Chapter 39
CHAPTER 39
"Iyong mga benefactor ng foundation daw po ay sa booth muna, since mamaya pa po mag-s-start ang program." Saad ng isang empleyado ng foundation at inalalayan pa kami sa open booth.
Naupo ako sa tabi at ikinalong ko naman sa isang hita ko si Rian. Panay ang laro nito sa phone ko, habang sa kabilang hita ko naman ay si Maui na nakayakap kay Rian. Napangiti ako nang makita ko silang dalawa.
I wonder how would be the scenery if my son was here.
"Kumpleto na ba tayo? Asaan sila Massimo?" Si Morgan na umupo sa tabi ko't kinintilan ng halik ang anak at si Rian na pinagkukurot niya pa ang pisngi.
"Akala ko tayo lang?" Tanong ko sa kaniya na ikinakibit balikat niya.
"Iyon din ang pagkakaalam ko. Kaso nandito daw si Giovanni kaya they'll come over." Sagot nito sa akin, sabay tayo para alalayan ang asawa niyang nasa akin na naman ang tingin kahit na nasa malayo pa.
Pasimple akong bumuntong hininga.
"Ang asawa mo, Mateo?" Kaagad niyang bungad sa akin at binalingan ang dalawang paslit. "Hello mga baby ko, ang ganda ganda niyo. Mana kayo sa akin." Aniya at muling tingin sa akin.
"Busy." Tipid kong sagot.
"Busy?" Taas kilay niyang tanong. "Busy saan? Sa pagpunta sa kompanya nila Ortega?" Sarkastiko niyang habol na hindi ko na pinatulan.
"Siya nga pala, nabalitaan mo na ba?" Agaw niya na naman sa pansin ko.
"Ang alin?" Walang ganang tanong ko. Mula sa gilid ng mata ko ay kitang kita ko ang pagngisi ni Lyden. Itinaas nito ang shades niya kinuha ang anak niya sa akin.
"Uuwi na daw si Fayra."
Natigilan ako at mabilis siyang nilingon. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng kilay niya at ang kaunting pagngisi.
"Hindi mo nabalitaan?"
Umiling ako at napasandal sa sandalan ng upuan. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ng asawa ni Morgan sa akin. Ngunit ang sandaling katahimikang ipinagkaloob ni Lyden sa akin ay siya rin ang sumira dahil malakas niyang paghagalpak.
My brows immediately twitched.
"Naniwala ang shunga." Buka ng kaniyang bibig na nagpakulo ng dugo ko.
"What's your problem, woman?" Si Morgan na takang taka na nagsalit salitan ang tingin sa amin ng asawa niya. Sandali siyang sinamaan ng tingin ni Lyden bago ikinuwento kay Morgan ang nangyari.
"Ang shunga-shunga. Tingin mo talaga, uuwi pa si Fayra? Kung ako sa kaniya hindi na ako babalik pa. At kung tutuusin, I know Fayra better than you, so maybe tama nga ako. Hindi na babalik 'yon, dahil wala naman na siyang babalikan. If ever man na gustuhin niyang makita sila Tito Francis, they can make a way naman." Saad nito't naiiling na tumawa sabay tayo.
Bago pa man maka-alis nang tuluyan si Lyden ay mabilis siyang napigilan ni Morgan.
"Say sorry to him," seryosong turan ni Morgan.
"Kuya,." Tawag ko naman dahil hindi naman kailangan. Sa tono nang pananalita niya ay puwede siyang buminggo kay Lyden ng wala sa oras.
Hindi naman makapaniwala si Lyden sa kaniya at sarkastiko itong tumawa.
"Why would I?" Pagtataray nito sa kapatid ko. Nangunot ang noo ni Morgan.
"Because you tricked him."
"Don't make it a big deal, Morgan. And over my dead body, I will never apologize to your brother..." Saad niya't malamig na tumingin sa akin. "Umasa ka, ganiyan din naman ang pinaranas mo sa kaibigan ko noon. Nagkataon lang na ngayon lang kita nagantihan kahit papaano dahil nakikita ko ang epekto niya sa 'yo. Anong feeling, Mateo? Agad kang lumagapak hindi ba?"
"I'm sorry." Tanging naitugon ko't irap ang natamo ko. Napailing naman si Morgan at tumalikod para lang masahiin ang panga niya. Sinundan siya ng tingin ni Lyden at walang kaano-ano'y hinampas ito sa braso. Hindi naman kalasakan pero tila naging call out 'yon sa kapatid ko dahil unti unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Huwag kang tumabi sa amin mamaya. Humanap ka ng ibang kuwarto sa hotel at doon ka matutulog." Ngiwing saad ni Lyden bago lumakad. Nag-iwan pa ito ng pabulong na salita na ikinakamot ulo ni Morgan. "Ako pa mag-s-sorry, ako ba nangaliwa kay Fayra? Siraulo."
Nang magkatinginan kami ni Morgan ay bumagsak ang balikat nito. Tumabi ito sa akin at kinuha si Rian sa akin, ngunit bago niya pa laruin si Rian ay muling bumalik si Lyden at kinuha si Rian. Ni hindi man lang nga ipinag-paalam sa akin. Ang babaeng 'yon, talaga naman.
"Takot na takot ka sa asawa mo, Kuya." Natatawang ani ko't inambaan niya naman ako ng suntok na ikinangiwi ko lang.
"Dapat hindi na ako nakialam." Aniya na hindi naman mababakasan ang pagsisisi sa boses niya.
"Next time kasi, huwag ka nang mamagitan. After all, she's telling the truth. Sanay na ako sa galit ng asawa mo sa akin, at wala na tayong magagawa pa doon."
"Pero hindi naman kailangan na ganunin ka. Minsan ay ako ang nahihirapan para sa 'yo---"
"Huwag kang magsakripisyo para sa akin. May sarili ka nang pamilya. Sila ang pakinggan mo, higit na sa akin." Aniya ko't tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Maglalakad. Mamasyal muna habang wala pang program." Sagot kong nagpatuloy sa paglalakad. Rinig ko pang sabi niyang tatawagan niya na lang daw ako kapag oras na at isang kaway lang ang iginawad ko sa kaniya.
Ala-una na. Makulimlim lang ang langit kaya't masarap maglakad lakad sa preskong resort na ito. Sakto rin ang napiling lugar para mapagdausan ng foundation. Bale ang resort ay may malawakang sakop na nagpapaganda sa lugar. Tahimik rin ang dagat at hindi pa masyadong mahangin.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad ng mahagip ng mata ko si Sébastien na nakasimangot na papalapit sa akin. Nangunot ang noo ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang taong 'to. Simula nang umalis si Fayra ay grabeng sama ng loob ang naipundar niya para sa akin. Ni hindi na nga ako kinausap no'ng ibinurol namin ang anak ko.
Pinanood ko lamang si Sébastien at nang malalapit ito sa akin ay napapikit pa siya.
"Anong arte 'yan?" Seryoso kong tanong.
"Let's do fist bump." Mabilisang turan niya at inabot ang kamao niya sa akin.
Sinundan ko iyon ng tingin ngunit hindi ko pinatulan.
"I don't do fist bump---"
"Do it, Mateo. Mawawalan ako ng karelasyon kung hindi mo ako pagbibigyan. So come on, do it." Pamimilit pa nito.
Pero umiling ako at umupo sa isang may hagdan.
"Let's talk for a while, Seb. Ang tagal mo na akong hindi pinapansin. We're still friend right?" Tanong ko habang nasa kawalan ang paningin.
"No." Walang alinlangan niya namang sagot.
I laugh softly. "Really?"
"Yes."
Natigilan naman ako at napatango tango. Maybe, nasagad ko siya ng husto. Well, Sébastien will always be Sébastien. Mas mabilis pa sa babae kung magtampo ang isang ito. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit malalim ang galit na mayroon siya para sa akin.
"But we can start over if you'll do fist bump with me, and pay all my perfume."
Nangunot noo ko at sinundan ng tingin si Sébastien na naki-upo sa tabi ko.
"Kung hindi mo alam. Pinaglilihian ako ni Fayra. 'Yong mga pabango ko, laging ubos sa kaniya kahit kakabili ko lang. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mahal kasi 'yon, at limited edition pa. Kaya imbes na siya ang singilin ko ay ikaw na lang, tutal hindi ka naman nag-hirap no'ng nagcra-crave siya nang dis-oras na ng gabi." Mahabang litanya niya.
May kumurot naman sa puso ko nang marinig iyon. Agad na naglaro ang mga senaryo sa utak ko at nakaramdam ako ng selos kay Sébastien.
He's there all along. Supporting Fayra in every single detail of her pregnancy, and there's me... being an asshole for doing nothing. Nakakahiya.
"How much is it?"
"Well... It costs forever." Napatingin muli ako sa kaniya. Puno nang pagtataka.
"We're starting again, Mateo. Magsisimula ulit tayo sa una, sa panahong puro ka pa at hindi ka pa malanding tao---"
"Sobra ka na." Asik ko sa kaniya at sabay kaming napangiwi. "But seriously, do you mean it?"
Napatango naman siya at maya'y inakbayan na ako. "Basta ba't huwag mo na akong susuntukin nang padalos dalos." Ngisi nito na ikinatawa ko.
"Kasalanan mo 'yon. Tangina ka, gusto mo pa akong maging ninong ng sarili kong anak." Paalala ko sa kaniya.
"Laughtrip kaya 'yong reaksyon mo no'n. Pero aaminin ko, I enjoyed watching you wanting Fayra on your own. Natauhan ka ata."
Hindi na ako sumagot.
"But you know, I've been thinking of her nonstop---Teka," mahinang suntok niya sa balikat ko. "Iyang tingin mo, ayusin mo 'yan, magpapaliwanag pa ako." Agaran niyang sambit kaya't umayos ako at pinagpagan ang balikat ko na ikinatawa niya.
We're okay. Again. At hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito to let my best friend be mad at me again.
"Kasi 'di ba, she's far away from us. Hindi na'tin alam kung kailan siya babalik. After all, she's been my little sister. Nag-aalala ako para sa kaniya, but I know naman na she can manage on her own. Hindi ko lang maiwasang isipin siya, at kung ano na bang kalagayan niya ngayon."
"Kasalanan ko 'to. Kung hindi lang ako naging gago sa kaniya, siguro maayos kami ngayon. Sana, buhay ang anak namin para hindi na siya lumayo pa---"
"Pero wala si Rian kung hindi nangyari ang nangyari, Mateo."
Napailing ako.
"She's not mine."
Nanlaki ang mata ni Sébastien. As I expected.
"What the actual hell bro. Seryoso ba 'yan?!"
"Nagpa-DNA si Lolo. She's suspecting Rose since that Ortega's son was examined. Then here it is, ngayon lang napatunayan dahil makailang ulit niya na rin akong niloko."
"Kinarma ka, Mateo."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
"Alam ko, kaya nga hindi na ako umaangal. Itong buhay ang pinili ko, sino ba naman ako para magreklamo?"
Sandali siyang manahimik. "Tama ka. Sino ka ba naman, nagloko ka eh."
Natatawa na akong akong napailing. Para silang nagkasundo na ulit ulitin sa akin na nagloko ako. Mukhang tatatak na sa akin ang salitang 'yan.
"Sige, mauna na ako. Kakausapin ko pa si Morgan about this foundation, kita na lang tayo sa program mamaya." Paalam nito.
Hinatid ko lang ng tingin si Sébastien at kalaunan ay naglakad lakad na naman ako. Bumaba ako para literal kong makita ang hampas ng alon sa pampang. May mga kaunting tao at ilang mga bata na kasama pa ata namin sa foundation.
Nang makalakad pa ako mula sa hindi kalayuan ay may natanawan akong paslit. Sa tantsa ko ay ka-edaran lang ito ni Rian.
Naupo ako sa may bato kung saan hindi naman kalayuan sa paslit. Mag-isa lamang siya sa sapin ngunit masayang naglalaro ng laruan niya. Nagpalinga linga ako sa paligid at wala akong makitang kaanak nito. Kaya naman hindi muna ako tumayo.
I enjoyed watching him.
Mas lalo pa akong nakaramdam ng galak nang malingunan ako nito at sandaling ngumisi. I smiled back at him and wave my hand.
I was in the middle of my smiling to approach the kid, when I noticed a familiar face walking along the beach in an above-the-knee flower dress.
My jaw immediately dropped as I realized who it was.
"Mommy's here!" Galak niyang saad patungo sa batang nasa harapan ko.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikita ng mga mata ko. Wala sa sarili akong napatayo at halos manlambot ang tuhod ko nang kargahin niya ang paslit at bumungisngis itong tinawag din siya.
"M-Mama!"
Gusto kong magsalita. Ngunit wala akong makapang boses sa akin. Not until I heard Morgan's wife who's calling me all along. Napatingin ako sa gawi ng boses at nakita kong papalapit na ito sa akin.
"Mateo! Kanina ka pa hinahanap ni Rian. Kung saan saan ka nasulpot, parang ang liit nitong resort ah!"
Ngunit imbes na sagutin pa siya ay muli akong napadako sa gawi nang taong matagal ko nang gustong makita.
Gulat ang rumihistro sa kaniyang mukha nang magtama ang aming paningin. At gayon na lang din ang pagkatili ni Lyden at muntik pang mabitawan ang anak niya nang mabilis kong nakuha si Maui.
"O-Oh my God! F-Fayra!"
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top