Chapter 36

CHAPTER 36

Mateo's POV:

"May your conscience make your soul at peace after your son leaves his mother's womb... dead."

I closed my eyes as I remembered again those words of my grandfather three years ago before he stormed out fuming mad at me.

Halos araw araw ko na lang naalala ang mga salitang iyon na magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod no'n.

Hindi ka-agad ako nakapag-react dahil sa pagkabigla ko buhat nang sabihin iyon ni Lolo. Imposibleng nagbibiro lang siya sa akin. Aaminin ko. Gusto ko siyang sagutin pa-tungkol sa mga salitang hindi ko maintindihan... but i was too stunned to speak up.

"Nakakailang bote ka na, Mateo. Baka nakakalimutan mong may anak ka pang uuwian."

Nilingon ko si Gio na naglapag ng sandamakmak na papeles sa lamesa ko. Pinakatitigan ko ang magkikita iyon at inilapag sa tabi ang baso ko na naglalaman ng alak.

"I'm not coming home---"

"You should, Mateo." Duro nito sa akin. Napasandal ako sa kinauupuan ko at tumitig din sa kaniya. "I'm not tolerating you anymore." Seryosong wika nito at mabilisang tinanggal ang sandamakmak niyang mga papeles.

Napabuntong hininga naman ako. "Come on man. Gusto kong magtrabaho. Ilapag mo na 'yan ulit para matapos ko na." Walang ganang saad ko at tinungga ang natitirang alak sa baso ko.

Nakita ko ang sunod sunod na pag-iling ni Gio. Halata sa kaniya na dismayadong dismayado siya sa akin. Pero wala naman akong pakialam. Maayos naman ang ibinibigay kong trabaho para sa kompanya niya. Sa makatutal pa nga ay unti unti nang nakikilala ang kompanyang ito higit na sa mga magulang niya. Maraming endorsement at gusto maging holder din ng kompanya.

Hindi naman sa panunumbat... pero gusto ko lang alalahanin that I'm capable and stable to my work even though... liquors became my addiction for this past months up until now.

"Rian is probably waiting for you right now, Mateo. Have some time for you child, dude." May inis sa boses niya at nag-crampled pa ng papel at ibinato sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Natutulog na 'yon. At isa pa, nandoon naman ang nanay niya---"

"Come on, man. Naririnig mo pa ba 'yang sinasabi mo? Alam ko namang malakas ang tolerance mo sa alak, pero tangina ka. Alam mo 'yon?"

"Kung sesermunan mo na naman ako, Giovanni... mabuti pa lumabas ka na. Hindi ko kailangan 'yang mga salita mo ngayon. Masyadong magulo ang utak ko para intindihin ka't umuwi rin ngayon." Aniya ko at humugot ng isang malalim na paghinga.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang tayuan na lamang ako ni Gio at makailang beses akong dinuro.

"Huling tanong bago ako lumabas ngayon, Mateo." Saad nito. Sinenyasan ko siya na bilisan at nagsalin na naman ako sa baso ko. "Importante ba talaga sa 'yo si Rian? Kasi kung hindi, I'll tell Morgan na better kung kukunin niya na lang si Rian sa inyo tutal ay parehas naman kayong wala ng nanay niya sa tabi niya."

Natigilan ako at napahilamos sa mukha ko. Para akong natauhan sa sinabi ni Giovanni.

"Don't make the same mistake again, Mateo. You lost your son with Fayra; don't wait for Rian to lose to you." Aniya nito bago nilisan ang silid ko.

Napapikit ako at tila gusto ko na namang maiyak sa galit sa sarili ko. I've been suffering for the sake of my son with her. Bumabalik sa akin lahat nang mga ginawa ko sa kaniya noon. 'Yong mga panahong hindi ko siya iniintindi. The way I pushed her away from me because I just cared for Rose, who I blindly loved. 

I'm suck a jerk for hurting her.

I know my mistakes. Hindi naman ako namanhid nang tuluyan noon sa kaniya. I just felt the eagerness to hurt her before because she was persistent in wanting to be with me... To be my wife.

I'm not yet ready. Ni hindi ko nga inalok si Rose kahit ilang beses niya na akong pinaparamdaman na handa na siya. Pero ako... naghihintay pa ako ng tamang oras.

"Saan ka galing hah? Kanina pa kita kino-contact! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?! Hindi mo ba alam kung gaano ka na katagal hinihintay ng anak mo! Kahapon hindi ka umuwi. Tapos ngayon naman umuwi ka nga, lasing ka naman! What are you doing, Mateo?! Why don't you just be a father for once to your daughter, huh?
 
"Don't shout at me, Rose. Masakit ang ulo ko. Stop yelling, puwede ba?" Walang ganang aniya ko sa kaniya at nagpatuloy sa pag-akyat. Nakasalubong ko pa si Manang Celly na huminto pa para ilingan lang ako.

Bahagya akong nahiya.

Alam kong dismayado siya sa akin. Ako rin naman sa sarili ko. Hindi na bago sa akin ang reaksyon niya. Sa reaksyong nagsasabing napakawalang kuwenta kong tao. I know that. I've been a jerk since day one. At hanggang ngayon, dahil hindi ko man lang mabigyan ng oras si Rian.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Mateo huh? Why are you being so mean! You're such an unfair person who I've known---"

"I said stop!" Wala sa sariling sigaw ko.

Nanlalaki ang mata ni Rose na nakatingin sa akin na sinamahan pa nang pag-igik niya dahil sa gulat.

Napasabunot ako sa sarili ko at unti unting nabuhay ang galit na namumuo sa puso ko.

"She's not my daughter, kaya huwag mo siyang ipagsiksikan sa akin." I uttered.

"Mateo... What the hell are you saying?!"

Imbes na sagutin ay hinagis ko sa kaniya ang mga larawan at isang sobreng puti na ipinadala sa akin ni Lolo nitong nakaraang araw.

Hindi ko alam kung anong sumapi kay Lolo at ginawa niya 'yon. Nagtalo pa nga kami dahil dito, but he insisted me to open it.

"She's no good to you, Mateo. Simula pa lang ay sinabi ko na sa 'yong iba ang habas ni Rose, but you still go with her than Fayra who's madly into you before. You're such a dick."

Mga larawan iyon at isang katibayan na nagpapakitang hindi ko dugo't laman si Rian. Kung hindi sa isang taong kinamumuhian din ng pamilya ko.

Bakit ba hindi ko napansin 'yon noon? Simula nang mahuli kami nila Fayra sa opisina ay hindi na kami ulit nagsalo ni Rose. Parang naging call out sa akin ang reaksyon na ipinakita sa akin ni Fayra noon. And to think it now, talagang hindi akin si Rian.

Isa isa niyang pinakatitigan ang mga iyon. Samantalang ako ay nakatingin lamang sa kaniya. And realization hit me.

Bakit ba masyado akong nabulag sa kaniya? Sa kaniya na nilamangan naman ni Fayra.

Napailing ako at tumalikod sa kaniya. Naglakad ako patungo sa closet at kumuha ng bag para sa mga damit ko. Mabilis ko iyong ginawa at bago pa man ako makalabas ay siyang pasok namin ni Rose.

"She's yours, Mateo! Sinisira mo lang ako sa 'yo! Nagdududa ka?! Nagdududa ka, samantalang sa 'yo lang naman ako simula noon!" Aniya niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

Napailing ako. Nilapitan ko siya at hinapit sa kaniyang braso. Halata ang pamimilipit niya sa sakit na hindi ko man lang ako nakaramdam ng awa para sa kaniya.

"Sinong tanga ang maniniwala sa 'yo na sa akin ka simula noon, Rose? Hah?" Gigil kong tanong at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso niya. "Huwag mong lokohin ang sarili mo, dahil parehas na'ting alam na niloko mo ako. Hindi lang isa o dalawang beses. Kaya hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay itinatali ko pa rin ang sarili ko sa 'yo!"
 
"M-Mateo, nasasaktan ako---"

"Talagang masasaktan ka, Rose! Hindi mo lang ako niloko nang dahil sa kalaguyo mong hayop na pumatay sa anak namin ni Fayra, dahil sa kwento mong hindi naman totoo!" Galit kong sigaw. "Niloko mo din ako dahil sa pagpapasa ng responsibilidad sa akin para makulong ako sa 'yo! Are you happy huh?"

"M-Mateo, a-alam mong wala akong kasalanan. Yes, I may have threatened her, but I'm not an asshole to do that! He's now taking his punishment in jail, and I'm proven not guilty!" 

Unti unting sumilay ang ngisi sa labi ko at mapabalang siyang binitiwan.

Hindi nagtagal bago namin nalaman kung sino ang nasa loob ng sasakyang iyon na bumundol kay Fayra that day. Walang CCTV footage sa area na 'yon, kaya lahat kami ay ginamit ang pangalan namin 'to know who did it to Fayra and to my son.

Nang masagap namin ang info ng taong 'yon ay kapwa pa kami nagkagulatan. Ang taong 'yon ay matagal nang kaaway ng pamilya namin. And to think at first, akala namin ay ginawa niya 'yon to get even but we're all wrong.

After block mailing him for straight two weeks ay sumabay doon ang isa pang investigation that's he's Rose allegedly the other man. Nanliit ako sa sarili ko at galit na pinagsusuntok ang hayop na 'yon. Mas lalo pang nabuhay ang galit ko nang ngumisi ito na tila nagmamalaki pa sa akin.

Sila Morgan ang tumapos ng usapan, at ilang araw lang bago ko hanapan ng butas ang kompanya niya ay siyang pag-amin naman nito na ginawa niya 'yon dahil kay Rose.

Umabot kami sa korte, kahit si Rose ay galit ko pang kinaladkad para lang humarap sa hukom, but after all, she's not proven guilty.

"Ikaw pa rin ang may kasalan, Rose. Kung hindi dahil sa gagong 'yon, sana nandito pa sa mundo ang anak ko. Ang anak namin ni Fayra---"

"T-Tama na, Mateo! You're torturing me!"

"I'm just telling the truth here, Rose. Kung nanahimik ka na lang sana... Sana hindi na lumayo si Fayra sa akin---"

"Nababaliw ka na Mateo." Aniya na biglaang tumapang ang kaniyang postura.

"Baliw nga siguro ako, Rose. Baliw nga ako sa pagpapabaya ko sa asawa ko noon. Kung sana hindi ko pina-iral ang lintik na damdamin ko sa 'yo, sana ngayon tahimik ang buhay ko."

"Binabalik mo sa akin ang pagtratong ibinigay mo kay Fayra noon, Mateo. Nahihibang ka na. Kung susumahin na'ting dalawa ay hindi mo naman minahal si Fayra. Ginamit mo lang siya para maibigay ni Don Madeo ang pamanang para sa 'yo!"

Natigilan ako. All this time 'yan ang paulit ulit na tumatatak sa isipan ko. Maging ang mga sinabi ni Fayra no'ng gabing nagpaubaya siya sa akin.

They all think that I really need to do that for my grandfather to inherit me with his wealth.

"Sinong nagsabi na hindi ko siya minahal? Ikaw?" Sarkastikong tanong ko at nilampasan siya.

"B-Bakit hindi ba? Lagi mo ngang sinabi sa aking ayaw mo sa kaniya. Na you can't stand her anymore dahil hindi mo naman siya mahal---"

"I may not have loved her deeply like I did to you at the beginning, but I loved her before I saw you, Rose. After all, she's my first love, kung nakakalimutan mo."

Katahimikan ang lumukob sa buong closet ko. Halata  sa kaniyang reaksyon na hindi siya makapaniwala sa narinig sa akin.

"You're joking me."

"I wish I was, Rose, but I'm not." I murmured as I walked out, but I was surprised for a second after seeing Rian standing outside my closet, wiping her tears away.

Narinig niya siguro ang sigawan namin ng mommy niya.

"D-Dada." Tawag nito sa akin at itinaas ang dalawa niyang kamay. Nagpapakarga ito.

Lumuhod ako at niyakap siya, kalaunan ay kinarga ko at lumabas ng kuwarto para ilapag siya sa silid niya. Mabilis lang naman makatulog si Rian, akala ko ay tulog na ito at handa ko na sanang ibaba pero mabilis itong kumapit sa akin.

Napabuntong hininga ako at hinimas ang kaniyang buhok.

"Dada." Tawag nitong muli.

Unti unting nawala ang galit sa akin nang marinig ko ang maliit niyang boses.

Ngayon lang naman ako pumalpak kay Rian. Simula nang mailabas siya ni Rose ay halos ako na ang naging ina't ama niya dahil parang hindi naman gusto ni Rose ang bata. I don't know exactly. Pero 'yon ang nakikita at napapansin ko sa kaniya.

Nandito nga siya sa bahay kung minsan, pero si Manang Celly naman ang ubod na kumikilos para sa bata.

Napukaw ang pagsasariwa ko nang marinig ang mahinang paghilik ni Rian. Napangiti pa ako at marahan siyang inihiga sa kaniyang kama. Pinatagilid ko siya at ipinayakap ang unan sa kaniya.

"I'm still your dad no matter what, Rian. But I will not be with you for the meantime since I want to find my l'altra metà... who I've been longing for years now."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top