Chapter 29

CHAPTER 29

"Wala akong dapat i-explain sa 'yo, Massimo. Bakit ba sulpot ka nang sulpot kung saan saan?" Inis kong asik sa kaniya habang naglalakad para hanapin ang sasakyan ni Isabella.

Kasalukuyan akong nagtitipa sa phone ko at tinatadtad ng text si Isabella para mabilis kaming magkita at para na rin makalayo sa makulit na taong ito, ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana. Kakabasa ko pa lang sa text ni Isabella at sinabing pababa pa lang daw siya dahil may inayos pa siya na importanteng papeles sa may printer.

"Upo ka po muna, Ms. Fayra." Aniya ng guard na ini-alok pa ang upuan niya sa akin. Magalang akong umiling at nagpatuloy na lang sa kung saan man ako mapunta. Buti na lang talaga at hindi masyadong mainit dito sa may parking dahil widely open ang paligid, hindi katulad ng ibang parking na kulob masyado.

"Fayra, nagtatanong lang naman ako. I mean, parang nitong nakaraang buwan lang tayo nagkita at hindi ganiyan kalaki ang tiyan mo. Nakakapagtaka—"

"Ano namang nakakapagtaka dito, Massimo? Nakakapagtaka bang buntis ako? Baka nakakalimutan mong babae ako, may matres ako at lalong lalong hindi ako baog! Anong nakakapagtaka sige nga?!" Naiirita kong tanong sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mata. Ilang beses pa siyang napalunok.

Ako naman ay parang nahimasmasan sa nasabi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin. Did I just confess my condition?!

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Muli akong bumaling sa phone ko at sakto namang nagtext si Isabella na malapit na siya sa kung nasaan man ako.

Nanghihina ang parehong tuhod ay sinikap kong maglakad palayo kay Massimo, ngunit mabilis din akong natigilan.

"H-Hindi pa kayo hiwalay ni Mateo, Fayra..." Mahina ngunit sapat upang umabot ang salita niya sa kaibuturan ng pasensya ko.

Kunot noo ko siyang binalingan. Punong puno ng pagtataka ang aking mukha dahil sa salitang aking narinig.

"Anong ibig mong sabihin, Massimo? Linawin mo nga sa akin," ang boses ko ay nagsusumiksik sa pagtitimpi dahil baka mali lamang ang pagkakaintindi o ang dating sa akin no'n. "Linawin mo Massimo." Pag-uulit ko.

Seryoso ang kaniyang reaksyon.

His gaze lingered on me for too long. His mouth kept on mounting a word but nothing came. He then shook his head, not breaking his gaze on me. "This is a sin, Fayra. You can't be pregnant 'cuz you're still my cousin's wife!" Frustratedly, he said.

"A sin?" Marahan ngunit madiin ang pagkakabanggit ko sa aking litanya.

"Paano naging kasalanan na buntis ako, aber? Paano 'to naging kasalanan?" Duro ko sa aking tiyan na sinundan niya ng tingin. "Ano bang alam mo, Massimo? Kung makasabi ka na kasalanan ito, para bang may alam ka sa pinaka-pinagmulan nito."

"Don't get me wrong, Fayra—"

"Why wouldn't I?!" Pagtataas ko sa aking boses.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at dahan dahang lumapit sa kaniya.

"You know nothing, Massimo. You. Fucking. Know. Nothing."

Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang tibay at lakas nang loob para masabi sa mismong pagmumukha ko ang salitang iyon. Hindi lamang nagbigay ng inis sa akin ang kaniyang kataga kundi galit na rin na unti unti long nararamdaman para sa kaniya. Walang wala siyang pinagka-iba sa pinsan niya. Sana lang ay huwag niyang kainin ang kaniyang sinabi sa akin.

"I-I'm sorry—"

"Fayra, let's go!"

Nabaling ang paningin ko kay Isabella na patakbong lumabas sa elevator. Kunot na ang kaniyang noo habang nakamasid kay Massimo na sinusundan din siya ng tingin hanggang sa magkatapat sila.

"Tara." Pag-aaya ko at nagpauna na.

Ilang beses akong napailing. Bakit ba ayaw na lang akong tantanan ng tadhana? Bakit kung kailan maayos na ako atsaka naman may susulpot na isa sa kanila. Kabilang kay nila Morgan, wala na akong iba pang gustong makita o makasalamuha. Alam kong impossible dahil napakaliit lang naman ng lugar na ito para sa amin pero sana naman huwag laging ganito. Huwag ngayon kung kailan malapit ko nang mailabas ang anak ko.

Hindi naman nagtagal ay sumunod na si Isabella sa akin. Kapwa kami tahimik sa byahe, halatang parehas kaming nagpapakiramdaman.

Kalaunan ay huminto kami sa isang sikat na restaurant. Agaran kaming nag-order ni Isabella at gayon na lamang ang pagkalam ng sikmura ko sa bawat litrato sa menu. Parang gusto kong ubusin lahat.

"Kaya mo ba 'yan, Fayra? Baka naman hindi ka na makalakad niyan mamaya." Pabirong siring ni Isabella na nginitian ko lang.

"Gusto ni baby eh." Kagat labing sagot ko na lamang at nag-umpisa nang lumantak.

"Pero hindi ka nataba ah, slim pa rin ang katawan mo. Kung titingnan nga kita sa malayo hindi ko masasabing buntis ka na eh."

"Niloloko mo naman ako."

"Hindi kaya, totoo naman ang sinasabi ko. Kaya bet na bet kita noon pa eh, ang ganda kasi ng hubog mo. Sana kapag nagbuntis ako ganiyan pa rin ako ka-sexy."

Sandali akong natigilan at pinagtaasan siya ng kilay.

"Gusto mo na bang magka-anak?" Marahan kong tanong.

Ayon na naman ang mahaba niyang pagkakanguso. "Wala pa sa plano ko ngayon, pero alam kong dadating din naman ang tamang araw para ja'n at sa panahon na iyon sana ganiyan din ako ka-sexy!"

Napatawa ako sa sinabi niya. Kalaunan ay tahimik naming ninanamnam ni Isabella ang bawat putahe. Kahit pa nga ilang beses na nag-ring ang parehas naming phone ay hindi na namin iyon pinapansin.

"Bakit naman sa kaniya napunta 'yong usapan? Kakakilala ko lang naman doon sa tao." Nakangusong sabi ni Isabella na syempre hindi ko naman pinaniwalaan.

Naghiwa muna ako ng meat bago ko siya binalingang muli. Huli ko na itong putahe, samantalang kanina pa siya tapos. Wala na ata akong kabusugan ngayon, napaka-lakas din naman kasi humingi ni baby.

"Mabait naman si Seb, Isabel. Why not both of you try to get to know each other... again?" Patay malisya kong suhestiyon na ikinanganga niya.

Kinuha ko ang napkin sa table at nagpunas ng bibig. Diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang dalawang mata.

"Ilang taon ka rin niyang hinanap. Ilang taon ka na rin niyang gustong kausapin ng personal. Ilang taon na siyang nagluluksa ng palihim sa paglisan mo at ilang taon na rin niyang kinikimkin ang sakit at paninisi sa kaniyang sarili. Wala akong alam sa nakaraan niyo pero alam kong mahal mo pa rin si Sébastien, Isabella." Punong puno nang pag-asa ang boses ko na sana ay mabuksan niyang tuluyan si Sébastien sa kaniyang buhay.

Ngunit gayon na lamang ang pagbagsak ng aking balikat.

"I don't know him at all. And I don't want to know him, Fayra."

Sa kataga niyang iyon ay ramdam ko ang lungkot sa bawat litanya. Hindi ako makapagsalita. Ano ba talaga ang punot dulo sa relasyon nila noon. Kung talagang para lang kay Sébastien ang ginawa niyang paglisan, sigurado akong hindi ganito ang kaniyang magiging reaksyon.

"Ilang beses mo na siyang ipinipilit sa akin Fayra. Kahit nitong nakaraan na ayaw mo pang pangalanan. Hindi ako galit sa ginagawa mo, pero aaminin ko, hindi ako natutuwa. Trabaho ang ipinasok sa kompanya ni Sir. Gio, Fayra. Ayaw kong mahaluan nang kung ano ano ang performance ko sa opisina, kaya puwede ba, pagsabihan mo ang kaibigan mo. Stop him from everything. Kausapin mo siyang tigilan ako, dahil wala akong balak na pansinin ang presensya niya."

Naiwan akong nanghihinayang, ngunit sumilay ang pagkakangiti sa aking labi para sa kaniya. Tumango ako nang marahan, iniintindi na ayaw niyang makisalamuha muna kay Sébastien. Ngayon pa lang ay alam ko na ang magiging reaksyon ng kaibigan ko kung malalaman niya lang ito. Akmang magsasalita na sana ako ngunit gayon naman ang panlalaki ng aking mga mata sa boses na sumingit sa likod ni Isabella. Kapwa kami natigilan at napabaling sa bultong madilim ang tingin sa kaniya.

"You're so hard like before, Isabel. You're really that damn hard on me and that's torturing me more than the fact that you leave me in the dark about your plan. That's suck. Fucking suck."

"S-Seb," tawag ko sa kaniya na mabilis niyang ikinabaling sa akin. Inilingan ko siya at may pagbabanta sa aking mga mata. Ngunit ngumisi lang siya sa akin at tumalikod.

Napatingin naman ako kay Isabella. Tahimik siyang nakayuko ngunit alam kong nakikiramdam siya. Tumayo ako para habulin si Sébastien, ngunit ang boses ni Isabella ang pumigil sa akin.

"Don't, Fayra. You're pregnant, baka kung mapaano ka pa—"

"He's hurt, Isabella. Baka kung mapaano ang kaibigan ko lalo na't lulutang sa ere ang utak no'n dahil paniguradong narinig niya ang usapan na'tin."

"I know. I saw his car, habang nagmamaneho ako kanina." Napapailing niyang aniya sabay tayo. "I'll follow him, dito ka lang at hintayin mo ako." Saad niya't sinamahan nang malalim na buntong hininga.

Napasapo na lamang ako sa noo ko. Mas magulo pa ata ang relasyon nila kaysa sa buhay ko.

Pinanood kong lumakad si Isabella papababa sa resto. Nang mawala siya sa paningin ko ay tumayo na ako para sana makuha na ang bill kaso bayad na pala ni Isabella. Nagtungo na lamang ako sa restroom at nag-ayos sa aking sarili. Nang mapadako ang paningin ko sa salamin ay napatitig ako sa umbok ng aking tiyan.

Kasalanan? Hindi ka naman kasalanan anak, legal naman kaming ikinasal ng tatay mo. Kailanman ay hindi ako papayag na maging kasalanan ka lang.

Minadali ko na ang pag-aayos ko sa aking sarili. Inilugay ko na lamang ang abot balikat kong buhok. Nitong nakaraan ay nagpa-gupit na ako, masyadong mahaba ang buhok ko na dumadagdag sa aking iritasyon. Ang hirap ring kumilos. Dahil siguro sa pag-bubuntis ko ito lahat.

Papalabas ako ng restroom habang kinakapa ang phone ko sa bag. Nag-vibrate kasi ito at sa tingin ko ay si Isabella na iyon. Napakabilis naman niya, kung ako lang ang masusunod, sana ay isinakay na siya ni Sébastien at dalhin sa malayong lugar para naman magkaroon sila ng time sa isa't isa. Kaso baka makasukahan lang siya dahil paniguradong hindi siya aatrasan ni Isabella.

"Ayy!"

Mabilis akong napahawak sa hambahan ng hagdan nang kamuntik muntikan na akong mapadaosdos dahil sa pagkakabangga ko sa taong paakyat na rin sana. Dahil sa kalutangan ng aking isipan ay hindi ko namalayang nasa hagdan na pala ako. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib at agad akong napahawak sa aking tiyan. Jusko, muntikan na 'yon.

"S-Shit!" Aniya ng nakabunggo ko at agad na inalalayan ang aking braso.

Nanghihina ang tuhod ko ngunit pinilit kong makatayo ng maayos. Nang magdilat ako ay direkta kong pinasadahan ang aking tiyan. Maging ang hagdan na muntikan ko nang kabagsakan.

"M-Muntik na. Muntik na." Bulong ko sa aking sarili atsaka ko lang napansin na may kasama pala ako sa aking tabi, iginawi ko ang aking paningin sa kamay na nakahawak sa aking braso, kamay na unti unting pumipisil sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Awtomatiko kong inilihis ang aking paningin sa mukha ng taong 'yon at gayon na lamang ang pagkapit ko sa hambaan nang makilala ko agad kung sino ang nakabungguan ko.

"E-Excuse me." Utal kong agaw sa aking braso ngunit hindi niya pa rin ako pinapakawalan.

Nakatiim siyang nakatitig sa akin. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking tiyan na hindi na maitago kung pipilitin ko dahil malaki na ito.

"L-Let me go, Mr." Pinatigas ko ang aking boses.

"Are you going home? O sa opisina ni Gio?"

Napataas ako ng kilay. "Let me go, Sir." Pag-uulit ko pa.

But likewise he wouldn't let me go, ano pa bang aasahan ko. Kailan ba siya nakinig sa akin? He looked me over from head to toe, his eyes locked on the lump on my stomach making me catches my breath at the intensity of his gaze.

His lips parted in a soft exhale as he said, "I'll sign your proposal but in one condition."

Natigilan ako ngunit mabilis ding nakabawi. "Excuse me, Mr., but I don't think you should be dealing with that condition of yours with me. I'm just an employee. Instead, you can go talk to my boss and deal with your condition on him, not on me." I said, with full of seriousness.

I saw how his emotions shifted, but I don't know how to name it.

He stuck his tongue to the side of his cheek and let go of me. "I'm not dealing with him, I want to deal this with you."

Tumalim ang titig ko sa kaniya. Para bang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. Kung hindi ko lang siya kilala, baka pumayag na ako.

"That's a serious matter of business, Mr. Vejar. Kung ayaw mong pirmahan, edi wag." Inis kong saad at tinalikuran na siya.

Maingat kong inihakbang ang isa kong paa pababa ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay muntikan na naman akong mapasigaw nang tila lumutang na ako sa ere.

"M-Mateo!" Hindi ko na napigilang mahampas siya sa kaniyang balikat habang karga-karga niya ako. Parang gusto na lamang lamunin ng lupa dahil sa mabilis niyang pagbaba ay madaming tao sa unang palapag ng resto ang naagaw namin ang atensyon.

Napatakip ako sa aking mukha dala ng kahihiyan, rinig ko naman ang mahinang pagtikhim niya.

"P-Put me down, Mateo. Ano bang ginagawa mo?!" Mahinang ngunit alam kong dinig na dinig niya.

Dumako sandali ang tingin niya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha at napailing.

"I'll take you to his office and I'll sign what your company wants from me. Tsk, if ever you just talk to me or set an appointment to discuss your proposal hindi ko na sana paulit ulit na ibinasura ang gawa mo."

"Ang sabihin mo, you're that heartless." Pagtataray ko na ikinahinto niya.

Napako ang paningin niya sa akin at ako naman ay ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin. Nang maaninag ako ang parking ay agad kong ikinawag ang mga binti ko dahil para sunod sunod na mapamura si Mateo at madali akong ibinaba.

"Fuck it! Shit, Fayra!" Inis nitong asik sa akin ngunit hindi ko pinansin. Iginala ko lang ang aking tingin sa paligid upang hanapin ang sasakyan ni Isabella.

"Where the hell are you going?" Pigil niya sa akin.

"None of your business." Sagot ko't maglalakad na sana nang ipulupot naman niya ang braso niya sa baywang ko at ipaharap sa kaniya.

"You're coming with me." Hindi iyon tanong kundi pagpapasya na sa kaniya ako sasama.

Nagpumiglas ako ngunit wala ring kwenta dahil mas malakas siya sa akin. Nabuhay na naman ang kakaibang pagkamuhi sa aking dibdib.

"L-Let me go, M-Mr. Vejar." Nanginginig ang boses kong saad na ikinatigil niya.

"I will not let you take a taxi or any kind of transport, Fayra. Ihahatid lang kita d-dahil mahihirapan ka lang sa kalagayan mo."

"I can take care of myself, you don't need to do this so back off." Madiin kong sambit.

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi at gayon na lamang ang muli kong pagkagulat nang buhatin niya akong muli at kasabay no'n ang malakas kong pagtitili. Mula sa gilid ng aking mata ay tanaw kong papatakbo sa amin ang guwardya at natigilan doon si Mateo sa dahil pasigaw itong pinahinto siya.

"Sir! Huwag kang kikilos!" Hawak ang baril niya ay itinutok niya iyon kay Mateo na unti unti siyang hinarap at ibinaba naman ako.

"Any problem?" Takang tanong niya.

Nagkatinginan kami ni guard. Para akong nawalan ng boses.

"Ano pong ginagawa mo? Kidnapping po 'yan ah. Huwag kang kumilos ng masama kung hindi, hindi ako magkikiming iputok 'to." Pagbabanta ng guard.

Mateo on the other hand just chuckled.

"Kidnapping? Sino naman ang kinikidnap ko? Siya?" Duro niya sa akin at nagsalit salitan ang paningin ng guard sa amin.

"Sir, huwag na ho kayong dumada. Itaas mo na lang ang kamay mo at huwag kang kumilos na ikakapahamak mo." Ani ng guard at kinuha ang talky talky niya at ang radio para manghingi ng tulong.

Natawa doon si Mateo at napailing.

"Don't you know me, do you?" Ayon na naman ang makapangyarihan niyang boses.

Hindi umimik ang guard.

Napanganga si Mateo ay dumukot sa bulsa ng pantalon niya, sinundan ko ng tingin ang kaniyang kamay at naglabas siya ng pitaka. May kinuha siyang card doon at iniharap sa guard. Nanlaki ang mata nito at agad na ibinaba ang baril.

"Mr, Vejar! Pasensya na po! Hindi po kita nakilala!" Tungong wika ng guard. Nasapo ko ang noo ko.

"It's okay po, and by the way, I'm not a kidnapper manong. I'm a business man and this woman, behind me," lumingon siya sa akin at lumapit, hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagsakop sa kamay ko at ipakita iyon sa guard.

Sukbit ang nakakalokong ngiti ay nagwika siya, "She's my wife. Fayra Vejar."

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top