Chapter 20
CHAPTER 20
Ilang beses akong napapikit at maka-ilang ulit ring bumuga ng hangin. Nasa tapat ako ngayon ng building na sinasabi ni Morgan. Ilang araw simula nang mapag-usapan namin ito ay heto na nga ako. Pero parang gusto kong umatras. Napapikit ako. I'm twenty three years freaking old and also soon to be a mother!
"Mahaba ang pila ng mga applicant, baka gusto mo nang pumasok?"
Wala sa sariling nilingon ko si Morgan na naka-sandal sa kotse niyang nakaparada sa tapat mismo ng building na pag-a-applyan ko.
Akmang hahakbang ako palapit sa kaniya ng mag-crossed arm siya. Napahinto ako.
"Hindi ka na makaka-ulit once you step closer to me, Fayra." Nandoon ang kaseryosohan sa boses niya.
"I-I'm scared." Pag-aamin ko.
Morgan raised his brows. "Of what? Rejections?"
I simply nodded. "Should I pull out a string?"
I immediately shook my head. That's never going to happen.
He chuckled. "Then move now. If you keep on standing here, wala kang makukuhang trabaho."
Napatango ako bahagyang hinipo ang tiyan ko. Please help mommy to be strong, baby. Ilang beses pa akong bumuntong hininga bago kumaway kay Morgan at nag-umpisa nang maglakad papasok. I even heard him cheering for me to break a leg and bring home the beacon. I shook my head in disbelief, para naman akong sumabak sa isang patimpalak sa sinabi niya. Pero pinapanalangin ko na sana matanggap ako. Para sa amin 'to ni baby. Para sa buhay na gusto kong ibigay sa kaniya gamit ang dugo't pawis ko.
Katulad ng sabi ni Morgan, mahaba nga ang pila nang mga applicant. Mostly mga taga dito sa bansa at 'yong iba naman ay kapwa pinoy rin. Napansin ata ako ng isa kaya luminga ito sa paligid at bigla ang sinenyasan.
"Filipino?" Nakangiting tanong nito at napatango ako.
Naglahad ito ng kamay sa akin. "Isabella nga pala." Pagpapakilala niya na malugod kong tinanggap.
"Fayra---"
"Fayra Amora Vejar. Right?" Putol niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Kilala ba na'tin ang isa't isa?" Takang tanong ko.
Umiling siya. "Hindi, pero ako kilala kita. Lagi ka kayang nasa newspaper kasama 'yong asawa mo."
Hindi ako nakasagot. Napalunok na lang ako at nagyuko. Wala akong balak linawin ang sarili ko sa kaniya tutal ay hindi ko naman siya lubusang kilala.
Ilang beses pa siyang nagtanong sa akin, tipid lamang akong sumagot para hindi masyadong maungkat ang nakaraan ko.
Nang makapasok si Isabella sa loob ng interview room ay umabot ang kaba ko sa ulo. Maging buong katawan ko ay namanhid na rin dahil sa kaba. Ilang santo na ang natawag ko pero hindi pa rin ako nakakalma. Mas nadagdagan pa nang makita kong nakabusangot na lumabas si Isabella ng interview room. Sumenyas siyang hihintayin ako sa lobby na ikinatango ko naman. Wala pang ilang segundo ay tinawag na ang pangalan ko. Lakas loob akong lumakad papasok habang sapo sapo ang tiyan ko. Kailangan ko nang matinding lakas ng loob para mapagtagumpayan itong papasukin ko.
"Fayra Amora Fabian. Graduate of Entrepreneurship." Sa boses ng isang interviewer.
Napangiti ako sa kinauupuan habang nakatingin ng diretso sa kanila.
Morgan gave me tips about this. I just need to feel comfortable at this moment and be calm so that the interviewer won't hesitate to pass me to the next interview.
Matagal pa bago magsalita muli ang nag-interview kaya naman ayon na naman ang kaba ko ngunit pinilit kong huwag ipahalata. May tinawagan din sila sa land-line habang ang tingin ay nasa resume ko.
Maya maya panay may pumasok na lalaki. Naka business attire ito at halatang may isinisigaw na background sa buhay.
"Where's the applicant?" Hangos pa nitong tanong.
Itinuro ako kaagad ng mag-i-interview. "Siya po, Mr. Rossi."
Para akong binambo sa dibdib ng marinig ang itinawag sa kaniya ng babae. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin ito sa mga kaibigan ng pamilya namin at ng mga Vejar. Parang gusto kong tumakbo palabas at sugurin si Morgan.
"Can you come to my office, Ms. Fabian?" Seryosong tanong nito na hindi ko kaagad nasagot. "Don't worry I'm no harm. And I kinda know you." He smiled a bit.
Hindi ko alam ang magiging desisyon ko at alam kong napansin niya 'yon kaya naman ang mga tauhan niya ang pinalabas at sa ibang room na lang daw gawin ang pag-i-interview.
Umupo siya sa kaninang puwesto ng mga tauhan at sumandal sa upuan niya habang nakatingin sa akin.
"I expected you to be here as soon as Morgan said that you wanted to work." Pag-uumpisa niya.
"I think I'm in the wrong company." Saad ko. Akala ko ba malinaw na? Akala ko papasok ako dito na isang applicant lang rin? Gusto kong tawagan ngayon din si Morgan at singhalan siya tungkol dito.
"If you're thinking Morgan pulled out some string, you're wrong Fabian." Aniya na para bang nabasa ang laman ng utak ko. "Don't worry, I won't give you any special treatment like what you wanted. I'm just here so that I can interview you since I need a new secretary." Pagpapatuloy niya.
"Sa marketing ko sana gusto mag-apply." Lakas loob kong sabi ngunit iniiling niya ang ulo.
"I need a secretary who I can trust. There are five of you who are in the secretary line." Saad pa niya habang tinitingnan ang resume ko. "Sa totoo lang ay gusto na nga kitang tanggapin kaso pumipigil sa akin ang gusto mong mangyari."
"Mr. Rossi, I think you need to do me an interview first. Know my background and what I can offer to your company." I was irritated.
"I know I can trust you Fabian. My family trusts your family, and I know you're deserving..."
"Mr. Rossi, I came here as an ordinary applicant." I pointed it out.
"Chillax, Fabian. Like what I said earlier, dadaan ka sa proseso and we'll start now." Nakangiting saad nito at kagaya ng sabi niya ay nag-umpisa kami.
Wala akong alam sa ganito. It's my first interview at hindi ko alam kung tama ba na kasama sa tanong niya ang kinain ko kaninang umaga. Minsan maayos ang tanong niya at minsan naman nakakaloko. Parang enjoy lang rin naman siya kaya naman hinayaan ko na lang. Sana lang nga ay maging pantay sila sa akin at sa iba pang mga applicant.
Sumeryoso kami at inumpisahan na ang ang interview. Nagpapasok siya ng ilang nga tauhan para makatulong. Naging professional naman siya sa pagtatanong sa akin, walang personal puro specific lamang na tungkol sa mga knowledge at mga kaya kong gawin. Hindi tumagal ang interview. Nginitian niya lang ako at sinabing i-pro-process niya ang resume ko at kasama na rin ang iba. Napatango na lang ako at nagpaalam na lalabas na.
"Wait," pigil niya sa akin habang sinesenyasan ang mga trabahador niyang ayusin ang ibang folder.
Hinarap ko siya.
"If ever na ikaw ang mapili ko. Don't think na dahil 'yon sa kakilala ko ang pamilya mo or anything that related to your background. Nasa perspective ko at sa interview kanina ako babase."
Napatango ako at ngumiti. "Mauna na po ako Sir." Paalam ko na at lumabas.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa ilang nakapilang mga applicant. Nawala ang bumabagabag sa akin, pakiramdam ko naman ay tutuparin ni Mr. Rossi ang sinabi niya.
Naglakad ako patungo sa lobby ngunit gayon na lamang ang paghinto ko nang salubingin ako ni Isabella. Ngiting ngiti ito at ikinawit pa ang kamay sa braso ko. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nadala naman ako.
"Diretso uwi ka ba, Ma'am?" Tanong nito na ikinangiwi ko.
"Huwag mo nga akong i-ma'am, Fayra na lang." Kamot ulong saad ko.
"Madali naman akong kausap, oh sige, Fayra na lang pero hindi ba magagalit ang asawa mo?"
"H-Hindi." Utal kong sagot.
Lumingon ito sa akin na may nagtatakang mukha. "Bakit ka nga pala nag-a-apply dito? Hindi ba't may kompanya naman ang asawa mo?"
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ang tanong niya. Hindi ko pa naman siya kilala nang lubusan maliban sa pangalan niya. Habang pinagmamasdan ko si Isabella ay napapakunot ang noo ko. I think I've seen her, hindi ko lang alam kung saan at kailan pero she looks so familiar.
"Huwag mo nang sagutin. Hindi naman ako tsismosa." Bawi niya na ikinailing ko na lang.
Agad rin namang humiwalay si Isabella sa akin. Bago pa kami makalabas ng kompanya ay nagpaalam na siya sa akin, ako naman ay kinuha ang phone ko para tawagan si Morgan ngunit gayon na lamang ang pagkatulala ko nang mauna niya akong tawagan at inutusang huwag lilingon sa harap. Ngunit huli na dahil nagkusa na ang aking mga mata. At sa pagkakataong ito, parang gusto kong ihakbang pabalik ang mga paa ko, ngunit hindi ko magawa.
Seryoso ang mukha na papalapit sa akin ang isang bulto. Sigurado akong sa akin siya papunta dahil panay ang daldal ni Morgan sa kabilang linya habang tinatawag din ang taong ito. Ilang beses akong napalunok habang mahigpit ang hawak sa phone ko.
"It's been a while, Fayra." Aniya nito habang diretsong nakatingin sa akin. "Would you mind if we talk?"
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top