Chapter 27

CHAPTER 27

Makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa Pilipinas buhat nang graduation ni Mira ay maraming nangyari sa aking paligid. Isa na roon ang madalas na pagkawala ni Sébastien sa tabi ko. Maging si Morgan at Lyden ay madalang ko na lamang nakikita dahil parehas na busy sa kaniya kaniya nilang trabaho. Idagdag pa ang ilang araw kong pag-uumpisa sa pagtratrabaho sa opisina ni Sir, Gio at ang pagkaalam ng pamilya ko tungkol sa aking pagdadalang tao. Ang pinaka-galak na galak ay walang iba kung 'di si Mira na halos maging sa pagtulog namin ay gusto pa akong tabihan. Naging extra protective din sila mommy. Bantay sa sarado ang bawat nakahandang pagkain sa akin. Monitor rin ako 24/7 na hindi ko naman nakasanayan kaya't medyo naiilang ako sa sobrang pag-aalaga nila sa akin. Ayaw pa nga akong patuluyin nila dad sa office nang sabihin kong magtratrabaho na ako. Pinilit ko pa sila at ilang beses na nangakong mag-iingat at sinabing alam rin naman ng boss ko na nagdadalang tao ako kaya't hindi mabigat na gawain ang ipapataw niya sa akin. Nakapante lamang rin sila nang sabihin kong kakilala ni Morgan ang boss ko.

Maaga pa lang ay nakagayak na ako para maghanda sa check up ko bago ako tumungo sa building ni Sir, Gio. Nasa ikalimang buwan na ako ng aking pagbu-buntis. Akala ko ay hindi na lalaki ang aking tiyan ngunit ngayon ay para na itong sinalpakan ng ilang pakwan. Bilog na bilog ang aking tiyan, halata na ang baby bump ko unlike this past few months. Napangiti ako at hindi mapigilang kiligin para sa ilang natitirang buwan bago lumabas ang aking anak.

"Hintayin mo na lang ako sa tapat niyo, Fayra. Gusto kong sumama sa check up mo para naman makita ko ng live kung paano ba 'yang ultra sound na 'yan."

Napailing ako sa naging tugon ni Isabella sa kabilang linya. Dalawang linggo pa lang kaming nagkakasama sa trabaho, ngunit kagaya ng mga katangian niya na sinabi ni Sébastien sa akin ay napapangiti na lang ako. Hindi hamak na mas kilala pa ata ni Sébastien si Isabella kaysa sa sarili nito. Minsan ay nagugulat na lang siya na bigla bigla ko siyang susuwayin dahil allergic siya sa isang pagkain, puno ng pagtataka ang kaninang mukha ngunit napapanguso na lang kapag sinasabi kong napapansin kong hindi niya naman in-order ang gano'ng klaseng food. Nakakapagtaka naman talaga ang mga kilos ko ngunit alam kong hindi niya na lamang 'yon iniintindi.

"Sige, ikaw ang bahala. Basta't mag-ingat ka sa pagmamaneho, may bakante pa naman tayong isang oras." Aniya ko at pinutol na ang tawag.

Lumabas ako ng kuwarto at nakasalubong ko naman si Mira na gayak na gayak gayong wala namang siyang pasok ngayon. Napakunot ang noo ko at sinuyod siya ng tingin.

"Saan ang punta na'tin, Miss?" Pukaw ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin. "Kay nila sister po. Birthday ni Cheche ngayon, sasabihan sana kita kaso alam ko naman na busy ang schedule mo Ate Fayra."

Napanguso ako. Gusto ko pa naman sanang sumama kaso kailangan din ako sa office.

"Ipahatid mo na lang kay Cheche ang pagbati ko, Mira. Ipapa-deliver ko na lang rin mamaya ang regalo ko sa kaniya." Aniya ko at nagsabay na kaming bumaba.

Hindi na niya na ako sinaluhan sa hapag para sa umagahan. Kay nila Sister Arlet na lang daw siya makikisabay dahil inaasahan din ng mga ito ang maaga niyang pagdating. Ang ending tuloy ay ako lamang ang naiwan sa bahay kabilang ang ilang  kasambahay namin.

Sila mommy at daddy ay kanina pa ako kinatok sa kuwarto. Urgent meeting ang ganap sa kanila kaya't parehas silang wala.

Mabilis ko lamang na tinapos ang aking pagkain dahil baka malapit na si Isabella para sunduin ako. Hindi nga ako nagkamali dahil maya maya lamang ay bumusina na ang kaniyang sasakyan. Nagpaalam ako at maingat na lumabas ng bahay. Paskil ang ngiti sa labi ay kinatok ko ang kaniyang bintana.

"Mas mukha ka pang excited sa akin, Isabel." Aniya ko nang makapasok sa kaniyang sasakyan. Nagmaneobra na rin kinalaunan.

"First time ko kasing makaka-sama para sa check up na 'yan, you know... curiosity." Aniya.

"Bakit kasi hindi ka pa mag-anak para naman 'yang curiosity mo ay matigil na." Hapyaw na kaniyang ikinailing.

"Hindi pa ako handa."

"Hindi ka pa handa o may hinihintay ka lang?"

"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" Natatawa niyang balik ng tanong sa akin.

Nagkibit balikat lang ako. Wala pa akong alam sa side ni Isabella bukod doon sa sinabi ni Sébastien sa akin na dahilan kung bakit lumayo ito sa kaniya. Ang tanging alam ko lang ay may hinihintay siya at malakas ang pakiramdam kong si Sébastien nga iyon.

"Siya nga pala, bakit naman hindi mo kasama ang asawa mo sa pagpapa-check up? Maging sa paghatid minsan sa office ay ang bayaw mo lang o driver mo ang nakikita ko. Speaking of asawa rin, hindi na ata kayo lumalabas sa mga magazines?"

"Mahabang kwento." Tanging naisambit ko na lang habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Nasa highway na kami at puro naglalakihang billboard na ang nakikita ko sa bawat gilid. Isa sa mga umagaw sa atensyon ko ay ang larawan nila Morgan kasama ang ilan sa kaniyang mga pinsan. Ang ilan pa ay solo kung saan halos malula na ako dahil habang papalapit kami nang papalapit sa kinaroroonan no'n ay palaki rin ito nang palaki.

"Ang guwapo talaga ng mga Vejar ano. Usap usapan ang pangalan nila kahit na saan dahil sa mga projects na ginagawa nila para sa ikauunlad ng kanilang kompanya. Matinik masyado para sa mga kalaban nila sa industriya ang mga Vejar, grabe, ang swerte ng mga babaeng magiging kasama nila sa buhay."

Nilingon ko si Isabella.

"Gano'n ba ang tingin mo?" Pagtatanong ko.

"Oo. Lalo na 'yong asawa mo. When I saw both of you na nasa cover ng sikat na magazine, napapangiti na lang ako. Wala naman kasing tapon sa inyong dalawa at labis labis na paghanga ang lumukob sa akin."

Napakagat labi ako sa kaniyang isinagot. "Maraming nangyayari sa likod ng imaheng nakikita mo, Isabella. Ni minsan ba ay hindi mo 'yon naisip?"

Sandali siyang natigilan. "Sumasagi naman 'yon sa isip ko at madalas akong napapangisi dahil alam kong hindi rin naman kayo perpekto. Ngunit mas pinipili kong maging positibo sa lahat ng nakikita ko."

Hindi ko na lang sinagot pa si Isabella. Nag-aagaw ang isipan ko sa mga bagay bagay kaya't isinandal ko na lamang ang ulo ko sa may bintana at hinayaang magmaneho si Isabella.

"Grabe, ang laki na ng tiyan mo. Hindi na lang siya pakwan, girl. Para ka nang lumunok ng isang malaking bola."

Tutok ang paningin ni Isabella sa tiyan ko habang ako naman ay pabaling baling sa monitor at sa tiyan ko.

"Hindi ba puwedeng maging kambal 'yan, Doc?" Si Isabella na pinagkunutan ko ng noo. Natawa naman ang doktora sa kaniya dahil seryoso siyang nakamasid sa amin.

"Huwag mo nang sagutin Doc." Mahinang saad ko dahil para akong nai-iskandalo sa kaniyang tanong.

Ilang tanong rin ang ibinigay kalaunan ng doktora sa akin at ilang mga bilin rin ang ginawa niya. Marami akong isasaalang alang, ang pinaka-una ay ang aking emosyon na dapat kong bantayan. Hindi naman ako masyadong moody. Mas lamang ang paglilihi ko ngayong buwan. Sa palagay ko nga ay nakikisama rin si baby kaya gano'n.

"Salamat, Doc. Mauna na ho kami." Paalam ko pagkatapos.

Mabilis lang rin kaming nakarating sa opisina. Kaagad kaming pumewesto ni Isabella at nag-umpisa na sa trabaho. Madali lang naman ang sa akin. Ako ang nakatoka sa meeting ni Sir, Gio. Samantalang si Isabella naman ay sa mga papeles na kailangang mapirmahan at ibaba sa production para mafinalized. Sa kaniya rin ang presentation at kung minsan ay natulong din ako para kahit papaano ay maging magaan ang trabaho niya.

Napatingin ako sa relo ko at sa iPad na hawak ko. Kalahating oras pa ang mayroon bago ang importanteng meeting ni Sir, Gio with his board of stockholders. Ilang araw na itong pinupush ni Sir, Gio. Siguro dahil nasa seryosong lagay ang kompanya, dahil kung minsan ay aligaga siya at hindi na halos lumalabas sa kaniyang opisina.

"As you can see, ang marketing na'tin ay nasa merkado pa rin ang mga produkto na inilalabas ng kompanya, but we still need to evaluate. Hindi kakayanin ng kompanya ko kapag may bumanggang napakalaking kompanya sa atin. That's why I immediately pursued this meeting to happen. I want your suggestions, my dear stockholders. Suggestions for improving our company's chances of joining the business industry's great dynasty." Seryosong saad ni Sir, Gio habang prine-present ang kaniyang powerpoint.

Napatingin ako sa ilang mga tao sa loob ng conference, nagbubulungan ang mga ito na tila nagkakasundo sa iisang desisyon dahil pagkatapos ay pare-parehas silang nagtanguan sa isa't isa.

"Aren't Parisi and Vejar the most powerful inside of business industry, Mr. Rossi? Why not try to deal with them? Gayong sa pagkakaalam ko ay malapit naman din ang pamilya mo sa kanila." Aniya ng isa na sinang-ayunan ng mga ugong ugong ng ilan pa.

Napalabi ako at nagyuko nang dumako ang paningin ni Sir, Gio sa akin. Parang alam ko na ang gusto niyang gawin ko. Ngunit agad naman akong natauhan, sino ba ang inaakala ko? Kung uutusan niya akong magpa-set ng meeting sa mga Vejar, siyempre hindi na ako lalayo. Kompanya agad ni Morgan ang kukunin ko, kung sa mga Parisi naman. Si Sébastien ang kukunin ko, way ko na rin para makita niya ng malapitan si Isabella.

Umupo si Sir, Gio sa kaniyang swivel chair at napatanga sa kaniyang mga ka-meeting kung saan nag-uumpisa muli silang mag-usap usap. Nang balingan kong muli si Sir, Gio ay pinaglalaruan na nito ang ballpen sa kaniyang mga daliri.

"It's going to be a big help, Mr. Rossi. Kahit isa lang sa kanila ang ma-close deal mo, paniguradong mas lalo kang aangat sa industriya. Mabilis na lalawak ang koneksyon mo kahit na baguhan ka pa lamang sa karerang ito." Saad pa ng isa na medyo may katandaan na.

"Pag-iisipan ko, Sir. Thank you for suggesting. Anyway, I'll call this meeting to an end since I have on my mind what the next step should be. Thank you everyone. "

Kaagad akong tumayo nang lumabas si Sir, Gio. Nakasunod lamang ako sa kaniya at hinihintay siyang magsalita para mailagay ko na sa memo.

"Set a meeting with Mr. Sébastien Parisi, Ms. Fabian. Siya muna ang kakausapin ko dahil mukhang busy ang isa sa mga Vejar ngayon." Aniya niya.

"Excuse me, Sir. But if you want to talk to Vejar right away, I can do that. For sure, Mr. Morgan will definitely love to work with you---"

"No." Napapailing niyang putol sa akin. Malapit na kami sa kaniyang opisina nang humarap siya't sumandal sa pader sa hallway.  "I'm not referring to that Vejar, Ms. Morgan was already my stockholder since day one." Ngisi niya at kumunot noo ako. "His brother is who I am referring to. He's passionate about this more than his older brother. Even Morgan can recommend Mateo to me if he's right there earlier."

Parang naputulan ako ng dila at kinuhaan ng utak. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya o ano nga ba ang dapat kong isatinig.

"Just set an appointment with Mr. Parisi. Maybe tomorrow, if I can work around in his busy schedule." Kibit balikat niya.

"Ako nang bahala Sir. Even to this day, I can say that he's going to be here if I call his secretary right now." May pagmamalaki sa boses ko.

Napataas siya ng kilay. "Well, I'm looking for that, Ms. Just inform me immediately if he's here so I can arrange my proposal." Aniya at patalikod na sana. "And one more thing, I ordered some food earlier, kasama rin ang mga pinaglilihian mo dahil kabilinbilinan 'yon ni Morgan. Ipapadala ko na lang mamaya sa puwesto niyo."

"Thank you Sir, Gio." Ngiti ko at pinauna na siyang maglakad.

Tumungo naman ako sa puwesto ko. Hindi ko naabutan doon si Isabella. Siguro ay nasa management na naman siya dahil marami ring gawain doon. Agad kong inumpisahan ang aking trabaho. Sinubukan kong sumingit sa kaniyang napaka-busy na schedule ngunit ayaw naman akong gawan ng appointment ora mismo ng kaniyang secretary. Napalabi ako at wala nang ibang maisip na paraan kung hindi ang tawagan siya ng personal. Nakaka-ilang ring palang nang marinig ko ang kaniyang boses sa kabilang linya.

"Alam kong masyadong un-professional nito Seb. Pero you know, gusto kang maka-meeting ng boss ko---"

"Si Giovanni?"

"Yes, definitely. Kailangan ka talaga namin, kahit bukas o sa susunod na araw, basta maisingit mo lang kami sa schedule mo, Seb."

"Busy ang linya ko ngayon, Fayra. But of course, hindi kita tatanggihan. Do you want me to go into your office right now? I can cancel my appointment this afternoon since I don't really want to go to those meeting."

Napangisi ako. "Kung hindi makakaabala, siyempre gusto ko."

"All right, just wait for me and tell him that I'm coming. Ready to present his proposal and make sure na magugustuhan ko---"

"For sure naman na magugustuhan mo ang proposal ni Sir, Gio. O, sige na. I'll hang this up now, ingat ka."

Pagkababa ko ng linya ay sakto rin namang pagkabalik ni Isabella. Agad na sumilay ang pagkakangiti ko sa aking labi at inumpisahang ayusin ang memo para sa susunod na schedule ni Sir, Gio.

"Ayos na ba 'tong proposal, Fayra? Tingin mo papasa sa taste ng ka-meeting ni Sir, Gio?"

"Nakita na ba 'yan ni Sir?" Tanong ko habang nag-s-scroll sa presentation na gawa ni Isabella. Maganda naman. Nakapaka-linis ng gawa at professional, hindi ko alam kung ano bang ikinababahala niya.

"Oo," nguso niya at sumandal sa kaniyang upuan. "Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako eh. Kahit ang sabi ni Sir, Gio ay maayos naman, parang hindi pa rin ako makampante."

"Chillax ka lang, Isabel. Mabait naman 'yong ka-meeting ni Sir, isa pa. Magtiwala ka nga sa gawa mo, baka nga hindi pa nababasa ang buong proposal na 'yan pirmahan na agad no'n." Ngingisi ngising saad ko.

"Nambobola ka na naman eh." Aniya sabay lantak sa kaniyang pagkain. Hinayaan ko na lang siya at maya maya pa ay naka-received na ako ng text mula kay Sébastien.

Binulungan ko na rin si Isabella at ako na ang tumayo para kumatok kay Sir, Gio. Mabilis ko lang siyang sinabihan na nasa parking na si Sébastien.

"Ako na lang ang sasalubong, Fayra. Dito na lang ba sa office ni Sir?" Aligagang tanong ni Isabella habang inaayos ang kaniyang suot.

"Sigurado kang ikaw na?" Pigil ang ngisi ko dahil baka lumusot kay Isabel, umurong bigla. Pagkakataon na ito, sana lang ay maging maayos si Sébastien sa kaniya kapag nagkita na sila.

"Oo naman, pambawi ko na rin 'to dahil tinulungan mo na ako sa ilang papeles kanina."

"Ano ka ba, maliit na bagay lang 'yon."

Pagkaalis ni Isabella ay napasipol na lang ako sa hangin. Paniguradong magkakagulatan ang dalawa dahil hindi naman nila parehas na alam kung sino ang kikitain nila. Ni hindi nga nagtanong si Isabella sa akin kung sino o ano bang itsura ng tao ang kaniyang susunduin. 

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Isabella. Nagsend ako ng information sa kaniya kasama ang buong pangalan ni Sébastien, ang profile at ang suot nito ngayon. Hindi ko alam kung nabasa niya na ba. Maghihintay na lang siguro ako sa pagdating nila.

"Ayos ka lang?" Takang tanong ko kay Isabella nang maihatid niya si Sébastien sa loob.

Hindi ko sila nakita kanina dahil nasa restroom ako, ngayong kakabalik ko lang ay nakita ko agad na hindi kampante si Isabella sa kaniyang kinauupuan. Namumutla siya at parang hihimatayin. Kaagad na dumagundong ang kaba sa aking dibdib, mukhang maling desisyon ata ang nagawa ko kanina dahil mukhang nakasama iyon kay Isabel. Pananagutan ko talaga siya kay Sébastien kapag may nangyari sa kaniya ngayon.

"A-Ah, oo. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko pero ayos lang ako." Aniya. Inabutan ko naman siya agad ng tubig kasabay no'n ang pagtawag ni Sir, Gio sa linya na agad kong sinagot.

"Pinapapasok tayo ni Sir. Kaya mo bang tumayo?" Alalang tanong ko. Ngumiti siya sa akin ngunit halatang pilit lang.

Pagkapasok namin ay agad na dumako ang mata ni Sébastien sa akin, ngumuso ito at nagbaling sa katabi kong nakayuko lang.

"They did the presentation, Mr. Parisi." Saad ni Sir, Gio at minuwestra ang upuan na katapat lang din ni Sébastien.

"No, hindi ho ako kasama. Isabella was the one who worked for your presentation Sir, Gio. She has all the ideas that are presented inside of that folder." Proud kong aniya at sinilip nang pasimple si Isabella na nakayuko lamang.

Sébastien, on the other hand, was just eyeing her, kaya naman tumikhim ako para makuha ang kaniyang atensyon. Nang magawa ko ay pinanlakihan ko siya ng mata, napanganga naman siya at napatango.

"I closed our deal Mr. Rossi. Just send the contract to my office whenever you have it so I can do my part immediately."

Para namang nabunutan ng tinik si Sir, Gio ngunit nasa pagtataka ang kalagayan ng kaniyang mukha.

"Pero hindi mo pa nababasa." Mahinang anas ni Sir, na ikinataas ng kilay ko.

"Alam ko namang maganda ang takbo ng nasa loob ng folder na 'yan, Rossi. I don't need to read that. Besides, I'm trusting you and your employee. And I know you, hindi ka naman magbibigay ng kung ano anong presentation na hindi magugustuhan ng ka-meeting mo." Aniya ni Sébastien at prenteng sumimsim sa kaniyang kape.

Si Sir, Gio naman ay napangisi lang at tinanguan kami ni Isabella.

"Sa labas muna kami Sir," paalam ko kay Sir, Gio at bumaling kay Sébastien. "Have a great day ahead Mr. Parisi." Ngisi ko sa kaniya.

Si Isabella naman sa tabi ay walang kakibo kibo. Medyo nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko. Mukhang dahil sa presensya ni Sébastien kaya siya nagkagano'n.

"Excuse muna, Fayra. Restroom lang ako." Paalam niya't hindi ko na napigilan.

Uupo na sana ako ng bumukas naman ang pintuan ni Sir, Gio at iniluwa no'n si Sébastien.

"You didn't say she'd be the one to pick me up, Fayra. Do you know how much I held myself back from hugging her? God, she's giving me an electric shock!" Namumulang saad niya na inirapan ko lang.

"Hindi ka na lang mag-thank you." Aniya ko at nagtipa na sa computer.

"I'll thank you for that, Fayra. But where is she anyway?"

"Restroom, nabigla siguro sa presensya mo. Makatitig ka ba naman eh."

"I'll follow her---"

"Don't." Mabilis kong pigil. "Maghunos dili ka nga, Seb. Nabigla pa 'yong tao, mamaya bigla na lang mag-resign si Isabel, take it slow." Buntong hininga ko.

"I'll take that, Fayra since alam ko naman na hindi pa siya handang makita ako. Pero dapat na siyang masanay." Ando'n na naman ang ngisi niya. "Asahan niya na akong laging makita dito, dahil partner na kami ni Rossi. Baka dito na rin ako magpa-office kung papayagan ako ni Giovanni."

"Nahihibang ka na." Natatawang saad ko na ikinatikhim niya.

"Siya nga pala, gustong makausap ni Giovanni si Mateo. Bukas na bukas din ay paniguradong magkikita kayo dito dahil sumagot sa proposal si Mateo kanina nang tawagan siya nito."

Natigilan ako sandali. "Trabaho ito, Seb. Kaya kong maging professional sa harapan niya."

"But you're pregnant." Puno ang kaniyang mukha ng pag-aalala. 

Napalabi ako at sandaling nag-isip. 

"It's easy, magpapa-assign na muna ako sa production."

"That's better, ako na ring bahala kay Giovanni tungkol sa 'yo." Pagtango niya sa aking sinabi. 

Pagkaalis ni Sébastien ay sunod sunod akong napabuga ng hangin. Dumako ang aking paningin sa umbok kong tiyan at hinamas iyon. I should be more careful tomorrow. Napapikit ako at hinayaan na muna ang sarili kong mamahinga. Kailangan ko pang mag-isip mamaya kung paano ko maitatago ang tiyan ko sa mga blazer na puwede kong masuot bukas.

Sa dinami dami ba naman kasi ng mga puwedeng i-suggest bakit ba kasi nag-kukumahog sila sa mga Vejar. Ngunit sabagay, malaki nga naman ang magiging kabayaran kung sa Vejar sila lalapit. Napakaliit talaga ng mundo para sa aming dalawa. Para kaming nag-iikutan lang sa butas ng nakapaliit na karayom. Maging ang tadhana ay parang nakikisali rin. Ang hirap kumilos. Lalo na kung magkakaroon sila ng pirmahan ni Sir, Gio. 

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top