Chapter 38

CHAPTER 38

"Isama mo na lang sila Rose, Mateo. Tutal ay para naman 'to sa foundation. Nandoon rin naman ang mag-ina ko, si Sébastien at Isabella ay darating din. Even Giovanni will be coming with us." Ani Morgan sa akin habang inilapag ang pamangkin kong si Maureen sa may carpet kasama ni Rian.

Nasa opisina kami ngayon at naisipan kong dalhin na lang si Rian sa akin tutal ay wala na naman si Rose sa bahay. Hindi ko alam kung saan pupunta ang babaeng 'yon. Ni hindi na nga nagpaalam sa akin o maski kay manang man lang. Imbes na ma-stress sa isipin ko sa kaniya ay iwinaksi ko na lang siya sa isipan ko. Malaki naman na siya, kung ano mang gusto niyang gawin sa buhay niya ay bahala na siya. Mas maganda nga itong ganito, dahil unti unti ay nagagawa kong mailayo ang sarili ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung maisasama ko si Rose. Siguro kami na lang ni Rian ang sasama sa inyo---"

"By partner 'yon, Mateo. Sige ka, ikaw lang ang walang kapareha sa foundation." May bahid ng pang-aasar sa boses ni Morgan.

Nagkibit balikat lang ako. "Wala akong pakialam. Darating ako para tumulong sa mga tao doon, trabaho pa rin 'yon kung tutuusin. Isa pa, I have Rian. She's enough." Ani ko para matapos na ang usapan naming dalawa.

"Wala ka bang balak na ayusin ang pamilya mo, Mateo?" Agaran niyang tanong. Heto na naman kami.

Hindi ako sumagot. Ano bang aayusin sa pamilya ko? Pamilya nga ba kami? Ni hindi ko na nga alam kung pasok pa ba kami sa pamilyang tinatawag nila.

"Magulo ang naging simula niyo ni Fayra, sana huwag mong gawin ngayon kay Rose---"

"Kuya,..." Pagpapatigil ko sa kaniya. "Don't bring the past, please. At hindi ko gusto kung ano mang nangyayari sa buhay ko ngayon. Ni hindi ko na nga kilala pa ang sarili ko." Hilamos ko sa aking mukha at nilingon ang dalawang bata na kapwa nakangiti sa isa't isa.

"Napapagod na ako. Pagod na pagod na akong mag-isip kung papaano ko matatanggap na nagloko siya sa akin kahit pa siya ang pinili ko't tinalikuran ang dati kong asawa. I know it's my karma at mahirap ring manumbat dahil may ginawa rin naman ako. But for God's sake, puwede ba. Kahit minsan man lang ay pakinggan niyo ako." Inis kong saad at tumayo para kunin ang coat ko.

Tumungo ako kay Rian at agad siyang binuhat. Nagpupumiglas pa ito at gustong magpababa pero hindi ko ginawa. Bago ko malisan ang sariling kuwarto ay pinigilan na ako ni Morgan.

"I don't mean to say that to you, Mateo. I just want you to be at peace right now. Masyado na akong nag-aalala para sa 'yo, gusto ko lang maging maayos ka." Puno ng senseridad ang boses niya.

"Maayos ako Kuya. Pero mas magiging maayos ako kung maitatama ko lahat ng pagkakamali ko noon, dahil binabagabag ako ng konsensya ko. Binabalikan ako ng nakaraan na gusto kong matakasan." Aniya ko't tuluyan nang lumisan.

Pinatatag ko ang loob ko.

Pagkapasok ko kay Rian sa sasakyan ay agad akong nagpamaniobra patungo kay Lolo. Balak ko munang dalhin si Rian doon pansamantala bago ang foundation. Mas mababantayan siya sa bahay ni Lolo dahil nandoon din naman madalas sila Massimo.

Sa kahabaan ng pagmamaneho ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Rose. Binuksan ko iyon at hindi ko inaasahan ang nakapaloob sa mensahe niya.

Wala na talaga siyang pag-asa. Hindi niya pa kayang maging ina para kay Rian. Gustong gusto niya ang buhay niyang dalaga.

Hindi ko alam kung papaano kami nagkaganito.

Simula nang piliin ko siya at nagsama kami ay unti unti kong napapansin na para bang nanlalamig siya sa akin. Dumating sa puntong pinagdududahan ko na siya at tama nga ako. Akala ko hanggang doon lang, not unti dumating si Rian sa hindi ko inaasahang oras.

Nang pumasok ako sa opisina ni Giovanni at makitang malaki na ang tiyan ni Fayra ay tsaka naman nagbalita si Rose sa akin na buntis siya. Nang mga panahong iyon, wala akong nakapang-excitement. Pero kay Fayra... kakaiba. 'Yon pala ay dahil anak ko ang dinadala niya. Samantalang ang kay Rose ay ipinaako sa akin, at gusto pa ata ngayong iabanduna ang anak niya.

"Gamitin mo ang pera na ibinigay ko sa 'yo, Mateo. Anong silbi no'n kung hindi mo gagamitin?" Anas ni Lolo habang nilalaro laro si Rian.

"I don't need it Lo, isa pa. Patapos na rin naman 'yon, hindi rin naman ako nagmamadali dahil wala pa naman akong balak na doon lumipat."

"Tinanggihan mo na ang inheritance na pinangalan ko sa 'yo bago ka pa lang ikasal noon, ngayon naman ay ayaw mo ring tumanggap mula sa akin. Anong gagawin ko sa mga iyon Mateo?"

Napangiwi ako kay Lolo, sakto rin naman ang pagbaba ni daddy at agad kaming dinaluhan.

"Nandito pala ang apo ko." Masiglang ani ni dad at kinuha si Rian sa bisig ni Lolo. Nilingon ako ni dad kalaunan ay nginitian. "May foundation kayong pupuntahan bukas, isasama mo ba si Rian?"

Napatango naman ako. "Nandoon din naman si Maui, Dad, kaya isasama ko na lang din si Rian." Sagot ko.

"Anyways, wala ka pa bang balita kay Fayra? Hindi ba't araw ng kamatayan ng anak niyo sa makalawa?"

Natigilan ako at agad na napakapa sa bulsa ko. Dali dali akong tumingin sa kalendaryo ng phone ko at tama nga si Dad. Ngunit agad naman akong pinaghinaan ng loob.

"For sure she's not coming again to see him, Dad. Katulad no'ng past three years, ni anino niya ay hindi ko na naman makikita." I said and smiled out of bitterness.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, anak. Balang araw ay magkikita rin kayo---"

"That's impossible, Dad. Baka nga ayaw na niyang bumalik pa and maybe... maybe she's having her best life now with someone. Tatlong taon na siyang walang paramdam kay nila Tito Francis, sa loob ng ilang taon na 'yon, gagawin ko lang tanga ang sarili ko kung pipilitin kong papaniwalain ang utak kong wala pa siyang bagong kasama sa buhay."

I hate to think about it, but I know how reality works. Sino ba naman ang babalik pa sa dati niyang buhay? Kaya nga siya nagpakalayo layo para mahanap ang sarili niya, parte rin no'n ang panibagong buhay kasama ang panibagong mga tao. Hindi na dapat ako mag-expect. It's over for her forgiveness.

Sandali pa kaming nag-usap nila Lolo. Kung saan saan dumaan ang usapan namin hanggang sa nagpaalam na akong uuwi muna para kumuha ng damit namin ni Rian para bukas.

Sa kasagsagan ng pagmamaneho ko ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na pigura. Nanliit pa ang aking paningin bago ako napailing.

It's Rose... With someone I don't know.

Kung noon ay halos gusto ko siyang solohin lang para sa akin, ngayon naman ay wala na lang sa akin ang mga pinaggagawa niya. She's worst. Worst than I thought.

"Kung hindi mo lang pinakialaman ang papel noon, sana hindi na siya nakapirma pa." Saad ko't tuluyang minaniobra ang makina.

Pagkauwi ko sa bahay ay si Manang Celly ang bumungad sa akin. Kasama niya si Mang Jose at sinabayan ko na silang maghapunan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magtanong sa akin si Manang Celly kung nasaan ba si Rose at kung bakit galit na galit ito kaninang madaling araw na nakuha pang magbasag sa kusina.

"Hayaan niyo na lang Manang. Kakausapin ko na lang po pagkabalik namin mula sa foundation." Tipid kong sagot dahil ayaw ko nang mag-kuwento pa sa kaniya.

"Ewan ko ba naman kasi sa kinakasama mong 'yan, hindi na nga nagpapaka-ina sa anak niyo. Hindi pa namamalagi dito sa bahay. Aba'y dinaig pa ang tenant. Jusmeyo." Inis na wika ni Manang Celly na sinang-ayunan naman ni Mang Jose.

"Malayong malayo sa anak ni Sir, Francis." Ani niya pa.

Hindi na ako umimik. Hindi naman na bago sa akin ang pagkukumpara nila. Sa makatutal nga ay nasanay na ako. Noon pa man ay ganito na ang tabas ng dila ni Manang Celly. Hindi ko naman magawang suwayin siya dahil ako naman ang makikita niya't kagagalitan. Totoo rin naman ang pagkukumpara nila. Masyadong vocal si Rose at kung anong gusto niya ay gagawin niya. Samantalang si Fayra ay uunahin muna ang iba bago ang sarili niya.

"Missed na missed ko na ang batang 'yon. Sana lang ay magtagpo kami bago man lang ako kunin ng panginoon." Ani Manang Celly.

"Manang naman." May pagtatampo sa boses ko ngunit iningusan niya lang ako.

"Heh." Masungit na sita ni Manang Celly sa akin na ikinanguso ko.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin at nagpreno na lang siya para siguro hindi ako masaktan. Napailing na lang ako.

Naalala ko ang mga payo ni Manang Celly kay Fayra noon na iwan na ako, pero dahil lamang ang damdamin ni Fayra sa akin ay hindi niya iyon pinakinggan. Masyado akong nakampante na sa huli ay gusto kong bawiin.

Pili lamang na damit ang kinuha ko para sa amin ni Rian. Sa isang bag ay doon ko ipinasok ang mga gamit niya at ang isa naman ay sa akin.

Nagkalkal pa ako sa closet ko at natigilan nang mahagip ng mata ko ang singsing na nakatago sa pinakadulo ng lagayan ng mga relo pambisig ko.

Kinuha ko iyon at muling isinuot sa palasing-singan ko. Wala sa sariling napangiti ako at hinimas ang singsing.

Tandang tanda ko ang katangahang ginagawa ko bago magtama ang paningin namin ni Fayra. Tuwing makikita ko siyang malungkot kapag nakikitang walang singsing sa palasing-singan ko ay may kumukurot sa damdamin ko, pero dahil matibay ang pader ng galit na itinayo ko sa pagitan naming dalawa ay isinawalang bahala ko siya. Gusto kong nakikita ang gano'n niyang reaksyon. Ngunit ang hindi niya alam ay isinusuot ko iyon tuwing nasa opisina ako. Naging mitya pa nga 'yon ng pag-aaway namin ni Rose na kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong hindi sundin ang gusto niya.

"You're still wearing it, Mateo. Anong mayro'n?" Halata ang inis sa boses niya.

Napabuntong hininga ako at hindi siya pinansin. Masyado akong maraming ginagawa para bigyan siya ng pansin ngayon.

"Mateo!" Rose's voice filled my whole room.

I looked at her... annoyed.

Salubong ang kilay niya at galit na galit na dinuro ako.

"Don't tell me na ayaw mo nang hiwalayan si Fayra?"

Napahilot ako sa sintido ko at napailing sa inaasal niya.

"I'm still married with her, Rose. At isa pa, public figure ako. Kami. Tayo. Hindi ko hahayaan na mabutasan ako ng press na ikagagalit ni Lolo. And if you can't understand that, you can leave my office now. Ang dami kong pang gagawin."

Walang salitang nagmartsa naman siya palabas. Unti unti akong nakahinga nang maluwag at napatitig sa singsing.

I just can't take this off. For some reason, it's so good to look at my finger ring.

Pagkatapos kong mag-impake ay nagpaalam na ako kay nila Manang Celly. Dumiretso kaagad ako kay nila Lolo at hinanap ko si Rian.

Nang madatnan ko siya kuwarto ko ay mahimbing na itong natutulog. Tumabi ako sa kaniya at marahang sinuklay ang kaniyang buhok.

Susulitin ko muna ang panahon na ito habang nasa akin pa si Rian, bago ko gawin ang gusto ko dahil ako na rin naman ang magulang niya. Aayusin ko rin ang custody niya since I'm planning to get rid of Rose after what she has done to me. Kung gusto kong maging maayos ang buhay ko, kailangan ko siyang alisin sa buhay ko.

I know how selfish my decision is... But it's for our sake also. Hindi na kami nagkakaintindihan. Ayaw kong umabot pa sa puntong, sumabog ako at makagawa ako ng bagay na ikasasama ko sa mata ni Rian.

"Mateo. Anak." Gumawi ang paningin ko sa pinto na may siwang. Tanaw ko mula dito sa higaan si Dad. Marahan akong umalis para hindi ko maistorbo si Rian. Kinumutan ko siya bago lumabas ng kuwarto.

"Dad." Pukaw ko sa kaniya, ngunit imbes na sagutin ako ay inabutan niya ako ng beer can at nagpatiuna na bumaba. Sumunod naman ako sa kaniya at binuksan ang ibinigay niya sa akin.

Napunta kami sa may pool. Maliwanag sa puwesto namin dala ng ilaw ng buwan na tumatama rin sa tubig.

"Kailan mo balak ayusin ang buhay mo, Mateo?" Puno nang kaseryusohan ang boses na tanong ni dad sa akin.

"I'll get to that at the right time, Dad." Aniya ko. "Hindi ko pa kayang gawin 'yan ngayon lalo na't marami pang ganap sa paligid ko."

Napatango tango si Dad. Nag-iwas ito sa aking ng tingin at malalim na bumuntong hininga.

"Napanaginipan ko ang mommy mo." Pag-uumpisa niyang muli. Nanahimik naman ako habang nakatingin sa kaniya. "She's mad." Tawa ni Dad kasabay ang malakas na pag-ihip ng hangin sa paligid.

Kapwa kami natigilan at para akong namatanda ng magsalita si dad at joking about ghost na alam niya namang kahinaan ko 'yon. Siniringan ko siya nang tawanan niya ako.

"But seriously anak. Siguro nga naging palpak ang ama para sa inyo, lalo na sa 'yo. Kung hindi ako nakampante na si Papa lang ang mag-aalaga sa inyo, baka... baka hindi nagagalit ang mommy mo ngayon." Tawa niyang muli.

Nakaramdam naman ako ng pagkahabag kay dad.

"Don't blame yourself, Dad. Ako ang may kasalanan. Kung hindi ko lang pinairal ang kagustuhan ko, siguro nasa maayos akong kalagayan ngayon. Masyado akong nagpadala sa emosyon kong makuha si Rose kay Morgan,... Kahit pa alam ko sa sarili ko kung sino ba talaga sa kanila ang nauna kong nagustuhan. Am I really that stupid, Dad. Pinakawalan ko ang nag-iisang babaeng minahal ako nang higit sa sarili niya. I even blame her for making my life miserable, kahit na ako naman talaga ang gumawa no'n sa kaniya. Ang unfair ko, I cheated. And now I'm taking my actions towards her Dad."

Katamikan ang namayani sa amin ni Dad. Maya maya pa ay nag-abot na naman siya ng can beer sa akin at nakipag-cheers pa.

"Do you want her back, son?"

Isang alinlangang ngiti lang ang iginawad ko kay dad at tinungga nang tuluyan ang beer. I'm not sure anymore if I want her back. I don't deserve her anymore.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top