Chapter 18

CHAPTER 18

"Ayaw mo ba talaga ng negosyo dito, Fayra? Mukhang may balak ka pang umuwi sa Pilipinas ah. Ilang beses na kitang inaalok, ilang beses mo na rin akong tinatanggihan. Sana pag-isipan mo na ang alok kong ito this time."

Napabuntong hininga ako. Naka-ilang beses niya na akong tinanong tungkol sa ganiyang usapin. Naka-ilang beses ko na rin siyang sinagot na hindi ko kaya. Hindi naman kasi basta basta ang pagbi-business. Hindi porket you can build a business in just one snap of your fingers, ay gano'n din kadali ang magpatakbo nito. There's so many what ifs, that I need to consider before putting my self sa pressure na dala ng ganiyang trabaho. I'm willing to learn, but not at this moment.

"Nasa Pilipinas ang pamilya ko, Morgan. Isa pa, tahanan ko 'yon. Dayuhan lamang ako sa bansang ito. Hindi ko rin naman masasabi na kaya ko 'yang i-handle, tsaka na lang kapag ready na ako."

"I'm willing to guide you naman, Fayra. Hindi ka naman bago sa field na ito. Your parents are business personnel. Bata ka pa lang ay alam kong hinasa ka na ni Tito Francis. Why doubting your self right now?"

"Akala mo lang 'yon, Morgan. Hindi naman porket galing sila mommy and daddy sa larangan na 'yan ay kaya ko na rin. I'm still a beginner here, and I will not take a step na alam kong hindi maganda ang magiging results."

Nagkibit balikat ito at maya'y inilihis ang tingin sa akin at lingon kay Sébastien na busy sa pagluluto sa kusina. Kanina pa siya nandoon. Hindi ko nga alam kung ano ang gusto niyang lutuin. Pinabayaan na lang namin siya dahil mukhang wala sa hulog ngayong araw.

Pasado alas nuebe siya pumunta dito. Nangamusta lang at binalitaan ako sa magiging takbo ng papeles namin ni Mateo sa korte. Wala pa namang masyadong ganap kaya hindi rin gano'n kalalim ang naging usapan namin.

"Siya nga pala, malapit na ang graduation ni Mira. Hahakot ng award ang kapatid mo, balita ko." Ani Morgan habang nagsasalo-salo kaming tatlo sa hapag.

Ngumiti muna ako kay Sébastien nang ipagsandok niya ako't pagsilbihan. Pagkatapos ay nilingon ko si Morgan.

"Uuwi. Mahalagang araw 'yon kay Mira. Hindi puwedeng wala ako ro'n." Sagot ko.

Sandali siyang natigilan. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo naman. Isa pa, gusto ko nang makita sila mommy. Ayaw nilang pumunta dito kasi may mga paper works pa si dad. At 'yong business nila ni Don Madeo ay lumalawak kaya hindi sila makalipad dito."

"Nabanggit mo na rin si Lolo. Why not makipagkita ka muna sa kaniya sa pag-uwi mo."

"Balak ko rin 'yon, tsaka sila manang ay bibisitahin ko na rin." Aniya ko.

Ang balita ko ay nasa bahay na ni Don Madeo sila manang at Mang Jose, ilang linggo rin nang hindi ako umuwi sa bahay. Ipinasirado rin daw ang bagay dahil hindi naman na nagagawi si Mateo doon. Wala pa rin akong contact kay nila manang. Tanging si Lyden lang ang nagbalita sa kaniya kung nasaan ako ngayon at labis naman daw 'yong ikinatuwa ni manang. Naalala ko pa na katulad din siya ni Lyden. Pilit niya akong pinagsasabihan tungkol sa pakikipaghiwalay at piliin ang sarili ko higit kanino man. At heto nga ako ngayon, nag-uumpisa na ako ulit. Kasama ang baby ko.

Next month ay check up ko na. Six weeks pa lang si baby sa tiyan ko at hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa bawat segundong pagsusuka. Ang hirap dahil nawawalan talaga ako ng lakas, minsan nagkakataon pa na wala akong kasama sa bahay kaya halos gapangin ko na ang sala para lang makapag-pahinga.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong planong sabihin kay Morgan na buntis ako. Natatakot ako na baka madulas siya kay Mateo o kaya kahit na kay Don Madeo. Minsan ay nahihintakutan ako sa kaniya, paano kasi ay grabe siya kung makatingin. Para bang sinusuri niya ako lalo na pag-nauutal ako sa mga tanong niyang walang kaparakan.

"Edi sa akin ka sasabay niyan." Aniya ni Sébastien.

"Siguro. Hindi naman ata uuwi 'tong si Morgan dahil may inaasikaso pa dito. Right, Morgan?"

"Oo, but i'll make my schedule free during her graduation para naman makahabol ako. Siguro kahit after na basta makapunta."

Napangiti ako. Alam kong tutuparin 'yon ni Morgan lalo na't malapit naman sa kaniya si Mira. Isa pa, inaasahan rin siya no'n panigurado, lalo na ang regalong ibibigay niya na tiyak kong hindi makakalimutan ni Morgan.

Pagkatapos naming magtanghalian ay si Sébastien at Morgan na ang kumilos. Pina-upo na lang nila ako sa sala at inabutan naman ako ni Sébastien ng gatas. Nagtaka pa nga si Morgan dahil wala naman akong sinasabi. Ngunit nagkibit balikat na lang ito at nagpunas ng mesa.

"Wala ka talagang balak Seb?"

Sumimangot si Sébastien habang inis na inaalis ang binti ni Morgan na ipinapatong sa hita niya. Parehas silang nasa kabilang sofa, habang ako naman ay nasa kabila rin na malapit lang naman din sa kanilang dalawa.

Panay lamang ang ngata ko sa watermelon na dala ni Sébastien kanina na kakabigay niya lang rin sa akin ngayon. Isa rin ito sa mga hinahanap hanap ng sikmura ko. At lagi ko ring inihahabilin kay Morgan o kay Sébastien 'to minsan kapag uuwi at pupunta sila dito. Kaso mas madalas nga lang 'yong atay. Hindi ko siya mapagsawaan.

"Tigilan mo nga ako, Morgan. Bakit kaya hindi sarili mo ang tanungin mo niyan?" Ani Sébastien. "Wala ka ba talagang balak, Morgan?" Balik niyang tanong dito.

Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Pansin ko rin na unti-unting nagbabago ang mood ni Sébastien habang nakatingin sa kaibigan.

"Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo? Kanina pa kayo nagsasalitan sa tanong na 'yan." Puna ko. Parehas silang tumingin sa akin at sabay pang napaawang ang labi.

"Huwag mo kaming intindihin, Fayra. Nagbibiruan lang kami ni Seb---"

"Hindi naman ako nakikipag-biruan sa 'yo, pre." Putol ni Sébastien sabay lingon sa akin.  "Single si Lyden 'di ba?"

Napanguso ako at ibinaba ang mangkok na naglalaman ng sliced na watermelon.

"Type mo ang best friend ko?" Agarang tanong ko. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag ngumisi para makita ko ang reaksyon ni Sébastien at nagtagumpay naman ako.

Napaawang lalo ang labi ni Sébastien, nanlaki pa ang dalawang mata samantalang si Morgan ay napayuko na hindi ko malaman kung natawa ba o ano.

"Nagtanong lang kung single, type agad?" Kamot batok niyang tanong. "Hindi ba puwedeng kaya ako nagtatanong kasi tinutulungan ko lang maliwanagan ang kaibigan ko?"

Nagkibit balikat ako. "Usually kasi, ganiyan 'yong tanungan niyong mga lalaki."

"Hindi naman ako gano'n. If ever na type ko 'yong isang tao, aamin agad ako." Saad niya na hindi ko na kinomentuhan.

"Galing lang sa break up no'n." Paglilinaw ko. "Single sa paningin niyo, pero nakatali pa rin 'yon sa ex niya."

Nilingon ni Sébastien si Morgan. Bahagya niya pa itong siniko na ikina-sama ng tingin nito.

"Narinig mo 'yon, Pre? Single pero mukhang taken pa rin ang puso. Wala kang pag-asa." Natatawang saad ni Sébastien.

Pinagtuunan ko ng pansin si Morgan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Hindi na lang din ako kumibo. This past few days ay napapansin ko na sa kaniya ang ganiyang reaksyon. Hindi ito ang unang beses na tinukso ni Sébastien si Morgan about kay Lyden. Kalimitan bago umalis no'n ang kaibigan ko ay pasimpleng nabulong si Sébastien sa kaniya na ikinakatawa niya kung minsan at ikinaiinis rin.

Halata namang si Lyden ang trip nilang pag-usapan lagi. Bawat segundo o minuto kasi ay lagi kong naririnig ang pangalan niya.

Wala namang kaso sa akin. Basta't dapat hilom na muna sila sa past nila, lalo na si Morgan. Hindi ko pa masabi kung tama ba ang kutob ko.

Ang nasa isip ko lang ngayon ay sa kaunting panahon na pinagsilbihan siya ni Lyden ay may posibilidad na hinahanap hanap niya lang 'yon at hindi talaga ang kaibigan ko. Posibleng 'yong pag-aalaga lang ni Lyden ang gusto niya muling maramdaman, at hindi ko 'yon matatanggap. Parehas silang mahalaga sa akin, at kung kinakailangan kong mangialam para hindi gumulo ang sitwasyon sa isa man sa kanila ay gagawin ko.

Sumandal si Morgan at napapailing na pumikit habang panay pa rin sa panunukso si Sébastien. Napanguso naman ko sa kaniya at iginala ang paningin ko. Nakakita ako ng maliit na unan. Nakangisi ko 'yong kinuha at tumayo tangan sa isang kamay ko ang mangkok. Ibinato ko 'yon kay Sébastien na natatawang napatingin sa akin.

"Tigilan mo na. Namumula na 'yong tainga oh." Duro ko sabay lakad papuntang kusina.

May ilan pang natira sa watermelon. Busog na ako at balak ko nang itago para mayro'n akong makain mamaya.

"Hindi mo naubos?"

Inilingan ko si Sébastien na palapit na sa akin.

"Busog na ko eh." Sagot ko at akmang ipapasok na sa ref 'yong mangkok nang kuhanin niya sa kamay ko ang mangkok at sumandal sa pasilyo.

Nginisihan niya ako at kumuha ng isang piraso na ipinakita niya pa sa akin. "Pahingi ako, buntis." Aniya sabay subo no'n habang nakatingin sa 'kin.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top