Chapter 15

CHAPTER 15

"Pero hindi ko pa napipirmahan 'yan, Sébastien. Bumalik ka na lang muna dito sa bahay para mapirmahan ko 'yan." Buntong hininga ko habang nasa kabilang linya pa rin si Sébastien.

Sandali kong nilingon si Morgan na nakamasid lamang sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha kaya't hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Iwinaksi ko ang tingin ko sa kaniya kalaunan.

Masyado naman atang nagmamadali si Mateo? Kakapadala niya pa lamang ng mga papeles na 'yon tapos ngayon gusto niya agad na ibalik sa kaniya? Para namang ang lapit lang ng bansang ito sa bansang kinaroroonan niya. Masyado niya namang pinapahalata na excited siyang mapawalang bisa ang kasal namin. Kung sabagay, planado na nga ito, bakit ba lagi na lang akong nagtataka.

Bago ko ibaba ang linya ay sinabihan pa ako ni Sébastien na kakausapin niya muna si Mateo na bigyan ako kahit na tatlong araw man lang, ngunit hindi ako pumayag. Aabalahain niya pa 'yong tao. Sinabihan ko siyang dumiretso na lang dito para matapos na lahat ng ito. Idadaan pa sa korte ang hatol dito, mahabang proseso rin ang gaganapin kaya't dapat tumungo na siya agad dito. Dalawang buwan mula ngayon ay kaarawan na ni Mateo, maging paunang regalo ko man lang 'to sa kaniya.

"Dapat noon niya pa 'yan ginawa. Edi sana hindi ka na nasaktan pa." Kursunada na ni Lyden habang panay ang papak sa cheese na hiniwa hiwa niya kanina.

Salubong naman ang kilay ko habang pinagtutuunan ng pansin ang bawat pagnguya niya sa bawat piraso no'n.

"Alam mo buti nga 'yon, handa siya una pa lang. Tingnan mo ngayon hindi ka mamromroblema tungkol sa kasal niyo. Ang hihintayin mo na lang ay ang hiring."

"Ang desisyon ng korte ang hihintayin ko lamang Lyden. Hindi ako sasampa sa korteng 'yon." Saad ko.

Napataas ang kilay nito. "Puwede naman 'yon, pero baka baliktarin ka naman ng asawa mo."

"Hayaan mo siya, kung saan siya masaya ay suportado naman ako. Kahit pa isisi niya ang lahat sa akin pagdating niya sa korte wala na akong pakialam."

Napakamot ng batok niya si Lyden at ilang cheese pa ang ipinaslak sa kaniyang bibig. Napalunok ako habang nakamasid sa kaniya. Para akong nandidiri na ewan sa bawat cheese na nakikita ko, gayon pa man ay hindi ko naman maiwaksi ang paningin ko doon.

"Ang galing din ng asawa mo noh? Ngayon alam ko na kung bakit hindi siya nagpakasal sa Pilipinas at gusto doon sa bansa kung saan legal ang hiwalayan."

Naagaw nang sinabi ni Lyden ang buo kong atensyon. Tama siya, ngayon ko lang din naisip. Kaya pala halos magmakaawa na siya kay Don Madeo na sa ibang bansa idaos ang kasal, 'yon pala ay may dahilan ito. Nakakatawa, dahil noon akala ko gusto niya kaming ikasal sa ibang bansa para bigyan ako ng magandang view. Ngunit nagkamali ako. Isa pala 'yon sa mga dahilan para mabilis niyang matanggal sa pangalan ko ang apelyido niya.

"Huwag kang mag-alala, Fayra. For sure naman maraming magkakandarapa sa 'yo once na wala ka nang asawa. Sa totoo lang, kung hindi mo nga lang naging asawa si Mateo ay si Sébastien sana ang gusto ko para sa 'yo." Kiming usal niya.

"Ano ba 'yang pinagsasa-sabi mo Lyden? Kung sino sino na naman ang lumalabas sa bunganga mo. Kakikilala mo nga lang sa tao." Asik ko sa kaniya na tinawanan niya naman at sinabayan ng pagkibit-balikat.

"Aba'y bakit? Ayaw mo ba sa kaniya? Di hamak namang mas lamang 'yon sa asawa mo na soon to be ex-husband mo, hindi ba? Huwag mo sabihing kontra ka sa sinabi ko, Fayra?" Nanlalaki ang matang tanong niya. Napangiwi ako sa kaniya. "Naku, ewan ko na ang sa mata mo, may katarata ka na."

"Grabe ka naman, Lyden."

"Totoo naman. Di hamak naman talagang lamang si Sébastien. Sabihin na na'ting gwapo ang asawa mo, totoo naman 'yon, wala namang pangit sa kanila. Pero kung sa usapan ay sa pagandahan ng ugali? Aba'y lamang na lamang naman si Sébastien." Taas baba ang kilay niyang saad. "Husband material sa madaling salita."

Napailing ako kay Lyden. "Bakit hindi mo ligawan?" Tuksong tanong ko at natigilan siya.

"Bakit ako? Eh sa 'yo ko nga binubugaw 'yong tao."

"Mas bagay naman kayo. Isa pa, single ka naman, gano'n din siya. Bakit hindi na lang kayo?"

Matagal na tumitig si Lyden sa akin. Alam ko na ang sunod niyang isasagot kaya't nasapo ko na lamang ang noo ko.

"Huwag mo sabihing hihintayin mo pa rin na magkabalikan kayo? Hindi ba't nagkalinawan na kayo?"

Ngumuso ito ngunit hindi pa rin ako sinasagot.

"Isa't kalahating tanga ka rin pala." Uyam ko na lang at napapailing. Magkaibigan nga kami.

Matulin na lumipas ang ilang oras bago namin parehas na narinig ang boses ni Sébastien na kakapasok lang. Ngumiti ito sa amin at parehas kaming binati ni Lyden. Hinanap nito si Morgan at sinabi ko namang umalis din kanina dahil may meeting siya. Si Lyden naman ay nagpaalam rin na lalabas muna at isasama si Mira para makapag-usap kami ng maayos.

Tumahimik ang kabahayan at tanging pagbukas ni Sébastien sa suit case niya ang maririnig.

"Pirmahan mo lang lahat 'yan, pati 'yong divorce money na matatanggap mo sa kaniya ——"

"Hindi ko kailangan 'yon, wala akong tatanggaping pera mula sa Vejar." Untag ko.

"Sigurado ka?"

Napatango ako at isa isa nang pinirmahan ang mga dapat kong pirmahan. Ngunit isang tanong ang nakapagpatigil sa akin.

"W-Wala naman sigurong nangyari sa inyo?" Umangat ang tingin ko at kita kong napalabi si Sébastien. "I'm sorry, Fayra. But I need to ask you that kind of question, I know it's too personal pero kailangan kong malaman." Paliwanag niya.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok habang nakaharap sa kaniya. Ngunit ng mahimasmasan ako ay mabilis akong umiling.

"W-Wala. Sa loob ng ilang buwan na pagsasama namin ay wala pang nangyayari." Saad ko at nagpatuloy. Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula kay Sébastien ngunit ramdam ko ang pailalamin nitong tingin.

Kinalma ko ang sarili ko at nag-focus sa ginagawa. Ilang pahina na lang at matatapos ko na rin.

"After this, what's your plan?"

"Hindi ko alam. Wala akong naisip kung hindi ang mamalagi muna dito at namnamin ang presensiya ng sarili ko." Sagot ko't inabot ang ballpen sa kaniya.

Maingat na ipinasok ni Sébastien ang lahat ng papeles sa envelope at sa suit case niya pagkatapos niyang tingnan ang lahat. Sunod lamang ang tingin ko nang makaramdam ako na parang hinahalukay ang buong sikmura ko. Pumikit ako at nagkagat labi. Hindi naman ako nasusuka. Kanina pa itong umaga pagkagising ko. Hinahalukay lang ang sikmura pero kapag gusto ko nang ilabas ay wala naman.

"Ayos ka lang?" Kiming tanong ni Sébastien. Nagdilat ako at sinalubong ang nag-aalala niyang mukha.

"O-Oo, medyo nahihilo lang." Sagot ko.

"Kumain ka na ba?"

Doon ko naalala na hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal. Ni tanghalian ay hindi rin dahil ayaw ko sa ulam na niluto ni Lyden. Paborito ko 'yon pero hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa amoy.

"Hindi pa." Tipid kong sagot.

"Ano bang gusto mong kainin?" Tayo sabay akay sa akin sa kusina. "Umupo ka muna," hila niya sa isang upuan at itinaas ang mahaba niyang manggas hanggang siko. Naghugas siya ng kamay at bumaling sa ref.

"Gusto ko ng atay, Sébastien."

"Atay? Atay ng manok?" Lingon niya, nag-thumbs up ako.

"Mayro'n ata sa jan. Ihaw ah." Dagdag ko pa. Tumango ito sa akin at naghalukay na sa fridge.

Alam ko meron pa no'n. Nakita ko 'yon no'ng minsang mag-grocery si Lyden. Hindi naman nila niluluto kaya't ako na lang ang kakain.

Hindi naman natagalan si Sébastien. Nilapag niya kaagad sa harapan ko ang inihaw niyang atay. Para akong naglalaway sa amoy. Napakabango.

"Rice?" Tanong pa niya.

Umiling ako. "Soy sauce na lang."

"Mas masarap isaw-saw sa ketchup 'yan, Fayra. Masyadong maalat kapag sa soy sauce."

"Pero 'yon ang gusto ko." Siring ko.

"Seryoso ka?"

"Oo, mukha ba akong nagbibiro?" Balik kong tanong. Kumilos naman siya agad at inilapag din sa harapan ko kasama ang isang basong tubig.

"Aalis na ako ah. Tatawagan ko na lang si Lyden na umuwi na para may kasama ka dito." Paalam niya kinalaunan habang nasa kalagitnaan pa rin ako nang pagpapapak ko sa atay.

Nag-angat ako ng tingin at tumango. "Dadaan ka ba ulit dito mamaya?"

Sandali siyang nag-isip. "Hmm, dito ako kakain ng hapunan."

Napangiti ako. "Bilhan mo ulit ako ng atay ah."

"Eh?" Ngiwi niya.

"Babayaran kita huwag kang mag-alala." Habol ko pa na ikinailing niya.

"Hindi na kailangan. Sige na, maunan na ako, mag-text ka kung may gusto ka pang ipabili para madaanan ko mamaya."

Napatango na lang ako at hindi na siya pinansin. Narinig ko na lang ang pagpihit ng siradura at ang pagtunog ng lock nito tanda na nakaalis na si Sébastien.

Itinuon ko ang tingin ko sa atay na malapit ng maubos. Napanguso ako at iniisang salpak na lamang sa bunganga ko lahat. Pagkatapos ay tumayo na ako at hinugasan ang pinagkainan ko.

Parang nawala ang hilab sa sikmura ko, ngunit napalitan naman 'yon nang pagka-antok. Kinusot ko ang mata ko at dumiretso na lamang sa kuwarto. Ilang araw rin akong walang maayos na tulog dahil sa daming kailangang isipin. Ngayon na lang siguro ako babawi tutal ay unti unti na ring naisasaayos ang magulo kong nakaraan.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top