Chapter 13
CHAPTER 13
"Wala ka na bang ibang gustong bilhin, Fayra? Mahaba pa naman ang araw, kung may gusto kang gawin o bilhin pa, just tell me."
Isang payak na ngiti at pag-iling ang iginawad ko kay Sébastien habang naglalakad kami papalabas sa isang boutique na pinasukan namin para bumili ng mga bagong kurtina na puwede kong gamitin sa unit ni Morgan.
"Sapat na iyan, babalik na lang ako dito kapag may kulang pa rin." Aniya ko sa kaniya at tiningnan ang sandamakmak niyang bitbit. Napalabi ako at napahinto sa paglalakad.
Samantalang si Sébastien ay tuloy tuloy lang na hindi ata napansing wala na ako sa tabi niya. Sandali pa akong tumayo sa kinaroroonan ko nang huminto si Sébastien at nagpalinga-linga sa gilid niya. Nang bumaling ito sa likod ay kunot na ang kaniyang noo at tila hindi na ako maaninag ng kaniyang mga mata, madami din kasing mga taong naglalakad. Binilisan ko ang paglakad ko at nang makita niya ako ay tila nakahinga ito.
"Asa'n ka galing?" Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
"Huminto lang ako saglit." Sagot ko sabay turo sa paper bag na mga dala niya. "Akin na 'yong iba." Saad ko at sinubukang abutin 'yon ngunit mabilis niyang inilayo 'yon sa 'kin.
"Nope," ngiwi nito sabay nguso. "Kaya ko."
"Mukhang mabigat, Sébastien. Kanina pa tayo palakad-lakad, at parami nang parami ang mga bitbit mo. Magaan naman ang iba ja'n kaya ako na ang magdadala."
"Nah, don't be stubborn. Kaya ko 'to, isa pa, anong silbi ng mga muscles ko?" Ngiwi niya.
Napailing ako. "Bahala ka nga, ikaw na nga itong tutulungan." Bulong ko pa na alam ko namang dinig na dinig niya dahil mahina pa itong tumawa.
"I didn't ask for help, Fayra, and i made a promise to Morgan na ako ang bahala sa 'yo, at kasama ang pagbubuhat sa promise kong 'yon sa bayaw mo." Kindat nito't iniisang buhat lahat ng paper bag sa isa niyang kamay.
"Tara do'n." Aniya sabay akbay sa akin.
Bahagya akong nagulat at napatingin sa kaniyang brasong maingat na nakapatong sa aking balikat. Pasimple ko siyang binalingan na sukbit lamang ang ngiti sa kaniyang labi habang nakatanaw sa mga fast food chain na nadadaanan namin. Nagbaba ako ng tingin at pasimpleng bumuntong hininga.
This is the first time I've had someone do this to me. I don't know why, but Sébastien's soft gesture was making me comfortable with him even though it's just been a few days since we bonded together in Morgan's unit.
Sa kaunting panahon. Naiparamdam agad niya sa aking pamilya ako sa kaniya. Katulad ng trato nila Morgan at Lyden sa akin ay dinodoble niya iyon. Pakiramdam ko, safe ako sa kanila.
"Here you go," abot ni Morgan sa akin ng plato ko na tinanggalan niya na ng balot ang kanin na para sa 'kin. Sinunod niyang ibigay ang fries at softdrinks ko at water. "Kumain ka na bago lumamig."
Tahimik kong kinain nag in-order kong pagkain, habang panay pa rin ang pa-simple kong tingin sa gawi niya. Nangangati ang bibig kong itanong sa kaniyang 'yong babaeng naka-pula na tinutukoy niya no'ng nasa isla kami. I wonder if gumawa siya ng way para mapalapit sa kaniya.
"Mukhang may gusto kang itanong." Pukaw niya sa akin. Napataas ang isa kong kilay at napapahiyang nagbaba ng tingin. Halata ba? "Itanong mo na 'yan, baka mamaya hindi ka makatulog niyan, sige ka." Dugtong pa niya.
Siniringan ko siya na ikinangiti niya naman.
"Ok fine. I'm just curious lang naman doon sa babaeng naka-pula." Hapyaw ko at napatango siya na para bang alam niya na ang magiging tanong ko dahil agad niya akong sinagot.
"Oum, she's married." Walang paligoy-ligoy niyang saad.
Hindi ko alam kung itutuloy ko bang ilunok ang inginunguya ko o ano. Napa-inom ako ng tubig at lukot ang mukhang pinanlakihan siya ng mga mata.
"Hindi ko sinasadya—"
"Nah, don't be sorry. Hindi mo naman alam, at isa pa. Huli na rin nang malaman ko. Hindi ko kasi agad grinab 'yong pagkakataon kaya naman naunahan ako." Aniya.
Sandali ko siyang pinagmasdan. Sinusuri ang ekspresyon ngunit tila hindi naman niya ininda 'yon.
"Hindi ka ba nasaktan?" Wala sa sariling tanong ko.
Natigilan siya at malapad na ngumiti. "Nasaktan, pero hindi malalim. Minahal ko siya pero nilagyan ko ng hangganan ang pagmamahal ko kasi alam kong walang kasiguraduhan kung sapat na ba ako o hindi, kaya sa huli, hindi ako masyadong naging lugmok." Aniya sabay yuko.
"If you know the path you've chosen isn't going to be good for you, or if the future is uncertain, you may need to set a boundary to avoid being hurt badly. Setting a boundary isn't a crime; it's just like... a little prevention for you not to be drained by the agony."
Payak akong ngumiti at isinandal ang likod ko sa upuan. "Nasaan ka no'ng mga panahong kailangan ko nang ganiyan advice?" Biro ko na ikina-angat ng tingin niya.
Nangalumbaba itong tumitig sa akin at ngumisi. "Nasa opisina ng asawa mo, tinatambakan niya ng trabaho." Sabay nito na ikinatawa ko.
Napailing ako sa kaniya. "Alam mo 'yong tungkol sa kanila?"
Agad siyang umiling. "Ang alam ko lang isa siya sa mga nanligaw dati, pero 'yong affair nila. Wala akong alam. Hindi ko rin sila nakikita sa opisina dahil marami akong papeles na trinatrabaho sa labas at loob ng bansa na trabaho naman talaga ng asawa mo."
I smiled bitterly. "He's really into her."
"To be honest, gusto kong paniwalaan na ang buong loob ni Mateo ay nasa third party sa relasyon niyo. Pero kahit ilang beses kong ipasok sa utak ko maging 'yong nasaksihan ko ay hindi ko pa rin kayang mapaniwalaan."
Hindi ako umimik.
"Kaibigan ko si Mateo. Kilala ko siya nang higit kay Morgan dahil masyado kaming malapit sa isa't isa. Parehas ko silang kilala ng lubusan, pero si Mateo, alam ko kung paano ang takbo ng bituka niya—"
"Kilala ko rin siya, Sébastien. Mahal na mahal niya si Rose. Kaya niyang itakwil ang mana niya makapiling niya lamang si Rose. Paniwalaan mo 'yon, dahil 'yon ang katotohanan." Pagtaas ko ng boses na ikinalunok niya.
"I'm sorry, Fayra." Agad niyang aniya na ikinabalik ko sa huwisyo.
Tila tinamaan ako ng kahihiyan. Hindi ako kumibo at tumayo na. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nang lumabas 'yon sa bibig ni Sébastien ay tila nabingi ako sa sarili kong emosyon.
Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngunit gayon na lamang ang pagsinghap ko ng may humaklot sa braso ko.
"I-I'm sorry, Fayra. Hindi na mauulit." Pagsusumamo nito. "Iuuwi na kita, paniguradong nag-aalala na ang kapatid at kaibigan mo." Buntong hininga niya at ikinawit ang isang braso sa baywang ko.
Napatingala ako kay Sébastien. Gano'n na lamang ang pagtigil at mahinang napapisil pa sa tagiliran ko. Muli itong bumuntong hininga at iginiya ako palabas ng mall. Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad patungo sa kaniyang sasakyan. Nang makalapit kami ay ipinasok niya muna sa backseat lahat ng pinamili namin atsaka ako binalingan.
"Lakad muna tayo... unwind sandali."
Napatango ako ng bahagya. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya ginawa ko naman. Akala ko ay mag-uumpisa na kaming malakad sa gawi niya ngunit napatitig na lang ako sa kaniya ng ipagitan niya ang mukha ko sa kaniyang mga palad.
Ramdam ko ang pagdampi ng hinlalaki niya sa magkabila kong pisngi.
"Stop crying. You know, he's right. Kahit wala akong nararamdaman para sa 'yo, you're making my knees weak for seeing you like this."
Hindi ko iyon pinansin. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at pinunasan ang mga luhang kanina pa bumabasa sa pisngi ko.
"Gusto mo ilabas na'tin 'yang sama ng loob mo?"
"Wala na akong sama ng loob, Sébastien." Sagot ko.
"Sarili mo lang ang pahihirapan mo kung hindi mo ako sasagutin sa sagot na gusto kong marinig mula sa 'yo, Fayra. Hindi ka makaka-recover nang mabilis kung hindi mo ilalabas 'yan ng wala kang kasama."
"Bakit ba mas marunong ka pa sa 'kin?"
Nagkibit balikat ito at sumandal sa kaniyang sasakyan.
"Kasi nakikita ko at nakakahawa ang aura mo. At isa pa, wala ka namang pinagsasabihan niyang mga hinanakit mo simula ng umalis tayo sa Pinas. Kahit sarili mong kapatid ay wala kang inilalabas. Kahit kay Lyden na matalik mong kaibigan o kaya kay Morgan na may parehas kayong pinagdaraanan."
Pinakatitigan ko siya at nagpamulsa.
"Hindi ko pa kayang ilabas 'to sa kahit na kanino, Sébastien. Sinasanay ko pa ang sarili ko. Sinasanay ko pa para sa susunod na maranasan ko 'to ay hindi na ako masasaktan."
Umiling nang makailang beses si Sébastien. "Mas maganda ang plano ko kaysa sa plano mo, Fayra. Mas maiging ngayon mo ilabas 'yan dahil sariwa pa. Lahat ng ikinikimkim mo noon ay puwede mo nang malayang mailabas ngayon na may kasama ka."
Hindi ko alam kung maganda ba ang sinabing 'yon ni Sébastien ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong panay ang hagis ng mga babasaging plato sa isang bakanteng lote na may pader at puno rin ng mga bubog ng kaninang madatnan namin.
"Throw more, marami pang plato oh." Turo ni Sébastien sa isang cart na halos mapuno na ng mga binili niyang plato.
Napalabi ako at kumuha.
Pumikit muna ako at mahigpit na hinawakan ang isang babasaging plato, pagkatapos ay huminga ako ng malalim.
"Ah!" Malakas kong pagkakasigaw at sunod sunod na inihagis sa pader ang mga plato. Pagod na pagod na ang dalawang braso ko ngunit tila nae-enjoy ko ang paghagis, at the same time, unti unti kong nailalabas ang matagal ko nang nararamdaman.
Sadness.
Pain.
And guilt na lumulukob sa akin dahil pinaniwala ko ang sarili ko na inagaw ko lamang si Mateo kay Rose gayong siya mismo at ang pamilya niya ang nakipagkasundo sa pamilya ko noon.
Para akong naging isang tauhan sa sarili kong ilusyon. Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, nagpakababa ako.
"Ayos ka na?" Haplos ni Sébastien sa aking balikat.
"M-Medyo naibsan ang nararamdaman ko." Pag-aamin ko't hinarap siya. "Salamat, Sébastien. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag."
Ngumiti ito. "It's my pleasure, Fayra. Sabihan mo lang ako, kapag gusto mo pang maglabas, dahil sa susunod ibang lugar naman ang pagdadalhan ko sa 'yo." Sabay gulo niya sa buhok ko.
Agad kong inayos 'yon at tumango. "We should leave now, baka nag-aalala na si Mira sa akin. Gabi na rin." Aniya ko at sabay naming tinahak ang sasakyan niya.
Buong byahe ay puro lamang pagkanta ang ginawa ni Sébastien. Hindi na kami nag-usap pa dahil busy na busy siya sa pagkanta niya na ikinailing ko na lamang dahil sinasamahan niya ng moves. Ilang sandali lang ang naging byahe namin nang maiparada niya ang sasakyan sa parking ng building na tinutuluyan ko. Nauna akong umakyat sa kaniya dahil biglaang may tumawag. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto ay nakarinig na ako ng tili ni Lyden.
Bumalatay ang pag-aalala sa mukha ko kaya't mabilis kong tinulak ang pinto at sinalubong naman ako ni Mira.
"A-Ate, lasing po si Kuya Morgan." Nanginginig pa nitong yakap sa akin.
Sinuklian ko ng yakap si Mira at dinala sa kusina para painumin ng tubig. Pinakalma ko siya at sinabihang pumasok muna sa kaniyang kuwarto at ako na ang bahala kay Morgan.
Tumungo ako kinalaunan sa sala. Doon ko nasilayan si Morgan na nakayakap kay Lyden at panay ang pagtawag nito sa kaniyang Rose. Napailing ako habang nalapit sa kanila. Nang makita ako ni Lyden ay para itong nabuhayan ng loob.
"H-Hilain mo 'to palayo sa 'kin, Fayra. Kanina pa ako nito iniinis." Seryosong saad niya.
Tiningnan ko si Morgan. Namumula na ito at ang dami na ring boteng naubos. Nasapo ko ang noo ko at napatingin sa bagong dating na si Sébastien. Lumukot ang mukha nito at agad na dinaluhan si Lyden para buhatin palayo si Morgan na umuungot at mas lalong yumapos kay Lyden.
"P-Please, a-ako ang piliin mo. Ginawa ko naman lahat! B-Bakit ba si Mateo pa rin, R-Rose? Bakit ba hindi puwedeng ako naman?!" Umiiyak nang saad ni Morgan at hustong isinisiksik pa ang kaniyang sarili.
Nagkatinginan kami ni Sébastien, habang si Lyden ay panay ang tulak sa lasing.
"H-Hoy, asungot! Hindi ako si Rosemarie! Si Lyden ako! Malayong malayo ako sa manloloko mong asawa kaya huwag mo akong mapagkakamalan!" Si Lyden. "Kayong dalawa. Ilayo niyo 'tong lalaking 'to! May sapak na 'to!"
Pinagtulungan naming i-alis si Morgan kay Lyden na husto ang kapit. Nang magtagumpay kami ay agad kong pinalayo si Lyden at si Sébastien naman ay minanduhan din akong lumayo.
Pinakatitigan ko si Morgan na nakasandal sa pader at hawak ang bote ng alak sa kanang kamay niya. Nakatingin ito sa kawalan. Maga ang mata, magulo ang buhok at tanggal ang botones na pang-itaas.
Napakamot ng ulo si Sébastien.
"I think we should let him get waisted for now, Fayra." He said and looked at me. "Go to your room and I'll accompany him."
Saglit kong pinagmasdan si Morgan bago ako tumalikod ngunit gayon na lamang ang pagbalik ng aking tingin sa kaniya ng magsalita siya na punong puno ng hinanakit.
"K-Kailangan kita Rose. You've been my solace in my draining days. You've been my strength in every weak moment of my life. Please come back to me. " Morgan's voice suddenly broke. I see in him now that he's deeply hurt by her. The tears started flowing down his cheeks. He immediately wiped it and drank his liquor.
"Come back to me, baby, and I'll forget what you've done to me... I'll forget the way you tore my heart into pieces. P-Please."
Sinundan ko ng tingin si Sébastien nang lumapit ito kay Morgan at tinapik sa balikat. Dumilat naman ito at pinakatitigan ang kaibigan.
"Pre, huwag kang masyadong maingay. Tulog na si Mira, mahiya ka naman sa bata." Ngiwi ni Sébastien na shinush naman ni Morgan at tumatangong nag-ok sign pa.
Napailing si Sébastien at sinenyasan akong pumasok na. Nag-aalangan man ay sinunod ko na siya ngunit muli akong natigilan dahil kay Morgan.
"F-Fayra, ikaw ba 'yan?" Hindi ko alam kung lilingon ba ako o ano ngunit nanatili na lamang akong nakatalikod sa kaniya.
"S-Sabihin mo naman sa asawa m-mong—" Naputol ang sasabihin ni Morgan nang sumingit si Sébastien at nasa tono niya na ang awtoridad na dapat sumunod na ako sa sinabi niyang pumasok na ako sa kuwarto ngunit hindi ako natinag. Lumingon ako sa kaniya at kay Morgan na nakatingin din sa akin.
"Fayra." Si Sébastien.
Hindi ko siya inintindi.
"Anong gusto mong sabihin ko Morgan?" Lakas loob na tanong ko.
Ngumiti ito sa akin at ipinatong ang mukha niya sa maliit na lamesang nasa sala. Humikab ito at pumikit.
"S-Sabihin mo sa kaniyang ibalik niya naman sa akin ang asawa ko. Kaya kong ipaubaya ang lahat nang mayroon ako, i-ibalik niya lang si R-Rose sa akin." Ayon na naman ang mga luha niya. Suminghot pa ito habang nasa gano'n puwesto pa rin.
Napayuko ako at naikuyom ang aking kamao.
Akala ko kaya kong makitang ganito si Morgan. Ngunit hindi pala. Sanay akong nakikitang wala siyang ekspresyon tuwing nagagalit, nagtatampo o ano pa man ang nararamdaman niya. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakita mo ang tunay na emosyong nararamdaman ng isang taong malapit sa 'yo.
Tumalikod ako at binilisan ang paglakad ko sa kuwarto, habol din no'n ang salita ni Morgan na ikinailing ko.
"A-Akin na ang asawa ko. K-Kailangan ko ang asawa ko. Kailangan ko si Rose, b-bakit niya inagaw ang a-asawa ko? B-Bakit si R-Rose na babaeng ma-mahal na mahal ko?"
"Morgan, tama na. Nakaka-iskandalo ka." Suway ni Sébastien.
"M-Mas nakaka-iskandalo ang ginawa nila Mateo sa amin, P-Pre. N-Nakita ko 'yon. Mi-Mismong dalawang mata ko ang nakakita kung papaano sila nagpaparaos sa isa't isa. M-Masakit sa akin 'yon, Pre."
"Alam ko Morgan."
"K-Kapatid ko 'yon, Pre. K-Kaso inahas ako. But you know what's funny, Sébastien? Huh?"
"What?"
Humagikhik si Morgan bago nagsalita. "Even though he did such an awful thing to me, I still want him to be by my side right now and explain everything to me. After that, something in the back of my mind tells me that I should forgive him since he's my younger brother. Funny right? Kailangan ko siyang patawarin... dahil siya ang bunso kong kapatid. Bullshit!"
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top