Chapter 28

CHAPTER 28

"Tumawag 'yong secretary ni Mr. Vejar, i-ibinasura daw ng boss niya 'yong proposal na'tin." Nanginginig ang boses na balita ni Isabella sa akin.

Nasapo ko ang aking noo. Ilang araw na naming sinusubukang padalhan ng proposal si Mateo simula no'ng pinaunlakan niya ang tawag ni Sir, Gio. Akala namin ay desidido na talaga siya na i-review ang proposal at contract kaso no'ng ipinadala na namin ay hindi naman daw tiningnan at sinabi pang parang gawa ng isang bata ang presentation. Parang gusto kong sumabog ng marinig ko 'yon.

Akala ko ay hindi niya na uulitin iyon ngunit kagaya nang una ay hindi niya ito pinapansin sa ilang beses na pagkakataon na padala kami nang padala, ngunit ngayon naman nagbago ata ang utak, kaso ibinasura naman! Para akong mauubusan ng dugo sa kalokohan niya.

Nakakapang-init siya ng ulo.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumiretso ng restroom. Tiningnan ko ang ayos ko sa salamin. Halata na ang eyebags ko sa ilalim ng aking mga mata. Halata rin na napapabayaan ko na ang sarili ko para lang sa presentation na paulit ulit naming ipinipilit. Ilang araw na akong natutulog ng late dahil inuulit ulit namin ni Isabella ang proposal, kulang na nga lang ay lagyan ko ng design ang bawat pages. Gagawin ko bang informal.

"Iyang ama mo talaga anak masyado na akong binabanas. Makukutusan ko na talaga siya dahil nadadamay ka rin sa pagpupuyat ni mommy." Aniya ko at hinimas ang aking tiyan. Kailangan ko talagang mag-leave pagkatapos kong makuha ang pirma niya.

Sana lang talaga ay mabulungan siya ng mabuting hangin para naman makapagpahinga na ako. Kung ayaw niya pa ring tanggapin ang proposal namin ngayong araw, kakausapin ko na si Sir, Gio. Hindi naman namin puwedeng ipilit, ayaw nga tapos ipipilit pa. Para lang akong nabalik sa nakaraan. Ang pinagkaiba lang, tama na ang ipinaglalaban ko ngayon.

Dumiretso ako sa opisina ni Sir, Gio pagkatapos. Halos saluuhin ko ang mga gustong kong salita na sabihin para lang huwag na niyang ipilit sa opisinang iyon ang kompanya niya. Ngunit gayon naman ang panggugulat na gustong ipagawa sa akin ni Sir, Gio.

Nakasabunot sa kaniyang buhok ay nagwika siya at isa na iyong utos na kailangan para sa kaniyang kompanya.

"B-But Sir---"

"Hindi ko tatanggapin ang pagtanggi mo, Ms. Fabian. Kailangan ng kompanya ko ang suporta ng mga matataas na tao. Malinaw sa akin ang nakaraan niyo, but I don't need to tolerate your feelings now. Be professional, Ms. It's your job, after all." Seryosong saad nito na hindi ko na ikinibo.

"Y-Yes, Sir." Sagot ko na lang nang mahimasmasan ako. Pagkalabas ko sa office niya ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Ano nang gagawin ko? Hindi nga kami nagkita nitong  nakaraan kagaya ng sabi ni Sébastien pero mukhang matutuloy naman dahil sa utos ng boss ko. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin. Bakit kasi ayaw na lang pirmahan 'yong kontrata o kaya i-review niya muna 'yong proposal namin para naman makita niya kung gaano kaganda ang alok namin sa kaniya.

"Tigilan mo ang pagbusangot mo, Fayra. Sige ka, mamaya ganiyan din ang mukha ng baby mo."

Napatikhim ako sa sinabi ni Isabella. Busy siya sa pagsasa-ayos ng mga papeles na ipapadala naman sa ibang mga kompanya mamaya. Tinigilan saglit ang pagtitipa at napatitig lang sa monitor ko nang bigla namang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang caller at nakita ko ang pangalan ni Lyden sa screen. Agad ko iyong dinampot at sinagot.

"Napapirma niyo na ba si Mateo?" Salubong niyang tanong.

"Hindi pa. Ayaw eh. Binasura nga lang 'tong last na padala namin." Pagsusumbong ko at napapikit naman ako sa lutong ng mura ni Lyden, ngunit gayon naman ang pagkakunot ng noo ko na tila may sinusumbungan din siya at kausap na iba maliban sa akin.

"Saan ba kasi pinaglihi 'yang kapatid mo at bakit pinapahirapan na naman si Fayra? Siraulo talaga 'yang kapatid mo eh. Kahit kailan talaga sakit sa ulo ni Fayra."

"Hey," pagtatawag ko sa atensyon niya. Tila nahimasmasan naman si Lyden nang marinig ako ngunit hindi naman na ito nagsalita at maya maya pa ay pinatay na ang linya kahit hindi pa nagpapaalam.

Napalabi ako. Magkasama ba sila?

Nagkibit balikat na lang ako. Kung si Morgan nga ang kasama niya, ngayon ay nasagot ko na ang tanong ko kung bakit nitong nakaraan ay palaging sa akin siya hinahanap ng sekretarya niya.

Napukaw lamang akong muli nang tumunog ang phone ko this time, hindi na call ni Lyden iyon kung hindi text message na.

From: Bes

Dadaan si Morgan ja'n mamaya. Ibigay mo 'yong proposal kasama 'yong kontrata sa kaniya para maibigay niya sa akin.

Napuno naman ako ng pagtataka sa kaniyang mensahe kaya dalidali akong nag-reply.

To: Bes

Bakit?

Mabilis rin namang sumagot si Lyden at pakiramdam ko, nawala ang malaking tinik sa aking dibdib.

From: Bes

I'll help you get his signature. Morgan will explain everything to you when you two meet later on.

Hindi ako mapakali sa upuan ko habang hinihintay ang oras na sinabi sa akin ni Lyden. Panay ang tingin ko sa orasan dahil excited akong maibigay kay Morgan ang kontrata at proposal namin. Magiging pabor sa akin 'to dahil hindi ko na siya kailangang harapin.

"Sana lang nga ay makuha na na'tin ang pirma niya Fayra. Nakakatakot pa naman si Sir, Gio puntahan sa opisina niya. Pakiramdam ko ay mapagbubuntungan ako ng frustration niya." Napapa-iling na wika ni Isabella sa aking tabi.

Napatango naman ako tanda ng pagsang-ayon ko.

"Sinabi mo pa. Pero kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya, baka may mas masahol pa sa frustration ang mararamdaman ko."

"Sabagay, ewan ko ba rin naman ja'n sa asawa mo eh. Ang hirap pa-pirmahin, hindi niya ba alam na ikaw ang nagpapadala no'n?"

Payak ko siyang nginitian. "Pantay na trabaho ang gusto ko, Isabella. Magiging madaya ako kung ako mismo ang haharap sa kaniya para lang makuha ang pirma niya. At isa pa, hindi niya alam na nagtratrabaho ako dito." Aniya ko na lang at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Hanggang ngayon ay wala akong balak sabihin kay Isabella kung ano ba ang mayro'n sa pagitan namin ni Mateo. Malalaman niya rin naman kapag nailabas na ang balita tungkol sa kaso ng kasal namin.

Tuloy tuloy lamang kaming sa pag-ku-kuwentuhan ni Isabella, kung saan saan na kami napupunta nang matigilan kami sa bultong nakatayo ngayon sa harapan ng aming lamesa. Naiwan pa nga sa ere ang kamay ni Isabella na nagde-demo sa akin kanina kanina lang.

"Break time na, hindi niyo ba napansin?" Seryosong usal nito at pinukulan kami ng matalim na titig.

Nagkatinginan kami ni Isabella at muli sa kaniya.

"Take your break, Fayra. Here, cravings mo. Kainin mo na habang mainit pa at ikaw naman," baling nito kay Isabella na hindi naman na siyang tiningnan. Nag-ayos ito ng gamit at akmang tatayo sa kaniyang upuan nang pigilan siya nito. "Sit, nagdala ako ng pagkain para sa inyo." Aniya nito at inilapag sa harapan ni Isabella ang para sa kaniya.

Wala sa sariling napangiti ako habang kinakain ang dala ni Sébastien para sa akin. Para akong nanonood ng teleserye ang kaso live lang nga. Ginawi ko ang paningin ko kay Isabella na hindi man lang pinaunlakan ng tingin si Sébastien na nakanguso na sa kaniya.

Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensyon.

"Wala naman kayong meeting ni Sir, Gio. Bakit nandito ka?" Pa-simpleng tanong ko para maisalba si Isabella sa presensya niya.

"Pinahatid lang ni Morgan." Kaswal naman niyang sagot na itinuro pa ang pagkain ko.

Ngumiwi ako sa kasinungalingan niya. Ginawa pa akong panakip butas para lang madalhan niya rin ng pagkain si Isabella.

Imbes na kumibo ay tumahimik na lang ako at patuloy lamang silang pinagmamasdan. Pursigido talaga si Sébastien sa kaniya, ang kaso mukhang ilang naman itong si Isabella dahil hindi man lang siya matapunan ng tingin. Sinubukan kong tanungin si Isabella nitong nakaraan, gumawa ako ng dahilan para malaman ang side niya kay Sébastien sa malagkit nitong tingin sa bawat araw na dumadayo ito sa opisina namin. Kung hindi pagkibit balikat ay itinatanggi niya namang magkakilala sila. Hindi ko alam kung paraan ang pagtangging iyon ngunit alam kong may mas malalim pa siyang dahilan bukod sa mga sinabi sa akin ni Sébastien na mga posibilidad.

"Kaya pala hindi ko mahagilap sa opisina niya, nandito pala namamalagi." Kapag kuwan ay dumating na rin si Morgan na may dala ring pagkain at inabot sa akin. Napangisi ako kay Sébastien at nagtaas ng kilay, nagkamot ulo ito at napapahiyang ngumiti sa akin.

"Atleast may extra ka pa." Mahina niyang sambit at tinapik sa balikat si Morgan. Lumapit pa ito ng kaunti at nagbulungan ang dalawa. Sinundan ko ang paningin ni Morgan nang dumako ito kay Isabella. "'Yang mata mo, dukutin ko 'yan eh." Asik niya sabay tulak kay Morgan.

Napairap ako sa kawalan at tumayo para lapitan si Isabella.

"Tara, labas tayo." Pag-aaya ko sa kaniya para naman makahinga siya sa pagmumukha ni Sébastien. Kagaya ng inaasahan ko ay mabilis na tumayo si Isabella akmang magsasalita si Sébastien ng panlakihan ko siya ng mata at ilingan.

"T-Tara, Fayra." Aniya ni Isabella at naunang lumakad palayo sa amin. Sandali niya lang pinasadahan ng tingin ang dalawa at nagyuko, ni hindi man lang ako hinintay.

"Akala ko ba kakampi kita? Bakit naman niyaya mo pang lumabas?" Naghihimutok na tanong ni Sébastien sa akin.

"Masyado ka nang malapit---"

"That's the goal, Fayra. 'Yon nga ang gusto ko eh, mas mapalit."

"Pero hindi ngayon Seb. Hindi ka naman tanga para hindi maramdaman na ilang pa siya sa 'yo, inaaraw araw mo pa nang dalaw dito." Aniya ko at humarap kay Morgan. "Nasa drawer ko 'yong proposal and contract na sinasabi ni Lyden, usap na lang tayo mamaya kapag naka-uwi na ako." Payak kong ngiti.

"Hatid ko na ba kayo?" Si Morgan.

"Hindi na. May sasakyan naman si Isabella, we can manage." Aniya ko at nginitian silang pareho, akmang maghahabol pa si Sébastien nang samaan ko siya ng tingin.

Maingat akong naglakad habang sinusubukan kong i-message si Isabella. Hindi naman ako nag-antay ng matagal dahil agad niya akong ni-replyan na nasa lobby pa daw siya at may inabot lang sa manager. Sinabihan ko siya na magkita na lang kami sa parking. Nagtuloy tuloy ako sa elevator, kapag-kuwan ay may sumabay rin sa akin na isang employee at bababa sa lobby.

Ipinikit ko ang mata ko saglit. Binalikan ko ang sinabi ni Lyden sa akin kanina. Paano niya naman kaya makukuha ang pirma ni Mateo? Ni hindi nga siya nagtratrabaho dito kaya napaka-imposible. Pero hindi ko naman maiwasan na umasa sa kaniya. Malaki ang tiwala ko kay Lyden, sana lang nga ay magawa niya ang sinabi niya sa akin.

Tuwing nagkaka-usap kami ni Lyden ay bukambibig ko na ang tungkol sa problema namin nila Sir, Gio sa kaniya. Siguro ay hindi na kaya ng pandinig niya kaya ngayon ay tutulungan niya na rin ako. Napaka-suwerte ko naman talaga kung pagpapalain kami sa hakbang na gagawin ni Lyden.

Nang huminto ang elevator ay nakita kong nasa palapag na ito ng lobby. Inayos ko na ang tayo ko at muling nag-angat ng tingin ngunit gano'n naman ang panlalaki ng aking nga mata sa bultong kakapasok lang sa elevator. Parehas kaming nagkagulatan, parehas na nakatingin sa isa't isa hanggang sa tuluyang sumara ang elevator.

Pasimple kong hinila ang makapal kong blazer sa aking harapan upang maitago ang umbok sa aking tiyan. Talaga nga namang nanunubok ng malala ang tadhana.

"Glad to meet you here... with a big bump." Untag niya nang makabawi at sumilay ang isang pagkakangisi.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top