Hindi ko alam. Siguro kapag bumaba na 'yang lagnat mo."

"So you're staying here?"

Tumango ako. "Oo. Nasabihan ko naman na rin si Lyden about kay Ace---Ay, matatapon!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hilain ako ni Mateo at yakapin nang mahigpit habang dala dala ko sa magkabila kong kamay ang mangkok at kutsara ng lugaw niya.

"M-Mateo." Tawag ko sa kaniya dahil sa mahigpit niyang pagkakayakap.

"Stay, please." Aniya at mas nagsumiksik pa.

"Yung lugaw mo."

"Akin na, busog naman na ako." Aniya, sabay bitaw sa akin. Kinuha niya pa sa kamay ko ang kutsara't mangkok at nang magbaling sa akin ay umusog banda sa gilid, at tinapik ang pwestong bakante.

"Come here." Tapik tapik niya sa kaniyang tabi.

Napailing ako. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay siyang paghila niya naman sa akin. Napahiga ako sa kama, at sa mabilis na segundo ay natagpuan ko na lang ang sarili kong yakap yakap ni Mateo, at parehas kaming nakabalot sa makapal niyang kumot.

Ramdam ko ang init ng katawan ni Mateo. Pero tila nanlalamig naman ako sa sitwasyon namin.

"Better, than ever." Bulong niya sabay pikit ng mata.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top