Chapter 31

CHAPTER 31

"Walang makakapigil kay Gio when it comes to his company, Lyden. He's willing to do anything and everything for the better benefits he can get from it. Do you understand that?"

"You are friends, Morgan. Can't you use that to protect Fayra away from your brother?"

"I wish I could use that, Lyden. If ever I could, sana ginawa ko na bago mo pa sinabi 'yan."

Hindi maalis ang paningin ko sa dalawa habang panay naman ang pagngata ko sa manggang ibinibigay ni Sébastien sa akin. Panay ang pagbabalat niya no'n habang ang mata rin ay nasa kanila Morgan at Lyden na nag-aaway kanina pa.

Mabilis na dumating kay Lyden ang balita. Siguro nasabi na agad sa kaniya ni Morgan at gano'n na lang ang reaksyon niya at napasugod pa sa bahay.

"Ang sabihin mo, napatawad mo na 'yang kapatid mo kaya wala ka nang pakialam pa kay Fayra." Mahinang litanya ni Lyden at dumako ang tingin sa akin.

"Saan naman nanggagaling 'yan, Lyden? You're always making that conclusion na lagi na lang mali." Halata ang pagkainis sa boses ni Morgan habang nakapukol lamang ang paningin sa likod ni Lyden.

"I'm stating the fact here, Morgan. You already forgive your brother. Even Rose. Kahit pa nga ubod na kahangalan ang ginawa nila sa 'yo---"

"Lyden." Mahinang tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumigil kasabay nang pagkaka-iling ko.

Iginawi ko ang paningin ko kay Morgan. Seryoso at halatang hindi siya makapaniwala sa mga nalabas sa bibig ni Lyden.

"I don't know what's wrong with you woman. Ano bang tingin mo sa industriya na 'to? Na kesyo kaibigan ko 'yong tao ay malaya ko na lang na masasabi ang ayaw at gusto ko para kay Fayra? You're also in this field. Alam mong kapag nasa opisina ay nag-iiba lahat. Gio will never tolerate what you want me to do, Lyden. Sana maisip mo 'yon."

Sandaling katahimikan ang lumukob sa amin.

Si Lyden ay naiwang nakayuko habang si Sébastien naman ay unti-unting lumapit kay Morgan.

"Labas muna tayo, brad. Palamig muna kayo, masyado kayong mainit eh. Pati issue na hindi sa inyo, nadadali niyong dalawa." Hatak pa ni Sébastien.

Nilingon ko naman si Lyden na ngumunguso na at panay ang bulong sa sarili niya. Sinasamahan pa ng pag-irap. Ang sarap tusukin ng mata nito. Masyado niya nang tinatarayan si Morgan.

"Tigilan mo na 'yan, Lyden. Para kayong bata. Dinaig niyo pa ako sa sarili kong sitwasyon eh." Aniya ko't inalok siya ng mangga na tinanggihan niya naman.

"Pero totoo naman ang sinabi ko. Narinig ko siya isang beses na kausap niya si Mateo through phone. Kinu-kumusta niya pa nga si Mateo at si... Si Rose." Iwas nito sa akin.

Napataas ang kilay ko. "Magsabi ka nga sa akin Lyden." Gagad ko't hindi na muna inintindi ang nauna niyang sinabi.

"E-Eh?"

"What's with the two of you? Kung magsagutan kayo ay para bang tapos na kayo sa getting to know stage. Tell me, what's the real deal with you and Morgan?" Prangkang tanong ko.

"F-Fayra parang hindi mo ako kilala. Tingin mo ba, papatulan ko 'yan?" Aniya't sinabayan ng pekeng tawa sa huli.

"Matagal na kayong magkasama. Imposibleng walang deal sa pagitan niyo, knowing Morgan's attitude... Lalo na kanina." Saad ko't pilit na hinihuli ang mamumutawi sa kaniya.

"Hindi naman big deal sa akin kung nagkakamabutihan kayong dalawa. You're both single but..."

Sa pambibitin ko ay halata sa itsura niyang gusto na niyang malaman ang sunod kong sasabihin. I smiled at bit. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil pisil ang kaniyang palad.

"Parehas na ba kayong naghilom sa nakaraan?" Mabagal kong saad na lalong hindi ikinatahimik niya. Mabilis na naman siyang nag-iwas ng tingin.

"It's ok, Lyden. Morgan is a keeper. You just both need to heal in order to have a good relationship. Ayaw kong humantong kayo sa nangyari sa akin. Mahalaga kayo sa akin, ayaw kong umabot kayo sa kung ano mang naabot ko---"

"Huwag mo na kaming pag-usapan pa, Fayra. Ikaw at 'yang bwesit na kapatid niya ang dapat na ginigisa ko eh!" Ayon na naman ang pagsigaw niya.

Agad na bumalik ang matapang na aura ni Lyden.

"Bakit ka pumayag? I mean, tama naman si Morgan sa mga sinabi niya kanina. Pero girl, you'll be working with him lalo na't malaking kasosyo ni Rossi si Mateo."

"Alam ko Ly. Masyado ngang mabilis. Hindi ko nga alam ang gagawin ko lalo na't malapit na akong manganak."

"Speaking of manganak. Does he know?..."

Sandali akong natigilan. Malamang pa sa alamang ay alam niya. Ang ikinakabahala ko lang ngayon ay kung alam niya na rin ba na anak niya ang nasa loob ko. But base sa reaksyon niya, parang wala pa siyang alam.

"Siya nga pala, siguro naman puwede kang mag-file ng leave niyan. For sure, hindi na 'yon tatanggihan ng boss mo." Pukaw ni Lyden sa akin.

Napatango ako sa kaniya.

May plano naman na akong mag-file para sa panganganak ko. Ngayong buwan rin ay magsasabi na ako para naman hindi na hassle sa akin. Tatapusin ko na lang din ang ilan pang business proposals para wala akong masyadong maiwang trabaho kay Isabella.

Sandali pang nanatili sa bahay si Lyden. As usual, kahit pinagsabihan ko na siyang tumigil na ay hindi niya pa rin nagawa. Talagang malalim pa kaysa sa akin ang pinanghuhugutan niya. But somehow, masaya ako. Lyden will always be herself. Siyang siya pa rin 'yong Lyden na ayaw na nadedehado ang kaibigan niya.

"Hindi matitiis ni Morgan 'yon." Si Sébastien na nakatanaw sa papalayong sasakyan ng dalawa.

"Paano mo naman nasabi, aber?" Sakay ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at inakbayan. "Sa nakapusong mata no'n tingin mo magagawa no'ng matiis ang kaibigan mo?" Taas baba ang kilay niyang saad.

Wala sa sariling napangiti ako at mahina siyang siniko.

"Do you find them cute being together, Seb?"

"Of course, Fayra. Don't you?" Balik niyang tanong na ikinairap ko naman.

Bumuntong hininga ako at nag-cross arm. "Well, I do. Gustong gusto ko sila para sa isa't isa since day one. Para ngang puwede nang tuparin ang gusto ko noon dahil parehas naman na silang walang sabit. Pero hindi pa rin ako boto kung sakaling gusto na nilang pumasok sa relasyon na kailangan nilang sugalan. Ayaw kong humantong sila katulad ng sa amin ni--- Mateo?"

"Hindi mo naman sila kailangang diktahan. They are old enough to decide---"

"Stop talking Seb. Someone's out there." Agad kong takip sa kaniyang bibig.

Umarko ang kilay niya at inalis ang palad kong ipinantakip ko sa kaniyang bibig.

"Who?"

"I-I saw him outside."

Nagkatinginan kami ni Sébastien. Handa na siyang humakbang para puntahan ang gate nang kusa naman iyong bumukas at iniluwa si Mira na paskil sa labi ang malawak na pagkakangiti.

"Ate!" Sigaw nito at maingat akong niyakap sabay himas sa umbok kong tiyan.

Nakamasid lamang ako kay Mira nang matigilan ako sa boses na lumukob sa tahimik na ihip ng hangin sa dapit hapon.

"You forgot your lunch box, Mira."

"Thank you, Kuya!" Tinig ni Mira na lumapit pa sa kaniya.

Nagtaas ako ng tingin at hindi nga ako nagkamali sa nakita ko kanina. It was really him.

"Ipinasundo kita kay Fidel, Mira. Bakit sa iba ka sumabay?" Boses ni Sébastien.

"Ah, galing akong mall Kuya Seb. Sakto at nakita ko rin si Kuya Mateo kaya naman nagpahatid na ako sa kaniya dito. Hindi mo rin naman ako tinext." Ngiwi ni Mira.

Sabay kaming napailing ni Seb.

"Pumasok ka na sa loob. May pagkain na doon." Aniya ko sa kaniya.

Marahang tumango si Mira at bumaling muli kay Mateo na nakatingin naman sa akin pababa sa tiyan ko. Mabilis kong naikuyom ang kamao ko. Naka-body con ako at ngayon ko lang napagtanto na wala nga pala akong jacket o kahit na anong balabal sa katawan para gawing pangharang sa aking malusog na tiyan. Litaw na litaw tuloy ito ngayon at pagkailang ang namumutawi sa buong sistema ko.

"Ihahatid na kita sa labas, pre." Basag ni Sébastien sa katahimikan.

Mateo on the other side just nooded his head and ready to walk away. I suddenly shifted my gaze to my phone na vibrate nang vibrate.

Muli kong tinanaw si Mateo at Sébastien na kaunti na lang ay makakalabas na ng gate nang mapakunot naman ang noo ko when I heard Isabellas' voice.

"I-I'll tell him to go, just stand by where you are. Alright?"

Nang mapatay ang linya ang agad kong tinawag si Sébastien. Kapwa pa sila natigilan at sabay na lumimgon sa akin.

Naglakad ako palapit sa kanila at marahan ko siyang hinila sa tabi.

"Are you okay?" He immediately asked.

Tumango ako. "Ayos lang ako, pero si Isabella hindi." Aniya ko't natigilan siya.

"Pardon me?"

"I'll send you here home address, go there and see it yourself Seb." I said as I pushed him. "Go," aniya ko't nilingon pa ang paligid para mahanap ang sasakyan niya na nakaparada pa sa loob namin.

Napakagat ako sa labi ko at nang dumako ang paningin ko kay Mateo ay napapitik na lang ako sa sarili ko nang patago.

"Where's your car key?" Lapit ko sa kaniya.

Gulat at punong puno nang pagkalito ang mababakasan sa kaniyang mukha, ngunit agad niya ring naibigay sa akin ang susi.

"Go now, Seb. She's waiting for you. Go!" I said again and pushed him even more for him to move.

Nasapo ko na lang ang noo ko habang nakatanaw sa mabilis na pagpapatakbo ni Sébastien sa sasakyan ni Mateo. Napa-sign of the cross din ako at agad na tinawagan ang driber ni Sébastien. After a couple of seconds ay pinatay ko na rin ang linya.

"I-Ipapahatid kita kung saan ka man papunta. Sébastien will drop your car to your company when he's done picking someone." I informed him.

Bago pa man siya makapagsalita ay muli na namang umalingawngaw ang boses ni Mira at halata ang galak sa kaniyang mukha.

"You're still here, Kuya Mateo!"

"Y-Yeah, but I'm going home---"

"No please!" Agad namang pigil ni Mira. Ako naman ay handa nang pumagitna para pigilan siya pero muli niya akong naunahan. "May project ako, Kuya. May kahirapan 'yon and you're perfect to help me with it po."

"Sébastien can help you after, Mira." I said with my low toned voice.

"He's a busy person, Ate Fayra. And besides, nandito pa naman si Kuya Mateo at wala si Kuya Seb. Mas maaga akong matatapos kung magsisimula na kami, right?"

Napapikit ako at ilang beses na napailing. Nang magtama ang paningin namin ni Mateo ay mas lalo akong nawalan nang isasagot.

"If you won't mind me here, Fayra. I'll help Mira with her project." Mahinahon niyang saad.

Parang gusto ko namang masuka. Hindi ako sanay sa tono na ibinibigay niya sa akin. Masyadong nakakapanindig balahibo. Nakakaloko.

"Just make it fast, para naman bago makauwi si Seb ay tapos na kayo." Aniya ko't nilagpasan silang dalawa.

Nahagip pa ng mata ko ang pagpalakpak ni Mira na parang nanalo sa lotto. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kusina. Nagtimpla ako ng juice at naglagay na rin ng pang-meryenda.

Habang buhat buhat ko ang tray ay pinagmasdan ko silang dalawa na agad na inuumpisahan ang project ni Mira. Hindi ko ma-visualize sa isipan ko kung ano 'yon pero isa lang ang alam ko. Hindi kayang gawin ni Sébastien 'yon. Paniguradong magsasabong sila ni Mira katulad na lang no'ng nakaraan na palpak ang itinulong nito sa kaniya.

"Oh Kuya---"

"May peanut butter 'yan, ito ang kainin mo." Gagad ko nang akmang aabutin niya ang inilalahad ni Mira.

Para naman akong natauhan sa ginawa ko. Kapwa kami nagkatinginan ni Mateo na para bang may mali o bago sa sinabi ko. Pinilit kong maging pormal at hindi na lang siya pinansin.

"Kapag dumating si Fidel ay sabihan mo siyang maghahatid siya, Mira. Ikaw na ang bahala dito, magpapahinga na ako." Aniya ko't nagdire-diretso na sa paglalakad papasok.

Ilang beses kong iniling ang ulo ko at alisin sa isipan ko ang presensya ni Mateo. Sana lang ay mabilis na makabalik ang driver ni Sébastien nang maihatid na rin siya sa paroroonan niya.

Tumungo ako sa silid ko at hindi nag-abala pang silipin muli sila Mira. Hinayaan ko na lang na makapagpahinga ako dahil bukas ay may pasok pa ako.

Kinaumagahan ay walang katao-tao sa bahay. Nag-iwan lang ng note sila mommy na mamayang gabi ang flight nila para asikasuhin ang pinapatayo nilang bahay sa karatig na bansa bago pa man daw ako manganak.

Nag-ayos ako ng sarili ko. Sinalubong ako ng driver ni Sébastien na nasa labas na pala at kanina pa naghihintay. Hindi nagtagal ang byahe ay nasa opisina na rin kami. Agad na hinanap ng mata ko si Isabella sa kaniyang puwesto ngunit mukha ni Sir. Gio ang sumalubong sa akin.

Nag-ayos ito ng mga papel at siya na rin ang nagsasama sama ng mga iyon.

"Sir. Gio, ako na ho." Pigil ko sa kaniya na inilingan niya naman.

"Hindi na. Malapit ko na rin namang matapos. Siya nga pala, bukas ay puwede ka nang magtake ng leave mo sa kompanya." Pag-a-angat nito ng tingin.

Dagliang kumunot ang aking noo.

"Ang sabi ni Morgan sa akin ay malapit ka nang manganak, mas maganda na rin sigurong ngayon pa lang ay makapagpahinga ka na." Ngiti nito sa akin at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Dumako ako sa upuan ko at sinalansa rin ang iilang papel na nakakalat sa puwesto ko.

"Alam mo na ba ang gender ni baby?"

Nakangisi akong tumango sa kaniya. "Nitong nakaraan ko lang nalaman, kaya kinakabahan din ako kapag naalala ko ang gender niya."

"Mag-wild guess ba ako?" Aniya na ikinibit balikat ko lang.

Huminto ito sandali at sumandal sa lamesa. Ang isang kamay ay humihimas sa kaniyang baba habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Wild guess ko... Of course it's a boy."

"Sure na ba 'yan Sir?"

"Mali ba?"

Umiling ako. "It's a boy,.. Kaya nga natatakot ako. Ngayon pa nga lang ay malikot na siya, baka mahirapan ako sa panganganak at mapuno na lang ng pag-iyak ko ang buong room." Natatawang sabi ko na sinamahan ko pa nang paghimas sa nakaumbok kong tiyan.

Ngumiti si Sir. Gio sa akin.

"Atleast maganda ka pa rin kahit naiyak."

"E-Eh?" Ngiwi ko na mas lalong ikinalawak ng pagkakangiti niya.

"I'm sure valid na 'yong pag-iyak mong 'yon kasi para sa anak mo na. Unlike no'ng una kitang makita na sumalampak ka pa sa buhangin."

Napanguso ako at agad na nahimasmasan. Nanlaki ang mata ko at napaduro sa kaniya.

"I-Ikaw 'yon?!" Hindi makapaniwalang tanong ko nang maalala 'yong lalaking nasa Palawan.

Hindi sumagot si Sir. Gio bagkus ay sumeryoso lang ito.

"Paniguradong magiging laman ng balita ang anak mo kapag isinilang na siya---"

"Impossible." Putol ko na ikina-arko ng kilay niya.

"Impossible?" Panggagaya niya. "I don't think so, Ms. Magiging imposible lang 'yan kung hindi isang Vejar ang magiging anak mo."

Unti unting nawala ang pagkakangisi ko sa kaniya. Umiling ako nang ilang ulit bago ko isinandal ang sarili ko sa upuan. Handa na akong magsalita when out of nowhere ay bumukas rinig ko ang boses ni Sébastien.

"Hindi naman talaga impossible. Especially when her baby is a Parisi." Sébastien voice filled the whole room.

Napalunok ako habang papalapit siya sa akin. Even Sir. Gio was too stunned to speak to him. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. At gano'n din ang pagkataranta ko nang makita ko si Mateo na nakasunod lang pala kay Sébastien.

"Parisi?" Sir. Gio uttered.

"You look like you're not expecting it, Gio." Sébastien casually said and look to Mateo who's giving us a blank reaction. "Ninong ka ah." Tapik niya pa kay Mateo na halos nagpabuhay ng dugo ko sa katawan.

What the hell on earth are you doing, Seb?!

"D-Don't tell me---"

"I'm the father of Fayra's baby. Got a problem with that?" Paghahamon niya kay Sir. Gio na ikinalukot ng mukha nito.

Bago pa man may magsalita sa amin ay lahat kaming nasa loob ay napadako ang paningin kay Mateo.

"Excuse me, I gotta go."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top