Chapter 58

CHAPTER 58

"Hindi pa humuhupa 'yang lagnat mo. Baka kung mapa-ano ka naman niyan."

Nagpatuloy lamang ako sa pag-aayos ng gamit ko habang si Mateo ay panay ang pagdadaldal habang naka-upo sa kama niya at karga si Ace.

"Kailangan ako sa office ngayon. Siya nga pala, pag-usapan na na'tin 'yong settlement na'tin para kay Ace, habang nandito pa ako." Baling ko sa kaniya.

Tutok ang paningin niya sa akin at napabuntong hininga.

"Sa susunod na araw na lang. Hindi naman ako nagmamadali."

"Masyado na akong busy, Mateo. Kung hindi mo pa kukunin ang oras ko ngayon, ako naman ang mahihirapan para kay Ace."

"What do you mean?" Takang tanong niya.

"I have a business trip sa El nido, next week. Hindi ko maisasama si Ace dahil hindi naman ako magbabakasyon lang doon. And I need someone na hindi niya kasasawaan, and because you're here, maganda na magkaliwanagan na tayo sa custody ni Ace."

"Wala akong balak na ilayo sa 'yo si Ace---"

"Kahit pa may balak ka ay hindi naman ako makapapayag, Mateo." Singit ko sa kaniya.

Inilapag niya sa Ace sa higaan na nakatulog na pala sa kandungan niya.

"Ano bang set up ang ibibigay mo sa akin, Fayra para sa anak na'tin? Maghahati ba tayo sa linggo o araw araw?"

Napa-isip naman ako.

"Sabado at linggo lang sa 'yo si Ace, Mateo. At mag-uumpisa 'yon after ng trip ko sa El nido."

"Bakit parang hindi naman ata fair sa akin 'yan?" Paniningkit ng kaniyang mga mata.

Sinalubong ko ang kaniyang tingin.

"Hindi ko kayang malayo ng matagal sa akin si Ace, Mateo. Sana naiintindihan mo ako."

"I do, but it's just so unfair. Why not, bibisita na lang ako sa inyo araw araw, para hindi ko na kailangan pang ilayo sa 'yo si Ace. Mas maigi na 'yon kaysa malito ang bata sa palipat lipat niyang bahay."

Natigilan ako sandali. "Kung 'yan ang gusto mo, sige. Papayag ako." Sang-ayon ko sa kaniya at payak na ngumiti. "Paano, mauna na ako. Ihatid mo na lang si Ace mamaya sa bahay."

Lumapit ako kay Ace at hinalikan siya sa pisngi at kamay. Pabulong lang din akong nagpaalam sa kaniya at bumaling na muli kay Mateo.

Nagpati-una ako sa paglabas ng kuwarto at mula sa salamin na sumalubong sa akin ay pinakatitigan ko ang aking sarili.

Buti na lang talaga at nalabhan kahit papaano ang dinamit ko kahapon, at may baon din akong extra undergarments, dahil kung wala, baka kailanganin ko pang umuwi sa bahay.

"Ikaw na ang bahala kay Ace, Mateo. Bago sana magtakip silim ay naihatid mo na siya sa bahay." Aniya ko pa habang nasa tarangkahan kami ng pinto ng bahay niya.

Seryoso lamang na nakalaan ang tingin sa akin ni Mateo. Titig na titig siya na para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan.

"Hoy," tapik ko sa kaniya. "Nakikinig ka ba sa 'kin?" May inis sa boses ko dahil ayaw kong umulit.

Akala ko ay sasagot na siya sa akin, ngunit gano'n na lang ang pagkakalunok ko nang mabilis ang naging paghapit niya sa akin at mariin akong niyakap.

Para akong kakapusin sa paghinga dahil sa biglaan niyang pagkakayakap.

"M-Mateo, an-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko't sinubukan siyang itulak ngunit masyadong pwersado ang yakap niya sa akin.

"I-I'm sorry," mahina ngunit sapat lamang sa aking pandinig.

"Ayos na, Mateo. Napatawad ko na kayo, lalo ka  na." Saad ko na mula pa sa aking puso.

Hindi ko sinabi 'yon to make him feel better, or whatsoever. Gusto kong marinig niya 'yon dahil 'yun din naman ang ibig kong malaman niya.

Nakapagpatawad na ako. Ginawa ko 'yon hindi para sa kanila, kung hindi para sa sarili ko. Para matahimik ako at makausad sa pagbabagong gusto ko para sa akin.

Hiniwalay ko siya sa akin at mataman na pinakatitigan ang mukha niya. Namumula ang kaniyang ilong, at mamasa masa rin ang kaniyang mga mata.

Pinunasan ko ang kaniyang luha at ngumiti.

"Stop saying sorry to me, Mateo. Tapos na ang lahat. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabago sa buhay ko, at kasama na doon ang pagkalimot ko sa nakaraan."

Napailing siya at suminghot singhot.

"Hindi ko mapatawad ang sarili for everything,  Fayra. Binabagabag pa rin ako ng konsensya ko for making you miserable, at ang ilang beses na pangako ko na paulit ulit lang na napapako." Aniya't mahigpit na hinawakan ang palad kong paulit ulit niyang hinahalikan.

"Forgive yourself, Mateo, because I already did. Hindi naman tayo hahantong sa gano'n na senaryo sa buhay na'tin, kung hindi ko tinangka na pumasok sa buhay mo---"

"You regret it, right?" Nasa mga mata niya ang panlulumo.

Napalunok ako, bago dalawang beses na tumango.

"I do regret my actions, Mateo. Dahil kung hindi ako naging mapangahas, sana walang gulong nangyari sa pagitan na'tin. Sana hindi ko nasira ang relasyon niyo, kung tumigil ako sa paghahangad ko."

Mabilis ang naging pag-iling ni Mateo habang hawak pa rin ang palad ko.

"N-No. Wala kang nasira, Fayra. Ikaw pa ang umayos sa akin, but then I become so ruthless towards you. At kung hindi nangyari ang lahat ng ito, wala ang anak ko ngayon."

Payak lamang akong napangiti.

"Let's move on, Mateo. Tapos na ang lahat, wala ka nang kailangang bawian sa akin. Mag-focus ka kay Ace. Sa kaniya ka bumawi dahil mas kailangan ka niya."

Matagal kaming nagkatitigan. At sa pagyakap niya muli sa akin ay sinuklian ko na 'yun ng mahinang pagtapik.

"I still want to be with you, Fayra. Pwede pa bang pumasok muli sa buhay mo? This time, I won't hurt you anymore, hindi 'yan pangako, it's a commitment that I'll try harder para hindi ka na masaktan pa kahit alam kong imposible, lalo na at sa akin nanggaling."

Natawa ako. Humiwalay ako sa kaniya at nag-atras ng hakbang.

"I don't want to be with you anymore, Mateo." Diretsong saad ko.

Kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Halatang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko.

Nagbaba ako ng tingin at napangiti na lang sa hangin.

Para bang mas lalong lumuwag ang paghinga ko dahil sa salitang lumabas sa aking bibig.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagbuntong hininga.

"That's the truth at all. Hindi dahil sa takot lang akong maulit o bumalik ang lahat, kung hindi dahil napagtanto ko na hindi ko kailangan nang sino mang lalaki na magiging katuwang ko sa buhay ko ngayon. I become better when I'm all alone. I don't date or whatsoever. And I realized, that I can be more happier when I'm all by myself. Sapat na sa akin ang anak at pamilya ko, Mateo. At ang pagmamahal lang na kailangan ko ay galing lamang sa sarili ko." Pagpapa-intindi ko sa kaniya.

"But that can change,..."

"Who knows? But all I know right now, is that, no one can enter my peaceful life."

Ang kaninang hindi maipinta niyang mukha ay biglang umaliwalas ng bahagya.

"I'm being too selfish again. But, I understand. But can I please be there for you? I mean, to do everything---"

"Like what?" Putol ko.

Nagkamot batok siya, animo'y nahihiya.

"Ipagmaneho ka."

Natawa ako. "Well I badly need a driver, you can pass your resume to Sébastien, and we'll see that." Aniya ko sabay labas na sa bahay niya.

Inisang tingin ko pa siya at nakita ako ang hindi niya makapaniwalang reaksyon. Napailing na lang ako at pinawi ang ngiti sa aking labi.

"Alagaan mo si Ace!" Kuway ko pa.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top