Chapter 09
CHAPTER 09
Since the beginning, wala na akong ibang hiniling kung hindi ang magkaro'n ng maayos na pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Wala akong ibang hiling kung hindi ang maging masaya ngunit sa uri ng sistemang pinasok ko ay pambihira ang bagay na ninanais ko. It's as if I'm passing through a needle's eye. It's difficult. No matter how hard I try, every moment is difficult.
I always tell myself at night that I will fight my love for him. I'm here. I became his wife. Why would I not fight? My title was nonsense if I surrendered him to Rose. But when this happened, I don't know anymore. I thought, I can do this 'til the end. But I'm just a person . . . a person who also knows how to get tired.
Para akong natauhan dahil lang sa pangyayaring 'yon kanina. Naaawa ako sa sarili ko. Naaawa ako dahil kahit harap-harapan ang kabastusang 'yon, nagawa ko pa ring isama si Mateo sa akin. Sa hindi ko rin malamang dahilan, sumama naman siya sa akin.
Ayaw ko nang mag-isip. I just want to spend the rest of my night with him. There will be no tomorrow for either of us; it is only tonight. Tonight, I'll pour all of my love and even myself into him, and then I'll lock all of my problems inside this unit. Dito ko ibabaon lahat sa limot. Dito sa lugar na ito kung saan una at huli kong naramdaman ang pag-aaruga niya, kahit pa nga ang tingin niya noon sa akin ay isa lang ring kaibigan dahil kaibigan ako ni Rose.
That night, he was so nice. A gentleman who always asks if I'm okay. That scene remained vivid in my mind. He was with me on that day. He stroked my hair, fed me, and gave me medicine so that I could recover. Rose, I know, just begged him to look into my situation because she, like Lyden, is unable to go to my condo. They were both preoccupied with their respective tasks, and there he was, free at the time. Even though I know it was only because of Rose that he was able to come and take care of me, I am overjoyed. I didn't expect to be able to feel his tender care just because I had a fever.
Alam kong mali. Ngunit sino ba naman ako para hadlangan ang tibok ng puso ko? Kung kaya ko lang turuan kung kanino dapat 'to tumibok ay gagawin ko, para lang hindi masira ang lahat. Ngunit hindi. Kahit pigilan ko noon mas lalo lamang lumalago ang pag-ibig ko sa kaniya.
When it comes to him, I'm like a drug addict. I've been looking for him ever since I felt him. I'm addicted, and I want to experience it again and again.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal ako sa 'yo. Kung noon lagi lamang akong natatawa tuwing sumasagi sa isip ko na hinihintay mo ako sa altar, ngayon naman ay panay ang iyak ko kasi naging totoo nga 'yon, hindi ko naman man lang naisip ang gusto kong maging kahinatnan." Napabuntong hininga ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Ang mga mata ko naman ay nakatanaw sa mga ilaw ng bawat building na maaaring makita mula dito sa veranda ng condo ko. "Ayaw kong maging makasarili, ayaw kong agawan si Rose. Pero nasasaktan ka lang naman sa kaniya noon dahil puro mga Vejar rin ang kaagaw mo sa kaniya," nilingon ko si Mateo, napalunok itong nagyuko habang tinatapik tapik ang hita niya ng kaniyang mga daliri. "Sumakto din na matagal na pa lang plano ng bawat pamilya na'tin ang kasal sa pagitan ng Vejar at iba ring mga pamilya. No'ng una, nag-isip pa ako, pero no'ng sumagi sa isip ko na matutupad ang hiling ko, hindi na ako nagdalawang isip na patulan ang offer ni Don Madeo na maging isang Vejar."
Muli akong tumigil. Tinatantsa ko kung may gusto ba siyang sabihin ngunit tahimik pa rin siya.
"Napakasaya ko. Walang katumbas ang kasiyahang ipinadama mo sa akin nang maging ikaw ay pumayag rin---"
"Hindi ako pumayag. Lolo block mailed me that time; that's why I was waiting for you at that altar. "
"Block mailing you by not giving your shares," I explained further. He didn't say anything. "I know. I know. Hindi naman nawala sa isipan ko 'yon, dahil lagi mong ipinapaalala sa akin." My voice broke, but I still managed to cross the line.
Humalukipkip ako at isinampa ang mga paa ko sa upang kinau-upuan ko. Yinakap ko ang mga binti ko at nagbaba ng tingin.
"I'm in my fantasies for us, Mateo. Until now, I'm still inside of it, but little by little, I'm destroying the unrealistic event that I want to happen. I just need more time to shatter it forever. Even my heart that only beats your name . . . " Napatingin ako sa kaniya at gano'n din siya sa akin. "I'm trying my best right now to stop my heart from beating to your name so I can easily let you go."
"Can you?"
I shook my head in response to his question. Kailan ba makakaya ng isang katulad ko ang magpakawala ng isang taong mahalaga sa buhay niya? Nang isang taong gusto niyang makasama hanggang dulo?
Ang dali ng tanong niya. Pero mahirap ang sagot na pakakawalan ko. Masakit sa akin, pero ito ang dapat.
"Hindi ko kaya. But I have to do it in order for you to be happy. For you to be free from the suffering this marriage puts you through. After all, this is all you wanted from the very beginning. I no longer want to be selfish, Mateo. Kasi ako lang rin ang masyadong nasasaktan."
"Can we talk about this?" He paused. "Like, not today."
I swiftly fixed my gaze on him. My forehead knitted. "There's no tomorrow. We should decide right now, Mateo. Time is running, my mind will also change in a minute. That's why I'm saying this for me to feel at ease at least."
Malamlam ang matang tumitig siya sa akin. Ang luha sa gilid ng aking mga mata ay handa nang kumawala, nagyuko ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi.
"Do you really want to end this?"
"You kept on questioning me. My decision was on your side, Mateo. Don't make it so hard for me."
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ilang beses na tumango.
"Fine. I'll send the document I've been working on a month ago. Once my secretary receives it, I'll give it to you. "
"What is it?"
"Do you want to know now? You can just read it when it's in your hand. "
"Just tell me."
"It's the annulment paper."
Natigilan ako. "You're ready." Malungkot kong sambit.
"Since day one."
I know. Sumagi na sa isip ko 'to. Pero hindi ko akalaing mangyayari talaga ngayon. Sabagay, kung ako rin ang nasa kalagayan niya, gagawin ko rin ito. Kung para sa kaligayahan ko ang hinahabol ko, gagawa rin ako ng paraan para matahak ang kaligayang 'yon.
"Can i wish from you, Mateo?" Pagsusubok ko.
"Don't wish the difficult one; I can't do it."
"Oh, don't mind it then."
"Speak to me, what is it?"
"Be with me for tonight." Walang pasimanong saad ko.
Nagsalubong ang kilay nito. Halatang hindi niya inaasahan ang naging sagot ko.
"I can't---"
"This would be my last day with you. Please do your role as my husband. Please act like one. Just please, "
"No, Fayra. I can't. I can't act like I'm into you. I don't want to be a fool."
Sinundan ko ng tingin si Mateo nang mapatayo ito at iwan ako dito sa veranda. My tears fell down as I bit my lower lip. This would be my last time with him. I'm willing to be fooled once more, for the last time.
Wala sa sariling napatayo ako at mabilis ring pumasok sa loob. Naabutan ko si Mateo na hinahanap ang phone niya at maya-maya ay naglakad na papalabas, ngunit naging mabilis ako.
"M-Mateo, ito lang ang gusto ko. After this, wala ka nang maririnig pa sa 'kin."
Nilingon niya ako. Matalim ang titig niya sa akin na halos ikalambot ng aking mga tuhod.
"Hindi ko masisikmura 'to, Fayra. I can't be with you, even just for tonight. As a matter of fact, Rose needs me right now. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa 'yo ngayon."
"She's with Morgan, Mateo. She's alright!" Padyak ko.
Mateo shook his head. "I saw Morgan's eyes earlier. He's mad, Fayra. You don't know him that much; you don't know what he could do when he's mad."
"Then what about me?" I stutter. "What about me, huh? Y-You fucking tortured my mind with that scenario. When your hand crossed Rose's exposed back, it felt like a knife in my chest. Mateo, you're mentally and emotionally depleting me. H-How about me naman, h-huh?"
Hindi siya nakasagot.
"Simple lang ang hinihingi ko sa 'yo, Mateo. G-Gusto ko lang naman mabura ang nakita ko kanina sa buong pagkatao ko. B-Bakit, ayaw mo akong pagbigyan?"
"Dahil hindi madali ang hinihingi mo---"
"Pero asawa mo ako, Mateo! Asawa mo ako! Asawa mo pa rin ako hangga't hindi pa ako pumipirma! I'm still your stupid wife!" Duro ko sa aking sarili. Lumapit ako sa kaniya. Dangan ang luha ng aking hinanakit, pighati, pagkasuklam at pangungulila.
"P-Pagbigyan mo naman ako, Mateo." Abot ko sa kaniyang kamay at marahang pinisil 'yon. "Kahit ngayon lang. Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang sakit dito," muwestra ko sa aking dibdib. "Gusto kong kalimutan ang lahat ng masasakit na alala maging dito," muwestra ko naman sa aking sintido. "M-Maawa ka sa 'kin, ayaw kong magdusa, dahil mahirap na. Hirap na hirap na ako."
Habang nakatingin sa kaniyang mga matang malalim ang pinapakahulugan habang nakamasid sa akin ay dahan dahan kong ibinaba ang aking sarili. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Napakasikip na ng aking dibdib. Ang mga luhang kumakawala sa aking dalawang mata ay mistulan ng bagong kulo dahil sa init na ipinapadama nito sa aking pisngi.
Ilang beses akong napasinghap nang sa wakas ay naabot ng magkabilang tuhod ko ang malamig na sahig. Kasabay din no'n ang pagsigaw ni Mateo sa aking pangalan na sinundan sa pagpilit niyang pagpapatayo sa akin.
"Fayra! Fuck this!"
Ilang beses akong napailing at inaalis ang isang kamay niyang pilit akong itinatayo.
"N-No. No! I-I'm begging, Mateo. I don't want my memory of you become so hateful. I loved you. I still do. Gusto kong mapalitan nang masayang alaala ang nakita ko kanina. That's scenario will hunt me forever! And I don't even fucking want it! Just please, with my knees bending down here, I'm begging you . . . Nagmamakaawa ako, Mateo. I-Iparamdam mo naman sa aking may asawa ako kahit ngayong gabi lang."
Nagpakababa na ako, hindi pa ba ito sapat? Nakaluhod na ako. Sobra sobra na ito, bakit ang tigas tigas pa din ng puso niya sa 'kin?
"P-Please." Ulit ko na halos pabulong na lang.
Mabigat na bumuntong hininga si Mateo. Muli niya akong pinilit itayo ngunit nagmatigas ako. Panay pa rin ang pag-iling ko sa kaniya hanggang siya na rin ang kusang sumuko. Hinablot niya ang kamay niya sa akin dahilan para mabitawan ko siya. Ngunit gayon na lamang ang aking pagsinghap dala nang pagkakagulat nang hatakin ako ni Mateo ng biglaan at sa isang iglap, sinalubong ako ng kaniyang labi.
Mapusok.
Mapusok ang kaniyang mga halik na iginagawad niya sa akin. Ramdam ko agad ang paghapdi ng aking pang-ibabang labi dahil sa kaniyang ginagawa. Ang kaniyang parehas na kamay ay nasa aking magkabilang pisngi, kontrol na kontrol niya ang gusto kong pag-iwas. Hindi nagtagal ay siya rin ang kusang bumitaw. Matalim ang mga titig niyang tiningnan ako, bago naglakad sabay kaladkad sa akin.
Katulad kanina ay hindi agad ako nakaimik. Dumagundong lamang ang kaba sa aking dibdib nang makapasok kami sa kuwarto at pabalang akong binitiwan.
"A-Anong ginagawa mo?" Utal kong tanong habang pinapanood siyang magtanggal ng kaniyang polo.
"You want this, right?" There was no emotion written on his face. It's just a dark aura that surrounds him, and that's giving me goosebumps. I've seen him get so mad, but this one's new. It's as if I'm speaking to the most cruel individual that has ever existed on this earth. "I'll give it to you, but after this. Get lost."
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top