Chapter 41
CHAPTER 41
"Thank you so much sa mga benefactor na'tin para sa project ng foundation na ito. As long as naniniwala kayo sa amin, maraming bata sa iba't ibang foundation ang maaari na'ting matulungan. Especially, kay Ms. Fayra na simula't sapol ay naka-suporta sa amin. Maraming salamat ma'am, kung hindi dahil sa 'yo ay maaaring wala na ang foundation namin ngayon."
Masigabong palakpakan ang namutawi sa buong ground ng resort nang magbigay ng talumpati niya ang host ng event na ito. Marami pa itong sinabi na hindi ko naman maintindihan dahil nakay Fayra ang paningin ko't isipan.
Kagabi ay hindi pa ako nakatulog. Sa makatuwid ay magdamag akong gising, kakaisip kung papaano ko itatawid ang kaarawan ng anak ko gayong ang pangalan nito ay hindi ko alam.
Nanliliit ako sa sarili ko. Ni hindi ko rin matanong ang ina ng anak ko dahil ilap ito sa akin. Hindi niya man sabihin na ayaw niya sa presensiya ko ay ipinaparamdam niya naman 'yon sa akin.
Ganito rin siguro ang naramdaman niya sa akin noon. Hindi ko siya masisisi kung gusto niyang ibalik sa akin ang pagtratong 'yon, dahil pabor na pabor naman ako.
Pero isa lang ang napagtanto ko kagabi after seeing her sleeping with my son.
I will take her back. I will win them back.
But before I reclaim them, kailangan ko munang ayusin kung ano mang gusot ang ginawa ko mula sa umpisa. I don't deserve her if I'm still a mess. Gagawin ko ang lahat, maging maayos lang kami.
"The advantages of employment are also provided to the single mothers we support through our organization. We're celebrating our two-year anniversary today, so let's give Ms. Fayra some applause as she delivers her speech, since she's the big benefactor of this project of providing a handy work for our single moms."
Napasunod ang paningin ko kay Fayra. Ipinasa niya ang anak namin kay nila Isabella na tuwang tuwa naman sa anak ko. Napanguso ako at iwinaksi ang paningin sa kanila. Ni hindi ko man lang mahawakan ang anak ko. Mabuti pa ang ibang tao, nayayakap at nahahalikan ang ginawa ko. Pero ako na sariling ama niya ay hindi man lang makalapit.
Itinutok ko ang paningin ko kay Fayra na nasa unahan na at nakatapat sa mic. Nakangiti ito ng natural sa aming lahat. Umayos ako ng upo at nag-focus sa kaniya.
"Good day, everyone. Hindi ko na pahahabain pa ang speech ko para naman makakain na tayong lahat." Ngiti niya at sandaling huminto. "Itong proyektong ito ay sinimulan namin sa dahil sa mga magulang na nag-iisang itinataguyod ang kanilang mga anak. Ang mga kababaihan na tinalikuran, kinaligtaan at itinaboy kasama ang paslit na kanilang magiging kargo."
Para akong pinaparinggan ng diretsahan ni Fayra sa mga salita niya. Bumabalik sa akin ang alaala nang gabing iyon kung saan nagbitaw ako ng masasakit na mga salita na labis kong pinagsisisihan kaagad.
Kung malalaman ng anak ko kung anong pinagsasabi ko sa ina niya, paniguradong kamumuhian niya ako.
"Natamaan ka don, Mateo. Di ka naka-ilag, sinapol ka ni Fayra." Komento ni Massimo sa tabi ko, na sinundan ng mahinang pagtawa nila Gio at Maximilian na nasa harapan namin.
"Tamang tama si insan, nanloko ba naman kasi." Gatong pa ni Maximilian.
"Nagsisisi ka na ba, Brad? Mahirap nang kalabanin ex mo, spokesperson na. Kabahan ka kapag sa sunod na speech niya, i-mention ka na." Hagalpak ni Matthias na pinagsang-ayunan nila.
Pinag-iirapan ko sila at wala akong balak na pumatol. Ang mga gagong 'to, alam ko namang simula't sapol ay kay Fayra sila kakampi. Kahit nga si Lolo ay panig sa kaniya. Kung sabagay naman kasi, puro kamalian na lang ang nagiging pasya ko.
"Hindi ko na isasama ang sarili ko dito since hindi naman ako masyadong nahirapan sa mga panahong nasa loob pa lang ng tiyan ko ang anak ko. Maraming tao ang tumulong sa akin, maraming akong naabala sa mga panahong nag-iinarte ang lalamunan ko. As of you all now, hindi lang basta basta ang paglilihi, hindi mo puwedeng pigilan dahil mahirap. Sa bawat araw na nalipas ay pahirap nang pahirap ang buhay. Kaya't saludo ako sa mga ina na tumayo sa sarili nilang mga paa. And for celebrating our 2 years anniversary, ang foundation na ito ay magkakaroon na rin ng para naman sa mga kalalakihan. To make it fair for everyone, we are officially opening our project to our single dads, who have been fighting all along. Mabuhay po tayong lahat!"
After her speech, isang masigabong palakpakan ang iginawad namin sa kaniya. Bumaba na rin siya at kinuha ang anak namin kay nila Sébastien. Kaunting talumpati pa ang ibinigay ng host bago namin daluhan ang salo salong pagsasaluhan.
Nasa mahabang lamesa kami. Nakalagay ang mga pagkain sa bawat dahon ng saging na nakalatag. Habang pababa ay karga karga ko si Rian. Nagpahuli na rin ako para mapauna ang iba.
"Doon ka sa tabi ni Fayra." Kalabit ni Lyden sa akin nang malingunan ko ito.
Tumikhim pa siya at marahan akong itinulak.
"Bilisan mo na, inagaw ka na ni Morgan ng upuan doon kaya bilisan mo 'yang lakad mo. Tsu!" Pagtataboy pa nito sa akin na para ba akong aso lang.
Dumagundong na naman ang kaba sa dibdib ko. Hinigpitan ko ang kapit ko kay Rian at patay malisya na umupo sa idinuro ng kapatid ko sa akin. Mula sa gilid ng kaliwang mata ko ay kita ko ang paglingon sa akin ni Fayra. Maging ang pagtaas ng kilay niya ay nahagip ko pa.
Hindi na ako nagtangkang lumingon pa. Iniupo ko si Rian sa kandungan ko pagkatapos kong maghugas ng kamay. Kinuhaan ko siya ng isang stick ng hotdog at hinayaan muna siyang kumain. Nilingon ko naman si Fayra sa tabi ko. Hindi pa nito nagagalaw ang pagkain niya dahil ayaw umalis ng anak namin sa pagkakayakap sa kaniya.
Napapikit ako at napabuga ng hangin.
Bahala na.
Tumayo ako para lapitan ang isang waiter.
"Right away Sir, sandali lang po." Ani ng niya na ikinatango ko.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at humarap kay Fayra. Mabilis ko namang naagaw ang atensyon niya't pinagsalit salitan ang paningin niya sa amin ni Rian.
"I'll handle him." Hindi iyon pag-aalok lang, kung baga gusto ko talagang kunin sa kaniyang anak namin para naman makapagsimula na siyang kumain.
"No need, kaya ko naman." Malamig niyang sambit. Ngunit pursigido ako.
"I'll insist, kumain ka na muna." Aniya ko't inilapag muna si Rian at mabilis na kinuha sa kandungan niya ang anak namin.
Nanginginig pa ang kamay dahil bago sa akin ang bigat niya. Nakakatakot kung mabibitawan ko siya.
"M-Mama." Maliit na tinig nito at inihahaba ang braso sa ina niya.
Pinagmasdan ko naman si Fayra. Bumuntong hininga lang ito at ngumiti kinalaunan.
"Kakain lang si mama, Ace, behave ka lang." Pagkakausap niya sa anak namin.
Agad na kumunot ang noo ko. Ace?! Bakit parang ang layo naman sa pangalan ko?
Hindi rin nagtagal ang ipinakuha ko sa waiter. Maya maya ay dumating na ito daladala ang booster seat na para sa mga bata.
Inuna kong ilagay doon si Ace, kasunod naman ay si Rian na hindi pa rin tapos kainin ang hotdog sa stick niya.
"P-Puwede ba 'to sa kaniya?" Nauutal kong tanong kay Fayra nang iangat ko ang katulad ng pagkaing ibinigay ko kay Rian.
"Hatiin mo, hindi niya kakainin 'yan ng buo." Turan niya't nagpatuloy sa pagkain.
Napangiti naman ako, at hindi ko maiwasang hindi mapagawi ang paningin ko sa harapan namin.
Ngingiti ngiting sinulyapan ako nila Morgan na hindi ko naman na mapigilan. Maging sila Massimo ay nagfi-finger heart pa sa akin na parang tanga.
"Mukha kang tanga."
Napukaw ako ng magsalita si Fayra.
"Sorry." Hiningi ko ng paumanhin na hindi niya pinansin.
Napapahiyang iwinaksi ko ang ngiti ko at hinarap ang mga bata. Iniabot ko ang stick kay Ace na maingat niya namang kinuha.
Pinagmasdan ko lang silang kumain. Maging ang dalawang bata na nasa tabi ko busy sa kaniya kaniya nilang pagkain. Nang mapadako ang paningin ko kay Fayra ay may plato na sa kamay nito. Humarap ito kay Ace at pinanganga. Sinubuan niya ito ng kaunting kanin at hindi ko inaasahan na maging si Rian ay isasali niya rin.
"Ako na dito, kumain ka na jan." Saad nito.
Umayos ako nang pagkakaupo at tahimik na kumain. Halos hindi ko na nga maramdaman ang mga inginunguya ko dahil sa pinaghalong kaba and at the same time, galak dahil sa simpleng pagkakasabi niyang iyon.
You're an adult, Mateo! Grow up! Sita ko sa aking sarili dahil para akong bumalik sa panahong uso pa ang kilig sa akin.
"Eat that, Ace."
Napailingon ako sa kanila. Lumulukot ang mukha ng anak ko dahil sa isang pirasong gulay na isinubo ni Fayra sa kaniya.
"Baka hindi niya 'yan gusto." Singit ko. Binalingan naman ako ni Fayra at napairap ito. Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya.
"Namana na nga ang mukha, pati ba naman sa ganitong pagpapakain namana rin." Bulong nito na hindi ko masyadong naintindihan.
"Huwag mo na lang pilitin." Saad ko pa.
"Kailangan niyang kumain ng gulay habang bata pa siya para masanay---"
"Kung hindi niya gusto at ipipilit mo, baka tuluyang umiyak. Lukot na ang mukha oh, hayaan mo muna." Saad ko.
"Ano bang alam mo?" Seryosong tanong niya na nilingon pa ako.
Para akong natauhan. Ano nga bang alam ko?
"Kung makapagsalita ka naman sa akin ay para bang kilala mo ang anak ko." Puno ng kasarkastikuhan ang kaniyang tono.
Wala siyang reaksyon. Blangko ang kaniyang mukha kaya't hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
"Para ka lang sperm donor, Mateo. Hanggang doon ka lang. At ako, ina ako. Alam ko kung ano ang dapat at hindi dapat para sa anak ko. Kaya if I were you," sandali siyang huminto at nagpunas ng napkin sa kaniyang bibig. Tumayo siya at kinarga si Ace. "Lumayo ka sa akin. Sa anak ko, dahil hindi bagay sa 'yo maging isang ama."
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ilang segundo kong pinaulit ulit sa utak ko ang narinig sa kaniya.
"Para ka lang sperm donor, Mateo."
Parang isang asarol na itinama sa akin ni Fayra kung hanggang saan lang ba dapat ako sa buhay nilang dalawa. Ngayon ko naiintindihan kung ano nga ba talagang nagagawa ng isang kamalian sa isang tao.
"D-Daddy." Kalabit ng maliit na kamay sa akin.
Nginitian ko lang si Rian at pinakain na rin siya. Bigla akong nawalan ng gana sa narinig. Hindi ko na rin nagawa pang pagmasdan sila Morgan at wala rin akong balak na lingunin pa sila.
Pagkatapos ng salo-salo ay pinagbihis ko na si Rian kasama si Lyden para makapag-swimming na ito.
Tuwang tuwa sila ni Maui sa suot nila nang makalabas. Magkahawak ang kamay nila na nilalakad ang hallway ng hotel nang mapahinto kami sa paglabas rin nila Fayra. Gayon na lamang ang pagnunuyo ng lalamunan ko nang mauna siyang lumabas suot ang floral dress na puti at sumunod naman si Ace na karga karga ng anak ng isa sa mga benefactor ng event ngayon ng foundation.
"Huwag niyo sabihing si Fayra 'yong secret girlfriend niyang si Santiago?" Gulat na tanong ni Sébastien na nasa tabi ko.
Naunang maglakad sila Lyden, samantalang kaming mga kalalakihan ay nagtipon tipon dito sa gitna dahil sa nakita.
"Tangina, kung gano'n nga. Aba'y, alam ko na, na wala kang laban Mateo---Aray naman, Morgan! Tangina nito, porket kapatid mo 'yan babatukan mo na ako?! Gago ka!" Angal nito nang mabatukan siya ni Morgan.
Hindi ko alam kung sa akin ba kampi 'tong si Massimo o sa Santiago na 'yon. Kung minsan ay mas magulo pa siya sa resulta ng exam niya no'ng college.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang balitang iyon kay Santiago. Hanggang ngayon ay nasa trending spot pa rin ang balita niya, at kung si Fayra nga iyon, hindi ako makikiming i-pull out ang investment ko sa kompanya ng pamilya niya.
"But you know, guys. Massimo has a point." Si Matthias na seryosong napauna sa paglalakad sa amin. "Malinis ang record ng Santiago na 'yan. Disenteng business man at karelasyon. As a matter of fact," lingon niya sa amin at dumirekta sa akin. "Isa pa lang ang nagiging girlfriend niya."
"Hindi ka rin tsismosa, Brad." Puna ni Morgan.
"I have my source, Pare. Isa pa, sino bang hindi nakakaalam ng record niya? Mabuting tao naman talaga si Santiago---"
"At ako hindi." Pagdudugtong ko na.
Walang katanggi tangging tumango naman si Matthias.
"Oo, nangaliwa ka eh. Tapos binahay mo pa. Hindi ka pa nakuntento, dinali mo pa sa opisina mo." Sunod sunod at walang pag-iingat niyang saad.
"The fuck, Matthias! Hashtag, realtalk." Hagalpak ni Massimo at sabay silang tumakbong palayo ni Matthias.
"Gago." Naisantinig ko na lang at naglakad na.
Sunod sunod akong napabuntong hininga habang tinatanaw ang mag-ina ko na masayang nakalusong sa dagat. Nasa mababaw na parte lamang sila.
Ang lapit nila sa akin pero napakahirap nilang abutin.
Those things Fayra said earlier appear to have been permanently etched in my memory... That no matter what I do, I will never be fit to be with her. That no matter how hard I try to erase and replace the memory of our past in her mind with a new one just in case, it will never be enough to make me worthy of our son.
Iwinaksi ko ang paningin ko sa kanila nang lumapit si Santiago at daluhan ang mag-ina ko. Bakas sa mukha ni Fayra ang tuwa na hindi ko matagalang makita.
Tumayo ako at hinabilin muna si Rian kay Lyden at Morgan. Tumungo ako kung nasaan sila Matthias at kumuha ng alak na pinagsasaluhan nila. Wala akong planong uminom ngayon pero sa nakita ko, gusto ko na lang ibabad ang sarili ko sa alak.
"Baka naman pinagseselos ka lang, Pare? Kasi kung ako 'yon, sa ginawa mo sa akin. Baka ibalik ko rin 'yon sa 'yo. Ang sakit kaya no'n!" Lasing na turan kalaunan ni Massimo.
"Sa palagay ko ay hindi." Si Sébastien. "Hindi naman gano'ng tao si Fayra. She's maybe fiercer now, pero sigurado akong hindi niya gagawing gumanti kay Mateo."
"Kaya nga baka, Pare eh. Hula ko lang naman. Kasi kung tama ako, aba'y ang sakit no'n. Lalo na kung makikita mong may iba siyang kahalikan o worst, katulad nang ginawa niyo ni Rose sa opisina mo."
Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Massimo. Isa pang salita nito, talagang tatamaan siya sa akin.
"Huwag mong pansinin, Brad. Lasing na 'yan, at hindi naman totoo 'yon. Asawa mo siya noon, impossible namang hindi mo siya kabisado." Bulong ni Gio sa akin at muling salin sa mga baso namin.
Hindi na lang ako umimik. Pinagpatuloy namin ang inuman hanggang sa mawala na nang tuluyan sa wisyo si Massimo. Nagkataon pang nakisalo si Santiago sa amin na nagpakulo sa dugo ko.
"Sabihin mo na kasi, Pare. Girlfrind mo ba si Fayra o talagang ginagamit ka lang niya to make even to Mateo?" Papikit pikit na tanong ni Massimo.
"I don't know what should I answer to you, Vejar. Wala naman kaming ginagawang masama."
"Come on, Pre. Don't deny it, kasi luma na 'yan eh. Pinagseselos lang ni Fayra si Mateo dahil galit siya. Kaya sige na, ginagamit ka lang ni Fayra para makaganti, hindi ba?"
Bago pa makasagot si Santiago ay inundayan ko na nang hablot si Massimo. Itinayo ko siya at grabeng pagpipigil sa sarili ko ang ginawa ko maihatid ko lang siya sa kuwarto niya. Ang gago, bumagsak pa sa sahig kaya't pinabayaan ko na lang.
Babalik na sana ako sa puwesto namin nang mababaan ko naman sa lobby si Fayra.
"Sabihin mo jan sa pinsan mo na maghinay hinay sa mga salita niya. May dangal akong tao. Hindi ko kailangang gamitin ang katawan ko para lang makaganti... dahil nakakadiri ang sitwasyong 'yon." Taas noong aniya at nilagpasan ako.
"And one more thing." Pahabol nito. "Sa susunod na pag-usapan niyo ako. Huwag naman sanang gawing senaryo para sa 'kin ang ginawa mo noon, dahil nakakasuka."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top