Chapter 30

CHAPTER 30

Nakataas ang kilay at punong puno nang pagtataka ang mababakasan sa ekspresyon na lumulukob sa akin ngayon. Halos hindi ko mai-pasok sa utak ko kung ano ba talagang nangyayari. Ang alam ko lang at malinaw sa akin ay ang gusto nang mapirmahan ni Mateo ang proposal ng kompanya ni Sir. Gio.

Dumako ang paningin ko kay Sébastien na panay ang pag-ikot ng ballpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Mateo na nakatingin naman sa mga papel na sunod sunod na ibinibigay ni Sir, Gio sa kaniya.

"Napano 'yan?" Kalabit ni Morgan na tumayo pa mula sa tabi ni Sébastien para lang dumako sa akin at bumulong.

Marahan ko siyang siniko na ikina-irap niya naman. Pinanood ko pa siyang pumunta naman kay Isabella, ngumuso ito sa kaniya at marahan siyang itinulak. Para namang bata na nginusuan ni Morgan si Isabella na para bang nalugi.

Napano 'yan? Hindi ko alam. Ako pa talaga ang tinanong gayong kapatid niya naman 'yang gustong pumunta dito at mismong nag-alok sa sarili niya sa pirmahan.

Napabuga ako ng hangin at nagtaas saglit ng tingin. Agad rin akong umayos at nang dumako ang paningin ko kay Mateo ay agaran kong inayos ang ekspresyon ko. Nakatingin siya sa akin, panay ang paglilikot ng mga mata na sa pakiwari ko ay sinusuri ako.

"I'm hoping to work with you with a bigger project next time, Mr. Vejar." Si Sir. Gio na pumukaw sa akin.

Mabilis kong kinuha ang mga papeles sa pagitan nila at tinipon iyon upang mailagay sa folder at para na rin mabilis akong makalabas sa kuwartong 'to.

"I'm looking forward for that, Rossi." Tugon naman niya.

Napairap na lang ako nang patago habang inaayos ang mga papel. Wala sa sariling naidako ko naman ang paningin ko kay Sébastien nang tumayo ito at lumapit sa akin. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha habang nakatutok ang paningin sa akin.

"It's your nap time. Go take a rest and I'll do this." Kuha niya sa mga papel at siya na ang nagpasok ng mga ito sa envelope.

Inayos ko ang postura ko at humarap sa kanilang lahat. Nagyuko ako at pinasadahan muli ng tingin si Sébastien na senenyasan na akong lumabas, maging si Isabella ay ginano'n niya rin.

"Magpapadala na lang ako ng meryenda niyo mamaya, Ms. Fayra." Si Sir. Gio. Ngumiti ako at bago pa tuluyang makalabas ay nagpasalamat pa ito sa akin for bringing Mateo to his company.

Halos tanggalin ko ang kamay ko para lang ipaypay nang mabilis sa akin pagkalabas na pagkalabas ko nang pinto. Si Isabella naman ay nakaalalay sa akin, ngunit halatang wala sa kaniyang sarili. Gusto ko sana siyang tanungin pero wala rin ako sa hulog. Lumalamang pa ang antok ko at bigat ng aking tiyan.

May employees room dito sa office. Kadalasan ay marami ang nagpupuyat at halos dito na matulog sa opisina matapos lang ang report o ibang mga kailangan ni Sir. Gio. Dumako kami ni Isabella sa bakanteng kama at parehas kaming nahiga.

"Paanong napapayag mo si Mr. Vejar?"

Nilingon ko si Isabella na nakatingin na rin pala sa akin.

"Hindi ko siya kinausap o ano. Nagkita lang kami kanina sa resto at bigla na lang nagsabi na pipirma na siya." Aniya ko sabay buntong hininga.

"Nakakapagtaka, knowing na hindi naman kayo ayos." Mahinang litanya niya.

Napalabi na lang ako at napahimas sa umbok ng aking tiyan. Iyan nga rin ang gumugulo sa isipan ko. Nasabi ko naman na kay Isabella ang mayro'n sa amin ni Mateo. She's aware of it like Lyden.

Hindi ko mawari sa isipan ko ang pangyayari kanina. He's claiming me as his wife in front of other people, bagay na ayaw na ayaw niyang gawin sa akin noon dahil hindi niya masikmura.

Why so sudden, Mateo?

Kung gaano kagulo ang nakaraan ay gusto pa ata niyang dagdagan. Kung kailan maayos na tsaka na naman siya susulpot at nagbibigay kaguluhan na naman sa utak ko. Ngunit isang bagay lang ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Si Don Madeo. Siguro ay hindi niya nakuha ang pursyento niya sa kaniyang lolo. Sa balita ko rin kasi mula kay Morgan ay ayaw nang ibigay ni Don Madeo ang kompanya sa kahit na kanino sa kanila, bagay naman na sinang-ayunan ni Morgan.

Natigil ang pagninilay-nilay ko nang marinig ko ang pagpihit sa pinto. Lumukbo rin ang kama sa tabi ko kaya naman napadako ang paningin ko kay Isabella. Naka-upo na ito at inaayos ang kaniyang sarili habang ang paningin ay tagos mula sa akin.

"Drink this Fayra, pagkatapos ay mag-ayos ka na para umuwi."

Nilingon ko si Sébastien na papalapit na sa amin. Nakapako ang paningin niya sa akin. Seryoso na hindi ko naman mahulaan kung galit ba o ano.

Wala sa sariling nilingon ko rin si Isabella na saktong nag-yuko habang kinakalikot ang daliri niya, kalaunan ay tumayo rin ito ngunit mabilis na pag-wika ni Sébastien ang nagpahinto sa kaniya.

"You'll stay here, Isabella." Utos iyon na mababakasan ng inis sa dulo.

Napainom ako sa isang tasang gatas na inabot ni Sébastien sa akin habang salit-salitan ko silang tinitingnan. Para akong nanonood ng drama. Napaurong pa ako sa may headboard para lang maging malawak ang anggulo ng tingin ko sa kanila.

"M-May gagawin pa akong papers para sa meeting ni Sir. Gio mamaya. Ma-Mauna na ako." Hindi naman nagpapigil si Isabella. Akmang lalakad pa ito sa tabi ni Sébastien ngunit mabilis siya nitong hinawakan sa braso.

Napalunok ako sa higpit no'n sa aking paningin. Ang pagkakangiwi rin ni Isabella ay nakakapag-pangiwi rin sa akin. Si Sébastien ay parang hindi niya napapansin ang lukot na reaksyon ng mukha ni Isabella sa kaniya. Para siyang bulag na unti unting nakakapagpa-init sa ulo ko. Kaya naman mabilis kong kinuha ang naka-roll na tissue sa lamesa na malapit sa kama at walang ano-ano'y ibinato ko 'yon sa mukha niya.

Kapwa silang gulat na tumingin sa akin.

"What was that for?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sébastien sabay bitaw kay Isabella na mabilis namang lumabas ng silid.

Umirap ako at akmang mambabato ulit nang pumasok naman si Morgan na may kasama pa sa kaniyang likuran. Halos takasan ako ng bait nang makitang si Mateo iyon na pumako kaagad ang paningin sa akin.

"What's happening here?" Si Morgan na nakapag-pabalik sa huwisyo ko.

Napailing ako at tumayo na lang sabay hagis muli ng naka-roll na tissue kay Sébastien na mabilis nitong inilagan.

"P-Para saan 'yon?" Kamot batok na tanong niya sa akin ngunit hindi ko sinagot. "Iyang tingin mo parang nagsasabi na hulaan ko na lang ah." Ngisi niya sa akin at pinulot ang dalawang tissue ibinato ko.

Nilingon ko naman si Morgan at ngumiti ito sa akin. Hilaw na ngiti na ang sarap itahi.

"Pinag-paalam kita kay Gio, puwede ka na daw umuwi kahit anong oras mo gustuhin."

"Mag-aayos lang ako---"

"No need. I already went to your stuff and fixed it. Here." Abot nito sa shoulder bag ko. Muli namang dumako ang paningin ko kay Mateo na tahimik lamang na nakamasid sa amin at dumadako pa ang paningin sa naka-umbok kong tiyan. Bahagya kong hinila ang mahaba kong coat at nilingon si Sébastien.

"Hihintayin kita sa labas, ihatid mo ako." Pabulong kong sambit at bago pa ako makaalis ay inakbayan pa ako nito at hinalikan pa sa sintindo.

Gulat ang rumihistro sa akin. Maging sa gilid ng aking paningin ay nanlalaki rin ang mata ni Morgan.

"Jan ka lang sa may lobby, hon. Baka kapag sa parking ka pa naghintay ay mainitan ka lang doon pati si baby---"

"Sino namang nagsabi sa 'yong sa parking pa ako maghihintay? Ano ako tanga?"

Bumilog ang bibig ni Sébastien. "Hindi ba?" Gulat niyang tanong na handa ko na sanang sikuhin sa kaniyang tagiliran nang humalakhak ito. "Kidding a side, hon. Sige na, baka hindi ako makapagpigil mapakasalan kita ng wala sa oras." Halakhak niyang muli na ikinangiwi ko.

Hindi na lamang ako nag-protesta. Sanay naman na ako sa mga biro niya. Buryong buryo na siguro kaya walang magawa sa buhay niya.

"Dito na ako Morgan." Paalam ko at wala nang nilingon pa.

Gusto ko sanang daanan si Isabella. Pero naisip ko na hayaan ko na muna siya, lalo na't nag-kainitan din sila ni Sébastien kanina.

Tumungo ako sa lobby. Umupo ako sa may bakanteng puwesto at kinuha ang phone ko. Saktong nag-pump up ang text message ni Lyden. Nagtatanong ito kung totoo ba daw ang balitang nagkapirmahan na. Ang bilis naman ng balita? Kaagad akong nagreply sa kaniya at katulad nang inaasahan ko ay si Morgan nga ang nagbalita dito. Kay bilis naman talaga. Kinulit pa ako ni Lyden, kaya naman sinabi kong dumiretso na lang siya sa bahay at harapan ko mismong sasabihin ang bawat detalye sa kaniya.

Ilang minuto na rin akong naghihintay nang makita ko si Mateo na papalapit sa akin. Salubong ang kilay at... at putok ang pag-ibabang labi.

"Ako na ang maghahatid sa 'yo." Saad nito at maingat akong itinayo.

Mabilis naman akong natauhan at humiwalay sa kaniya.

"What do you think your doing?"

"I'm offering you my time, Fayra. I want to drive you home." Direktang saad nito na mabilis kong inilingan.

"You don't need to, Mr. Vejar. May maghahatid sa akin." Pilit ang pagkakangiting aniya ko kasabay nang boses na sumagip sa akin sa nakaka-inis na sitwasyon ko.

"Let's go Fayra." Sébastien offered me his hand, which I immediately held onto. 

"Seb---"

"Know where you should place yourself, Mr. Vejar. You're only here because of your partnership with this company, not for anyone here." Sébastien cut him off and slowly dragged me to walk. 

Hindi na ako nakapagsalita. Muli ko na lamang pinasadahan ng tingin si Mateo at maging ang kadadating lang na si Morgan.

"Embrace yourself, Fayra. He's here for a reason. Don't be fooled again with flowery words; be wise rather than be nice."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top