Chapter 21

CHAPTER 21

"Would you mind if we talk?"

Hindi ako makapagsalita. Napatingin ako sa tabi nang kaharap ko ng makita ko si Morgan doon. Punong puno ng iba't ibang reaksyon ang mukha niya at nang magtama ang tingin namin ay napailing ito.

"A-Ano pong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

Lumingon muna siya kay Morgan. "I came to talk to both of you. Matagal na akong naghahanap ng sagot sa mga tanong ko, and I think this is the right time. Right?"

Napayuko ako. Imbes na sumagot ay sunod sunod akong napailing. "Pasensiya na po Don Madeo. Pero hindi po kita mapapagbigyan ngayon. Excuse me po." Aniya ko sabay lakad palagpas sa kaniya.

Hindi naman ako nakarinig ng pagtutol mula sa kaniya. Tanging boses lamang ni Morgan na pinagsasabihan ang kaniyang lolo na umalis na muna at kakausapin na lang ako.

Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko nakita si Morgan na palabas na sa nang building. Agad niyang pinindot ang susi at ako na ang kusang pumasok sa sasakyan. Mabilis siyang tumungo upang pumasok at pinaandar na rin ang makina.

Nasa kasagsagan kami nang daan ng magsalita ito at humingi ng paumanhin sa nangyari kanina. Hindi ako sumagot. Tumahimik lamang ako habang iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin kay Don Madeo.

Para na ring ama ang turing ko sa kaniya. Alam kong dissapointed siya kung alam niya na ang nangyari sa pagitan naming ng kaniyang apo. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman puwedeng paikutin sa kamay ko si Mateo.

"Pauuwiin ko si Lolo sa Pilipinas. Sinisiguro ko ring hindi siya makakalapit sa 'yo---"

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon Morgan. Ang sa akin lang ay sana huwag na muna ngayon at bakit ako pa ang gusto niyang kausapin? Bakit hindi na lang ang kapatid mo?" May pagkainis sa boses ko.

"Sa 'yo may tiwala si Lolo, Fayra. Alam na'ting parehas na kahit anong paliwanag ang gawin ni Mateo ay hindi siya paniniwalaan nito."

Lumingon ako sa kaniya na may nakataas na kilay. "Paano kung pagtakpan ko ang katotohanan? Hindi ba't balewala lang rin na ako lang ang kauusapin niya?" Bwelta ko.

Sandali niya akong tiningnan at muli ring binalik sa daan ang tingin. "Bakit mo naman pagtatakpan si Mateo? Kung tutuusin ito na ang pagkakataon mong ilaglag siya, after all, alam kong may alam na rin si Lolo."

"Ikaw ba? Did he ask you about it?"

"What do you think?" Balik niyang tanong. Nakaramdam ako ng pagka-inis sa kaniya. Nasa seryosong usapan kami pero nakuha niya pa akong ganyanin. 

"Oo. Halos araw araw niya akong pinag-e-explain, but I didn't bother to answer him. First of all, I don't want to drag her down. May kasalanan din naman ako sa nangyari." Lingon niya muli. Hindi ako kumibo. "Nakampante ako na hayaan silang magkasama dahil pinaghahawakan ko 'yong sinabi niya. Parang ang lagay pa ay ako pa mismo ang lalong nag-pu-push sa kaniya sa kapatid ko during those times."

"Nagtiwala ka lang Morgan." I said, tapping his shoulder.

"At ikaw... nagtiis lang."

I smiled bitterly. At ikaw nagtiis lang. Sang-ayon ako doon. Nagtiis lang naman talaga ako dahil mahal ko 'yong tao. Nagtiis ako kahit masakit dahil may relasyon akong gustong buhayin, ngunit imposible pala 'yon. Pero kahit gano'n. Wala akong makapa sa sarili ko na pagsisisi. Siguro dahil alam ko sa sarili kong kahit papaano ay naging masaya naman ako sa kaniya. Naging masaya sa paraan na ako lamang ang nakakaramdam at ako lamang ang tanging nagpapadama sa sarili ko no'ng mga panahong 'yon gamit ang minsanang presensya ni Mateo.

Pagkauwi namin sa unit ay pinagpahinga na ako ni Morgan. Siya na ang nag-presinta na bahala para sa hapunan namin at papa-puntahin niya na lang daw si Sébastien to accompany me later.

Nagpahinga ako saglit at inasikaso na rin ang pagpaligo ko. Iwinaglit ko sa isipan ko si Don Madeo at ang pag-iisip nang kung ano ano na hindi maganda para sa akin.

Nasa veranda ako nang marinig ko ang boses ni Sébastien na lumukob sa buong unit. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa lakas ng boses niya habang binabati ang kaibigan.

"Fayraaaa!" Matinis niyang pagsigaw maya maya sa pangalan ko. Imbes na sumagot ay hindi ako kumibo. Panay lamang ang kuha ko sa chips na pinabili ko pa kay Morgan sa ibaba.

"Fayraaaa!" Muli niyang sigaw.

"Nasa veranda tanga. Huwag kang sigaw nang sigaw!" Asik ni Morgan mula sa loob.

Nakarinig ako ng yapak ilang segundo nang sagot ni Morgan. Nag-angat ako ng tingin kay Sébastien na abot tainga na ang ngiti sa akin ngunit bigla ring nawala nang mabaling sa kinakain ko ang tingin niya.

Ngumiwi ito at akmang hahablutin ang pagkain ko nang mabilis ko iyong itinago sa aking likuran.

"Don't you dare,." Banta ka na dinuro pa siya.

"You're not supposed to eat that kind of food, Fayra." Seryosong saad niya at humakbang pa palapit but I again pointed my finger on him. "That's not good for you woman. You should know that."

"I know what I'm doing, Seb. Pero ito ang gusto ni baby---"

"Oh, don't use that to me, Fayra. Ikaw pa rin ang magdedesisyon for the both of you, kaya naman give it to me. Bilis." Lahad niya sa kaniyang kamay.

Umiling ako. "Gusto ko 'to." I pouted.

"But it's not good for your health. Isa pa, hindi ba't check up mo bukas?"

Natigilan ako at napatingin sa phone ko na nasa lamesa. Wala sa sariling ibinigay ko sa kaniya ang balot ng junk food at nakangusong umupo.

"Very good." Thumbs up niya pa at harap harapang tinungga ang laman ng pagkain ko.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nginangata 'yon. Umupo siya sa tabi ko at sumimsim pa sa tubig ko. May pakindat kindat pang nalalaman sabay punas sa gilid ng labi niya.

"Samahan kita bukas ah." Nakangisi niyang saad.

"At bakit?"

"Wala lang. Para may kasama ka lang."

"Hindi kita kailangan doon." Naiiling kong saad.

Mas lalo namang lumawak ang pagkakangiti niya. "Eh si Daddy Mateo?"

"Gusto mo bigwasan kita?" Iritang tanong.

"Joke lang. Ang hirap namang biruin ng buntis." Natatawang sandal niya sa pader habang ang mata ay nasa akin pa rin.

Inirapan ko siya at nag-iwas ng tingin.

"Nabalitaan ko ang nangyari kanina." He suddenly said.

"Alin doon?"

"Both. But I'm more than interested kay Don Madeo. Did the two of you talk?"

Umiling ako. "Hindi ko kaya."

"Parehas kayo ni Mateo."

Napapikit ako sa inis. Lagi niya na lang binabanggit si Mateo. Si Mateo na wala dito. Si Mateo na nasa Pilipinas. Si Mateo na gusto ko nang burahin sa isipan ko dahil ayaw ko nang madala ang nakaraan ko para sa batang unti unting nabubuo sa sinapupunan ko.

"Ayaw mo ba ng closure, Fayra---"

"Enough, Sébastien." Pigil ko sa kaniya at tumayo. "Kung patuloy mong babanggitin sa harapan ko ang pangalan ng kaibigan mo, mabuti pa huwag mo na lang akong kausapin."

Sébastien smirked at me. "Don't you love him anymore?"

Hindi ako sumagot. Nagkamot siya ng batok.

"Hindi sekreto sa akin ang lahat, Fayra. May mga bagay lang akong gustong makapa ngayon para sa relasyon niyo noon ni Mateo. May mga bagay na alam ko na hindi niya alam at may mga bagay din akong alam na hindi mo naman alam. I'm just figuring things out para makatulong---"

"Well you're not helping, Seb." A sudden tears rolls down my cheek. "You're torturing me."

Katahimikan ang sunod na lumukob sa aking dalawa. Para namang natauhan si Sébastien at agad na tumayo at lumapit sa akin. Samantalang para naman akong naging tuod sa kinatatayuan ko habang patuloy ang pagragasa ng mainit na tubig na nanggagaling sa mga mata ko.

"I-I'm sorry, Fayra. Hindi ko sinasadya." Aniya sabay yakap sa akin.

Agad kong ipinagitan ang braso ko sa dibdib. "H-Hindi mo kailangang manghimasok, Seb. Magulo ang mundo namin. Wala kang maiintindihan dahil maski akong nasa relasyon na 'yon ay nalilito rin. Nalilito kung sapat ba ang dahilan ko na mahal ko siya kaya ako napunta sa gano'ng sitwasyon o ano. Closure? Hindi ko na kailangan no'n. Those papers that he wanted me to sign are the closure itself for our marriage."

"I'm sorry." Saad niyang muli habang panay ang haplos sa buhok ko.

Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang mabilisang paglakad ni Morgan mula sa loob. Pinilit kong makawala sa yakap ni Sébastien ngunit hindi ko magawa. Panay pa rin siya sa paghingi ng tawad na tila maging ang huling salita ko ay hindi niya na narinig.

"What's happening here?" Halata sa mukha ni Morgan ang labis na pagtataka. Tuluyan siyang nilingon ni Seb habang nakaangkala na ang braso sa balikat ko.

"I did something horrible, but I'll handle it Morgan." Sagot niya't tingin sa akin. Mabilis akong umiwas at tumungo sa gawi ni Morgan para makapasok ngunit napigilan naman ako ni Morgan.

Seryoso ang reaksyon niya habang nakamasid sa akin. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

"Gio called a while ago."

"Gio?" Takang tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

"Giovanni James Rossi." Pagku-kumpleto niya.

Suminghot muna ako at pasimpleng nagyuko upang mapunasan ang mga luha ko.

"What about him?"

"He said something to me and it's about you." Aniya sabay bitaw sa akin at sapo sa kaniyang batok. Kumunot naman ang noo ko at napatingin kay Sébastien na nakamasid lamang kay Morgan.

"What about her?" Sébastien on the other side.

Morgan let out a deep breath before shaking his head countless times. "Your medical... Your medical says you're pregnant. Is that true?"

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top