PART TWO
She hadn’t meant to sleep, she was exhausted. Something worn her out. “Bampira!” unang sigaw na kumawala sa bibig ni Minerva. Kinapa ang bandang leeg, naalala ang nangyari kagabi. May kumagat sa kanya. Nasaan ba siya? Umaga na. Langit na ba? Isang kakaibang silid ang bumungad sa kanyang mga mata. Parang isang - Motel! Sliding glass window ang nasa harapan niya pero nagsisitaasang kahoy ang nasa labas ng bintana.
“Gising ka na pala, Minerva.” Walang pasintabi ang lalaking ito na pumasok sa kuwarto, nakilala niya ang mga mata nito at ang style ng maitim na buhok.
“Kilala mo ’ko? Teka saglit! Nasaan ba ako? Anong kailangan mo sa’kin?” sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil mukhang matutunaw siya sa mga titig nito na tila ba uhaw na uhaw sa kanyang dugo.
“Siyempre kilala kita. Halos tatlong daang taon ako naghanap sa’yo at sa wakas natagpuan na kita.”
“Anong pinagsasabi mo?”
Seryosong nakatingin pa rin sa kanya ng tuwid ang lalaki. “Ikaw ay ang reincarnation ng aking asawa.”
Isang malakas at nakakalokang tawa ang pinakawalan ni Minerva. “Nagbibiro ka ba? O sadyang may sayad iyang utak mo? Kailangan ko ng makauwi dahil hahanapin na ako ng mga magulang ko, baka sobrang nag-aalala na sila sa akin..” nagpanic bigla ang dalaga at sabay inayos ang sarili at tumayo mula sa kinauupuang malambot na higaan.
“Huwag mo silang alalahanin mayroon akong pinapunta sa bahay niyo para sila ay kausapin.”
“Sino ka ba? Ano ka ba?”
“I’m Damien and I’m a Vampire.”
“Okay, uuwi na ako dahil ako’y isang tao at hindi ako ang reincarnation ng asawa mo.”
“Ikaw. Sinabi niya sa aking ikaw ang matagal ko ng hinahanap.”
“Sino nagsabi?”
“That witch. Dinala niya ako rito.”
“Witch is witch. She’s deceiving you.”
“Of course you’d say that. You’re a manipulative just like before.” Namilog ang mga mata ni Minerva sa narinig.
“You need to let me go now. I’m not immortal. Sinasayang mo ang oras ko, Sunday na bukas marami pa akong report at paperworks na gagawin. Ako ay isang hamak na estudyante lamang kaya lubayan mo ako,” litanya ni Minerva.
“Puwede kitang turuan sa mga school works mo. Trust me, I lived 300 years so I took up different courses in different Universities,” walang emosyong saad ni Damien.
“Niyayabangan mo ba ako?” iritang tanong ni Minerva.
“Do I sounds mayabang to you? I can prove you. Just stay and talk with me a while longer, Minerva,” pakiusap nito. Kahit ayaw ng dalaga tanggapin sa sarili ay gusto niyang malaman ang katotohanan sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.
“Okay, I’ll stay. Pero gutom na ako,” nahihiyang sambit niya.
“Wait my Queen, I’ll get you foods.”
“Make sure it’s not a human or else we’re going to have a big problem here!”
“Wait for me.” Lumabas ng silid si Damien at naiwang tulala si Minerva. ‘Ano bang nangyayari? Totoo ba ang lahat ng ito? Suddenly, I encountered a vampire that I’ll never think it’s going to happen in my normal life!’
“Habang hindi pa huli ang lahat umalis ka na.” Halos mabali ang leeg niya sa mabilisan paglingon dahil sa gulat ng may magsalita sa likuran ni Minerva. Hindi naman bumukas ang dahon ng pinto. Paano napunta ang isa pang mapanganib na nilalang sa likuran niya.
“At sino ka naman?”
“I’m Kilian. Damien’s guard and savior.” Her face blushed. This man was handsome as sin while he is smiling and trying to seduce her. He is dangerous but sexy. Biglang may kung anong kumulo sa loob ng katawan niya, nag-init ang kaluluwa niya na parang sumingaw sa kanyang mukha, tila yata pulang-pula ito.
“So, bakit ka nandito at bakit mo ako pinapaalis?” naguguluhang tanong ng dalaga.
“Because, I don’t want to see him crying and wasting his strength and tears because of you again.” Matalim ang mga titig ni Kilian sa kanya na tila yata lulunukin siyang buhay ng isang ito.
“Pinagsasabi mo? Ako ’tong sinaktan niya kagabi! Kinagat niya ako, nabawasan ang dugo sa aking katawan!”
“So, ikaw pala ang dahilan kaya hindi siya nakauwi kagabi.”
“Pinagluluko mo ’ko? Sabi mo guard at savior ka niya pero bakit wala ka kagabi?”
“Ngayon pa lang mag-uumpisa ang trabaho ko dahil nasa panganib na naman ang buhay niya at ikaw ang dahilan. Kailangan ko siyang protektahan laban sa’yo.”
“Wow! Para mo na ring sinabi na isa akong mabangis na hayup! E’ kayo itong mga bampira. Kung makapagsalita ka diyan akala mo sa sarili mo anghel.”
“So, you’re going to kill me?” walang takot na tanong ng dalaga.
“Iyan ang orihinal na plano.”
“Kahit babae akong walang kalaban-laban? Mahina at walang armas. Papatayin mo ’ko?”
“Oo para kay Damien.”
“You hate girl, are you?”
“Yes, a whore especially.”
“You’re a gay?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top