Chapter 42
CHAPTER 42
Fayra speaks in a way that makes each word seem like a reality that she demonstrates and gradually ——not directly at me, pero parang gano'n din, dahil tagos na tagos sa akin ang mga iyon. Every time she spoke, I was reminded of how I had denied her the affection she wanted to experience from me—which is ultimately insufficient for someone like her.
Gusto kong umalis kung nasaan man ako ngayon. Pero kanina pa ako pinipigilan ni Morgan. Alam ko naman ang rason niya. Gusto niyang marinig ko ang lahat para kahit papaano ay matauhan pa akong lalo sa mga pinaggagawa ko noon kay Fayra.
Wala naman akong balak na hindi makinig. Ang sa akin lang, gusto ko sana ay 'yong kaming dalawa lang. Iyong tipong makakayanan kong sumabat at siya naman ay makakayanan akong sumbatan sa lahat lahat nang pasakit na dinulot ko sa kaniya. But it's impossible.
"Oh, saan ka pupunta?" Pigil muli ni Morgan sa akin nang magtangka akong tumayo.
"Kukunin ko pa si Rian kay nila Sébastien, Kuya. Kagabi ko pa hindi nakikita ang anak ko—"
"Cut that out, parehas na'ting alam na hindi mo anak si Rian. At puwede ba for once, huwag kang magmatigas sa akin."
Napakamot ako sa ulo ko at inis na sinalubong ang paningin niya. Hindi naman na ako nag-expect na kailangan pang sa akin mismo manggaling ang balitang 'yon. Isa pa, dinig ko ang usapan nila ni lolo kanina. Hinahanap niya si Rian hanggang sa napunta ang usapan nila sa katauhan ni Rian. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang sabihin ni lolo 'yon, anak ko pa rin naman si Rian kahit na anong mangyari. Apelyido ko pa rin ang dala dala niya, wala nang saysay pa para iparating niya 'yon sa iba.
"Tingin mo ba sapat ang ginagawa niyong mag-asawa, Morgan?" Tanong ko sa kaniya. Bahagya niyang hininaan ang volume ng phone niya at nagtaas ng kilay sa akin.
"We're doing our best para naman alam mo kung ano ang pinagdaanan ng mag-ina mo, Mateo. Can't you be just thankful na kahit papaano, kahit galit sa 'yo ang asawa ko ay heto siya't ginagawa ang lahat ng paraan para lang sa 'yo? Come on, dude."
"But it's not working, Morgan. Kahit masabi o masagot ni Fayra lahat ng tanong ni Lyden, hindi pa rin 'yon magiging sapat. Walang saysay kung papakinggan ko lang siya gamit ang cellphone na 'yan. Don't you understand me, Kuya?" Sukong saad ko at ako na mismo ang pumutol sa linya.
"Bakit, ano bang gusto mong mangyari Mateo? Bukod sa pakinggan si Fayra kahit papaano ngayon, ano pang gusto mo? Sige nga." Hamong tanong niya.
Mabigat akong bumuntong hininga at napailing.
"Gusto kong sa harapan ko mismo, Kuya. Gusto kong marinig mismo sa harapan ko, gusto kong habang sinasabi niya bawat 'yon sa akin ay ako ang kaharap niya."
"But impossible, Mateo."
"I know, pero hindi ako magtitiis sa ganiyang sitwasyon." Sukong saad ko.
Seryosong tinitigan ako ni Morgan. Kasabay no'n ang pagtayo niya habang makailang ulit na hinihimas ang batok niya.
"Bago tayo makauwi, Mateo. Tutulungan kita. Sa ngayon, bumawi ka muna sa anak mo. Lumapit ka kay Fayra at huwag mong hayaan na hindi ka makakalapit sa pamangkin ko." Puno nang pag-uutos ang tinig niya.
Hindi ako sumagot. Kagabi ko pa iniisip kung anong puwedeng maging regalo ko sa anak ko, gayong hindi ko naman siya kabisado. And after what Fayra said to me that night, mukhang mahihirapan ako ng husto ngayon.
"Ano ba kasing pumasok sa 'kin at hinayaan kong maging ganito ang buhay ko. Nakakainis!" Pagpapadyak ko sa paa ko na parang isang bata.
Nang lingunin ko si Morgan ay nakangisi ito sa akin. Walang pasabing tinaasan ko siya ng gitnang daliri na ikinabit balikat niya lang.
"Matanong nga kita, Mateo. Tutal ay tayong dalawa lang naman ang nandito ngayon. Malaya kang makapagsasabi sa akin ngayon."
"Ano na naman ang gusto mong malaman?" Walang ganang tanong ko.
"Just one thing, Brad. Bakit sising-sisi ka ngayon? Dahil ba hindi na kayo maayos ni Rose? Dahil ba sa nagloko siya sa 'yo---"
"I do not regret anything because of what is happening in my life right now, kung 'yan ang tumatakbo sa isip mo." Buntong hininga ko. "Hindi dahil doon, dahil matagal na akong nagsisisi. Sa bawat masasakit na salita na naibabato ko sa kaniya, gusto kong iuntog na lang ang sarili ko. Gusto kong pigilan ang sarili ko na masaktan siya, pero gago ako. Masyado akong nagpabulag sa sinasabing pagmamahal na hindi ko rin naman maramdaman. Then I realized how perfect Fayra is, when I left her at her condo that night. Alam ko sa sarili ko, at malinaw sa akin kung saan siya sa buhay ko Kuya. Pero dahil pinili kong bulagin ang sarili ko ay humantong kami sa ganito."
Hindi ko gustong tumalikod sa kaniya. Sa katunayan niyan ay gusto ko na lang gumising na siya ang bubungad sa akin kinabukasan. Wala naman talaga akong balak na umalis, pagkatapos nang paglalabas niya ng hinanakit sa akin, doon ko napagtanto ang kamalian ko nang husto. Akala ko, hindi siya magsasawa. But seeing that night how drained and emotional she was. Hindi ko nakayanan. Gusto kong saktan ang sarili ko that time, lalo na nang masaksihan ng dalawang mga mata ko kung papaano niya ibinaba ang sarili niya sa akin. Mahal na mahal niya talaga ako. At doon ako nakampante kaya ipinagpatuloy ko ang pagiging gago ko.
When Rose called me that night, gusto siyang itakwil ng ama niya. She's crying so hard at nahahati ang panig ko sa kanilang dalawa. Seeing Fayra cried, are worst than ever. But I even can't hold her even if I want too, dahil mas pinili kong mapuntahan si Rose.
"K-Kahihiyan ang tingin niya sa akin, Mateo. Gusto niya akong itakwil dahil sa relasyon na'tin. Hindi nila ako naintindihan, Mateo." Iyak ni Rose sa kabilang linya.
Napapikit ako habang nagmamaneho para puntahan kung nasaan man siya. Sinubukan ko pang makipag-unahan sa daan dahil nasa tulay ang tracker na inilagay ko sa phone niya.
"Listen to me, Rose. Be calm ok? Malapit na ako, pangako."
Samo't saring emosyon ang nasa loob ko ngayon. Iniwan ko si Fayra na masama na naman ang loob sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon naman ay heto si Rose.
Hindi dapat ako nahihirapan ngayon, dahil alam ko namang si Rose lang dapat. Pero bakit,... Bakit ang hirap mong iwanan tuwing nakikita kitang umiiyak nang dahil sa akin Fayra?
Hindi naman kita gusto. At lalong wala akong nararamdaman para sa 'yo, ni pagmamahal ay sigurado akong wala rin.
Awa? Baka awa nga lang. Pero bakit hindi ako kumbinsido?
"Rose, are you still there?" Pukaw ko sa tahimik naming linya. Nakarinig ako ng sunod sunod na pagsinghot kaya medyo napanatag ako. Ngunit ang mga sumunod niyang litanya ay nagpabuhay nang kaba sa akin.
"This is embarrassing, Mateo. My whole family and friends are there; they witnessed how my dad slapped and cursed me. I don't know how Dad knows about it, but this is torture!"
"Listen to me, Rose. Hindi ko hahayaang umabot sa puntong ikakasira mo nang husto ang nangyari. I'll do everything para malinis ang pangalan mo---"
"I-I want to leave, Mateo. Hindi ko kaya ang pamamahiya ni dad sa akin."
"What do you mean, Rose?"
"Should I jump---"
"Don't fucking dare to do that, Rose! I already saw you, please! Please, don't do it!"
Natahimik ako habang sinasariwa ko ang nakaraan. Nai-kuwento ko naman na lahat sa kaniya lahat. Pero ang isang ito ang itinira ko. Ngayon wala na akong itinatago. Bahagya rin akong nakaramdam ng kaginhawaan kahit papaano.
"Do you think Fayra can forgive me, Kuya?"
"After all the miseries you did to her?" Tanong niya rin kasabay nang pagkibit balikat. "Kung ako ang tatanungin at babase ako sa ugali ni Fayra, I would say Yes. Pero dahil sa mga pinagdaanan niya sa 'yo. Lahat ng sakit at luhang pinalabas mo sa kaniya, I don't know anymore. Daanin mo na lang siguro sa dasal." Natatawang pahabol niya't tinapik ako sa balikat.
"Bumaba ka na. Ready na ang handaan para sa anak mo. Mag-enjoy muna kayo, Mateo. Alam kong impossible, pero walang masama kung susubukan mong lumapit."
"Kapag hindi ko kaya?" Habol ko sa kaniya.
Isang ngiti ang iginawad niya sa akin at sumaludo pa.
"Like what always older brothers do,... I'll be at your back, Mateo."
Hindi nagtagal ay sumunod na rin ako sa baba. Lahat sila ay nagkakasiyahan na. Agad na hinagilap ng mga mata ko ang mag-ina ko at nang makita ko sila ay kasama nila si Santiago. Yakap yakap nito ang anak ko habang sinusubuan naman siya ni Fayra.
"May kamay naman, buti sana kung baldado." Inis kong bulong.
Sandali ko pa silang pinagmasdan hanggang sa may umakbay naman sa akin. Si Sébastien. Nakasando itong puti at naka-short na, sukbit rin ang shades at may hawak na cocktail sa isang kamay niya.
"Ang ganda ng tanawin, bro. Pero mas maganda kung walang Santiago sa paligid ng mag-ina mo." Tatawa tawang saad niya.
Napailing ako. Wala talagang kapalpakan sa pang-aasar ang mga taong nandito. Ang masahol pa, ay lamang pa sa kanila ang kadugo ko.
Tanginang buhay 'to.
"Huwag kang mag-alala, dahil kaibigan naman kita at para naman hindi masayang ang pagkikita niyo dito. Ipaubaya mo na sa akin ang karibal mo---"
"He's probably not my rival, Seb." Paglilinaw ko.
"How sure you are? Sa ganiyan tingin sa ex mo, hindi pa ba masasabing magiging karibal mo 'yan?"
Muling gumawi ang paningin ko sa puwesto nila Fayra. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko para lang hindi ako sumabog ngayon. Tama nga si Sébastien. Mukhang magiging tinik pa sa pagitan namin ang lalaking 'to. Sa ugali pa naman ng angkan nila, sigurado akong kahit takutin ko 'to ay hindi siya masisindak.
"Mauna muna ako, Mateo. Basta, kapag nawala na si Santiago dito sa ground. Nabitsin ko na 'yan." Malokong saad nito bago tinakbo ang pagitan nila ni Isabella.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at napakibit balikat.
Mukhang giginhawa ang hapon ko sa sinabi ni Sébastien.
Tinungo ko muna ang kinaroroon nila Lyden. Kasama niya si Rian at kakahango lang nila sa dagat. Lumapit ako sa kanila at nginitian siya bilang pagbati.
"Daddy, shell." Nakangusong pagpapakita ni Rian sa akin nang hawak hawak niya at nagpakarga.
"Give it to me, I'll keep it para may souvenir ka." Saad ko na ngiti ngiti niyang inaabot sa akin.
Pinanood ko muna kung papaano enjoyin ni Rian ang dagat kasama ang anak nila Morgan na si Maui. Nang makampante ako sa sitwasyon niya ay nagpaalam muna ako na aakyat para tingnan kung nasa ground na ba 'yong cake na inorder ko para sa anak ko. May cake naman na, na nabili si Fayra pero gusto ko pa ring dagdagan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya, kaya bahala na.
"Tara na, pre. Huwag kang mag-alala, wala naman na si Massimo. Tara, inom muna."
Pagka-akyat ko ay ang eksenang pagpupumilit nila Sébastien at Morgan ang nadatnan ko. Bakas sa mukha Santiago na ayaw niyang sumama pero pursigido sila Morgan kaya't sa huli ay nagpadala na lang ito.
Hinintay ko munang makaalis sila nang tuluyan bago ako nagpakita kay Fayra na direktang tumitig din sa akin. Nauna akong nagbawi ng tingin dahil para akong matutunaw ng wala sa oras sa kaniya.
Lumapit ako sa kanila at huminga muna ng malalim.
Kinakabahan man sa magiging reaksyon ni Fayra ay tumabi ako sa kaniya. Nakasunod ang tingin niya sa akin at bago ko pa man mailapat ang pang-upo ko ay siya namang akma niyang pagtayo, pero masyado akong naging mabilis para maagapan siya.
"D-Don't, please." Paki-usap ko.
"Bitaw." Malamig niya utos na agad kong ginawa. Umayos siya sa pagkaka-upo at nag-alis ng tingin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, alam kong ayaw niya sa lapit namin, pero wala akong balak na bigyan siya ng espasyo ngayon.
Ngayon pa bang nandito na ako't napigilan ko siya?
"Can I carry him?" Puno nang lakas ng loob na subok ko.
"Why don't you drop the act, Mateo? Tayo lang namang dalawa, don't be hypocrite will you?" Sarkastikong sambit niya.
"What act do you mean, Fayra? This?" Duro ko sa sarili ko, muli niya naman akong nilingon. "Itong gusto kong makarga ang anak ko? Do you think this is all just an act?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes." Agad niyang sagot. "Baka nagkakalimutan tayo? Hindi ba't parang kahapon lang ay nilinaw ko na sa 'yo kung hanggang saan ka lang?"
"Fayra,..."
"You wish for this, Mateo. Gusto mo bang ibalik ko sa 'yo kung papaano mo inabanduna ang anak na sinasabi mo bago pa siya mabuo? Kung sakaling nawala sa isip mo 'yon, kaya ko namang i-kuwento sa 'yo ng buo. Walang labis at walang kulang."
Natigilan ako. Nakaramdam ako nang labis na kahihiyan sa sarili ko, lalo na sa anak ko na nakamasid sa akin habang hawak hawak ang inuman niyang may gatas.
"P-Please, Fayra. Kahit ngayon lang, hayaan mo along makabawi. I-I regret it." Saad kong nakatitig sa kaniya. Prente lamang niya akong pinakatitigan, kaya't wala na akong pakialam nang hawakan ko ang kamay niya. "I regret everything I said to you that night. Please, gusto kong makasama kayo ngayong araw. I don't know anymore what should I do---"
"Stop begging, Mateo."
"No, Fayra. Gusto kong kasama ako sa inyo ngayon. Kahit ngayon lang, gusto kong may alaala ako sa ika-apat niyang kaarawan. I know my mistakes, Fayra. But I'm begging you, give me this moment."
Hindi ko na napigilang mapaglandas ang kinikimkim kong luha kanina pa. Ayaw kong kaawaan niya ako at pumayag siya dahil lang sa ganito, lalo na't alam kong malambot siya sa ganitong eksena, pero hindi ko kaya na pigilan pa. I want to create memory with them, lalo na sa ngayon.
"Hindi ako panginoon o ano pa man. At hindi naman din ako kasing sama mo, para ipagkait sa 'yo ang araw na 'to." Buntong hininga niya. "Fine, pagbibigyan kita. Pero pagkatapos nito, wala ka nang anak, Mateo. He's not even a Vejar, he's only mine. A Fabian."
Sunod sunod na pagtango na lang ang ginawa ko kahit na labag sa kalooban ko ang mga sinabi niya. Para akong bata na binigyan nang paborito niyang regalo dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayon.
Agad akong umayos at lakas loob na binuhat mula sa kandungan niya si Ace na parang walang pakialam sa paligid niya.
I have my complete family, and even though my mom passed away when I and Morgan were little, we're still complete. And seeing my son right now, I won't bear him to suffer in an incomplete family.
I will do everything to make his mother and I reconcile together. Pangako.
"Alexander Matthew Ace, that's his name."
Napailingon ako kay Fayra nang hindi niya man lang pinalagpas ng kahit ilang segundo bago niya ako sagutin.
I was about to say something to her when I realized that my name was visible to my son, but she cut me off already.
"Babaguhin ko pa ang pangalan niya, wala pa naman siyang birth certificate, sa ngayon temporary lang 'yan, kaya wag kang umasa."
Napalabi ako at hindi na lang 'yon pinansin. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Pero siya ang ina, desisyon niya pa rin ang masusunod.
Tumayo ako at iniyakap ang anak ko sa akin. Ipinikit ko rin ang mata ko para sulitin ang sandaling ito.
Hindi ko inaakalang ganito ang magiging pakiramdam. He's literally mine. He's my son.
Gusto kong isigaw 'yon, pero pinili ko na lang na ikimkim.
"Mama." Ingit ni Ace at agad ko siyang ibinigay kay Fayra, ngunit nang kukunin na siya ng ina niya ay siyang kapit niyang muli sa akin.
Ang isang braso niya ay nakalambitin sa leeg ko at ang isa naman ay bumubuka sarado na nakaduro kay Fayra. Nang lumapit si Fayra sa amin ay agad siyang niyakap sa leeg ni Ace. Parehas kaming nagulat, ngunit lamang ang reaksyon ni Fayra dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Para akong nasa cloud nine, but at the same time, kabado. Ngunit nawala lahat ng emosyong lumulukob sa akin ay panandaliang nawala nang marinig ko ang salitang hindi ko inaasahan mula sa bibig ng anak ko.
"Daddy."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top