Chapter 19

CHAPTER 19

"Ho-How do you know?"

Halos hindi ako makapagsalita nang sabihin ni Sébastien na alam niyang nagdadalang tao ako. Panay pa rin ang ngata niya sa watermelon ko, halos maubos na nga iyon ng silipin ko ang mangkok. Napanguso ako. Akin 'yon eh. Para sa amin ni baby, hindi para sa kaniya.

"It's so easy to find out, Fayra. Hindi ko alam kung bakit hindi nahahalata ni Morgan." Aniya. "Ilang araw ko na ring napapansin at pinapakiramdaman kayong dalawa, all I can say is that, Morgan's doesn't know anything. At ikaw naman, itinatago mo." Kaswal niyang dugtong.

Sandali ko siyang iniwan sa kusina at sinilip si Morgan. Gano'n pa rin ang ayos niya, nakasandal sa couch at papikit pikit ang kaniyang mga mata. Binalingan ko naman si Sébastien at hinila malapit sa may sink.

"Nag-iingat naman ako, pero sabihin mo nga. Paano mo napapansin?"

"Easy lang 'yan Fayra. Your cravings. Kapansin pansin   'yon at ang pagiging moody mo. Isa pa, marunong akong kumilatis, siguro dahil nakikita ko na ang mga signs ng pregnancy noon sa kapatid ko."

Nasapo ko ang aking noo. "Hindi ko pa kayang sabihin ngayon kay Morgan, Seb. Sana itago mo muna ito sa sarili mo." Paki-usap ko.

Ginulo niya ang aking buhok at ngumiti. "I know how to keep a secret Fayra. Don't worry, hindi kita papangunahan."

"Thank you, Seb." Payak kong saad.

"Eh kay Mateo?" Agarang tanong niya and he caught me off guard. "Don't tell me na hindi sa kaniya 'yan, Fayra kasi hindi ako maniniwala." Napanguso ako. "May balak ka bang ipaalam sa kaniya?"

Mabilis akong umiling.

"But why?"

Bakit nga ba? Simple lang. Alam kong hindi siya magiging mabuting ama sa anak namin. Ni hindi niya nga gusto na magkaroon ng anak sa akin. Ano na lang ang silbi kung ipapaalam ko sa kaniya? It's nonsense.

"Wala siyang karapatang malaman, Seb. Ayaw niyang magkaroon ng anak sa akin. Tingin mo, matutuwa siya?" Pabalang kong tanong at napailing. "No, baka nga ipagtabuyan niya pa ang sarili niyang anak at kamuhian ako ng husto."

Hindi na nakapagsalita si Sébastien. Nakatitig lamang ito sa akin habang ako naman ay nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata. Para akong sinaksak sa dibdib. Parang bumalik lahat ng hinanakit na lumukob sa akin noon para sa anak ko. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni Mateo, naiiyak na ako. What more pa kaya kung nangyayari na talaga?

Hindi na kailangan ng baby ko ang tatay niya. Kaya naming mamuhay, kung kinakailangan kong sumugal para sa kaniya ay gagawin ko. Bibigyan ko siya ng maayos na buhay. Malayo sa madamot na pagmamahal.

Hinayaan ako ni Sébastien at ilang beses na sinabing naintindihan niya ako at kung siya ang nasa kalagayan ko ay 'yon din ang gagawin niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko doon. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin siyang aalis, maging si Morgan ay sumunod din dahil tatapusin niya na daw ang mga papeles na ire-review niya para mabawasan na bago ang graduation ni Mira.

Ang ending ako lang ang mag-isa sa condo. Bagot na bagot na ako dito, pakiramdam ko si baby ay gano'n din. Humayo ako at naligo. Nagbihis ako ng isang maxi dress na ipinartner ko sa blazer jacket ko at doll shoes na nude para sa pang-ibaba. Tumingin pa ako salamin at naglagay lang ng red shade na lipstick sa labi ko at clip para naman sa buhok. Lumabas ako ng unit at agad na pumara ng cab pagkalabas ko ng building.

Ininform ko rin silang dalawa na umalis ako sa bahay. Hindi ko sinabi kung saan ako pupunta dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung saan ako mapapadpad.

Gusto ko mag-unwind. At mag-isip ng plano para handa ako paglumabas si baby. Habang maliit pa ang tiyan ko, dapat may negosyo o trabaho na akong gawin.

At ayaw ko na galing ang mga iyon sa bulsa ninoman sa kanilang kamag-anak ko. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. I'm old enough to handle myself, my needs and my wants in life. Kaya lubos kong tinatanggihan si Morgan.

"Here's your resume, Ma'am. Goodluck!"

Napukaw ang huna-huna ko nang iabot sa akin ng isang teenager na babae ang ilang papel ng resume na ipinagawa ko. Naka-folder na rin ito. Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang bayad at lumabas na.

Binuklat ko pa ang folder at chineck ang bawat pages. Naagaw ng paningin ko ang pangalan ko. Fayra Amora Fabian. Hindi ko na ipinalagay ang apelyidong mawawala din naman sa akin ilang buwan simula ngayon.

Hindi ko namalayan kanina kung saan na ba ako napadpad, kanina ay nag-iisip lang ako kung saang kompanya ako magtratrabaho. Tapos ngayon may hawak hawak na akong resume. Nakaramdam ako ng excitement sa sarili. Ito kasi ang pangarap ko bago ako mag-asawa. Gusto kong magtrabaho muna para sa sarili ko, but the thing is that alam kong hindi papayag sila daddy na sa ibang kompanya pa ako maglaan ng oras. At ayaw ko 'yon. Gusto kong mag-umpisa sa sarili kong pagsisikap.

"Where have you been, Fayra? Kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga call ko?"

Napalabi ako nang salubingin ako ni Morgan sa labas ng building ng unit niya. Nakasandal siya kanina sa may pader sa labas at panay ang linga sa paligid at maya maya ay magtitipa at ididikit ang phone niya sa kaniyang tainga. Doon ko lang naramdaman sa bulsa ko na nag-v-vibrate ang phone ko. Probably siya 'yon.

"Hindi ko napansin, Morgan. Atsaka 'di ba sabi ko na I'll just unwind for a moment?" Aniya ko sabay pasok na.

Sumunod agad si Morgan sa akin at nang iluwa kami ng elevator sa palapag ng unit ay pinauna niya na ako.

"I have a good news pala, Morgan. And I want you to support me with this, okay?" I turned to him with my puppy eyes.

Napataas naman ang kilay niya sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig.

"Feeling ko hindi ako matutuwa sa good news kuno na 'yan. Can't you just keep it to yourself, Fayra?" Natatawa niyang tanong. "Kidding, go on. I'm all ears."

Umupo muna ako at nangalumbabang tumingin muli sa kaniya. "Susuportahan mo naman ako right?"

"Let me hear it first." Aniya kaya napanguso ako. Umayos ako ng upo at inalahad sa kaniya ang folder. Taka niya 'yong kinuha sa kamay ko at binuklat. Salubong ang kilay niya and somehow si Mateo ang nakikita ko sa itsura niya ngayon.

Ipinilig ko ang ulo ko.

"Hindi ako papayag dito, Fayra. Kaya naman kitang suportahan hanggat nandito ka sa puder ko. And remember, I promised to your dad." Balik niya ng folder sa akin.

"But Morgan, hindi ko puwedeng iasa lang sa 'yo ang sarili ko. Hindi mo naman ako responsibilidad, and once your brother and I get divorced, wala na rin akong koneksyon sa 'yo." Saad ko.

Natigilan siya sandali ngunit matiim rin akong tiningnan muli.

"Wala akong pakialam doon Fayra. Hindi ko naman 'to ginagawa dahil asawa mo ang kapatid ko. Ginagawa ko 'to dahil kapatid ang turing ko sa 'yo. Kahit wala na kayo, hindi naman magbabago ang tingin ko sa 'yo. For me, ikaw pa rin ang kinakapatid ko. No matter what, you're always my baby sister."

Napipilan ako sa sinabi niya.

"Pag-isipan mo 'tong maigi, Fayra. If ever na gusto mo talagang tahakin ang gusto mo. May kompanya akong alam, at hindi ka tatanggi doon. Huwag kang mag-alala, hindi ka ipapasa agad. Mararanasan mo kung papaano mag-apply like others. At hindi ka rin basta basta tatanggapin kahit pa Fabian o Vejar ka, naka-depende ang desisyon sa interview na ibibigay sa 'yo." Aniya.

Bahagya naman akong nakaramdam ng tuwa. Hindi ko na kailangang pag-isipan 'to, buo na ang desisyon ko. At papatulan ko ang sinabi ni Morgan. Maganda na rin 'yon dahil magiging pantay rin naman ang trato sa akin.

"I want to give you my answer now, Morgan---"

"Ang sabi ko pag-isipan mong maigi. Bakit ibibigay mo agad 'yong sagot?"

Napanguso ako. "Eh sa nakapag-isip na agad ako, anong magagawa mo?" Iritang tanong ko sa kaniya.

Kitang kita ko ang pagkakangiwi niya. "You know what, nagiging moody ka this past few weeks. Lagi ka bang nasa period mo?"

Napairap naman ako at hindi na nagsalita. Dinuro ako ni Morgan. "See that attitude, God!" Frustrated niyang sabi at umikot patungong kusina.

"Morgan, pakibalat ako ng mangga tapos bigyan mo ko suka." Pahabol ko, nilingon niya ako.

"Huwag mo sabihing isasawsaw mo 'yon sa suka?!" Nanlalaki ang matang tanong niya at napatango ako.

"Gawin mo na lang, please. Ang dami mo pang sinasabi eh." Ngisi ko na mas lalo niyang ikinangiwi.

"I really can't believe you woman. I'm older than you, but look how you've treating me. Pasalamat ka at malakas ka sa akin---"

"Edi salamat po Kuya Morgan." Sarkastikong putol ko sa kaniya.

Napailing na lang siya at natatawang ipinagbalat ako ng mangga. I smiled while looking at him. Bakit sa dinami daming tao siya pa ang kailangang masaktan sa pag-ibig? Good catch na nga si Morgan sa totoo lang. Kung hindi lang siguro ako nahulog sa kapatid niya, probably sa kaniya ko ipagsisiksikan ang sarili ko.

Hindi alam ni Rose kung gaano siya katangang pinakawalan ang taong mahal na mahal siya. Sana lang ay sumagi sa isip niya kung papaano nag-effort sa kaniya si Morgan.

"You're spacing out, babe. Are you okay?"

Nilingon ko si Morgan at napapalatak. "I'm just thinking what if I fall for you rather than to your brother." I said, shaking my head.

I saw how Morgan facial expression changed. Busangot na ang mukha niya.

"Don't think about that again, Fayra. Hindi ko masikmura."

Natawa naman ako. "I know, Morgan. Alam ko rin namang hindi mangyayari 'yon dahil mas gwapo si Mateo kaysa sa 'yo kaya impossible na sa 'yo ako mahulog." Biro ko.

Nagtaas ito ng dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Hindi ako papatol jan, alam ko namang lamang ang kapatid ko, pero hindi naman kami masyadong nagkakalayo." Agaran niyang bawi.

Natatawa na lang ako habang panay ang daldal niya. Somehow, narerelax ako. At 'yon ang kailangan namin ni baby ngayon.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top