Chapter 17

CHAPTER 17

"Congratulations, Mrs., you're five weeks pregnant. As of now, I can't tell what gender your baby is; usually, it takes between 18 to 22 weeks to tell, but for the time being, I want you to avoid anything that might cause you stress."

The OB-GYN smiled at me and returned her gaze to the ultrasound machine, where I could only see a small circle. I couldn't say anything... I was too stunned. I'm at a loss for words. Morgan, I thought, was mistaken. Pero heto ang katotohanan sa harapan ko. Kagabi lang ay bumabagabag ito sa akin, ngunit andito na ang kasagutan. Positive. I'm pregnant.

Panay pa ang salita ng doctor. Taga Pilipinas din pala siya at dito na nag-tratrabaho dahil nandito ang pamilya. Bahagya naman akong nakaramdam ng kapayapaan dahil kababayan ko rin pala ang titingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito. Basta't nahimasmasan na lamang ako nang tanungin ako ng OB kung anong mga symptoms ba ang nararanasan ko. Sinabi ko lahat. Katulad ng pagsusuka ko, pag-gising ng late na hindi ko naman gawain. Kung minsan pa ay bigla bigla na lamang akong tinatamad at inaantok, madalas rin ang mood swings ko at si Morgan ang lahat na nakakakita at nakakapansin no'n kung minsan.

Kagabi ay sabi niyang ipapasyal niya ako, ngunit laking pasasalamat ko nang tumawag si Sébastien sa kaniya at sinabing may emergency meeting ang board at kailangan siya. Kasama rin doon lahat ng Vejar, pati ang limang pamilyang kasosyo sa kanilang industriya.

"Kung nakakaranas ka na ng conception, huwag mong pipigilan ha, hindi maganda 'yon. Isa pa, hindi mo 'yon matitiis dahil hahanap hanapin 'yon ng sikmura mo."

"Pero Doc, masyado naman po kasing impossible ang mga gusto kong kainin. Nitong nakaraan nga po ay puro ako atay, tapos gusto ng mangga na galing pang Pinas."

Mahinang tumawa ang doktora sa akin at ibinaba ang damit ko. Inalalayan niya akong maka-upo.

"Normal lamang 'yon misis. Kung ano kasi ang pumasok sa utak mo ay 'yon ang masusunod sa sistema mo. Hindi mo 'yon mapipigilan katulad ng sinabi ko kanina. Si mister, dapat handa siya sa ganito, dahil kahit gabi ay maghahanap at maghahanap ka."

Napangiti na lang ako. Hindi ko na masyadong inintindi 'yon bagkus ay nag-focus ako sa mga binilin niya sa akin.

Pagkalabas ko sa clinic ay sunod sunod akong napabuntong hininga. Para akong tinakasan ng hangin at baka matakasan na rin ng bait dahil sa balitang ito. Napatingin ako sa tiyan ko at napahimas. Tila bumalik sa akin ang alaala nang nakaraan. Hindi lamang isang beses naming ginagawa 'yon sa isang gabing nagtagpo kami. Masyado kaming nadala na dalawa kaya't umabot ng halos lagpas sa limang daliri ko. Hindi naman ako pumalya sa pills, pagkatapos niyang sabihin 'yon, hindi ko inasam na magkaanak pa sa kaniya. Hindi deserve ng baby ko ang salitang 'yon, but here it comes.

Anak ko 'to.

Anak ni Mateo.

Anak namin.

Isang Vejar at isang Fabian.

Ang gabing pinagsaluhan namin na may kapalit para sa sariling kapakanan at kaligayahan ay nagbunga ng isang hindi inaasahang biyaya mula sa kalangitan. Ang ayaw mabuong pag-iisa ay tila hinadlangan para ako ang sumalo nang ganitong uri ng balita. Kailanman ay hindi ko naisip na magkakaroon ako ng anak na walang kikilalaning ama. Lumaki akong buo at hindi ko kaya kung magiging kulang ang anak ko. Ngunit sa sitwasyong mayroon kami ni Mateo, mas hangad ko ang magandang kapaligiran para sa magiging baby ko.

"Ngayon pa lang ay patawarin mo na si Mommy anak. Makakaya naman na'tin 'to, magiging sapat ako para sa 'yo, pangako."

Bago ako umuwi ay napagpasyahan ko munang pumunta sa Park. Walang masyadong tao doon, kung sabagay, hindi pa naman weekends. Pero iilan ang mga bata na sa tantsa ko ay nasa edad na lima pataas. Umupo ako sa isang bench at pinanood sila.

Ganito rin kaya kalikot ang magiging baby ko?

Nakaramdam ako ng excitement. Parang gusto ko na agad siyang ilabas at pagmasdan na nakikipaglaro rin sa mga bata. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila, isang bata ang lumingon sa akin na may ngiti sa kaniyang labi. Pagkatapos ay muli itong tumakbo at nakipaghabulan pa sa mga kalaro. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko. Kung noon ay wala sa isip ko ang ganito lalo na't malabo din naman, ngayon naman ay naaatat na ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam? O possible pa 'tong mapalitan sa susunod na mga araw?

"Lolo wants to see you, Fayra. But of course, I know you don't want to be seen by other people from your past, especially from my side... except from me kaya ako na ang nagdahilan."

Nilingon ko si Morgan habang nagtitimpla ako ng kape na para sa kaniya at gatas naman ang sa akin. Iniabot ko 'yon sa kaniya at umupo sa isang couch katapat niya.

"Alam niya na ba?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya.

"But I have a feeling he is aware of it. Undoubtedly, the news was already reporting to him by itself when you were signing those papers."

"Hindi na rin ako magtataka. Anyways, 'yong pinapabili ko sa 'yo na mga vitamins, nabili mo ba?"

Morgan nodded and reached for his bag, but before handing me my vitamins, his eyes narrowed. "I saw your GPS earlier. You're in Doctor Lazaro's clinic. What are you doing there?"

"Are you spying on me?"

Morgan shrugged. "If that's the term for it, well, kind of, but it's for your safety; I linked your phone to mine so I can easily go to where you are in case of an emergency."

Ngumuso ako. "How about my privacy, aber?"

"Fayra naman. Hindi ko puwedeng tanggalin 'yon, isa pa, your father told me to look at you every single time." Kamot batok niyang sagot.

"Ano pa bang magagawa ko?" Ibinaba ko ang kilay ko at hinablot ang vitamins sa kaniya.

"So ano ngang ginagawa mo doon? Ni hindi ka man lang nagsabi sa akin."

"Wala lang, nag-pacheck lang ako dahil panay na ang pagsusuka ko." Tipid kong sagot.

"And?"

"Negative." I lied.

"Are you sure?"

"Yes, why would I not be? There's nothing happened between your brother and I. "

"I don't believe that." Morgan mumbles, but I don't hear it clearly.

Later on, Morgan asked me what I wanted to eat. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko pero parang normal lang naman ang gusto kong kainin. Ipinagpasabahala ko na lang sa kaniyang kung ano man ang naisipan niyang lutuin. Dumiretso muna ako sa kuwarto ko at nagmuni muni.

Hindi ko pa kayang sabihin sa iba ang lagay ko. Ayaw ko silang mag-alala at mabahala sa akin. Lalo na si Morgan, baka hindi na siya pumasok kapag nalaman niyang buntis ako. At worst kinakabahan ako na baka sabihin niya kay Mateo. Alam ko namang hindi niya 'yon gagawin, pero laging may what ifs. Kapatid niya 'yon at pamangkin niya ang dinadala ko.

"Iyong mangga mo pala, Fayra. Nasa ref, padala ni Lyden 'yong maliit na box samantalang isang basket naman ang kay Sébastien. Talagang tinawagan mo pa siya ah, ang dami mo na tuloy na mangga." Natatawang saad ni Morgan at pinaghiwa ako ng liempo.

"Para kasing ayaw mo akong bilihan, kaya tinawagan ko siya."

"Yeah, tinawagan mo siya pero kapatid ko ang sumagot."

"Hindi ko inaasahan 'yon."

"Siya nga pala, malapit nang matapos 'yong hiring sa kasal niyo. Hindi naman umattend si Mateo pero dahil kakilala niya 'yong judge, maayos na tumakbo ang kaso niyo."

"Kailan ko makikita ang results?"

"Two weeks from now, wala nang bisa ang kasal niyo. Babalik ka nasa pagiging Fabian."

Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko kay Morgan. Nagpatuloy kami sa pagkain at kaya't inaya ako na maglakad lakad sa ibaba. Dahil papalubog naman na ang araw ay pumayag ako.

Kapwa kami tahimik at nakamasid lamang sa mga taong nasa hardin. Malawak ang hardin na sa palagay ko ay puwede ngang lagyan ng mapaglalaruan para sa mga bata.

"Single ka na ulit after two weeks, balak mo bang umalis sa unit ko?"

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Morgan. Aalis nga ba ako? Hindi ko na siya bayaw gayong tuluyan na kaming maghihiwalay ni Mateo. Magiging parte na rin siya ng aking nakaraan. Ngunit kaibigan ko naman siya. Kapatid na ang turningan namin.

"Kung paalisin mo ako, aalis talaga ako sa unit mo. Pero kung welcome pa rin naman ako kahit hindi na ako isang Vejar, ay mananatili lamang ako."

"Of course, Fayra. Wala namang magbabago. Gusto mo ilipat ko pa sa pangalan mo ang unit ko, tutal ay hindi ko na rin naman ito nagagamit. Ngayon na nga lang dahil nandito tayo pareho."

Napangiti ako. "Ikaw ba Morgan? Anong plano mo?"

Natahimik siya. Pumuslit ang pagngisi at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Plano saan?"

"Sa inyo ni Rose."

Nitong nakaraan ay halos puro sa 'kin lang umiikot ang usapan. Wala man lang akong naririnig tungkol sa sitwasyon nila ni Rose. Wala akong alam kung may balak ba siyang humiwalay o gusto niya pa ring bawiin ang asawa niya kay Mateo.

"Wala na. Tapos naman na kami." Maya'y sagot niya.

Nangunot naman ang noo ko. "Hindi mo ba siya babawiin man lang kay Mateo?"

"Natapos na ang kung ano mang sa amin sa opisinang 'yon, Fayra. Nagbitaw na rin ako ng salita na wala na siyang babalikan at paninindigan ko 'yon."

"Paano ang kasal niyo? Sino na lang ang lalakad sa korte para——"

"Walang kailangang lakarin sa korte, Fayra." Naiiling niyang sagot sabay paunang lakad sa akin. Itinuro niya ang isang swing at iginiya ako roon. Marahan niya akong idinuyan at umupo rin sa isang swing na malapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihing walang kailangang lakarin? Hindi ko maintindihan, Morgan." Blangko ang ekspresyon kong tanong.

"Wala ka namang inattenad na kasal na pangalan ko at ni Rose, hindi ba?" Tanong niya rin.

Rumehistro ang pagkalito sa aking isipan. Pilit kong kinakalkal ang kasal na namagitan sa kanila.

"Hindi ba't umuwi na lamang kayong dalawa na may singsing? Ang sabi mo pa nga noon ay nagpakasal na kayo, hindi ka masyadong detalyado pero ang alam ko kasal kayo, hindi ba?" Puno nang pagtataka kong tanong.

Umiling siyang muli. "It was all lies."

"Lies? How come?"

"Walang naganap na kasal Fayra. Napagkasunduan lang naming magpanggap dahil sa kagustuhan niya. Nangako naman siya sa aking magiging totoo 'yon kapag handa na siya, gusto niya muna daw akong mahalin bago kami humarap sa altar... But turned out, sinira niya lang ang pangako niya sa akin."

Hindi ako nakapagsalita. I-It was all lies? Kaya ba ang lakas ng loob niyang gapangin ang asawa ko dahil hindi naman sila kasal ni Morgan? Parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang nalaman.

"Sa ginawa mo ay naloko niyo rin ang Don Madeo, Morgan." Usal ko.

"He knows." He then pressed his lips together. "Tanging pamilya lang ni Rose at kayo ang walang alam sa nangyari."

As soon as he said those words, which felt like a bombshell to me, I turned my head to look in a different direction. What is going on? Why were there so many surprises in this life for us, like in a book?

"Why— Why? Bakit hindi niyo agad sinabi?" Tanging naisambit ko sa pagkabigla.

I again turned to face him as he let out a loud sigh. His hair is being combed by his hand. He started to say something, but then he shook his head, seemingly feeling that he shouldn't have said it to me.

"Morgan."

"I can't tell you this right now, Fayra, but one thing you should know is that Lolo was not favoring Mateo with Rose; Lolo knows what is best, and you, along with his beloved Mateo, were the best decision he ever made."

"Are you kidding me? You know what happened between your brother and I? We should say Don Madeo's decision this time was not the best," I said, unblinking.

Morgan remained silent. He simply quietly swung on my side while maintaining eye contact with me. I did nothing more than turn my head away from the setting sun.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top