Chapter 12
CHAPTER 12
"Kanina ka pa tahimik. Baka gusto mong i-share sa akin ang nararamdaman mo Fayra."
Nilingon ko si Morgan. Nakatingin ito sa akin at seryoso ang kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako at iginawi muli ang tingin ko sa katabing bintana.
"Hindi ko pa ata kayang iwan ang Pilipinas, Morgan."
"Hindi mo pa talaga kaya dahil sunod sunod ang mga nangyari sa atin, lalo na sa 'yo. Makakayanan mo rin 'yan, Fayra. You're the most brave woman I've ever known. You can get through this hard situation."
Hindi ako kumibo. Naglalakbay na naman ang utak ko sa kawalan. Hindi ko alam kung papaanong buhay ang bubuohin ko sa bansang napili ni Morgan. Mahirap mamuhay sa kapaligirang hindi ka naman sanay. Ngunit mahirap rin namang bumalik gayong nasa bansang iyon ang taong dumurog ng buong pagkatao ko.
Tama si Morgan. Nasasabi kong hindi ko kaya dahil sariwa pa naman ang mga kaganapan.
Humugot ako nang malalim na buntong hininga at muling ibinaling sa kaniya ang aking tingin. Nasa akin pa rin pala ang paningin niya. Ni hindi niya nga ata inaalis sa akin.
"Ayos ka lang?"
Hindi ko naisip na itanong 'yon sa kaniya. Masyado akong akupado ng sarili kong damdamin at emosyon, nakalimutan kong dalawa pala kaming nasaktan sa relasyong ipinipilit ng dalawa.
"Hindi ko alam. I feel nothing."
Natahimik ako saglit.
"You can rant at me this time, Morgan. Pakikinggan ko ang hinaing mo. Pakikinggan kita dahil alam ko ang nararamdaman mo." Saad ko at abot sa kamay niya at mahina iyong pinisil.
Tumango ito nang ilang beses bago isinandal ang ulo niya't iwinaksi ang paningin sa akin.
"I fell in love with Rose the first time I saw her. I don't believe in love at first sight, but she makes me feel it... butterfly in my stomach, and every time she's around, she always makes me want to pass out." Bahagya siyang natawa. "Para akong babae na kinikilig, hindi ko mapigilan 'yon sa tuwing malapit siya sa akin. Until I decide that I want her to be mine, alone."
Napalunok ako. Matagal ko na siyang kilala, pero ito ang pinaka-unang pagkakataon na willing siyang I-kuwento mula umpisa kung papaano niya nagustuhan si Rose. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot para kay Morgan. Halata naman talagang gustong gusto niya si Rose. Since day one na nag-transfer kami nila Lyden sa paaralan nila at nagkakilala ay alam kong may pagtingin na siya sa kaniya. Sa lahat nga sa kanila ay siya ang pinakahalata.
"But things happened. Naunahan na pala ako ng kapatid ko."
"Hindi naman umamin agad sa kaniya si Mateo. Kinaibigan niya muna si Rose—"
"Alam niyang gusto ko si Rose. Sa lahat ng puwede kong pagsabihan sa nararamdaman ko nang mga panahong 'yon ay ang kapatid ko ang una-unang nakaalam." Sapaw niya.
Hindi ko alam ang salitang sunod kong sasabihin sa kaniya.
Natulala ako sa kaniyang sinabi. So all this time, Mateo knew that Morgan was deeply in love with Rose and yet he courted her first.
"Malakas naman talaga ang dating ni Rose, kaya hindi na rin ako nagulat ng maging sila Matthias ay nagkagusto sa kaniya. May inis sa akin, pero agad akong pinaalalahan ng sarili ko na wala silang alam sa pagtingin ko kay Rose. Ngunit ang hindi ko matanggap ay mismong kapatid ko pa na alam ang lahat ay siyang tutuklaw sa likod ko." Nagtama ang tingin namin at malungkot siyang ngumiti.
"Akala ko ikaw ang dahilan kung bakit siya panay ang sulyap noon tuwing gagawi siya sa tambayan niyong tatlo, dahil panay ang tingin niya sa 'yo. But I was wrong all along, dahil nang mga panahong 'yon pala ay nagkakamabutihan na sila. At alam mo kung ano ang pinakamasakit?" Morgan held my hand tighter and I watched as his tears slowly fell down. "She still gives me a chance to court her, even though my brother and my cousins are doing the same too. Huli na para umatras ako noon Fayra, dahil itinanim ko na sa utak ko na kailangan kong makipag-kumpetensiya sa sarili ko mismong pamilya, makuha ko lang siya."
Pumikit si Morgan at kalaunan ay dumilat din kaagad nang marinig ang boses ni Lyden na ngayon ay nasa harapan na namin.
Naka-taas ang kilay nito habang nakatingin sa kamay kong pumipisil sa kamay ni Morgan. Pasimple kong ini-angat ang kamay ko at napalabi sa kaniya.
"Bagay kayo." Ngisi nito na nagtaas baba pa ang kilay.
Sabay kaming napailing ni Morgan.
"Mas bagay tayo, bet mo?" Natatawang tanong ni Morgan na siniringan ni Lyden. Kaagad itong nawala sa aming harapan sukbit ang nayumot niyang mukha.
Nagtawanan kami ni Morgan at naiiling na isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ayon na naman ang malalim niyang buntong hininga, at alam kong may gusto pa siyang ilabas.
"Go on, Morgan. Huwag mong pigilan." Tapik ko sa kaniya.
"I still can't believe what happened. We were just planning to surprise him, but they surprised us instead. I loathe myself for fooling myself over Rosemarie's words that she can love me back... But the most unbelievable part is that you already knew about their affair..."
Tumikhim ako. "From the beginning." Paglilinaw ko.
"Why do you keep it to yourself, Fayra? That's a big decision, at mas masakit 'yon. Bakit ka nagtiis?"
"Tinatanong pa ba 'yan, Morgan? Alam mong mahal na mahal ko ang kapatid mo. Andoon ka no'ng unang araw na nagkagulo ang lahat. Ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Sinira ko ang pinagsamahan namin ni Rose, kaya't anong silbi para hindi ako magtiis."
"Pero nasasaktan ka—"
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, masasaktan ka rin dahil alam kong parehas lamang tayo ng gagawin, Morgan." Saad ko.
"Sino bang hindi nasasaktan sa pagmamahal?" Siring ko pa. "Kahit gaano pa ka-seryoso ang bawat isa sa isa't isa, ay hindi mo pa rin masasabing walang masasaktan, Morgan. Mahal ko si Mateo. Mahal na mahal ko ang kapatid mo, kahit puro sakit lang ang nagawa niyang iparamdam sa akin sa loob ng ilang buwan."
"Hindi man lang ako nagka-pamangkin sa inyo."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa biglaang salita ni Morgan o ano. Natigilan ako ngunit panay lamang ang pagtapik ko sa kaniya.
Maya-maya ay muli na namang dumaan si Lyden sa harapan namin. Iwas ang tingin nito at nang pabalik na siya ay agad siyang hinarangan ni Morgan gamit ang binti nito. Napaayos ako sa pagkaka-upo at salitan silang pinagmasdan.
"Problema mo?" Tanong ni Lyden sabay sipa sa binti ni Morgan na hindi naman nito ininda.
"Kasama ka pala namin, wala ka naman sa plano."
Ngumuso si Lyden sa kaniya. "Sino nagtanong?" Malditang litanya nito sabay hakbang kay Morgan na dinuro niya pa nang magtangka itong itaas ang sariling binti.
"Ang sungit no'n." Harap niya sa akin.
"Sa 'yo lang." Tipid kong saad na ikinakunot ng noo niya.
Wala sa plano si Lyden. May trabaho rin ito sa Pilipinas ngunit nang nagpapaalam na kami sa kaniya kanina ay agad itong nagmaka-awang isama siya. No'ng una ay panay ang tanggi ko, pero si dad na mismo ang nagsabing pabayaan ko na lang. Ang sabi naman ni Lyden ay tutulungan niya muna akong makapag-adjust kahit ilang araw lang. Tapos ay kusa na siyang babalik kapag nasiguro niyang maayos ako.
After all that happens, I'm still thankful that I have them on my side. Hindi ko alam kung paano ako babangon kung wala akong kaibigang katulad nila Lyden at Morgan.
Ilang oras rin ang naging byahe namin nang tuluyang makababa ang eroplano at makalabas kami ng Airport. Bagong kapaligiran at lamig ng panahon ang sumalubong sa amin. Agad kaming pinasakay ni Morgan sa limousine na pumarada sa aming harapan, at ilang biyahe lang ay pumarada kami sa pinakamataas na building.
Morgan already explained to me everything. Pagmamay-ari niya ito at sa akin niya muna ipagkakatiwala habang hindi pa nakakahanap si Sébastien ng bahay na puwede kong lipatan. Wala namang problema sa akin dahil atleast hindi ko na kailangan pang mamroblema para sa mga furniture and so on.
"Napakataas naman nang napili mong tirahan ng kaibigan ko, bakit dito? Sana sa Dubai mo na lang siya dinala o di kaya sa Paris, tapos itira mo siya sa tower, kulang pa ata ang taas ng unit na 'to para sa 'yo—"
"You're so loud again, woman. Bakit ba panay ang reklamo mo? Are you the one who's going to live here?" Baling ni Morgan kay Lyden na nakanguso na sa kaniya. "Hindi naman 'di ba? Kaya please lang, shut up."
Kumibot kibot ang bibig ni Lyden bago inirapan si Morgan na hindi naman makapaniwala sa inaasta niya.
"Shut up your face. Gusto ko magsalita eh, bakit ba?"
Napahilamos si Morgan sa kaniyang mukha at lumapit kay Lyden. Nanlaki naman ang mga mata nito at maging ang sa akin nang halos kagahibla na lamang ang distansiya ng mukha nila sa isa't isa.
"Keep your mouth shut or..." Morgan even moved closer until I could see how's Lyden eyes squinted. "I'll use my lips against you, Ms. Sungit."
Napailing ako sa itsura nilang dalawa at kaagad na tinungo si Mira sa kuwartong itinuro ni Morgan na para sa kaniya. Nasilayan ko siyang nakatanaw sa kaniyang veranda. Lumapit ako at gulat pa ang reaksyon niya ng umakbay ako.
"Ate Fayra." Mahinang saad niya.
Ngumiti ako. "Tutulungan kita mag-adjust dito Mira. Hindi ko kayang malayo ka sa akin, kaya't nandito ka kasama ko, pasensiya ka na ah kung mababago ang paligid mo. Kapag ayos na ang lahat, babalik rin tayo sa Pinas."
Napatango siya ng ilang beses bago yumakap sa akin.
"A-Ate, mas maganda ka pa rin po kaysa kanino. Sa labas at loob, maganda ka po. Balang araw ay makikita rin 'yon ni Kuya Mateo."
Hindi ako umimik. Wala ng balang araw, dahil matatapos na rin ang kasal na nag-uugnay sa aming dalawa.
Hindi ko naisip noon, kaya pala hindi kami sa Pilipinas nagpakasal dahil plano niya na akong hiwalayan. Madali nga namang mapawalang bisa ang kasal kung ang bansang pinagdausan namin no'n ay pabor sa hiwalayan.
"Ate Fayra, kung gusto mong umiyak, umiyak ka ah. Nandito lang ako para sa 'yo. Kahit wala akong masyadong alam sa nangyayari ngayon, ramdam kong nasasaktan ka, kaya nandito ako, sabihan mo lang ako Ate Fayra."
"Salamat, Mira. Salamat." Haplos ko sa kaniyang buhok at mahigpit siyang niyakap.
Kalaunan ay nagpaalam na akong lalabas muna para maasikaso sila Morgan. Sakto rin naman na mag-aayos rin siya ng mga gamit niya kaya't minabuti ko ng lumabas nang tuluyan.
Wala akong nadatnan na Morgan o Lyden sa sala. Bagkus ay si Sébastien ang sumalubong sa akin na may nababahalang ekspresyon.
"Hindi na ako magtatagal dito, hindi ko naabutan si Morgan kaya't sa 'yo na lamang ako magpapaalam. Kailangan kong umuwi ng Pinas kaagad, ikaw na sana ang bahalang magsabi kay Morgan, Fayra."
Napatango ako. "Ako na ang magsasabi. Mag-ingat ka." Habol ko pa habang tinatakbo niya ang pinto palabas.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ibinagsak ang sarili ko sa couch. Ipinikit ko ang mga mata ko at gano'n na lamang ang pagbabadya ng luha ko. Kusang lumalabs sa isip ko ang mga pangyayari. Parang kanina lang ay nasa opisina pa lamang kami ni Mateo, hanggang napunta sa condo ko at ngayon dito sa bansang ito. Ang bilis. Napakabilis na halos wala na akong maisip na desisyon para sa sarili ko.
Nagmulat ako at hinayaang dumaloy ang aking masaganang luha.
Kinapa ko ang dibdib ko at ilang beses na nakuyumos ko ang aking damit dahil sa pagna-nais kong pigilan ang namumuong sakit sa aking dibdib.
"P-Please ease my pain right now. I don't want to sleep again with a heavy heart. It's suffocating and uncomfortable to feel."
I let out a deep breath before letting myself enjoy my solitude.
"If we cross our paths the second time around, I hope I will turn the other side, so I won't be with you and live miserable... again."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top