Chapter 40
CHAPTER 40
I expected it would be difficult for me to see her after three years. I assumed I'd have to rely on my imagination and the one photograph taken during our wedding for the rest of my life. But everything I had thought was now in front of me. But everything changed.
After Lyden persuaded Fayra to join our table, the previous Fayra had vanished; the new Fayra is fiercer and barely even glances at me for a split second.
Tanging sila Morgan lang ang pinapasadahan niya ng tingin at kung magtatanong naman ang mga ito ay ngingitian niya lang.
"Missed na missed talaga kita, Fayra. Nakakainis ka, bakit mo naman kami nilayasan ng gano'n?! Saan ka dumaan ha? Magsabi ka nga!" Pangingibabaw na naman ng boses ni Lyden.
Ang foundation program na dadausin sana ay ipinatigil muna nila Morgan. Isang linggo naman kaming nandito kaya't puwede pa naming ipagpabukas na sinang-ayunan naman ng lahat.
"Bintana." Tipid na sagot nito at natigilan ang lahat.
"How come??" Si Sébastien naman na punong puno nang pagtataka.
Fayra, on the other hand, shook her head. "I'm just kidding. Sa pinto talaga ako dumaan. Naki-usap ako kay Doc. At first, she didn't want me to go because of my condition, but I was determined to go..." She paused and smiled again. "Kaya pumayag siya. To make it shorter, kasabwat ko 'yong doktora."
Natahimik kaming lahat. Lahat kami ay hindi makapaniwala. Lalo naman ako dahil sa kakalmahan ng boses niya. Ni hindi man lang siya nag-deny.
Sunod sunod pa ang mga tanong nila. Salit salitan silang lahat sa pagtatanong sa kaniya kabilang sa akin na gusto ko lang silang pakinggan. Kung saan saan napunta ang mga tanong at ang huli ay ang nagpatahimik sa lahat. Lahat rin sila ay pasimpleng tumingin sa akin, maliban kay Fayra.
"T-Then how about that kid, Fayra?" Lyden asked again. Muling sumilay ang ngisi sa labi niya. Those smiles were pure for me when I first saw them during our college days.
"My son." Galak nitong sagot sa kaibigan na ikinasinghap ng ilan.
"A-Ang ibig sabihin---"
"He survived, Ly." Nakangiting wika niya na para bang hindi big deal ang salitang kaniyang binitiwan.
Wala sa sariling napatayo ako na ikinalingon nilang tuluyan, maging si Fayra ay napasunod ang tingin sa akin, ngunit hindi mababakasan nang kahit na anong emosyon. And that's frustrating even more.
"O-Oh my God, Fayra. You made us all look fools!" Hindi mapigilang sigaw ni Lyden. Unti unti namang nanlambot ang reaksyon niya. Para siyang natauhan dahil sa kaibigan.
Nang magmawagi ang katahimikan sa amin ay isa isang nagsialisan sila Giovanni, kasama sina Massimo at ang ilan pa. Maging si Sébastien ay umalis na rin muna kasama si Isabella at ang dalawang bata ay dinala na rin nila. Ang tanging naiwan lang ay ako, si Morgan, si Lyden at si Fayra at ang anak na tinutukoy niya na nakatingin sa akin at ngumiti ngiti pa.
"B-Bakit mo nagawa sa amin 'yon? This is absurb!" Aniya ng kaibigan at tumayo ito, agad siyang dinaluhan ni Morgan at niyakap ang asawa habang nakatingin kay Fayra na nakayuko.
Kitang kita ko sa mga mata ni Morgan ang maraming katanungan ngunit halatang pinipilit niya na lamang na ikimkim gayong masyadong naging emosyonal ang asawa niya.
"A-Alam mo ba na halos walang araw na hindi ko iniisip kung ano kayang mangyayari kung nasagip kita. Tapos ngayon malalaman ko na hindi pala totoong nawala ang baby mo. Sinisisi ko ang sarili ko, Fayra. I was blaming myself all along 'yon pala ay buhay ang anak mo---but don't get me wrong. Masaya ako kasi anjan siya, pero sana naman kaunting konsiderasyon man lang. Sana nagsabi ka sa akin."
Fayra wiped her tears and looked again at Lyden, who was crying her heart out.
"I-I'm sorry for making all of you fools all this time, Ly, but I have my reasons. I didn't want to be with anyone during those days. When I was in the hospital and contemplating whether or not my baby would survive, I made up my mind already. I deal with myself to let go of all of you, especially since you and Morgan are starting your relationship... I need space, Lyden. I need space from that family."
After hearing that, a loud bang got on me.
"F-Fayra,..." Morgan uttered her name, sadly.
"I-I'm sorry, Morgan. Pero 'yon talaga ang plano ko. Masyado kang maraming naitulong and I'm so thankful for that, but seeing you every day makes me recall my past."
Napatalikod ako sa kanila at unti unting naglakad palayo. I heard my brother call my name, but I didn't have the guts to look back.
This is so painful than I ever expected.
Her words are shattering me to pieces. This is exactly the revenge I don't want to feel anymore. I can't just sit there and take her explanations; this is horrible.
Isa lang naman ang naintindihan ko.
Lumayo siya dahil sa akin.
Pinili niyang itago ang bata dahil sa naranasan niya sa akin.
She's right.
She have rights.
She's... She's right for doing that.
I moved toward the water's edge.
"How long I should take this pain inside my chest?" I ask myself.
Does it take as long as it did for Fayra to suffer on me? If yes... Afterward, I'm unsure of my ability to cope it. I'm too weak for this, since I've longed for my child since the day I found out that he's mine.
Gusto ko siyang lapitan. Pero lamang ang takot kong mapagtabuyan. Siguro nga duwag ako. Duwag sa sarili kong kasalanan.
Muli akong naupo kung saan ko nakita silang dalawa kanina. Wala nang masyadong tao, mabibilang na lang sa kamay ko ang nandito at sakto namang may nag-iikot na waiter. Kumuha ako ng ilang bote ng beer at nag-umpisang lugmukin ang sarili ko doon. Nag-shot pa ako ng isang hard wine para lang mapauna sa lalamunan ko.
"Hindi mo man lang ba kakausapin si Fayra, Mateo?"
Hindi ko nilingon si Morgan.
"Kaka-upo ko lang, nandito ka na agad." Pag-iiba ko.
"Well, sinundan agad kita. Baka kung ano pang mangyari sayo't mapatay pa ako ni Lolo." Biro niya.
Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong tahimik habang hinihintay na humampas ang tubig dagat sa dalampasigan.
"Ano nang balak mo, Mateo?"
"Balak kong yakapin ang mag-ina ko, Kuya." Gagad ko sabay singhot.
Agad akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
"A-Ang hirap." Aniya ko't tinungga ang isang bote. "Ang hirap nang sitwasyong ako mismo ang dahilan kung bakit para akong nangangapa ngayon sa kawalan."
"Tanggapin mo, Mateo. Kahit masakit, dahil higit pa jan ang ipinaramdam mo kay Fayra. Hindi ko gustong kumampi kahit na sino man sa inyong dalawa. Pero alam na'ting pareho kung sino ang may mali dito. Kahit kailan ay hindi katanggap tanggap ang magkaroon ng ibang babae ang isang lalaki, lalo na kung kasal ito't may sinumpaan sa harapan ng altar. Cheating is a choice, Mateo. Alam mong mali, pero ginawa mo pa rin. Ang masaklap pa, you let it be seen by her own eyes."
Napipilan ako. He's right. Tama naman talaga siya. Ginusto ko kung ano man ang pinili ko, dahil sa pag-aakalang magiging masaya ako dito.
"Now think about it all, Mateo. If you want her back, fix your mess. But I'll tell you right now, dumping Rose for Fayra is not a good solution. You need to think of a positive way to get rid of her without hurting her feelings."
"That's impossible, Kuya." Sukong sagot ko.
"It can be, Mateo. If you really want her, makakagawa ka ng paraan."
Sandali akong nanahimik.
"Do you know his name?" Baling ko sa kaniya. Morgan smiled at me and nodded.
"But I won't tell you, it's you to find out." Aniya na halatang desidido siya sa sinabi.
Napabuntong hininga ako at nanahimik na lang sa tabi. Nag-iisip kung papaano ko malalaman ang pangalan no'ng bata. Nag-iisip kung papaano ko siya malalapitan nang hindi magiging labag sa loob ni Fayra. Ngunit kahit saang anggulo ko tingnan ay malabo pa sa malabo ang mga naiisip ko.
Maya maya pa ay iniwan na rin ako ni Morgan. Sumunod na rin kinalaunan dahil wala na ring lamang ang ilang mga boteng nakuha ko kanina.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad ng maramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa. Hindi ko na sana iintindihin pa, kaso mukhang importante naman.
Unknown number ang nasa screen, kaya agad ko iyong sinagot. Gayon na lang ang pagkakapikit ko nang marinig ang boses ni Rose sa kabilang linya. Halata sa boses nito na lasing siya. Rinig ko rin ang boses nila Manang Celly sa likod.
"S-She's yours, Mateo. T-Tanggapin mo si Rian---"
"Stop it, you're drunk." Pigil ko sa kaniya. "Mag-uusap tayo kapag-nakabalik na kami ni Rian. Magpahinga ka na."
Pagkasabi ko no'n ay akmang papatayin ko na ang linya nang muli siyang magsalita.
"D-Do you still.... Do you still love me right?"
Napapikit ako. Napabuntong hininga at nanahimik.
"M-Mateo,..."
"Mag-uusap tayo, Rose. Magpapahinga na ako." Aniya ko't pinatay na ang linya.
Napailing ako at bumalik na sa booth. Ngunit pagkarating ko ay wala nang katao-tao doon. Sinubukan kong tawagan ang kapatid ko pero hindi niya naman ako sinasagot. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng ground, at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Giovanni na papalapit sa akin, naningkit pa ang mga mata ko nang makita ang dalawang babaeng nakaakbay sa kaniya.
"Hinahanap mo ba sila?" Tanong niya't tumango ako.
"Room 307, nandoon si Rian kasama sila Maui. 'Yong kapatid mo naman ay sumama kay nila Sébastien para mamili nang salbabida sa may bayan." Paliwanag niyang tinanguan ko.
"Sige, salamat Gio."
Pagkadaan ko sa lobby ay kinuha ko muna ang susi para sa kuwartong nakalaan para sa amin ni Rian. Pagkatapos ay tinungo ko na ang kuwarto na sinasabi ni Gio. Binigyan din ako ng isa pang susi para makapasok sa kuwartong 'yon, kaya naman hindi na ako nahirapan na makapasok.
Malaki ng kuwarto. Iyon ang ang napansin ko. Nnag makalakad pa ako ay madaming gamit na nakahelera sa may sofa at mukhang tulog na rin ang mga tao dito, dahil sa sobrang tahimik ay naririnig ko na rin ang sarili kong paghinga.
Marahan ang bawat hakbang ko. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa isang gilid at matamang nakamasid sa tulog na mga bata, kasama ang isang babaeng mahahalata sa mukha niya ang pagod nang maghapon.
Napalabi ako at inayos ang sarili ko.
Binaling ko ang paningin ko sa katabi niyang paslit. 'Yon 'yong batang nakita ko kanina. Hindi mapagkakailang akin nga ito. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang phone ko. Siniguro kong wala itong flash para hindi ko magising ang nanay niya.
Kinalaunan ay silang lahat ang kinuhaan ko. Ang puwesto nila ay nakakapagpangiti sa akin. Katabi ni Fayra ang anak namin. Samantalang si Maui na anak nila Morgan ay nakayakap sa anak ko, at si Rian. Nasa likod ni Fayra at nakayakap sa kaniya. Habang ang isang kamay naman ni Fayra ay nakahawak sa braso ni Rian.
Ang ganda nilang tingnan.
Kung puwede lang sanang maging ganito katahimik ang buhay namin ay siguro wala kami sa sitwasyong ito.
Itinago ko na ang phone ko at pagkabaling kong muli sa kanila ay gayon na lamang ang pagkakalunok ko.
"K-Kukunin ko lang si Rian." Nauutal kong sabi kahit hindi pa siya nagtatanong.
Bumangon siya at hindi nagsalita. Marahan niyang kinarga si Rian na agad namang yumakap sa kaniya. Napalabi ako, kung ganiyan ang hawak sa kaniya ni Rian ay malabong makuha ko sa kaniya ang bata. Iiyak ito kung gagawin ko 'yon.
Dumalo ako sa higaan. At halos atakihin ako sa puso nang makalapit ako sa kanilang dalawa. Kahit may espasyo pa naman ay hindi na ako mapakali. Ngunit sinubukan kong huwag ipahalata ang pagkabalisa ko sa kaniya.
"Ri, come on." Mahina kong pag-aalo sa kaniya na lalo niyang ikinasiksik kay Fayra.
Kapwa kami nagkatinginan at nauna siyang nag-iwas ng tingin.
"Dito muna siya. Sasabihin na lang kita kapag hinanap ka niya." Malamig niyang saad at inihiga si Rian katabi nila Maui.
Napatango ako at agad na tumayo.
"S-Sige, salamat."
Nang muling bumalik sa pagkakahiga si Fayra ay parang gusto ko silang tabihan. Ngunit pinigilan ako ang sarili ko at mabilis na lamang na nilisan ang kuwarto.
Ngunit tila wala sa oras kung makita ko si Lyden na nakataas ang kilay na papagawi sa direksyon ko.
"Ginagawa mo jan?" Mataray niyang tanong.
"Kukunin ko sana si Rian, pero ayaw naman no'ng bata." Kaunting paliwanag ko.
Napatango tango siya at nilagpasan ako, sinundan ko pa siya ng tingin at bago siya makapasok sa kuwarto na nilabasan ko ay lumingon din siya sa akin.
"Bumawi ka sa makalawa, birthday ng anak mo kung sakaling nakalimutan mo." Saad nito bago tuluyang pumasok.
Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig, ngunit may galak sa akin dahil sa sinabi ni Lyden. Hindi ko naman makakalimutan. Sa loob ng tatlong taon ay pabalik balik ako sa puntod na ang akala ko ay sa anak ko. Maraming katanungang ang nasa isip ko, ngunit ipagpapaliban ko muna iyon para makapag-isip nang kung ano ang magandang maging pambawi ko sa anak ko.
Sana nga lang ay sumang-ayon ang lahat sa akin.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top