Chapter 32

CHAPTER 32

"I don't like that name. Masyadong gamit na."

Napanguso ako habang isa isang ini-scroll ang mga pangalan na pinagawa ko kay Sébastien para sa magiging baby ko. Umaasa akong may mga matinong pangalan siyang maipapakita sa akin pero dismayadong dismayado ako sa mga pangalan na nababasa ko ngayon.

Wala na sa kasalukuyang panahon 'yong mga pangalan.

"Arthur."

"Dante."

"Frederick," kasabay ng huling sambit ko sa pangalan na nailista niya ay ang mahaba kong pagkakabuntong hininga. "Wala na bang isasagad 'tong mga nailista mo, Seb? Bawat banggit ko pa lang sa mga pangalan na 'to, alam ko na agad na hindi bagay sa baby ko!" Asik ko.

"Eh, anong gagawin ko? Ayan 'yong lumabas sa google." Kamot ulo niyang saad at kinuha ang phone sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-search ka pa kung ganyang pangalan lang din ang ibibigay mo sa akin." Sarkastikong sambit ko.

"Ano ba kasing pangalan ang gusto mo, Fayra? Ang hirap mo namang papiliin. Gusto mo ba ng Italian name? Galing sa Greek?" Problemadong tanong nito.

Bumilog ang bibig ko, nag-iisip ng sasabihin sa kaniya kaso bumungad naman si Morgan na may dala-dalang tasa ng kape.

"Hirap na hirap, pre ah." Hapyaw nito sa kaibigan sabay tawa.

"Kung nandito ka para mangasar na hayop ka, parang awa mo na Vejar, tantanan mo na ako." Pikang paki-usap niya na tinawanan lang ni Morgan.

"Maghanap ka pa ng mas maganda sa mga 'yan, Sébastien. I don't like those old names, gusto ko 'yong pangmalakasan na name---"

"If that's what you want, then you should go to Mateo. Siya ang tanungin mo ng mga ganito dahil paniguradong mas malaki ang maitutulong niya sa 'yo---B-Bullshit! Para saan 'yon Vejar?!"

"Para sa pag-ako mo sa anak ng kapatid ko tapos hindi mo naman mabigyan ng maayos na pangalan." Ngiwi ni Morgan bago inilahad ang kamay para makuha ang unan na ibinato niya sa kaibigan.

Salubong ang kilay at masama ang tingin na pinukulan naman ni Sébastien si Morgan.

"I hate you." Sébastien uttered that made me laugh in an instant.

"What the fuck, pre. Sagwa mo!" Muling bato ni Morgan sa unan na ibinato rin pabalik ni Sébastien sa kaniya.

Akmang magbabatuhan pa silang dalawa ng tumikhim ako dahilan para mapalingon muli sa akin si Sébastien at naglaglag ng balikat. "Atlas, Silas and Spencer. What do you think?"

Sandali akong nanahimik at pinag-isipan ang tatlong pangalan na binanggit niya.

"Teka nga." Morgan interrupted. Napatingin kami sa kanya. "Bakit parang pabor naman ata sa pangalan mo 'yang mga pangalang binibigay mo kay Fayra? Masyado mo namang kina-career." 

"Pati ba naman 'yan, gagawin mong big deal?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sébastien sa kaniya na iningusan niya lang.

"Of course! Pamangkin ko 'yan. Isang 'yang Vejar at hindi isang Parisi, kung sakaling nakakalimutan mo." 

Napahilot ako sa sintido ko at naiiling na lang sa dalawa. Kung titingnan sila ngayon ay para silang mga bata na may malalim na pinag-uusapan.

"Silas? Sounds good, but i want more option." Aniya ko't pinagtaasan ng kilay si Morgan. "May suggestion ka ba?"

Umayos ito sa pagkakaupo. "It's should start with his father's name, Fayra." Aniya na nakapagpataas sa kilay ko. "Don't gave me that look, you know my nephew is one of us. He's a Vejar. Mateo's son."

"You're right, Morgan. My child is truy a Vejar, but I'll never let him carry his father's surname---"

"You can't do that." Puno ng pagtutol ang tono ng boses nito.

"Why wouldn't I? I am the mother. Mas may karapatan ako kahit na kanino sa desisyong mangyayari sa magiging anak ko." Aniya ko.

"Your child with my brother will be our family's first great-grandchild. Malaking balita 'to para sa pamilya. Kahit sabihin pa na'ting masalimuot ang nakaraan."

I paused suddenly. "Deal with it Morgan. Hindi ko hahayaang dalhin ng anak ko ang apelyidong ayaw naman ipagkaloob ng ama niya sa akin."

"Magka-iba kayo, Fayra---"

"In what way?" I snap. "Kung sa akin nga na pormal at legal ang pagsalo ko sa apelyido niyo ay harap harapang ipinamumukha sa akin na para bang illegal ko 'yong inangkin, ano pa kaya ang mangyayari kung isasaalang-alang ko ang anak ko para lang sa inyo?"

"Lolo will never let that happen again, Fayra."

Ayaw niya talagang magpatalo.

"Apeyido ko ang daldalhin ng anak ko, Morgan. Tapos ang usapan." Asik ko sa kaniya. Maka-ilang beses na bumilog ang kaniyang bibig. May gusto pa atang sabihin sa akin.

"Kung ayaw mo, puwes kay Sébastien ang gagamitin---"

"Alright, woman! You won!" Nakataas ang dalawang kamay na sigaw nito.

Ngumuso ko ng pagkahaba-haba. Bakit ba apektado ng-apektado ang taong 'to? Samantalang 'yong kapatid niya nga kung sakaling malaman 'to ay paniguradong hindi ako makakatanggap ng ganiyan reaksyon. Baka nga pumabor pa 'yon na huwag kong gamitin ang apelyido niya sa sarili niyang anak.

"Bago ang araw ng due date ko ay dapat nasa akin na ang mga pangalan, Seb. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Fayra naman."

"Huwag kang magreklamo. Ikaw ang ama nito, hindi ba?" Pang-aasar ko na ikinalukot ng kaniyang mukha.

Nilagpasan ko si Sébastien at gayon din si Morgan na nananahimik na lang sa tabi, ngunit kagaya ng inaasahan ko ay narinig ko na naman ang bangayan nilang dalawa.

"Bakit mo kasi inako? Andoon na si Mateo, inako mo pa!" Si Morgan.

"Can you stop, pre? Ang over acting mo naman. Halos mailaglag na nga ni Gio sa Fayra no'ng mga oras na 'yo kaya no choice ako."

Napapailing akong nagpatuloy sa paglalakad. Lumabas ako ng bahay at nagtext kay Lyden at Isabella na magkita-kita na lang kami sa malapit na coffee shop sa opisina.

Speaking of Isabella, hindi pa naiku-kuwento ni Sébastien sa akin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi rin naman malinaw sa akin 'yong naging paliwanag ni Isabella sa linya, basta't ang alam ko lang ay nanghihingi siya ng tulong dahil nandoon na naman daw 'yong step-mom niya.

Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe ko. Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay nakita ko na agad mula sa salamin ang dalawang babae. Kapwa sila nagngingitian sa isa't isa.

"Siya pala 'yong nasa wall ng office ni Seb." Duro ni Lyden at baling na rin kay Isabella na may tipid na ngiti sa kaniya. "Kaya pala no'ng una kitang makita ay naningkit agad ang mga mata ko sa 'yo."

"Ano bang mayro'n sa inyo ng dalawa? Masyado ka naman 'yong malaki mong picture frame sa opisina niya, aba'y nahiya ka pang ipa-billboard ah!" Tuwang tuwang dagdag pa ni Lyden.

"Tigilan mo nga si Isabel, Lyden. Naandar na naman 'yang pagiging tsismosa mo." Pabirong suway ko sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Tayo tayo lang naman ang nandito, girl. Drop the label na agad para naman ma-i-uncrush ko na si Seb." May halong paghagikhik pang litanya ni Lyden sa gulat na reaksyong mababakasan sa mukha ni Isabella.

Ako naman ay napanganga na lamang sa narinig. Bago sa pandinig ko ang lumabas sa bibig niya. Pinanliitan ko siya ng mata. Mukhang may hindi sinasabi sa akin ang magaling kong kaibigan.

"W-Walang namamagitan sa'min." Mahinang sagot ni Isabel.

Animo'y nagningning naman ang mga mata ni Lyden.  Sumilay rin ang malawak niyang pagkakangisi na ikinaarko ng kilay ko.

"Lyden, maghunos-dili ka nga." Suway ko. "Nakakahiya." Dugtong ko pa.

Bumaling ako kalaunan kay Isabella, sukbit ang ngiti sa labi ko. "Don't mind her na lang, Isabel. Ganiyan lang 'yan dahil hindi sila ayos ni Morgan."

Mabilis namang umiling si Isabella. "Ayos lang, wala namang kaso sa akin kung may gusto siya kay Sébastien. Normal lang naman 'yon dahil may karismang nagsusumigaw sa katauhan niya."

Tatlong mabagal na palakpak ang pinakawalan ni Lyden.

"Tumpak ka, girl. Kung pasok lang ako sa standard ni Seb, baka ako pa nanligaw sa kaniya." Aniya't malalim na bumuntong hininga. Isinandal niya pa ang  likod palad ng magkahawak niyang kamay na animo'y nananaginip ng gising. "Unang kita ko pa lang sa kaniya sa reception ng kasal nila Fayra noon ay may spark na agad akong nakikita sa paligid. Para siyang artista at ako ang numero unong tagahanga niya---"

"Dinaig mo pa ang lasing Lyden sa totoo lang." Putol ko sa imahinasyon niya kaya't napanguso na naman ito ng pagkahaba haba.

"Epal naman, sis." A niya't hindi ko pinansin.

Pinagtuunan ko ng pansin ang kinakain ko habang panay naman ang pagdaldal ni Lyden sa tabi.

"Pero tama naman ako. Sa sobrang bait ni Sébastien, ni kahit ata si Morgan o kung sino pang Poncio Pilato sa mundo ay kay Sébastien pa rin ako... What do you think Isabella? Hmm..."

"A-Ahm, s-siguro." Nahihiyang sagot niya na ikinangiti ko na lang.

Kinalabit ko naman si Lyden na tumigil na dahil halata namang naiilang na si Isabella sa topic na gusto niyang i-open ng husto. Mabilis akong nag-isip kung ano ba ang maaari namang mapag-usapan na hindi ikakailang ni Isabella.

Halos kung saan saan tumakbo ang random naming topic. Sa bawat pagpatak ng minuto ay nararamdaman kong gumagaan ang atmosphere sa pagitan ng dalawa.

"Wala rin akong maisip na magandang pangalan. Pero suggestion ko lang, tsaka ka na mag-isip ng name kapag nakita mo na 'yong mukha ng anak mo. Ampangit naman kasi kung sakaling ang tikas ng pangalan na ibibigay mo tapos ang layo sa itsura ni baby." Ani Isabella.

Napatango naman ako. May point din naman siya. Iniisip ko pa lang, parang gusto ko nang iuntog ang noo ko sa lamesa.

"Kailan ka nga ba ulit manganganak?"

"Two months from now... Malapit na."

"Kaunting paghihintay na lang, magiging mommy ka na talaga." Bakas na bakas ang tuwa sa boses at reaksyon ni Lyden.

"At kaunting panahon na lang din at magiging ninang na kayo." Hapyaw ko sa kanila na nakangiti naman nilang tinanggap.

Napahimas ako sa tiyan ko ng wala sa oras dahil sa biglaang pagsipa ni baby. Napa-igik ako ng mahina dahil sa lakas no'n. Pakiramdam ko tuloy ay excited na rin siyang masilayan ang mundo. Mommy can't wait anymore, anak. I want to hug and shower you with my kisses and love.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top