Chapter 14

CHAPTER 14

"Are you sure about this? Pag-isipan mo muna nang maigi, Fayra. Baka nabibigla ka lang."

Pinakatitigan ko si Sébastien. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses niya na akong tinanong kung sigurado na ba ako. Ilang beses ko na siyang tinanguan ngunit tila hindi sapat ang sagot kong 'yon sa kaniya.

Napakamot ito sa batok niya at muling isinilid ang papel sa envelope, pagkatapos ay nilagay niya ito sa suit case niya at ni-lock 'yon.

Napabuntong hininga ako sa kaniyang ginawa. Matalim ko siyang tinitigan ngunit hindi nagpatinag si Sébastien, bagkus ay sinalubong niya pa ako.

"Look Fayra. Iniisip lang kita. Alam kong mahal mo pa si Mateo, huwag mong pilitin ang sarili mo na gawin ang isang bagay na alam mong hindi ka pa handa."

"Pero Sébastien——"

"No, Fayra. Tsaka ka na pumirma kapag maayos ka na. Kapag panatag na ang buong pagkatao mo't hindi mo mapagsisihan sa huli."

Napailing ako at nagyuko. Hindi ko inaasahan na ngayong araw ipapadala ni Mateo ang mga papeles para mapawalang bisa ang kasal namin. Hindi pa nga ako nakakabawi ng husto ay agad niya naman akong pinadaldan ng panibagong gumugulo sa utak ko.

Sumang-ayon ako sa gusto niya bago kami lumipad  patungo sa bansang ito. Ngunit ng makita ko ang pirma niyang nakapaloob dito ay hindi ko halos maigalaw ang buo kong katawan.

But on the other hand, Sébastien has a point. Hindi muna dapat ako magpadalos dalos. Kasama ko pa rin sa kasal na ito ang pamilya ko. Kahit hindi iyon ipunto ni Sébastien ay alam kong naisip niya rin 'yon.   Siguro ay kailangan kong makausap sila mommy at pagkatapos si Don Madeo na sa pakiwari ko'y alam na rin ang kinahinatnan namin ng apo niya. Hindi na ako magtataka, kanina ay may ibinalita si Sébastien sa akin tungkol sa biglaang pagsulpot ng mga magulang ni Mateo sa bahay. Hinahanap nila ako at maging si Mateo ngunit ang tangi nilang nadatnan sa bahay ay sila Mang Jose. Hindi na sana sila aamin ngunit malakas ata ang pakiramdam ng nanay ni Mateo kaya't kalaunan ay pinilit silang magsalita.

Gusto kong tawagan si Manang Celly, ngunit hindi ko naman tanda ang numero niya. Nagpalit na ako ng phone, 'yong simcard ko ay tinapon ko na rin para naman wala na akong koneksyon pa sa mga naiwang mga tao na kalapit kay Mateo. Nakalimutan ko nga lang sila manang.

"Hindi mo kailangang magmadali Fayra. Idadaan na'tin sa mano-mano ang proseso nito. Huwag kang mag-alala nasa tabi mo naman ako. Tutulungan kita." Aniya.

"Sa lalong madaling panahon sana ang gusto ko, Sébastien. Ngunit kung sa tingin mo ay mas makakabuti ito, susundin kita."

Tumango tango ito. "Kakausapin ko namin ni Morgan si Don Madeo. Hindi naman siguro gagawa ng isang hakbang ang lolo nila sa pamilya mo. Isa pa, kawalan para sa mga Vejar ang isang Fabian. Malaki ang natulong ng pamilya mo sa negosyo nila, tiwala ako na hindi madadamay ang kabuhayan niyo."

Napatango ako. "Si Mira nga pala ay babalik sa Pinas. Mukhang hindi sanay ang kapatid ko sa buhay na nandito. Sa susunod na linggo ay susunduin siya nila mommy sa airport, susulitin ko na rin ang pagkakataong 'yon para mapag-usapan 'yong tungkol sa perang tinanggap nila mula sa mga Vejar."

"Tingin ko masasagot ka ni Morgan tungkol sa bagay na 'yan. Mabuti pa ay mag-usap kayo, makikibalita na lang ako after this week." Saad niya na nakapag-pakunot sa noo ko.

"After this week? If Morgan and I talk tonight, malalaman mo rin naman mamaya." Litong saad ko.

"I'll be gone for a while for now, Fayra. That's why this is your chance to think about the papers."

"Saan ka naman pupunta?"

Ngumisi ito. "Huwag mo naman ipahalatang nami-miss ko ako agad, Fayra. Masyado kang obvious——"

"Huwag kang assuming, Parisi. Tinatanong kita kung saan ka pupunta, parang biglaan naman ang alis mo." Seryosong tanong ko.

"Babalik ako ng Pinas sa sabado. May aasikasuhin ako na ipinapagawa ni Morgan at isa pa, kailangan din ako sa opisina ng asawa mo. You know, business matters." Kibit balikat niya.

Napatango na lang ako.

"Don't worry, wala kang maririnig sa akin tungkol sa kaniya. Pupunta lang ako doon para sa project na tinapos ko sa kompanya niya at pagkatapos ay lilipat na ako kay Morgan, tutal ay mas malaki ang offer ng bayaw mo sa akin." Ngisi niyang ikinangiwi ko.

Magsasalita pa sana ako ngunit naunahan naman ako ni Morgan na kakapasok lang dito sa loob ng library niya. Naka-apron pa ito at may dalang tray na may lamang cookies at juice. Inilapag niya 'yon sa mesa at tumabi kay Sébastien. Kumuha ito ng inumin at ilang cookies na sabay sabay na ipinasok sa kaniyang bunganga.

"Mukha ka talagang pera, Sébastien." Aniya ni Morgan sabay dunggol sa braso ni Sébastien.

Nginiwian siya ng kaibigan. "Negosyo ang pinag-uusapan, pare. At isa pa, may plano akong magtayo ng talyer sa Isabella at sa ilan pang karatig na probinsya. Malaking bagay ang offer mo kaya pumayag ako."

"Eh paano pala kung maliit lang ang offer ko?"

Ngumisi si Sébastien. "Matik 'yon, tabla ka." Sagot niya sabay halakhak na tinungga ang natirang juice sa kaniyang baso.

"Ang sama mo sa 'kin, palibhasa gustong gusto mong kasama ang kapatid ko, tsk." Nguso ni Morgan sabay tingin sa akin at alok sa cookies niya. Umiling lang ako at mataman silang pinagmasdan.

"Selos ka naman?" Natatawang sandal ni Sébastien sabay mahinang suntok sa braso ni Morgan. Sinamaan siya ng tingin nito at kiming ngumiwi. "Seloso." Bulong ni Sébastien na mas lalong ikinakumot ng mukha ng kaibigan.

Napailing ako sa dalawa. Tumayo ako at napagpasyahang iwanan na muna sila. Napangiti ako ng tapunan ko sila ng tingin bago ako tuluyang lumabas nang library, panay pa rin ang asaran ng dalawa at mas malakas mang-asar si Sébastien na may pahagod hagod pang nalalaman sa braso ni Morgan at inilalapit ang kaniyang nguso sa pisngi nito na pilit itinutulak ni Morgan.

Pinabayaan ko na lang sila. Gumawi ako sa kusina at doon ko naabutan si Lyden na nakasambakol ang mukha habang dinudutdot ang kakahango niya lang na cookies. Lumapit ako at kinalabit siya.

Hindi man lang nagbago ang mukha niya nang tumingin sa akin.

"May problema ka ba, Lyden? Ang aga aga, hindi na maipinta ang mukha mo." Puna ko at kumuha ng slice bread at ipinasok ko sa toaster. Kumuha rin ako ng avocado at kinayod iyon.

"'Yong bayaw mo ang problema ko, Fayra." Walang kiming sagot niya.

"Bakit naman? Hindi ka na naman ba tinigilan ni Morgan?" Tanong ko sabay hango sa bread at palaman dito ng avocado.

Sakto rin na lumabas ng kuwarto si Mira na halatang kakagising lang. Lumapit ito sa akin at niyakap ako at gano'n din siya kay Lyden. Nakangiti kong inabot sa kaniya 'yong bread at sinenyasan siyang umupo na sa lamesa at ubusin 'yon.

"Pakiramdam ko sinasagad niya talaga ako, Fayra. Alam mo bang ginising ako ng impaktitong 'yon dahil gusto niya daw ng cookies?! Ang kapal ng mukha." Gigil niyang saad na nilamukos pa sa kamay 'yong kawawang cookies.

Napataas ang kilay ko. "Ginawan mo naman." Pagdidiin ko. Natigilan siya doon at tiningnan bag cookies na ginawa niya.

"Ang kulit kasi." Anas niyang hindi ko na pinatulan pa dahil lumabas na rin si Morgan sa library kasunod si Sébastien na tumitipa sa phone niya at nagpaalam ng magtama ang tingin namin.

"Una na ako Fayra." Sabay taas sa suit case niya. "Think about it."

Tumango na lang ako at inihatid siya ng tingin.

"Mag-kaldereta tayo." Pukaw ni Morgan sa pagkakatulala ko.

"Hindi ako marunong magluto." Sagot ko naman.

"I know, hindi naman ikaw ang uutusan ko."

Agad na nagtaas ng tingin si Lyden. "Eh sinong uutusan mo, ako?" May inis sa tanong ni Lyden.

Dumukwang palapit si Morgan sa kaibigan ko.  "Alangang si Mira ang paglutuin ko?"

"Hindi ako marunong." Tulak niya kay Morgan sabay lagay ng mga cookies sa Tupperware.

"Impossible. Marunong ka ngang mag-bake, magluto pa kaya?"

Umirap si Lyden na halatang naiinis na kay Morgan dahil namumula na ang pisngi nito. "Magkaiba 'yon kung 'di ka ba naman tanga." Asik nito.

Hindi nakapagsalita si Morgan. Prente lamang itong nakatingin kay Lyden na panay lang ang irap sa kaniya. Napakamot ako sa batok ko at napailing.

"Ikaw na lang ang magluto Morgan, inistorbo mo na ang kaibigan ko kanina sa cookies mo." Singit ko.

"Hindi ko naman siya pinilit." Baling niya sa akin.

"Ano'ng hindi pinilit?! Niyugyog mo nga ako at sinabing ibabalik mo ako sa Pinas mamaya kapag hindi kita ginawan ng cookies! Siraulo ka ah, may atraso ka pa nga sa 'kin eh." Nanggagalaiting saad ni Lyden.

Hindi talaga papatinag ang babaeng ito. Halata naman ding inaasar siya ni Morgan. Hindi ko malaman kung para saan pero mukhang tuwang tuwa siya sa kaibigan ko. Aliw na aliw siyang naiinis ito sa kaniya at sa palagay ko ay gustong gusto niyang nakakatikim ng malulutong nitong salita. 

Kalaunan ay hindi na rin nakatanggi si Morgan nang mismong si Lyden na ang nag-utos sa kaniya. Mukha na itong sasabog sa itsura niya kaya naman agad na tumalima si Morgan. Iniwan ko sila sa kusina at pinuntahan si Mira na busy sa kakanood. Tumabi ako sa kaniya at ngumiti.

"Mag-aaral kang mabuti pagbalik mo sa Pilipinas, maliwanag Mira?"

Tumango ito. "Hindi kita bibiguin Ate Fayra. Pangako ko pa 'yan. Aalagaan ko rin sila mommy at daddy para naman hindi ka masyadong mag-isip sa kanila." 

Mas lalong lumawak ang pagngiti ko. "Ikaw ang bahala, Mira. Basta't 'yong bilin ko maliwanag sa 'yo, hmm."

Tumango naman siya at yumakap sa akin.

Dumating ang tanghalian. Pinagsaluhan naming apat ang niluto ni Morgan. Hindi natuloy ang gusto niyang ulam dahil hindi naman daw siya marunong no'n at isa pa wala rin namang laman ang fridge. Nagluto na lang siya ng manok at nangakong babawi mamaya. Payapa naming nairaos ang pagkain namin. Niyaya ko rin si Morgan sa veranda upang agad naming mapag-usapan ang gusto kong itanong sa kaniya.

"Hindi naman 'yon suhol, Fayra. Nasa pamilya na talaga namin ang gano'n. Kahit si dad dati ay gano'n din ang ginawa sa pamilya nila mommy."

"Ngunit bakit 'yon ang ipinapamukha ng kapatid mo sa akin? Ang sistema tuloy ay para akong mukhang pera." Nguso ko.

"Huwag mo nang balikan 'yon. Siya nga pala, bakit mo pala naitanong?"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. "Dumating 'yong mga papel kanina." Maikling saad ko.

"For what?"

"Para mapawalang bisa ang kasal namin ni Mateo."

Wala akong narinig mula kay Morgan, hinintay ko pa siya ngunit tila hindi niya pa nasi-sink in sa utak niya ang sinabi ko.

"Matagal niya ng plano 'to. Nakahanda siya una pa lang kaya mabilis na naibigay sa akin ang proseso——"

"Pumirma ka?"

Natigilan ako at pinakatitigan siya. Sa uri ng tingin na  ibinibigay niya sa akin ay tila nagsusumamo pa itong sana ay hindi ko pinirmahan. Samot saring reaksyon ang bumalatay sa mga mata at mukha ni Morgan. Kabado ang rumirehistro sa kaniya. Sabagay, parehas lang naman kami. Hindi naman agad makakalimutan ang kahapon dahil hindi pa naman ito hilom. Sariwa pa nga kumbaga.

"Hindi. Hindi ako pumirma." Sagot ko habang sinasalubong ang kaniyang tingin. Para siyang nakahinga sa naging sagot ko. "Pero may balak akong pumirma, Morgan." Dagdag ko.

"Fayra,"

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at sumandal. "Ito ang gusto ng kapatid mo na dapat kong ibigay. Matagal niya nang gustong lumaya sa pilit naming relasyon. At para na rin sa ikakatahimik ng buhay ko ay handa kong pirmahan ang mga papel na iyon." Ayaw ko mang gawin ay wala rin naman akong magagawa. Kailangan kong lumimot. Kailangan kong magpatuloy sa buhay at kailangan kong pakawalan ang sarili ko sa mapait na nakaraan.

"Iniisip rin kita Morgan." Muling saad ko. "Alam kong mahal na mahal mo si Rose, pero kailangan kong bumangon. Sana maintindihan mo ako." Aniya kong nakayuko.

"Naiintindihan naman kita, Fayra. Pasensiya ka na sa reaksyon ko, nabigla lang siguro ako dahil napakabilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang kasi nangyari ang lahat."

Ngumiti ako ng payak. Sasagot pa sana ako ng mag-ring ang phone ko't rumehistro ang pangalan ni Sébastien. Mabilis ko 'yong sinagot na may lukot na noo.

"Napatawag ka——"

"Those papers that Mateo's secretary gave to me, Fayra."

"Anong mayro'n?" Takang tanong ko.

"They called me a while ago, and you know what the message from Mateo wanted me to do?"

Hindi ako sumagot. Malakas na bumuntong hininga ang nasa kabilang linya kasabay ng pagkakataas ng kilay ko.

"Mateo wants those papers back to him right now, Fayra."

...

» Hello po. Sorry sa mabagal na update, naiinis po kasi ako kay Mateo:] Btw, thank you for reading this story!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top