Chapter 37
CHAPTER 37
"Sigurado ka na ba talaga dito, Mateo? Kung ako kasi ang tatanungin ay alam na alam ko na ang isasagot sa 'yo ng kapatid mo."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Giovanni kasabay ng pagpatay ko sa makina. Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw namin ang isang pamilya na nasa hardin at masayang nakaupo sa carpet at may mga pagkain pa. Panay ang tawanan nila, lalong lalo na ang lalaking matagal ko na ring hindi nakikita sa personal dahil sa kagustuhan kong lumayo muna sa kanila ng asawa niya.
Unti unti kong nararamdaman ang pagkabuhay ng inggit sa kalooban ko. Inuna ko ang sarili kong damdamin sa pag-aakalang magiging purong kasiyahan lang ang matatamo ko, ngunit malaki ang naging pagkakamali ko.
"Bumaba na tayo, Gio. Gusto kong makausap ang kapatid ko." Aniya at nagpatiuna na.
Walang alinlangan kong pinindot ang doorbell nila, at gayon naman din ang bilis nang pagsilip ng mag-asawa sa akin.
Nagbigay ako ng ngiti sa kanila ngunit tanging ang kapatid ko lang ang nagpaunlak sa akin dahil pagrolyo ng mata ang iginawad ng asawa niya sa akin na agad ring kinarga ang anak nila at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Napailing kaming sabay habang tinuntungo ako ng kapatid ko.
"Napadalaw ka. Pasok kayo." Aniya nito at nilakihan ang siwang ng gate.
"Kapatid mo, mapilit." Si Gio. "Siya nga pala, nasaan ang inaanak ko?" Takang tanong niya na itinuro na na ni Morgan ang pinto sa bahay.
"Nasa loob, nakita kasi ni misis 'to eh." Pabirong aniya ni Morgan sa akin na totoo naman.
"Hindi pa rin nawawala ang galit ng asawa mo sa akin." Aniya ko't umupo sa bench nila. Natatawang umiling si Gio at gano'n din si Morgan. Sinamaan ko sila ng tingin pareho.
"Niloko mo ba naman 'yong kaibigan niya eh." Habol ni Morgan sabay apir kay Giovanni.
"You're bullying me, Morgan." Saad ko na ikinalukot ng mukha niya.
"Ayos ah, pangalan ko na lang ngayon. Asan na 'yong pa-kuya kuya mo?"
Nginisihan ko siya at hindi na lang nagsalita, habang si Gio naman ay nagpatuloy na sa loob at isinisigaw na ang pangalan ng pamangkin ko.
"Kumusta ka na? Isang taon ka ring hindi nagparamdam sa akin. Ni hindi mo rin pinapansin ang tawag ko na sa makatutal ay dapat ako ang hindi namamansin sa 'yo dahil ikaw ang may kasalanan sa akin." Natatawang saad niya sa huli.
"Looks like I'm not yet forgiven, huh." I said it sarcastically, but I'm just joking.
Of course if I were him, I will not easily forgive someone who make a big mistake to me. Lalo na't kung ang mismong kasalanang iyon ay sa pagitan ng pangarap niyang makamtan noon pa man.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman napapatawad ang sarili ko. Malaki ang kasalanan ko kay Morgan, na unti unti kong nang inaayos. Alam kong hindi madali at dadaan pa ako sa butas ng karayom para lang maging katulad ng dati ang samahan namin. Although ipinaparamdam naman niya sa akin na hindi nagbago ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin.
Kinakain ako ng guilt. But somehow, minsan naiisip kong mas maigi pa ngang nangyari ang mga iyon, dahil ngayon masaya siya sa piling ni Lyden. Si Fayra naman, nawala nang tuluyan ang nararamdaman para sa akin.
"Hindi kita kailangang kamuhian nang husto kahit na gustuhin ko man, Mateo. Malaki ang pagmamahal ko sa 'yo dahil magkadikit na tayo simula pa noong mga bata pa tayo. Hindi dahil sa babae ang makakapag-pabago ng tingin ko sa 'yo, pero aaminin ko. Noong mga panahong iyon, gusto kitang sumbatan, but of course lamang ang dugo sa akin. Pero sa nangyari sa pamangkin ko, para gusto na kitang tuluyang alisin sa buhay ko." Ngiwi niyang ikinawaksi ng ngiti sa labi ko.
"Pero wala ako sa lugar. Dahil alam kong mas masakit sa 'yo ang nangyari." Aniya sabay tapik sa akin. "Ikaw ba naman taguan ng anak na gusto ka pang kuhaning ninong ni Seb, ewan na lang." Aniyang natatawa.
Nabuhay ang inis sa akin. Ang lalaking 'yon. Paniwalang paniwala niya ako doon. I really thought that time na sa kaniya ang dinadala ni Fayra. Kung tawagin niya pa ito sa mga endearment ay para silang inlove na inlove sa isa't isa. Maski no'ng nakita ko sila sa mall na niyakap pa ni Sébastien si Fayra mula sa likod nito habang kausap nila si Massimo na kitang kita sa mukha ang gulat sa dalawang kaharap niya.
That time, I was fuming mad.
He's breaking the bro code but again realization hit me.
I'm also did that to my brother. Kaya bakit ako magagalit? Wala akong karapatang magalit dahil isa ako sa unang sumira sa code na 'yan. Sa sarili ko pang kapatid.
"But seriously, bro. Ano ngang ginagawa mo pala dito? For sure you need something from me, hindi ka naman pupunta dito kung wala kang kailangan." Ngiwi na nito na hinawakan pa ang dibdib niya na animo'y nasasaktan.
"Napadalaw lang." Aniya ko't inabot ang juice na para sa kanilang mag-anak.
"Napadalaw o gusto mo lang makasaganp ng balita kung nasaan si Fayra?"
Natigilan ako at pinakatitigan siya.
"Do you already have lead about her?" Tanong ko na dumadagundong na ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Matagal bago ko nakita ang sagot ni Morgan. Umiling ito sa akin na ikinabagsak ng balikat ko.
Bakit ba nag-expect pa ako?
"Hindi ko magamit ang koneksyon ko dahil sa pakiusap sa sulat na iniwan ni Fayra that day, Mateo. Nabasa mo rin naman 'yon hindi ba?" Bahagya akong tumango. "Nakapaloob ang pagmamakaawa niya doon na hayaan muna na'tin siya, huwag na'ting gamitin kung ano man ang kaya na'tin dahil hinding hindi na siya magpapakita pa kapag nalaman niya. Sila Tito Francis ay nakiusap rin sa akin na hayaan muna namin si Fayra na mag-isang hanapin ang sarili niya. Labag man sa akin ay hindi ko kayang suwayin si Fayra."
Napatango tango ako.
Ako ang nakakuha ng sulat niya. Nasa hospital pa siya noon at kasalukuyang nagpapahinga para maka-ipon ng lakad. Ilang araw pa lang noon simula ang aksidente nang magkagulo sa hospital nang walang mabakasang Fayra o anino man lang niya sa kaniyang kuwarto. Hindi rin siya nahagip sa cctv footage sa namin matukoy na dahilan.
Takot ang namuo sa loob ko habang hinahanap siya. Natatakot ako na baka kung ano pang mangyari sa kaniya. Nang bumalik ako sa loob ng hospital at suyurin ang buong kuwarto niya ay nakakita ako ng nakatuping papel sa may bintana.
Agad ko iyong binuksan at binasa.
To Mom and Dad,
Kung sino man sa inyong dalawa ang unang makakita at makabasa nito, please grant me one wish. Don't find me. Don't use your connection to find me. I wanted to breathe, like on normal days. Gusto kong hanapin ang sarili ko ng mag-isa. Gusto ko nang katahimikan, Mommy... Daddy. Sana naintindihan niyo ako. Nawala na ang anak ko, but I don't want to end my life here. Ayaw kong tuluyang mawala rin ang sarili ko. Gusto ko pong magsimula muli... magsimula nang ako muna.
Huwag po kayong mag-alala, magiging maayos po ako. At kapag kaya ko na kayong harapin, ako mismo ang lalapit sa inyo. Ayaw kong humarap nang may sama ng loob sa kahit na kanino. Ayaw kong mamuhay sa galit dahil sa pagkawala ng anak ko. Ayaw kong manisi, pero hanggat nandito ako sa phase na 'to, lulugmok ako. And I don't want those feelings to eat me alive.
I will be having my best time; I'll make sure of that. Please take care of yourselves. And always remember that I will just cross the ocean to breathe and not leave you behind.
Love,
Fayra
"I wonder what she's doing right now. She's making a memory for herself over a long period of time. Maybe she's not yet healed enough to go back..." Basag ni Morgan sa katahimikan.
"Probably she's not. After all, it's our baby, whom she delivered unbreathing."
Agad kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Bahagya rin akong natawa na ikinatapik naman ng kapatid ko sa aking balikat.
"Bakit kasi natauhan ka kung kailan huli na. Malaki talaga ang kasalanan mo dito, Mateo. At sa tingin ko, hindi magiging madali sa 'yo na pumasok muli sa buhay ni Fayra."
Alam ko. I'm not expecting na magiging katulad siya ng dati. Alam kong dadaan ako sa pinakamaliit na butas ng karayom bago ko siya makausap at malapitan.
Sa dami nang kasalanan ko sa kaniya. Sino ba ako para hindi niya itaboy ng tuluyan? Gayong wala na kaming anak na kumukonekta sa aming dalawa. Hindi na rin kami kasal dahil sa mabilisang proseso na ginawa ni Lolo para makabawi kay Fayra.
"I'm suck a jerk. I let her suffer at my own hands. I let her witness my evilness and even showed her how I touched her best friend." I was breathing heavily. "I'm such a bad person alive, Kuya. And this is my punishment for doing that to her."
Katahimikan ang lumukob sa aming magkapatid. Maya maya pa ay kapwa na namin naubos ang meryenda nilang mag-anak at malakas na boses ni Lyden ang pumukaw sa aming dalawa.
"Kayong dalawa jan, gabi na bakit hindi pa kayo napasok?" Tanong nito habang nalapit sa amin.
Napalunok ako sa katapangang namumutawi sa aurahan niya.
"Pumasok ka na sa loob, Morgan. Asikasuhin mo 'yong anak mo doon at ako nang bahala dito." Aniya niya sa asawa.
Nagkatinginan kami ni Morgan at pa-simple akong umiling. Napalunok naman ang kapatid ko at nilingon si Lyden.
"A-Ako nang bahala dito, Love. Pumasok ka na lang kasi gabi na oh, mahahamugan ka---"
"Papasok ka ba ngayon, Morgan o gusto mong sa sala ka matutulog mamaya?" Kalmadong tanong ni Lyden na walang sabi sabing ikinatayo ng kapatid ko.
"Mauna na ako, Mateo. Ayaw kong matulog sa sala, tsaka si misis lang 'yan, siya na bahala sa 'yo." Paalam nito at kinintilan ng halik si Lyden sa mismong harapan ko pa.
Napapikit ako at nag-iwas ng tingin sa kanila.
"Asan si Rian?"
Napatingin ako kay Lyden na nakapamaywang sa harapan ko. Nagkamot batok ako bago siya sagutin.
"Nasa bahay." Tipid kong sagot.
"Balita ko, madalang kang umuwi sa inyo. Ni hindi ka nga nagkakaroon ng oras sa anak mo."
Hindi ako nakasagot. Imbes na sabihin ko sa kaniya ang totoo ay pinili ko na lang na manahimik. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila. Ayaw ko rin namang magbago ang paningin nila kay Rian. After all, anak pa rin naman ang turing ko sa kaniya. Hindi ko lang matanggap na tatlong taon na akong naloloko ni Rose ng ganito.
"Kung busy ka, sana inihatid mo na lang si Rian dito. Tutal ay parehas naman kayong hindi mahagilap ni Rose kung minsan. Kinakawawa niyo lang ang bata sa bahay niyo." Sermon niya sa akin.
"I know. Babawi naman ako sa kaniya." Sagot ko na tinaklaan niya.
"Kailan ka babawi? Kapag wala na sa piling mo si Rian---"
"Lyden, hindi ako pumunta dito para sermunan mo lang. Alam ko naman na mali ako at handa naman akong bumawi sa anak ko." Saad ko sa mababang tono.
"Sinasabi ko lang at nililinaw sa 'yo, baka sakaling matauhan ka agad 'di ba?" Sarktikong sabi niya na ikinangiwi ko.
"You seem like you're still mad at me---"
"Aba'y oo naman!" Putol nito sa akin na may kasama pang isang hampas ng pareho niyang palad sa isa't isa na para bang tamang tama ako sa sinabi ko. "Hindi lang ako galit sa 'yo, galit na galit na kung hindi ka lang kapatid ng asawa ko ay baka nasuntok na kita." Ngisi nito sa akin.
This woman is quite odd. You won't be able to predict what she'll do or say next since she'll stab you with her fiery words. Now I'm wondering why Morgan chose her in the first place. Given that she has an angel heart at times... but on the other hand she is mostly a ferocious beast who can eat anyone when she is fuming mad. Thank God Fayra wasn't like her,... albeit her slap left my face numb for once.
"Siya nga pala, both of are expecting your second child right?" Pag-iiba ko sa usapan. Nagtaas lang ito ng kilay sabay himas sa tiyan niya.
"Yes, at alam mo ang saya saya nga eh. Kasi biruin mo, parang nitong nakaraan lang ako nanganak, but ito ulit. Ang bait talaga sa amin ni Lord," ngisi niya at ako naman ay naningkit na ang mata sa kaniya. "Ganito kasi talaga pag-stick to one eh, pinag-papala ni Lord."
Tumayo na ako at mabigat na bumuntong hininga, akmang magpapaalam na ako pero inunahan na naman ako ni Lyden.
"Kumain ka muna sa loob, baka sakaling maambunan ka ng swerte namin, pagpalain ka pa ni Lord."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top