Chapter 56
CHAPTER 56
"I'm closing our deal, Ms. Fabian. Makaka-asa kang malaki ang suportang makukuha mo sa kompanya ko. Since you really did well in your proposal."
Bumalatay ang hindi matawarang tuwa sa aking labi. Kaagad akong nakipagkamay kay Mr. Lorenzo at sunod naman ay sa anak nito.
"I told you dad, she'll never disappoint us." Aniya sa ama na malawak din ang pagkakangiti sa akin.
"I know, anak. That's why hindi na ako nagdalawang isip na i-review ang proposal niya the other day, dahil malaki naman ang tiwala ko sa sinabi mo."
"Thank you for closing our deal Mr, Lorenzo. Our company will be glad for this great news."
"And because of that, I think we need to go celebrate for our partnership." Suhestiyon ng kaniyang anak.
"My bad, but I have errands na kailangan pang habulin today, Lem." Aniya ko sa kaniya.
Pormal na lamang ang pagkakabigkas ko sa kaniyang ngalan, dahil ilang beses na kaming nagkatrabaho at isa pa, ninang ako ng anak niya.
"Sayang naman, but of course, you're a busy woman. We understand, Fayra." Hapyaw pa niya.
Hindi rin nagtagal ay nauna na silang nagpaalam sa akin. Naiwan ako kasama ang aking secretary na siyang pinag-aayos ko pa ng mga meeting ko ngayong araw.
"Last na po ang kay Sir, Mateo, Ma'am. Natapos na po ang lahat ng important meeting niyo with all big brands. And for tomorrow naman po, I'll be the one representing you sa conference, since I think you badly need to rest for a while Ma'am Fayra."
Napa-angat ako ng tingin kay Joy. Kita sa mata niya ang pag-aalala sa akin.
"Do I really need that rest, Joy? Ang daming pumapasok sa kompanya na'tin, and it's a big break para makapasok pa tayo sa mas matataas pang kompanya around this country and of course sa labas na rin."
"Iyon naman po ang goal na'tin, Ma'am. But we can't make it kung pababayaan mo ang sarili mo."
Napanguso ako.
"Kasama ko naman po si Sir, Sébastien bukas. Siya po ang lead sa conference, and I'll take notes of everything."
"Oh sige. Pang-ilan ka na sa nagsabi sa akin niyan. Maybe it's really time na magpahinga na muna." Pagsang-ayon ko na ikinangiti niya.
"I'll call Mr, Vejar now, Ma'am, para maaga ka pong maka-uwi."
Sinundan ko lang ng tingin si Joy habang papalabas ito ng private room na pinagdausan ng meeting ko.
Agad kong initungko ang braso ko sa lamesa at ipinatong ang aking noo at sandaling pumikit.
Ilang oras lang din ang naging tulog ko kanina, dala na rin na nakasanayan na ng katawan ko na maaga ding gumising kahit pa nga maaga na din ako natulog.
Tila ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Ngayon lang bumabalatay ang sakit ng katawan ko, lalo na ang sa likuran ko at binti. Parang minamartilyo na ewan.
Napabuntong hininga ako at nag-ayos ng upo. Wala pa rin si Joy. Baka natagalan pa sa pagtawag kay Mateo.
Humikab ako at pinakatitigan ang aking upuan. Couch ito na sa tingin ko naman ay kakasya ako. Hindi ko na talaga kaya, kailangan kong maipikit at maihiga ang katawan ko, dahil para na akong trina-trangkaso. Tutal ay wala pa naman si Joy.
Mateo
Mabilis akong nagmaneho patungo sa sikat na restaurant na ipinadala ng secretary ni Fayra sa akin. Tapos na daw ang meeting ng boss niya at hihintayin na lang daw nila ako doon.
Kanina pa ako hindi mapakali sa pagtingin sa phone ko. Kanina ko pa hinihintay ang message ni Fayra, actually kating kati na nga akong mag-text sa bago niyang number na ipinadala ni Morgan sa akin ng hingiin ko ito sa kaniya. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko, dahil baka magbago ang isip niya. Kaya naman laking tuwa ko ng mag-ring ang phone ko, ngunit gayon naman ang dissapointment ko ng hindi si Fayra ang nasa kabilang linya.
But why would I expect too much?
Sino ba ako para paglaanan niya ng kaunting oras just to call, kung pwede niya namang i-utos sa iba.
Thinking of that, karma ko na ata 'to.
I have a choice, but I choose to end everything by walking away. And that's so stupid of me.
Imbes na ayusin ang problema ay tinakbuhan ko pa. Napaka-duwag ko. Tama mga siguro si Morgan. Magaling lang ako sa salita, but I'm afraid to do actions.
Funny thing is that, dahil sa biglaan kong paglalaho ay hindi ko akalaing buntot ko pala ang kuya ko.
Ilang araw lang akong namalagi sa tagaytay ay nakatikim na agad ako ng sunod sunod na suntok mula sa kapatid ko.
"Tarantado ka talaga, Mateo! After mong paiyakin si Fayra, ngayon naman ay ang anak mo! Ganiyan ka na ba talaga, ha?! Hindi ka na ba talaga magbabago?!" Galit na pagsigaw ni Morgan sa akin habang panay ang pagbibitaw nito ng suntok sa akin.
Hindi agad ako natalima dahil sa bilis ng kilos niya.
"K-Kuya, t-teka." Tanging naisantinig ko bago muling nakatikim ng malakas magbigay suntok, sabay bitaw sa akin.
Mula sa labas naman ng pinto ng bahay ko, ay malabo kong naaninag ang isang babae, akala ko si Fayra, ngunit gayon na lamang ang panlulumo ko ng si Lyden pala 'yon.
"H-Hon! Gago ka! Papatayin mo naman eh! Tabi nga!" Halata sa boses niya ang inis para sa kapatid ko. "Hala, tulungan mo ako ditong abnoy ka." Hapyaw pa nito at naramdaman ko na lang na pinagtulungan nila akong mai-upo sa sofa.
Bahagya kong ginalaw ang panga ko, masakit. Maging ang mata ko ay idinilat ko rin, ngunit umiikot naman ang aking paningin kaya't muli akong pumikit.
"Kulang pa nga 'yan eh. Kung pwede ko lang gripuhan 'yan, ginawa ko na." Asik ni Morgan.
Gusto kong matawa. Deserve ko naman 'to, dahil ang tanga ko gumawa ng desisyon na para bang ang mag-alis ko ay magkakaroon ng mabuting dulot sa aking mag-ina.
"Ikaw, Mateo. Ayusin mo 'yang buhay mo ah. Sinasabi ko sa 'yo, habang buhay mong pagsisisihan ang katangahan mo kung hindi mo maitatama ang lahat ng pagkakamali mo lalo na kay Fayra." Mahinahon ngunit ramdam ko pa rin ang gigil niya sa akin.
"Nabasa ko ang sulat mo. Babawi ka? Kailan naman 'yan? Hindi ba't 'yan din ang sinabi mo sa kaniya bago muling magkanda-letche letche ang lahat? Puro ka salita, Mateo. Pero natatakot kang manindigan."
"Tama ang kuya mo, Mateo. Kung ako ang tatanungin. Ayaw na kitang bumalik pa sa buhay ni Fayra. Dahil saksi ako kung papaano mo hinayaan ang kaibigan ko sa madilim na parte ng pagsasama niyo noon, ngunit alang alang kay Ace, mukhang walang makakapigil na pagtagpuin kayo ulit."
Nanatili lamang akong tahimik habang salitan silang pinapakinggan.
"I saw how Fayra cried because of how heartless you are to her. How you showed her that you will never love her the way you did to Rose. Sinira mo ang kaibigan ko Mateo. At ngayon, ang anak mo naman ang unti unti mong sinisira." Si Lyden.
"This is the only way para matahimik na si Fayra, Lyden. Alam kong kaduwagan ang kilos ko, pero hindi ko maatim na sa tuwing titingin ako sa mga mata niya ay lungkot, pagkamuhi at pandidiri ang nakikita ko." Pag-aamin ko.
"Ikaw rin naman ang may gawa niyan, Mateo. Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating engot, siguro masaya kayo ni Fayra. Dapat talaga sinabotahe ko na lang ang kasal niyo noon, dapat sumunod ako sa instinct ko."
Hindi ko napigilan mapangiwi dahil sa narinig at dahil na rin sa malakas na pagkakadampi niya ng yelo sa natamo kong suntok kanina.
"Kung wala lang si Isabella ay baka itinulak ko na si Sébastien kay Fayra." Si Morgan.
Agad akong napamulat. Nagkasalubong naman ang paningin namin. Ang talim ng titig niya sa akin.
"Maraming nagsasabi na bagay sila, at sa tingin ko, kung una lang siyang nakilala ni Fayra ay baka hindi niya naranasan ang brutal mong pagpapahirap sa damdamin niya."
Agad akong nag-iwas ng tingin at kinuha ang ice bag kay Lyden.
"8 months, Mateo."
"Ano namam 'yan?" Inis kong tanong kay Morgan. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin at akma pa akong susuntukin ng maunahan siya ni Lyden sa pagsampal sa akin.
"S-Shit! Papatayin niyo ba akong dalawa ha?!" Inis kong bulyaw sabay tayo kahit nahihilo pa ako.
"For the record, kulang pa 'yang physical pain mo sa nagawa mong emotional pain Sa bestfriend ko."
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ayusin mo ang sarili mo sa loob ng walong buwan, Mateo. Don't worry, I'll update you with your son---"
"Isama mo na si Fayra."
"No." Diin niya. "She's not belong to you anymore. Si Ace lang, Mateo. Basta ang usapan ay 8 months. Kung gusto mong bumawi kay Fayra at sa anak mo ay umpisahan mo muna sa sarili mo. Magnilay nilay ka. Isipin mo kung kaya mo ba talagang gawin lahat ng sinabi mo kay Fayra. Dahil kung hindi, hindi na ako gagawa ng hakbang para matulungan ka. Fayra deserves better, who can provide a real love with true feelings towards her. Alalahanin mo Mateo, si Fayra 'yan. Walang katulad. Ang daling mahulog sa kaniya, at hindi na ako magugulat kung dahil sa tanga mong desisyon ay tuluyang may pumalit sa 'yo."
Napakunok ako.
"We'll, siguro mas better. Atleast she can no longer be with someone who's afraid to take the real actions."
Para akong binambo sa katotohanang pwede 'yong mangyari. And at the same time, gusto kong kastiguhin ang sarili ko.
Ang lakas ko siyang ipagtabuyan noon, but here I am now, hindi nga ako pinagtabuyan, ngunit ibang iba siya magparamdam na balewala na ako sa kaniya.
But now I'm ready to face everything. Lahat ng bagay ay napagtanto ko na. Lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko ay magkakasunod nang nakatatak sa isipan ko.
"This way Sir." Lahad ng waiter sa daan patungo sa private room na nakalaan para sa meeting ni Fayra.
Nang makarating kami sa loob ay tanging ang nagpakilalang secretary lang ni Fayra ang bumungad sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Si Fayra?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong silid.
"Ah, nakatulog ho." Kamot batok na sagot niya sa akin.
"Nakatulog?"
Tumango siya at tinuro ang upuan na naaninagan kong may bulto ng katawan ng isang babae.
Lumapit ako doon at nakita kong si Fayra 'yon na mahimbing ang pagkakatulog. Ang unan niya ay ang kaniyang braso.
Nahabag naman ako sa kalagayan niya, kaya't mabilis akong kumilos upang umupo sa bandang uluhan niya, at marahan siyang binuhat upang makaunan siya sa hita ko. Sa ginawa kong 'yon ay hindi man lang siya nagising.
Lumulubo pa ang kaniyang pisngi bagay na palihim kong ikinangiti.
"Kanina pa ba siya tulog?" Tanong kong hindi nag-aalis ng tingin sa mukha ni Fayra.
"20 minutes na din ho Sir, Mateo. At sa palagay ko ho ay hindi na kaya ni Ma'am na makipag-usap sa inyo."
"Mukha nga. Halata ang pagod sa kaniya."
"Oho, lagi po kasing overtime si Ma'am. Madalas na rin ho ang pag-uwi niya ng madaling araw. Subsob po sa trabaho, tapos magmamaneho pa after work."
Napalabi ko.
"Siya nga pala Sir, maiwan ko ho muna kayo, tutal naman ay asawa ka ni Ma'am, tawagin niyo na lang ho ako kapag gising na si Ma'am Fayra." Aniya ng kaniyang secretary.
Wala sa sariling napataas ang tingin ko sa palalayong bulto ng sekretarya ni Fayra.
Hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko sa salitang 'yon, dahil bigla na lamang bumilis ang pagpintig ng puso ko.
Itinuon ko na ang atensyon ko kay Fayra. Hinagod ko ang may kahabaan nitong buhok.
Sa loob ng ilang buwan ay halata ang pagbagsak ng timbang niya. Mukhang napapabayaan niya ng husto ang sarili niya dahil sa trabaho.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking relo. Siguro ay dapat ko nang i-uwi si Fayra. Malapit na din magdilim. At para maka-ayos na rin siya sa kaniyang paghiga.
Napagpasyahan kong huwag na lamang siyang gisingin. Marahan ko siyang binuhat, at bago pa man kami makalabas ng private room ay kita ko na ang paunti-unting pagbukas ng kaniyang talukap.
"O-Oh my God." Mahina niyang saad at akmang pipiglas nang pigilan ko siya.
"Don't. Let me, para hindi madagdagan ang pagod mo." Aniya ko sabay patuloy sa pagbaba at palakad papunta sa parking.
Hindi naman ako nakarinig ng pagtutol sa kaniya. Nang makarating kami sa harap ng sasakyan ko ay nakisuyo ako sa secretary ni Fayra na nagpakilalang si Joy.
Ipinasok ko si Fayra sa front seat at nilagyan siya ng seatbelt. Inadjust ko na rin ang upuan para naman maayos siyang makahiga. Nang pakatitigan ko siya ay mahimbing na muli ang kaniyang pagkakaidlip.
"Hindi na talaga kinaya ni Ma'am Fayra. Ikaw na bahala Sir, ah. Pa-drop ko na lang ho sa bahay niyo ang ang kotse ni Ma'am." Aniya sa akin sabay paalam na babalik na ng opisina.
Agad naman akong umikot para makapasok, at pina-usad na ang makina patungo sa bahay ko.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top