Chapter 57

CHAPTER 57

"Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?"

Napatingin ako sa bultong iniluwa ng pintuan. Si Mateo 'yon na may dalang tray ng pagkain. Nang tuluyan itong makalapit sa kama ay inilapag na nito ang tray, at maingat pang lumapit sa akin.

Kinapa niya ang noo at leeg ko na siyang kinapa ko rin.

Ang init ko. Bakit hindi ko man lang namalayan?

"Medyo bumaba na ang init mo. Heto, kumain ka na muna para maka-inom ka ng gamot." Alok niya sa akin.

Napadapo naman ang paningin ko sa kutsarang inilapit niya sa bibig ko.

"A-Ako na." Garalgal kong tinig.

Medyo nawala ang boses ko dulot na rin siguro ng masama kong pakiramdam.

Kinuha ko ang kutsara sa kaniya at sinikap na makakain. Hindi ko na 'to tatanggihan tutal ay tila naghahangad ang sikmura ko nang pagkain, na para bang hindi naman ako kumain ng isang linggo.

"Si Ace nga pala?" Takang tanong ko dahil bakit wala man lang sa tabi ko ang batang 'yon, eh ang gising no'n ay kalagitnaan pa ng katanghalian. Gayong sa palagay ko naman ay maaga-aga pa. "Tsaka, ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi ba't kahapon ang usapan na'tin---"

Bigla akong natigilan at agad na napatingin sa kaniya. Biglang pumasok sa isip ko na nakatulog nga pala ako kahapon at naalimpungatan na lamang na karga karga niya ko, at pagkatapos no'n ay wala na. Wala na akong maalala, dahil black out na sa isip ko ang sumunod na nangyari.

Mabilis ding nanuyod ako ng tingin dahil tila ba ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi nga pala ganito ang ayos ng kuwarto ko. That means, wala ako sa bahay.

"N-Nasaan ako?" Takang tanong ko.

Tumikhim naman si Mateo. "Nasa bahay ko." Tipid niyang sagot.

Para akong nabulunan. Mabilis kong inabot ang isang baso ng tubig at lumagok.

"Ano bang nangyari?" Parang gusto kong kaltukan ang sarili ko sa uri ng aking pagkakatanong, ngunit huli na para bawiin ko pa 'yon.

Kitang kita ko ang pasimpleng pagngisi ni Mateo. Sabi ni nga ba at iba ang dating no'n sa kaniya.

"Walang nangyari ---"

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin," pagbubuntong hininga ko at seryoso siyang pinakatitigan.

Agad naman siyang tumalima. " Pagod na pagod ka kahapon nang dumating ako sa resto.  Hindi na kita ginising dahil halata sa 'yo na para kang isang buwang walang tulog. After a couple of minutes, napagpasyahan kong i-uwi ka na, pero hindi muna sa inyo, dahil alam kong hindi ka naman makakapagpahinga ng maayos lalo na't nasa iisang kuwarto lang kayo ni Ace, kaya dito kita dinala. But don't worry, sa guest room ako natulog at ang nagpalit sa 'yo ay sekretarya mo. Pinapunta ko siya dito, dahil kinukumbulsyon ka sa trangkaso kagabi, butin na lang nga ngayon medyo humupa ang init mo."

Matik na dahil ito sa ilang linggo ko nang pagpapalipas sa opisina. Tama nga sila daddy, masyado kong inaabuso ang katawan ko.

"Thank you. Maya maya ay aalis na rin ako, grabeng abala pala ang nagawa ko." Ngiwi ko.

"Hindi ka abala para sa akin, Fayra. And you can stay here kahit anong oras o araw pa 'yan. Tsaka, on the way na rin si Ace dito. Hinahanap ka na daw eh, kaya pinasundo ko na."

Napatango na lang ako at tuluyan nang inubos ang pagkain, sunod ay ininom ko na rin ang gamot na ibinigay niya sa akin at muling nagpahinga.

Habang papalabas ng kuwarto si Mateo ay iginala ko naman ang paningin ko sa kabuuan kung nasaan ako ngayon.

Base sa mga naaninag ko ay tingin ko kuwarto niya 'to. Kung ano ang style no'ng kuwarto niya sa pad niya ay kamukha dito, nag-lighten lang ang ibang kulay na bumagay sa mga interior ng kuwarto.

Sinikap kong tumayo. Gusto kong masilip ang balcony niya, dahil mukhang masarap ang hangin sa labas. At makulimlim pa ang kalangitan.

Sa paglalakad ko ay panay ang tingin ko sa iilang mga picture frame niya, at gayon na lamang ang pagkakatigil ko nang makita ang picture naming dalawa no'ng araw ng kasal.

I was smiling throughout while he was staring at me like it was full of admiration.

Hindi ko na lamang pinansin 'yon at dumiretso na ako sa balcony. Agad akong napayakap sa sarili ko ng tuluyang dumampi ang hangin sa balat ko. Mukhang hindi ko kakayanin, kaya naman muli akong bumalik sa loob.

Sinikap kong muling maka-idlip, ngunit tila hindi naman na ako naging komportable gayong alam ko na wala ako sa aking bahay.

Mula sa aking pagmumuni muni naagaw ng pagbukas ng pinto ang atensyon ko. Iniluwa no'n ang anak kong si Ace na agad na nakapako ang paningin sa akin.

"Mommy!" Patakbong sigaw ng anak ko palapit sa kama.

Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa taas ng kama ay hindi niya ito kayang sampahan. Akma naman sanang bubwelo ako nang bigla namang lumapit si Mateo.

"Ako na."

Napa-angat angat ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko man lang napansin na nasa likod pala siya ni Ace.

Nang makasampa ng tuluyan si Ace ay agad niya akong pinupog ng halik at mahigpit na yakap.

Nakaramdam naman ako ng guilt, dahil hindi naman lingid sa akin na napapabayaan ko na ang anak ko. At kung matampuhin lang na bata 'tong si Ace, for sure mahihirapan ako.

Aalis akong tulog pa siya at uuwi akong tulog na siya. Gano'n ang set up naming mag-ina. Bagay na iniiwasan ko noon ngunit siyang ending pa rin namin ngayon.

"Huwag muna masyadong lumapit kay mommy anak, baka mahawaan kita." Himas ko sa noo niya.

"B-bakit po? D-di mo na ako lalab?" Namumulang turo niya sa kaniyang sarili.

Napaawang ang labi. Magsasalita na sana ako nang kargahin naman ni Mateo si Ace papunta sa kaniyang kandungan.

"Love ka ni mommy, Ace. Hindi mo lang siyang pwedeng lapitan dahil baka ikaw naman ang maging sick. And if you're going to be sick, you and me can't go to the mall and buy some big toys. You want that?"

Nakatingalang umiling si Ace sa ama niya. Sa ikli ng sinabi ko ay tila namis-interpret pa ni Ace 'yon, samantalang ang kay Mateo na pagkahaba haba ay gets na gets niya.

"I love you too, mommy." Baling ni Ace sa akin pagkatapos ng pag-iling niya kay Mateo..

Napangiti naman ako at nag fly kiss sa kaniya na tuwang tuwa niyang sinalo.

"Ano nga palang gusto mong pananghalian, Fayra? Balak ko kasing magluto na lang kaysa umorder."

"Kahit ano na lang. Ikaw na lng bahala." Sagot ko naman, dahil nakakahiya naman kung magre-request pa ako, eh ang laking abala na nga nang pagtuloy ko dito.

"Alright, isama ko muna si Ace sa akin para makapagpahinga ka pa." Ngiti niya sa akin at kinarga na palabas ang anak.

Napanguso naman ako. Wala nga ako sa opisina. Hindi ko din naman makasama si Ace dahil sa trangkaso ko.

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako. Sa paggising ko ay ako pa lang pa rin ang nasa kuwarto. Tumingin sa orasan, malapit na rin pa lang magtanghalian.

Mula sa katabi kong lamesita ay inabot ko ang bag ko. Inilabas ko ang laptop at phone ko para makibalita sa ganap na sa conference. Hindi rin naman nagtagal ay nagbigay ng mga progress si Joy, na mabilis kong ni-review.

So far, maayos ang lahat at balanse ni Sébastien ang takbo meeting.

After checking, nag-browse naman ako para sa ilang applicant na natanggap ngayong araw. Ilan pa lang na resume nila ang na-check ko when I started feeling dizzy. Agad akong tumigil at pinahupa muna ang hilo ko bago ko napagpasyahang tumungo sa kusina.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang boses ni Mateo na tila may kausap. Habang si Ace namam ay nasa sala at may nakasalpak na tsupon sa bibig habang nanonood sa malaking tv ni Mateo.

"Pakipadala na lang lahat ng contract dito sa bahay within this day para matapos ko agad 'yan... And about sa mga meeting ko, cancel it all --- No. Hindi ko naman kailangan ang mga kompanyang 'yan para sa pangalan ko. I'm already on top, isa pa, may mas mahalaga akong inaasikaso ngayon..."

Napatikhim ako sandali para kunin ang atensyon niya, na siyang nagawa ko naman.

"Hold on for a second, Rem." Aniya sa kausap at inilayo ang phone sa tainga niya. "Nagugutom ka na ba? Malapit na kong matapos." Saad niya sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Lumapit ako at kinuha ang pangsipit sa kaniya.

"Tapusin mo na muna 'yang kausap mo at ako na dito." Payak kong saad dahil mukhang importante ang kausap niya.

"Hindi na. Ako na dito," aniya sabay end ng call.

Nangasim ang mukha ko, ngunit hindi na ako nagsalita pa. Pinanood ko na lang siyang magluto ng kaldereta at fried chicken, na malamang ay para sa kanilang dalawa ni Ace.

Kalaunan ay pumanhit na muna ako sa itaas para kunin ang phone ko, at muli rin akong bumaba upang samahan si Ace sa sala.

Sakto naman at tumawag si Sébastien sa akin at gano'n na lang ang panlulumo ko ng marinig ang balita niya.

"Ayaw umalis nitong si Alfred, Fayra. Hindi daw siya magpapatinag hanggat hindi mo siya hinaharap, at isa pa, mukhang lasing."

Napahilot ako sa sintido ko. Ang lalaking 'yon ay talagang makitid ang utak. Sarado sa naging pasya ko kung kaya't ganyan ang himutok sa buhay.

"Ipadampot niyo. Kasalanan niya naman kung bakit nawala ang kompanya niya sa kaniya. Malaki ang naging pagkaka-utang niya sa akin, at halos bumagsak ang kompanya ng daddy ko sa pagtangay niya ng pera na pumapasok noon sa kompanya, pasalamat nga siya at hindi ko siya ipinakulong." Litanya ko.

"Siya nga pala, pumunta ako sa bahay niyo kagabi. Hindi ka pa daw nauwi. Asan ka ba?"

Napalunok ako sa tanong ni Sébastien.

"A-Ahm---"

Bago ko pa mapagpatuloy ang sasabihin ko ay siyang bungad naman ni Mateo sa likod na siyang ikinapikit ko.

"Fayra, ready na ang lunch na'tin. And here you go, my little son." Buhat niya kay Ace.

Nagtama ang paningin namin at lumagpas ang kaniya sa nakalapat na phone sa tainga ko.

"I'll call you later na lang, bye." Paalam ko at humayo na sa kusina.

Tahimik kaming nagsalo salo. Pakiramdam ko ay nag-iba rin ang timpla ni Mateo dahil sa hindi maipinta nitong mukha. Ngunit nagagawa niya pa ring makipagkulitan kay Ace.

Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan na lang silang dalawa. Medyo hindi pa rin maganda ang timpla ng pakiramdam ko, ngunit ayaw ko namang manatili dito ng matagal.

Isa pa, kailangan naming makapag-usap, para ma-settle namin ang lahat.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top