Chapter 22
CHAPTER 22
"Pinayagan pa kitang mag-apply kay Gio, not knowing that you're pregnant. Kailan mo balak sabihin sa akin Fayra? Kapag nanganak ka na? 'Yong tipong nahihirapan ka na, tapos ako walang kaalam alam!"
Napayuko ako sa lakas nang pagkakasigaw ni Morgan. Huli ko siyang nakitang ganito ay no'ng nasa Palawan kami at nagka-initan sila ni Mateo. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang aura niyang 'yon. Kinalikot ko ang mga daliri ko. Kumakapa ng tiempo para masabi sa kaniyang ang totoo, pero napapangunahan pa rin ako ng takot. What if mas lalo niyang hindi tanggapin ang reason ko? He's being a big brother to me again. Alam kong hindi siya titigil kakasermon.
"At ikaw!" Napataas ang tingin ko ng balingan niya si Sébastien na nasa kabilang couch. Nakatayo si Morgan sa harapan namin. Naka-pamaywang ang isa niyang kamay habang ang isa ay naka duro kay Seb. "You know about this and you didn't even come to me and tell me what was happening to Fayra!" Sigaw niya, napakamot ng batok niya si Sébastien.
"Sino ako para pangunahan siya, Morgan? At puwede ba, stop shouting! Mahiya ka nga, para kang tatay kung umasta."
Mas lalong nanlisik ang mata ni Morgan at akmang susugurin si Sébastien nang mabilis akong tumayo at pumagitna. Pakiramdam ko ay nabuhay ang inis sa katawan ko sa 'di ko malamang dahilan.
"Tama na Morgan. Sébastien didn't tell you because I said so. Huwag mo siyang pag-initan." Gigil kong saad. Nilingon ko si Seb sa likod na namaluktot na nakanguso. Halata ang pagka-uyam sa mukha niya.
Matalim akong tinitigan ni Morgan at napatalikod habang sabunot ang buhok niya. Napalabi ako. Kanina pa siya tanong nang tanong sa akin, pero hindi ko siya magawang sagutin. Kahit si Sébastien ay ayaw ding sabihin ang punto ko dahil nangako siya sa akin.
"Kaya pala panay ang mood swings mo pati na rin ang pagpapabili mo nang kung ano ano sa akin, lalo na sa hating gabi. Now I know what's the reason behind it all." Saad niya. "Tatlong buwan. Tatlong buwan na ang pamangkin ko, in less than a month, you'll delivering my niece."
Napatango ako nang wala sa sarili.
"Do you want me to inform him---"
"No!" Agarang sagot ko na nanlalaki ang mga mata. Halata ang pagkagulat kay Morgan. Unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "D-Don't tell him anything, Morgan. H-Huwag, ayaw ko." Sunod sunod ang pag-iling na ginawa ko.
Ramdam kong tumayo si Sébastien at marahan akong inalalayan. Si Morgan ay nakapako ang tingin sa akin na para bang hindi siya sang-ayon sa isinagot ko.
"That's his child, Fayra."
"It's my child, Morgan." Matigas kong ani.
"So you're telling me na hindi mo ipapaalam sa kapatid ko 'to, Fayra?" Hindi ako sumagot. "I-I'm sorry, pero hindi ako papayag sa gusto mo. He needs to be inform about his child. Your child also needs him, Fayra---"
"My child only needs me, Morgan. My child only needs a mother who can also be his father. My child needs me more than his own father, Morgan. Do you get me?" Naiiyak kong saad. Ilang beses akong napalunok at niyakap ang sarili ko.
"Fayra,..."
"Tingin mo kung malalaman ni Mateo ang tungkol sa anak ko, magiging masaya siya? Iyan ba ang tingin mo, Morgan?" Salubong ko sa kaniyang tingin. Napaawang ang kaniyang bibig, hindi inaasahan ang naging tanong ko. "Sa lahat nang nangyari sa amin, tingin mo ikakatuwa ni Mateo na magkaka-anak kami? Parang hindi mo kilala ang kapatid mo, Morgan. Parang hindi mo alam kung paano ako pinagtabuyan ng kapatid mo. Tingin mo hindi niya rin 'yon gagawin sa anak ko?" Ngisi ko. "I bet he also going to do that in my child." Dismayado kong dagdag.
Naiinis ako sa kaniya. Alam ko naman ang ugali ni Morgan. Kahit anong klaseng sagad sa kalamnan na kasalanan ang gawin mo sa kaniya, alam kong nasa isip at puso niya pa rin si Mateo. Ngunit iba ang sitwasyong ito. Kailangan niyang maintindihan na hindi porket may anak kami ng kapatid niya ay kailangan niya na akong pangunahan.
"Hindi mo pa naman sinusubukan, Fayra." Pagpipilit niya.
Mas lalo akong napangisi at agarang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi ko. Sébastien immediately on act to support me. Binalingan ni si Morgan at umiling nang ilang ulit.
"Don't stress her out, dude. Pag-usapan niyo 'to bukas. Gabi na, Fayra should rest and her baby."
Isang buntong hininga ang iginawad sa amin ni Morgan. Tumayo siya at nagdire-diretso sa veranda. Doon lang ako nakahinga ng maluwang at napatingin kay Sébastien na nasa akin din ang tingin.
"Natatakot ako." Bulong ko at kumapit sa laylayan ng damit niya.
"Don't be. Ako nang bahala kay Morgan. I'm sure naman na hindi ka niya pangungunahan, we both know him, Fayra. Mahalaga ka sa kaniya, katulad ni Mateo. Hindi siya gagawa ng isang bagay na alam niyang ikakasira niya sa 'yo." Pagpapakalma niya sa akin at niyakap ako.
Hindi na ako nagsalita. Kalaunan ay nagpatinaanod lang ako kay Sébastien nang tunguhin namin ang kwarto ko. Inalalayan niya akong makahiga at kinumutan pagkatapos. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang panay ang pag-aasikaso niya sa akin. Dinalhan niya rin ako nang ilang mga pagkain na lagi kong hinihingi tuwing gabi. Pagkatapos ay nagpaalam ito sandali na uuwi at kukuha lamang ng gamit niya na sakto pang-isang linggo para dito sa unit. Hindi ko siya pinansin. Pumikit lang ako habang dinaramdam ang pag-alis ng presensya niya sa kwarto.
Hindi mo pa naman sinusubukan, Fayra.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kung subukan sa sinabing 'yon ni Morgan. Subukang sabihin sa kapatid niya? Nahihibang na siya kung 'yon ang pilit niyang sasabihin sa akin. Ano 'to, trial and error? Gusto kong matawa. Ang talino niya ngunit bakit hindi niya i-apply ang katalinuhan niya sa sitwasyon ngayon? Sinusubukan ko pa lang sa isipan ko ay alam ko na ang magiging kakalabasan. Ni kahit nga ako sa sitwasyon ni Mateo ay baka hindi ko rin masikmura na may anak ako sa hindi ko naman mahal. Sa ugali no'n, ano pa bang nakakapag-taka? Baka lalo niya lang akong kamuhian. Baka ni kahit anino ko ay kagalitan niya na rin.
Umupo ako sa gilid ng kama habang hinihimas ang tiyan ko. Kahit ilang buwan na ito ay hindi pa rin gaanong nahahalata dahil malalaki ang mga damit na isinusot ko. Napangiti ako at hindi maiwasang habagin para sa anak ko.
Tama naman ako kanina hindi ba? Mas kailangan ng isang bata ang kaniyang ina. Kaya ng isang ina na ibigay ang lahat para sa kaniyang anak. Kaya kong magpakatatay para sa anak ko. Kaya ko rin siyang bigyan ng buhay na nais niya lalo na't magsusumikap ako para sa aming dalawa. Hindi niya kailangang maranasan ang buong pamilya na puro pighati lamang ang nakaraan. Isang pamilya na maski sino ay hindi maiisip na pamilya nga ba kaming maituturing gayong may ibang mahal ang isang nakapaloob sa sakramentong kasal.
ILANG LINGGO ang lumipas simula nang malaman ni Morgan ang tungkol sa pagbu-buntis ko. Kadalasan ay kinakausap niya ako at tinatanong ng matagal ngunit payak lamang ang nagiging pagtugon ko dahil hanggang ngayon ay may tampo pa rin ako para sa kaniya. Pinaunawa ko sa kaniya ang sitwasyon ko. Namin ni Mateo. Ilang beses niyang sinabing naiintindihan niya ngunit no'ng nakaraan lang ay may isang pabor siyang hinihingi. 'Yon ay ang kausapin ko ang Don Madeo.
Nitong nakaraan ay naging bukambibig niya si Don Madeo. Ayaw pa daw nitong umalis para bumalik sa Pilipinas, maging ang negosyo daw doon ay napapabayaan dahil ayaw man lang galawin ang mga dokomentong inilalatag ng kaniyang nga tauhan. Ang sistema tuloy ay para akong nakokonsensya. Para nila akong kinokonsensya!
"Hindi na po magbabago ang desisyon ko Don Madeo. Hindi na po mabibigyan ng panibagong pagkakataon ang gusto niyong relasyon. Tutal ay parehas naman pong nakinabang ang pamilya na'tin, mas malaki pa nga ang itinaas ng bawat isa dahil sa kasal namin." Matigas kong ani habang seryosong nakatingin kay Don Madeo.
Nasa loob kami ngayon ng private restaurant. Tanging ako, si Morgan at si Don Madeo lamang ang ang nandito sa loob.
Wala na akong nagawa nang ayain ako ni Morgan kanina, dahil sinabi ko rin naman sa sarili kong mukhang kailangan ko ring makausap si Don Madeo. Para naman hindi ako lang ang kampihan niya. Apo niya si Mateo, kailangan pantay ang patingin niya sa amin. Hindi ko kailanman hiniling na kamuhian siya ng sarili niya apo o siya kay Mateo, kahit anong nangyari sa amin ay hindi pa rin ako makakapayag sa gano'n isipin.
"Hindi 'yan ang dahilan kung bakit ako narito, hija." Tikhim ni Don Madeo. Parehas kaming nagkatitigan ni Morgan ng dumako ang paningin ng Don sa kaniya. "Ikaw Morgan, ilang beses na kitang tinatanong. Anong balak mo kay Rose? Kinasusuklaman siya ng kaniyang pamilya dahil sa nalaman nilang may namamagitan sa kanila ng kapatid mo."
Napayuko si Morgan, ako naman ay nakamasid lang sa Don at hindi alam ang dapat na isipin.
"Maging ang kapatid mo ay hindi na ako iginagalang para lang sa asawa mo. Hindi ito ang gusto ko para sa inyo, Morgan. Alam mo 'yan." Madiing wika ni Don Madeo. Kung kanina ay seryoso ang kaninang aura ay mas lalo naman ngayon.
"We're not married, Lo." Morgan suddenly mounted.
I gasped when I heard it. Si Don Madeo ay napamaang na nakatingin sa kaniya. Bakas ang gulat sa kaniyang itsura, agad akong nakaramdam ng kaba. Mabilis tumaas ang dugo ni Don Madeo at may posibilidad ding atakihin siya, hindi makakabuti sa kaniya ang kaniyang sitwasyon ngayon. Mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan ko ang kamay ni Morgan, pinisil ko iyon at nang magtama ang aming paningin ay umiling ako.
"Pardon me, young man." Puno ng awtoridad na saad ni Don Madeo.
"Lo," tawag ni Morgan ngunit sumenyas si Don Madeo na magpatuloy. Sandaling lumingon sa akin si Morgan at bumuntong hininga.
"It's all lies... Kasinungalingan ang kasal namin ni Rose, Lo." Mahinang sambit ni Morgan. Nakiramdam ako kay Don Madeo, ngunit katulad kanina ay wala namang nagbago. Pakiramdam ko dugo ko ata ang taas.
Ibinahagi ni Morgan ang buong kuwento kay Don Madeo. Panay ang iling ng Don habang panay rin ang tungga niya sa whiskey na kanina niya pa nilalagyan. Halatang hindi siya makapaniwala sa naririnig. Maski ako ay hindi rin kahit ilang beses nang ikinuwento ni Morgan ang buong pangyayari.
"You got me there, Morgan. Naisahan mo ako." Sumilay ang ngisi sa labi ng Don at binalingan ako.
"Nagkamali ako kay Rose para kay Morgan. Akala ko tama ang naging desisyon ko, ngunit pumalpak pala ako. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa panghihimasok ko sa buhay niyo." Ani Don Madeo at sumadal sa kaniyang upuan. "Pero hindi ko susukuan ang relasyon niyo ni Mateo, hija."
Napabitaw ako kay Morgan at takang binigyan ng tingin si Don Madeo. Si Morgan ay naalarma rin at akmang may sasabihin ngunit sinenyasan siya ng Don na tumahimik.
"D-Don Madeo." Usal ko sa kaniya.
"Nasa akin ang balita tungkol sa pagpapawalang visa ng kasal niyo. Pareho na kayong pumirma at nasa korte na ang mga papel niyo. Papayag ako do'n, Fayra. Kailangan niyong maghiwalay nang tuluyan upang makapag-umpisa muli---"
"Lolo!" Tawag ni Morgan ngunit hindi siya pinansin ng matanda.
"Alam kong may puwang pa rin sa puso mo ang apo ko, Fayra. Alam kong hanggang ngayon ay si Mateo pa rin ang laman ng puso mo."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko habang sinasabi 'yon ni Don Madeo. Ano bang tingin niya sa kaniyang sinasabi? Kakasabi niya lang na nagsisisi siya pero bakit parang nabalik kami sa dati?
"Natural pong may pagmamahal pa rin ako sa apo niyo Don Madeo, ilang buwan pa lang po ang nakalilipas at hindi pa hilom ang kahapon ko, ngunit nakakasigurado akong mawawala rin po ito."
Ngumiti sa akin ang Don at tumayo. Pinasadahan niya kami ng tingin bago pinindot ang isang intercom para makapasok ang kaniyang mga tauhan.
"Dinadala mo ang apo ko sa tuhod, hija. Vejar ang dinadala mo at hindi ako papayag na hindi niya masisilayan ang buong pamilya. Malayo pa ang panahon, bigyan niyo ako ng kaunting oras para maisaayos ang bagay na ako ang may gawa. At sinisiguro ko sa 'yo, Fayra, tama na ang ikalawang pagkakataon."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top