Chapter 04
CHAPTER 04
"Hindi ka pa ba uuwi dito hija? Masyado nang sinosolo ng kalaguyo ng asawa mo ang dapat na sa iyo. Aba'y, Fayra. Umuwi ka na."
Napabuntong hininga ako sa naging salita ni Manang Celly. Halata sa boses niya ang matinding inis. Ngunit ano namang magagawa ko? Ni hindi ko pa nga alam kung handa na ba akong makaharap silang dalawa. Kakayanin ko ba? Nasapo ko ang noo ko. It's so hard to decide when I'm torn between all the choices.
"Antabayan niyo na lang ho ako mamaya, Manang. Uuwi ho ako." Lakas loob kong saad na ikinatuwa naman ni Manang Celly sa kabilang linya.
"Oh, siya sige. Ako nang bahala dito, tumawag ka kapag malapit ka na. Hindi ko kayang pakisamahan ang babaeng ito, kaya't mabuti talagang makauwi ka na."
Sandali pa kaming nagkausap ni Manang, pagkatapos ay ako na rin mismo ang nagbaba sa tawag. Nilingon ko si Lyden na nakamasid lang habang nagtitimpla ng kape namin. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa hapag.
Wala kaming kibuan. Hindi na rin ako nagtangka pa dahil dumating ang fiancé niya na ngayon ay nagluluto ng pang-umagahan naming tatlo. Mugto ang mata nilang parehas. Lalo na si Lyden. Kanina nang magkasalubong kami ay sinabi niyang hindi niya napigilang makipag-away sa karelasyon. Tumawag ito sa kaniya at panay ang hingi ng tawad ngunit mabilis yatang nagsarado ang isip ni Lyden.
Nang dumating si Zeus ay halos wala rin silang kibuan. Ako ang naiilang sa kanilang dalawa at nakakaramdam naman ng awa kay Zeus dahil kitang kita ko kung papaano niya sinusuyo si Lyden.
He might not be deserving for my best friend, but I applaud him for still being here and trying to fix everything.
Galit man ako sa kaniya dahil sa pagsisinungaling niya kay Lyden, hindi ko naman maitatanggi sa sarili ko na sa sunod sunod na dagok ng heartbreak kay Lyden this past few years, si Zeus naman ang pinaka-iba sa kanila. He's willing to make Lyden happy and to be herself; he accepts her flaws and loves her unconditionally. However, even though they cross every sea and scale every mountain of difficulties that might arise in their relationship, it is still unavoidable that the relationship you thought was perfect will have a flaw.
"Aalis na ako para naman makapag-usap kayo. Huwag maging tanga ha." Panlalaki ko ng mga mata at irap naman ang nakuha ko sa kaniya.
"Sabihin mo rin 'yan sa sarili mo, Fayra. Nang sa gano'n ay hindi ka na magmukhang kaawa-awa sa paningin ko."
Ngumisi ako at binalingan naman ang karelasyon niyang sumingit sa aming usapan.
"Aalis ka na? Malapit na maluto 'yong beacon, kumain ka muna bago ka umalis, Fayra. Delikado ka kapag hindi nakakakain ng umagahan 'di ba? Baka mamaya sa hospital ka namin makita."
"Ayos na, nakapag-kape naman na ako, Zeus. Asikasuhin mo na lang ang kaibigan ko." Tapik ko pa sa balikat niya, ngunit bago ako tuluyang makalabas ng pinto muli ko silang binalingan.
Lyden appears to be strong, but she, like me, is weak. She didn't appear to be affected, but her eyes said it all. I gave her a friendly smile before shifting my gaze to Zeus.
"Don't hurt my best friend again, Zeus." Natigilan siya sa narinig. Muli akong nagpatuloy kahit na naririnig din ako ni Lyden. "Stop hurting my best friend; if you can't handle the damage you've done to her, stay away and I'll fix her," I said threateningly.
"You're also broken," Zeus chuckled, "so how can you fix her?"
Napanganga ako sa kaniyang sagot. Maging si Lyden ay naiwan ring nakanganga. Sinubukan kong magsalita ngunit panay lamang ang galaw ng aking bibig ngunit wala namang gustong kumawalang litanya sa 'kin.
Siraulo. Siraulo talaga.
Nilingon ko si Lyden na magpahanggang ngayon ay gulat pa rin ang reaksyon sa narinig, wala sa sarili kong idinuro si Zeus habang ang mga mata'y palipat lipat sa kanilang dalawa.
"Hiwalayan mo na 'to." Aniya ko't, nagulantang siya lalo.
"Below the belt ang gusto mong mangyari, Fayra. Mauna ka munang humiwalay sa asawa mo bago mo pahiwalayin si Lyden sa akin." Nguso ni Zeus sabay tapik sa daliri kong nakaduro sa mukha niya.
"Then what are you trying to say here?"
Napailing siya at nagtaas ng dalawang kamay. "I know what I should do, Fayra. I don't want to hurt her either, so I've already made my decision. And it's just her and I to find it out. "
Natigilan ako sandali. Biglang gumaan ang pakiramdam ko na tuluyang iwanan muna silang dalawa. Nawala ang pag-aalala sa dibdib ko para sa matalik kong kaibigan, ngunit kung ano man sanang mahantungan ng kanilang pag-uusap, sana ay parehas nilang tanggap ang kanilang desisyon. Wala na akong hihilingin pa kung hindi ang maging masaya sila pareho, dahil kahit sinaktan ni Zeus ang kaibigan ko, andoon pa rin sa aking isipan na, naging kaibigan ko rin naman siya, mas ipinadama pa nga niya na kahit wala na si Rose sa amin, andoon naman siya para punan ang pagkakaibigang mayro'n kami noon.
I smiled again at him. "I understand. I'm going." Then I looked to Lyden. "Whatever happens, I'm just here. I'll never leave you behind."
Lyden gave me an unnecessarily long look before nodding and smiling dejectedly.
I sighed heavily as I turned my back. I'm hoping Lyden will be fine once they talk. I'm hoping Zeus can solve the problem he created. I just hope he didn't choose to leave Lyden. If that happens, history will repeat itself. At si Lyden na lamang at ang kaniyang sarili ang makakaayos sa kaniyang muli, andito na lang ako sa kaniyang tabi para sumuporta at maging tinaga-alalay niya.
Kasalukuyan akong bumabyahe pa-uwi sa bahay. Habang nagmamaneho ay kagat kagat ko ang aking daliri. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa maaari kong madatnan sa bahay. Anong ayos nilang dalawa ang bubulaga sa akin. Kung anong kilos ang ipapakita nila o kung anong salita ang maririnig ko sa bawat buka ng kanilang mga bibig, at anong kislap sa mga mata nila ang tuluyang makapagdadagdag sa durog kung puso.
Balita ko ngayon ay hindi pumasok sa opisina si Mateo. Nagsabi ito sa kaniyang sekretarya na hindi muna papasok ng halos dalawang linggo dahil may importante itong gagawin. Alam ko naman na mangyayari ito, dalawang linggo ring mawawala si Morgan, talagang susulitin nila iyon.
"Kung hindi ka naman ho tumawag kanina ay wala pa rin akong balak umuwi, manang." Sagot ko sa kaniyang tanong. Ngumiwi si Manang Celly at inabutan ako ng isang basong tubig na sinamahan pa ng bago niyang haing kakanin.
"Pasensiya ka na, Hija. Hindi ko lang talaga maatim na 'yang kalaguyo niya ang magdamag kong nakikita sa bawat sulok ng bahay. Ngayong oras lang ata ako nakahinga sa pagmumukha niya't isama mo na rin ang asawa mong maharot."
Natawa ako sa tinuran ni manang, napabaling naman ang tingin kay Mira na kakapasok lang sa kusina at kumaway sa akin.
"Nandito ka na pala Ate Fayra." Magiliw ang kaniyang tono sabay tabi sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at inabot ang regalo ko sa kaniya. Kahapon ko sana 'yon ibibigay dahil kaarawan niya, ngunit naglagi naman ako kay Lyden. Gulat ang rumehistro sa mukha ng bata habang sinisira ang pambalot sa regalo ko. Nakangiti ko siyang pinagmamasdan habang si manang naman ay panay ang daldal.
"Naku, Fayra. Bakit naman nag-abala ka pa? Hindi naman kailangan na bigyan mo pa siya ng regalo, tutal ay niregaluhan mo na siya matagal na simula ng kupkupin mo siya't iparamdam na pamilya rin siya sa 'yo---"
"Manang, hayaan mo na po. Bukal naman sa kalooban ko na regaluhan si Mira, isa pa, parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya, I always dreamed of having a little sister noon, at sa kaniya ko 'yon naramdaman, manang."
Mas lumawak ang aking pagkakangiti, maging si manang ay gano'n din. Nasa edad na sampong taon ata ako nang maisipan kong mag-request kay nila mommy na gusto ko ng kapatid. Babae man o lalaki ang ibigay ay lubos kong mamahalin, ngunit isang malungkot na balita ang ginawad ng doktor sa amin ng sabihin nitong malabo na para kay mommy ang magbuntis. May problema pala siya sa matres at isang himala na lang daw na isinilang ako. Lungkot ang namutawi sa akin, ngunit pinilit kong intindihin ang sitwasyon ni mommy. Maging siya rin naman kasi ay nalungkot sa balitang narinig. Ilang araw ring nagkulong si mommy sa kwarto, kaya naman kinalimutan ko na ang hiling ko't itinuon ang buong atensyon kay mommy.
Maraming taon ang lumipas nang matagpuan ko sa bahay ampunan si Mira. Nasa kolehiyo ako noon nang mapagpasyahan namin ni Lyden na mag-volunteer sa isang ampunan. Mom and dad decided to donate some gifts and funds sa bahay ampunan. Maraming bata ang natuwa, panay ang ngiti nila sa amin ngunit isang paslit ang umagaw sa aking atensyon.
Tahimik siyang nasa gilid at nakataman ang tingin sa bawat bata. Maliit ito, payat at may mga pasa sa braso't binti. Lumapit ako sa isang madre at tinanong kung sino ang bata, it's turned out na kakapasok pa lang niya sa ampunan, na-rescue ito sa kamay ng malupit niyang madrasta. I felt sorry for her at that time, kaya't wala sa sariling nakapagdesisyon akong kukunin ang bata. Na ngayon ay hindi ko naman pinagsisisihan. Kabilang kasi sa mabait na ito at masunurin pa, napakasipag niya rin sa pag-aaral. Nitong katatapos lang na grading nila ay siya ang may pinakamataas na grado. Nangunguna sa klase at pinabilib sila mom and dad, and of course, ako rin.
Wala naman akong hinihiling na kahit ano, pero ang batang ito, talagang pursigido siyang bigyan kami ng galak sa bawat akyat nila mommy sa entablado.
"Ang ganda naman nito, Ate Fayra. Mukhang mamahalin, sana hindi ka na po nag-abala." Pukaw sa akin ni Mira na nakatitig sa regalo ko.
Ngumiti ako at hinimas ang buhok niya.
"Hayaan mo na ako, minsan ko na nga lang naipapadama sa 'yo na may ate ka, kaya bumabawi ako. At isa pa, hindi ba't ika-labing anim na taon ng kaarawan mo kahapon?"
"Opo."
"Kaya ayan ang regalo ko sa 'yo. Bukas naman ay mamamasyal tayo kay nila sister, bibisita tayo at mangangamusta sa mga bagong dating doon. Gusto mo ba 'yon?"
Napatingin si Mira sa akin, nakangiting napatango.
"Maaga akong gigising bukas, Ate Fayra. Ako na rin ang magluluto ng almusal mo at ni Kuya Mateo." Galak niyang sabi sabay karipas ng takbo. Akmang pipigilan ko pa ito, ngunit huli na dahil nawala na siya sa aking paningin.
Nagkatinginan kami ni manang at sabay na napailing. "Mukhang walang almusal ang kabit ng asawa mo bukas, Fayra." Natatawang iling ni manang sabay talikod sa akin upang asikasuhin ang pananghalian.
Ako naman ay muling bumalik sa pagkain ko't panay ang tapik sa lamesa nang mabosesan ko ang hindi ko inaasahang panauhin kailanman.
"Hon, nakikiliti ako, tumigil ka nga muna!" Pasigaw na suway nito ngunit sinundan ng malalanding hagikhik.
"Ang bango bango mo, talagang pinaghandaan mo ako ah."
Napaarko ang kilay ko sa narinig, tumayo ako at inilapag sa sink ang platong pinaglagyan ng pinagkainan ko. Isang makahulugang tingin naman ang iginawad ni manang sa akin bago ako tuluyang makalabas ng kusina.
"S-Stop, Mateo! Gosh, s-stop!" Halinghing pa na mas lalong nakapagpataas ng aking kilay.
Dirediretso akong lumiko sa pesteng pasikot sikot na bahay na ito, ngayon lang ako nainis sa bahay dahil sa pagkalaki laki nito, hindi ko man lang mabilisang masisilip kung ano ang nangyayari sa ibang pasilyo ng kabahayan.
"Kuya Mateo!"
Dinig kong sigaw ni Mira sa pangalan ng aking asawa. Sumakto din na nasa bakuna na ako ng sala at doon ko nakita ang nakapatong kong asawa sa dati kong kaibigan. Kapwa sila natigilan at napatingin kay Mira na nasa likod ng couch nakatayo kung saan sila naghaharutan. Sa puwesto ko naman ay walang nakakakita dahil madilim lamang ang ilaw dito.
"M-Mira." Utal na tawag ni Mateo sa pangalan niya.
Pumamaywang si Mira at nanlilisik na tumitig kay Rose na ngayon ay itinulak si Mateo paalis sa kaniya at umayos silang ng pagkakaupo. Si Mateo ay napatayo at nagkamot batok.
"Anong pong ginagawa niyo?" Sarkastikong tanong ni Mira. Natigilan ako sa akmang pagpapakita at nakinig na lamang.
"Bakit ka andito? Maaga pa ah, bakit naman ang aga mong magising?" Balik na tanong ni Mateo.
Napaamang si Mira at malawak na ngumiti.
"Hinihintay ko po kasi si Ate Fayra. 'Yong asawa mo po." Diin niya na ikinailing ko.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Go upstairs na, Mira. Ipapatawag na lang kita pag-nandito na ang ate mo."
Umiling naman si Mira. "Sagutin mo po muna ang tanong ko Kuya Mateo, ano pong ginagawa niyo? Bakit ganiyan po ikaw kung makangiti sa kaniya?" Duro nito kay Rose na ngayon ay nakanganga kay Mira. "Tapos kay Ate Fayra, lagi kang beast mode. Nangangabit ka po ba?"
Napakamot ako sa noo ko sa narinig. Gusto kong hilain si Mira para alisin sa paningin nila at pagsabihan ngunit hindi ako makakuha ng lakas. Para na akong natuod sa kinatayayuan ko.
"Mira, you're too young for this. Go upstairs and wait there." May inis na sa boses ni Mateo.
Tinitigan siya ni Mira at bahagyang ngumiwi. Muli itong bumaling kay Rose at umirap.
"Mas maganda pa rin po si Ate Fayra sa 'yo." Saad nito na mas lalo kong ikinailing.
Plastic na nagbigay ng ngiti si Rose kay Mira at tumayo.
"Sino ka bang bata ka? Bakit ba panay ang tanong mo't nangingialam ka?" Malditang tanong niya na agad na kinalabit ni Mateo.
"Don't mind her, Hon---"
"Don't mind her? Are you serious, Mateo? She's literally insulting me."
"Hindi po kita iniinsulto, nagsasabi lang po ako ng totoo. Hindi po ba kuya?"
Napalabi ako at handa nang lumabas ng lungga ko para alisin doon si Mira nang may humila naman sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang si manang iyon.
"Pabayaan mo't masampulan naman kahit papaano ang dalawang 'yan."
"Pero manang, hindi na po maganda na pumapatol siya sa mga matatanda."
"Pabayaan mo muna, tsaka mo na pagsabihan pagnasabi na niya ang mga gusto niyang sabihin. Sa isang araw na wala ka dito ay ako ang kinukulit ng batang 'yan, hayaan mong sumakit ang ulo ng dalawa sa kaniya."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni manang at muling sumilip sa sala. Hindi na maitsura ang mukha ni Rose habang si Mateo ay halatang naasar na kay Mira. Ngunit kilala ko ang side niya, kahit gaano siya kainis basta't bata ang kausap niya, nagpipigil pa rin siya. Kampante ako kay Mateo, ngunit kay Rose. Hindi.
"Maganda po si Ate Fayra, matalino, mayaman at higit sa lahat mabait. Tama po ako 'di ba, Kuya Mateo?" Panguuyam niya pa.
Napaupo si Mateo at hinilot ang kaniyang sintido.
"Bata---"
"Mira po ang pangalan ko." Putol nito kay Rose.
"Mira then." Madiing saad ni Rose. "Who are you anyways? Ngayon lang ata kita nakita."
"Alaga siya ni Fayra." Si Mateo ang sumagot.
"Eh bakit andito ka? Hindi ba dapat nandoon ka nakabuntot kay Fayra? Bakit nanggugulo ka sa amin?"
Umarko ang mga mata ni Mira at bumuntong hininga. "Asawa po kasi ni Ate Fayra si Kuya Mateo, at isa pa po, kagabi pa po ako nandito, hindi niyo lang po ako nakikita dahil busy kayong dalawa sa isa't isa." Walang prenong paliwanag nito sabay lingon kay Mateo. "Nasa kusina po si Ate Fayra, kung ayaw mo pong isumbong ko ang nakita ko kanina, puntahan mo po siya sa kusina."
"I can't believe this!" Rose hissed.
Tumayo si Mateo at hinagod hagod ang likod nito. Alam kong gusto niyang yakapin si Rose, ngunit ang masamang tingin ni Mira ang pumipigil sa kaniya.
"Ang arte mo po." Maya'y ani niya na naman.
"Mira, hindi na tama ang ginagawa mo." Si Mateo.
Nagyuko si Mira at nilaro-laro ang kaniyang daliri.
"Hindi rin naman po tama ang ginagawa niyo." Balik nito at bahagyang nagtaas ng tingin at muling yuko.
Napapikit si Mateo.
Si Mira naman ay ngumuso ng pagkahaba-haba.
"Masama pong mangabit, bakit niyo po ginagawa 'yon kay Ate Fayra?" Piyok nitong tanong. "Hindi naman po kapalit-palit si Ate Fayra, mas maganda po siya sa lahat, napakabait at higit sa lahat, perpektong asawa. Bakit hindi mo nakikita 'yon, Kuya Mateo? Alam mo bang madaming may gustong maging may bahay nila si Ate Fayra, kaso hindi lang sila makaporma dahil nanjaan ka na---"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong tumungo kay Mira nang hindi binabalingan ng tingin ang dalawa. Hinila ko si Mira palabas ng sala.
Panay ang agos ng luha nito habang mahigpit na kumakapit sa akin. Dumiretso kami sa kwarto niya at pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa mapupula niyang pisngi.
"Sa susunod ay huwag kang magsasalita ng gano'n sa kanila, maliwanag?" Pag-uumpisa ko.
"Sinasaktan ka po nila---"
"I know you know everything about me and Mateo, Mira. But promise me one thing... don't you ever again talk to them like that, understand? "
Hindi niya ako sinagot kaya naman napaupo ako sa lapag habang nakaangat ang paningin sa kaniya.
"May mga bagay na kumplikado Mira, at isa ang kasal namin doon. Bata ka pa para maintindihan ito, ang mga bagay na mapapansin mo lalo na sa kanila ay sana huwag mo na lamang pansinin. Hayaan mong ako at ang kuya mo ang umayos ng mga mali sa paningin mo, maliwanag?"
Tumango siya. "Pasensiya na Ate Fayra, ayaw ko lang kasing nasasaktan ka."
Isang payak na ngiti at marahang haplos ang iginawad ko kay Mira. "Thank you, Mira. Thank you para sa kanina, kahit papaano kasi ay natawa ako, pero sana huwag nang maulit."
Yumakap itong tumatango sa akin.
"Sorry po, hindi ko na po uulitin. Promise."
Sandali ko pang pinangaralan si Mira bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya at bumaba muli upang kuhanin ang phone kong naiwan sa kusina.
Natigilan lamang ako sa pagbaba nang sumalubong si Mateo sa akin at naniningkit ang mga mata.
"Where are you going?"
"Sa kusina." Tipid kong sagot.
"Don't. Don't go there."
Nangunot ang noo ko sa narinig. Humakbang ito ng ilang baitang bago muling huminto sa tapat ko.
"Nandoroon si Rose, baka magsabong na naman kayo---"
"Alam mo naman pala, bakit dinala mo pa siya dito?"
"Why wouldn't I? Bahay ko rin naman 'to."
"You're unbelievable." Hindi makapaniwalang aniya ko.
Ilang beses itong umiling, pagkatapos ay lumapit pa sa akin hanggang sa ipatong nito ang baba sa aking balikat. Nakaharap ang katawan namin sa isa't-isa, ngunit dahil sa posisyon namin ay hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha. Nakapamulsa ito habang nakapatong pa rin ang baba sa balikat ko, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga banda sa aking tainga.
"Put this on your head, Fayra. Rose wasn't just a visitor here; she's my girlfriend, so she also had the right to be here. This is also her home. What was mine was also hers. You should lecture Mira about how to be polite in front of her. I don't want Rose to be out of place in my own house."
Naikuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang sariling maitulak siya.
"Bakit hindi mo kaya turuan ang mga sarili niyong maghunos dili, Mateo? Bakit ang bata ang mag-a-adjust para sa inyo?"
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Mateo kasabay nang pag-ayos niya sa pagkakatayo. Nagtama ang aming paningin.
"Tuturuan mong galangin ni Mira si Rose o ibabahay ko si Rose sa ibang lugar at hindi kita uuwiin dito? Mamili ka, Fayra." Ngising saad niya bago ako tuluyang iniwang nakatunganga sa kawalan.
Para akong mawawala sa balanse ko sa narinig. Para bang handa handa siyang gawin 'yon kapag hindi ko siya sinunod. Napa-upo ako sa baitang ng hagdan kung saan ako nakatayo. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko kasabay ng pagragasa nang masagana kong luha.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top