Chapter 16
CHAPTER 16
Matulin na lumipas ang mga araw simula nang makapirma ako sa mga papeles na ipinadala ni Mateo. Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig mula sa kaniya. 'Yong hiring, wala rin akong balita. Ang tanging alam ko lang ay siya na ang haharap doon at ibabalita na lang ang hatol kay Sébastien.
Naging busy rin ang lahat ng tao. Si Sébastien ay umuwi sa Pilipinas dahil kailangan daw siya ni Mateo at ng kompanya. Si Lyden naman ay sumabay na rin dahil dahil tambak na ang mga trabahong kailangan niyang i-review. Si Mira, kahapon lang ay inihatid namin ni Morgan sa airport, laking tuwa nila mommy nang makita nila ako. Balak pa nga akong pauwiin na lang sana pero hindi ako pumayag. Tsaka na, kapag ayos na ang lahat. Kapag puwede na akong bumalik nang wala akong inaalala sa nakaraan ko.
Si Morgan, kami ang magkasama. Tuwing gabi na lang din siya umuuwi dahil may trabaho rin siyang inaasikaso dito, pero hindi naman naging hadlang 'yon para hindi niya ako maasikaso.
Hapon na nang tumingin ako sa orasan dala nang naalimpungatan ako dahil sa paghilab na naman ng aking tiyan. Mabilis akong tumayo at tumungo sa lababo para sumuka. Nitong linggo ay walang palya ang paghalukay sa sikmura ko. Kahit wala akong kinakain ay hindi puwedeng hindi ko 'to maramdaman. Madalas rin ito tuwing umaga at natatakot na ako para sa sarili ko. Sigurado naman ako sa mga kinakain ko. Naging mausisa pa nga ako tuwing nag-gro-grocery dahil baka naman may food poisoning na. Maging ang mga pinapa-deliver ni Morgan sa akin ay tinatanong ko pa ang detalye mula sa una hanggang pinakadulo ng pagluluto. Naisipan ko na nga ring mag-enroll sa cooking class para ako na ang bahala sa sarili ko.
"Sumuka ka na naman ba?" Tanong ni Morgan nang makauwi ito.
Dumiretso siya sa kusina at inilabas ang atay sa fridge, bahagya naman akong napanguso.
"Para sa akin 'yan?" Lapit ko sa kaniya. Lumingon ito sa akin at tumango. "Ayaw ko niyan eh." Saad ko naman.
"Eh hindi ba't binilin mo sa akin 'to kanina? Ang sabi mo pa pag-wala akong dalang atay ay huwag na akong umuwi." Ngising saad niya.
Napalabi naman ako at tinutok ang paningin sa atay. "Ayaw ko na niyan Morgan." Ulit ko.
"Ok fine. Anong gusto mo? Sabihin mo na habang bukas pa ang mga store sa baba." Saad niya habang binabalik sa lalagyan 'yong atay.
Nag-isip muna ako. Ano nga bang gusto ko? Bukod sa nagsasawa na ako sa atay ay wala naman na akong maisip. Pumitik pitik ako nang ilang beses hanggang sa napangisi ako sa kaniya. "Mangga." Nangangasim kong sagot.
Pagkasabi ko no'n ay parang nanuot sa lalamunan ko ang lasa. Kahit hindi ko pa naman nakakain ngayon ay para bang nakatikim na ako. Nararamdaman ko ring gusto 'yon ng sikmura ko ora mismo.
"Mangga?" Kunot noong sabi niya sabay ngiti, ipinasok niya muna ang atay sa loob ng fridge at inaayos ang polo niya. "Sige, hahanap ako sa baba for sure mayro'n naman sila——"
"Mangga ng pinas ang gusto ko Morgan." Singit ko. "Gusto ko sa pilipinas ka bumili ng mangga." Dagdag ko pa.
Humarap ito sa akin nang nakangisi. "Alright pupunta ako sa Pilipinas para bilihan ka ng mangga——Wait, what?!" Parang tangang sigaw niya na namimilog pa ang mga mata.
Nagtataka ko siyang binigyan ng tingin. Bakit parang gulat na gulat naman ang reaksyon niya? Hindi ba't kakasabi niya lang na "alright".
"Nabingi ba ako o talagang sinabi mong gusto mo ng mangga?" Tanong niya na inilalapit ang tainga sa akin. "Pardon me, Fayra."
"Tama ka, Morgan. Gusto ko nga ng mangga." May unting bahid na ng pagkainis sa boses ko dahil paulit ulit na lang.
"Yeah, manggo——"
"Na galing sa pinas." Kaagad kong dugtong.
"Freaking Philippines?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nakangiti akong tumango.
"Any problem?"
"Yes!" Hilamos niya sa kaniyang mukha. "Fayra, did you hear yourself? You want a manggo but you want it to come from the Philippines? Is this for real?"
"Oo nga, bakit ba paulit ulit ka?" Inis ko nang tanong.
"Because you are wishing for the impossible."
Palagay ko ay maiiyak na siya sa hiling ko. Bahagya naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Gusto ko talaga ng mangga. Mangga na hilaw at gusto ko 'yong mangga sa Pilipinas. Masarap kasi doon. Tsaka puro hinog naman ang itinitinda dito.
"Are you going to cry?" Agaran niyang tanong at lumapit sa akin, ngunit imiwas ako.
"I will if you'll not buy me what I want."
"Fayra naman eh, bibilhan kita pero hindi ngayon." Bagsak ang balikat niyang saad.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Pero hindi ko matanggap ang sinabi ni Morgan. Inirapan ko siya at nagmamadaling pumasok sa kuwarto ko. Rinig ko pa ang pahabol niyang pagtawag sa pangalan ko pero na ako lumingon.
Hinanap ko ang phone ko at dinial ang numero ni Sébastien. Wala lang ilang segundo ay sumagot na ito. Hindi na ako naghintay na batiin niya ako katulad nang lagi niyang ginagawa, sumisinghot akong nakiusap sa kaniya dahil ayaw akong bilihan ni Morgan.
"A-Anjan ka pa ba Sébastien? Naririnig mo ba ang sinabi ko?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko. "Gusto ko ng mangga. Ngayon na, padalhan mo naman ako Seb, hinahanap ng sikmura ko 'yon, sige na naman oh!" Parang batang pakiusap ko.
Ngunit wala akong narinig na sagot, tanging mahinang paghinga lamang ang naririnig ko. Inilayo ko pa ang phone ko para tingnan kung tama bang numero ang tinawagan ko at tama naman. Kay Sébastien ang numero. Napalabi ako, hindi kaya naiistorbo ko siya?
"Hoy Seb? Nagmimilagro ka ba? Nakaka-abala ba ako? Pero gusto ko talaga ng mangga, mamaya na 'yan oh, 'yong mangga ko muna." Pikit matang pakiusap ko.
Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko dahil iniisip ko na ang magiging sagot ni Sébastien sa akin. Gabi na rin kasi doon kaya hindi malabong nakaka-istorbo na talaga ako. But that's how stunned I was when I heard the familiar voice of someone I never thought I'd hear again. It's like my whole being has been stolen, especially my ears.
"How many manggo do you want?" The voice was so deep.
Hindi ko alam ang isasagot. Para akong nawalan ng boses at parang gusto ko na lang ibaba ang linya. Bakit nasa kaniya ang phone ni Sébastien? Asa'n kaya ang lalaking 'yon at bakit hawak ng iba ang phone niya?
"I'm waiting for your answer, Fayra. How many manggo do you want?" Pag-uulit ng nasa kabilang linya.
Imbes na sagutin ay kinain ako ng kuryusidad ko. "Bakit nasa sa 'yo ang phone ni Sébastien? Teka magkasama ba kayo?" Takang tanong ko.
"He's busy reviewing our business; he's outside right now, and he left his phone in my office, so I answered it; I have no idea who it was because your nickname here was Ara." He further explained.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at akmang ibaba na ang tawag ngunit muli siyang nagsalita.
"I'll inform Sébastien about the manggo. It's past ten o'clock now, so you should go to bed. " He said before hanging up the phone.
Wala sa sariling nabitawan ko ang phone ko habang ang kamay ay nasa ere pa rin. Hindi ata mag-sink sa utak ko ang nangyari. Nasapo ko ang noo ko, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan maayos na ako? Talaga bang sinusubukan ako ng tadhana?
Hinagilap kong muli ang phone ko ang text kay Sébastien na sour manggo ang ipadala sa akin. Hindi na ako sa numero niya kung hindi sa Facebook niya na.
Maya-maya ay nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko. Alam kong si Morgan lang 'yon, bahagya akong napanguso. Dahil sa kagustuhan kong makakain no'ng mangga ay nagawa ko pang siyang tarayan. Hindi ito ang unang beses na nagawa ko 'yon, simula nang humilab ang tiyan ko ay lagi na akong ganito. Sumakto pa na wala na si Lyden.
Bumaba ako sa kama at nakayukong binuksan ang pinto. Hindi ko pinagmasdan si Morgan dahil nahihiya ako sa inakto ko kanina.
"Gusto mo pa rin ba ng mangga?" Napatango ako, ngunit hindi na 'yon katulad nang kagustuhan ko kanina. Parang may iba na akong gusto. Hindi na pagkain. Kung hindi tao.
Napailing ako. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Tinawagan ko si Sébastien kanina pero busy ang linya niya kaya ang kaibigan mo ang pinagbakasalihan ko, sa makalawa niya pa daw maipapadala dahil hahanap pa siya ng mabibilhan bukas. Ayos lang ba 'yon sa 'yo?"
Napatango ako. "P-Pasensiya ka na Morgan ah, hindi ko kasi kayang pigilan ang gusto ko. Pasensiya ka na talaga."
Tumikhim ito at ginulo ang buhok ko. "Para ka namang buntis Fayra." Pagtawa niya ngunit para naman akong hinugutan ng paghinga.
Napatingin ako kay Morgan na tumatawa pa rin na umiiling pa, nang mapansin ang reaksyon ko ay napalitan naman ng namimilog na mata ang ipinukol niya sa akin.
"Wait, buntis ka ba?" Halos ibulong niya na lang 'yon.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya gayong wala naman akong alam.
Buntis nga ba ako?
Napatukod ako sa lamesa. Nanghihina ang tuhod ko sa sinabi ni Morgan. Isang buwan na akong hindi dinadatnan, sign na ba 'yon? Morning sickness na bang matatawag 'yong palagiang paghalukay sa tiyan ko?
"I think you need a check up Fayra, para kang binuhusan ng malamig na tubig——"
"Hindi." Agarang saad ko. "Imposibleng buntis ako, Morgan." Napapailing pa ako at bahagyang tumawa.
"But your reaction when——"
"No. Nabigla lang ako. Ni hindi pumasok sa isip ko 'yan," aniya ko. "Baka na-ho-home sick lang ako dito sa unit. Siguro kailangan ko ng fresh air."
Hindi kumibo si Morgan. Ipinaghila niya ako ng upuan at umupo rin sa tabi ko. Inabutan niya ako ng tubig na mabilis ko namang ininom.
"Ipapasyal kita bukas, baka nga na-ho-homesick ka lang dito." Hagod niya sa likod ko. "Kumain na muna tayo, nagluto ako."
Nasapo ko na lang ang mukha ko habang hinihintay si Morgan na maghanda ng pagkain namin. Nakiramdam ako sa sarili ko at napailing. Sana mali si Morgan. Sana mali.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top