Chapter Two
Jimin
I looked at the mirror for one last time, I smiled in satisfaction. Hinawi ko 'yung buhok ko at kininditan ang salamin, bago ako lumabas ng kwarto.
Nakarating ako sa lobby, binati ko 'yung guard na nakabantay bago ako lumabas ng building. Tinignan ko ang relo ko bago pumwesto, para mag abang ng Taxi. May huminto namang motorsiklo sa pwesto ko kaya umatras ako, sinamaan ko ng tingin 'yung driver, ang lawak ng kanto oh!, dito pa sa harapan ko nagdecide na maghintay.
Inalis niya ang helmet niya, shaking his head, para ayusin ang buhok niya. Na-surprse ako sa nakita ko, from being upset, gulat na lang 'yung nararamdaman ko, then he shifted his gaze at me. Napalunok ako sa titig niya, putangina, papaanong alam niya kung saan ako nakatira? Oh shoot, hinatid nga pala niya ako kagabi.
"Hi." Bati niya saakin habang nakangiti. I know I already said this and I'm going to say it again, he's a visual at hindi ko alam kung bakit inaaksaya niya 'yung oras saakin. Nagising ang ulirat ko nang makita kong lumawak ang ngiti niya, he's looking at me with amusement.
"H-hey," Nag-aalinlangan kong sagot sakanya.
Kinuha niya ang spare helmet niya at inabot saakin, tinignan ko ang helmet na hawak-hawak ko ngayon. Kumurap-kurap ako, I wasn't expecting this at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.
"Suotin mo na yan, male-late kana." Aniya habang nakangiti parin.
"Goodnight, Jimin."
"Free kaba bukas?"
"No, may work ako."
"Anong oras?"
"7 amㅡ wait why are you asking?"
Ngiti lang ang sinagot niya saakin. Napasapo ako ng noo ko, bakit kasi ang daldal ko kagabi? Hinigpitan ko ang hawak ko sa helmet.
"Jimin?" Tawag niya sa pangalan ko, napa-flinch ako dahil duon.
"Hop in." Utos niya.
Gusto kong i-reject itong offer niya, seriously but then, it was decided last night, boyfriend ko na siya and this is what boyfriends does. Bigla akong namula dahil duon. I don't even know anything about him but his name at ganun rin siya saakin yet this gorgeous man is my boyfriend now.
"I know you're smitten baby pero male-late kana." Pakiramdam ko biglang nag-init 'yung leeg ko paakyat sa pisngi ko, he called me, baby.
Ni hindi ko nga pinapayagan si Yoongi na tawagin ako ng ganun, kasi napaka-cringe, pero bakit? Bakit tila nagugustuhan ko 'yung endearment na 'yon ngayon? Is this because I said he has a good voice? Gago ka, Jimin!
He suddenly pulled my forearm, now I'm much closer than earlier bringing me back to reality. He motioned me to sit already, iniwas ko ang tingin ko at agad na isinuot ang helmet.
Umangkas na ako sa motorbike niya, "Humawak ka saakin." Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya, narinig kong tumawa siya kaya inalis ko agad ang mga kamay ko. Kinuha niya ang isang kamay ko and guide it to his hip, I swallowed.
"Humawak ka sa waist ko." Aniya, I blinked my eyes.
"O-okay lang, di na siguro kailangan." Bibigla niyang pinaandar ang motorbike kaya napayakap ako sakanya, saglit lang 'yon sapat lang para mapayakap ako.
Nakapikit ako habang ang pisngi ko ay naka-lean sa balikat niya, at ang bango niya. Shuta, ang bago niya talaga, hindi siya 'yung pabango na mahihilo ka, it's addicting.
"Ah, bago ko makalimutan, saan ka nga nagta-trabaho?" Jungkook asked me chuckling, siguro ay natatawa ito sa sarili niya dahil ihahatid niya ako pero hindi niya alam kung asaan.
Tila natauhan ako duon at inalis ang pagkaka-lean ko sakanya, pakiramdam ko ay sandali akong napahiya sa ginawa ko. Jungkook did not say anything about it, pero siguro ay naramdaman niya iyon.
"Jeon Real Estate Corporation." I heard him hummed in response. "Don't let go." He muttered under his breath at pinaandar ulit ang motorbike niya.
***
"Salamat." Sabi ko sakanya habang hindi makatingin sa mga mata niya. Kahit hindi ko siya nakikita pakiramdam ko ay nakangisi siya ngayon, binalewala ko 'yon tsaka binigay sakanya ang helmet niya ng sapilitan, tila nagulat din siya duon.
"Pwede mo bang tanggalin 'yung helmet sa ulo ko?" Inangat ko ang ulo ko, giving him a look. "Wala kabang mga kamay?" I snapped at him, napahiya naman agad ako dahil nakahawak ito ngayon sa helmet na binigay ko.
"Hawakan ko na 'yan." Sabi ko at aabutin sana 'yung helmet na binigay ko, inilayo niya saakin 'yon.
He faces me and duck his head, insisting na tanggalin ko 'yon para sakanya. I rolled my eyes tsaka tinanggal ang helmet niya. Ibinababa ko 'yun at tinignan siya ng di maganda, he smiled shuta, ang gwapo niya talaga. Sobrang bagay sakanya ang ngumiti, he only deserved good things, I don't think I could get this picture of out my head. He's undeniably attractive with those smilesㅡ napatigil ako sa pag-iisip when I felt a pair of lips on my cheek.
Pakiramdam ko ay nag-uusok ang ulo ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa sama ng loob o dahil sa hiya at sa nagugustuhan ko ang nangyari. He pulled away and I caught him, grinning. I have tons of thoughts circling inside my head, ipinasuot ko agad ang helmet sa ulo niya tsaka umatras at tumakbo palayo sakanya.
Dumeretso ako sa loob ng banyo. I looked at myself in the mirror, "You can't be serious, Jimin. Tangina, di ka easy to get!" Halos sigaw ko sa sarili, umiling-iling ako at napahinto ng napagdesisyunan kong tignan 'yung parte kung saan niya ako hinalikan.
"It wasn't even a day since you met, pero nagpahalik kana. Oh god, mali to diba? Diba, sa tuwing may nanliligaw, pinapatagal mo pa nga! Sinagot mo si Yoongi after 5 months, taposㅡ" Sinabunutan ko ang sarili ko, bewildered. "Si Jungkook na kagabi mo lang nakilala, naging instant boyfriend mo na, shuta, walang ligawan." I squat down and went back to the moment where it all started, it doesn't make sense, parang biro lang 'yung nangyari kagabi but the way Jungkook was acting like a good boyfriend here made it real.
"Pinaglalaruan ba ako ng hayop na 'yon?" I asked myself, "Gwapo siya, tangina, maraming naghahabol dun pero bakit ako?" Tanong ko ulit, dinuduro ang sarili ko.
Narinig kong may nagbukas ng banyo kaya agad akong napatayo. Lumabas narin ako pagkatapos at dumeretso sa office ko.
Tinignan ko 'yung boss ko na nakaupo sa mesa niya, at mukhang may malakeng problema.
"Oh, Jimin!" Seokjin called. "May meeting pala ako mamaya! May ip-present ako!" I stared at him with a judging look.
"I already told you, Seokjin-hyung." Sabi ko, sakanya.
"Nakalimutan ko, god, di ko nga nagawa yung ip-present ko, yung slides—" Buti na lang talaga kapatid niya ang CEO ng company na 'to, I sighed and walked towards my desk, dropping my hand bag.
"Nagawa ko na, taasan mo sahod ko ngayong buwan." I told him, smiling. He squealed at tumalon-talon sa tuwa.
Inabot ko ang USB at kinuha niya 'yon sa kamay ko, bumalik siya sa desk niya and plugged the USB into his laptop.
I'm not feeling well, wala kasi akong saktong tulog, not after what happened last night. I need coffee, tinignan ko ulit si Seokjin.
"Gusto mo coffee?" Tanong ko sakanya.
"Nah, I'm good."
"Sige, kukuha muna ako ng coffee." May bigla namang kumatok. Seokjin looked at me and shrugged, tumingin ako sa pintuan.
"Come in!" Sigaw ko at umupo ulit sa chair ko.
Bumukas ang pintuan at parang nawala 'yung kaluluwa ko sa katawan ko sa nakita ko. I stared at him bewildered, sinong nagpapasok dito?
"Jungkook?" I heard Seokjin called him, I turned around quickly. Magkakilala silang dalawa? I whimpered and cover my mouth.
"Good morning, Uncle—" Napatayo ako, slapping my hands against my desk, Uncle? Nakuha ko 'yung atensyon ni Jungkook kaya napatingin ulit ito saakin, he smiled, raising his hand, may dala-dala itong starbucks iced coffee.
"Hyung! It's Hyung! Please lang 'wag mo akong matawag tawag na Uncle!" He gave Seokjin a look at sinimangutan niya ito. "Tss, dramaqueen." He blurted, he gazes back at me and strolled to my table, smiling, sobrang bilis magbago ng expressions niya.
"Hey," Bati niya saakin ng makalapit ito, I nervously look at Seokjin and back at him.
"I figured na kailangan mo 'to, since pinuyat kita kagabi." He snickered tsaka inilapag 'yung iced coffee sa table.
"Teka, ano 'to?" Dinig kong sambit ni Seokjin tsaka kame nilapitan pareho.
"Hoy, Gguk, akala ko ba ayaw mo sakanya?" I looked at Jungkook suspiciously, bigla akong kinabahan sa narinig ko.
"I didn't say anything." He points out, eyes on me.
"Oh, so type mo nga? Tas ano 'to kayo na?" Jungkook looked away, he stared at Seokjin.
"Yeah." He answered proudly.
What the hell? Tinignan ko si Seokjin as if asking for answers, "Guys, what are you talking about?" Tanong ko.
"Diba sabi ko nireto kita sa pamangkin ko?" Tanong ni Seokjin saakin, tinuro ko agad si Jungkook, still digesting what he had said.
"S-siya? P-pamangkin mo?"
"Oh, so di mo alam?"
"I'll explain later, male-late na kasi ako sa first class ko." I shrieked.
"Klase?" Napatakip ulit ako ng bibig, I'm not dating a minor right? "I'm 23." He said annoyed as if alam niyang qinu-question ko kung ilang taon na ito.
"I'm in my last year in college too." He added, "Alis nako." He softly said tsaka hinawakan ang arm ko, squeezing it lightly.
"Kita tayo mamaya." Halos bulong niya at tila may biglang kumawala sa tiyan ko. Tinalikuran niya ako and bid Seokjin a goodbye.
I nervously look at Seokjin na ngayon ay nakaupo na sa pwesto niya, nginitian niya ako.
"Though it's sudden, I'm happy, you two look good together." I awkwardly smiled tsaka sumandal sa upuan ko, re-thinking, pagkatapos ay nagsalita ulit ako.
"Last year mo pa 'yun sinabi, di ba Hyung?"
"Hmm."
"Last year pa nga. Sa totoo lang, hindi ko naman sineryoso 'yung pagreto eh, since I heard he's only been with girls." I raises a brow.
"So, kilala na nga ako ng gago." I mumbled.
"I'm not sure," Kumunot-noo ako sa sinabi nito, "Unless he did a research about you. I remembered just showing a picture of you." He continued at humarap na sa laptop nito.
"Oh, so ibig sabihin, posibleng kagabi lang—" talaga yung first meeting namin, kagabi niya lang ako nakilala at kaya niya ako nilapitan kasi obviously natandaan niya na ako 'yung nireto ng tiyuhin niya.
"Kagabi lang? Ang alin?" Tinignan ko 'yung iced coffee, contemplating.
"Kagabi lang—" actually, kagabi lang kami nagkita't nagkakilala, tas nung gabing din 'yun naging kame, "Last night, was our first." I lied, para kasing nakakahiya kapag inamin ko 'yung totoo.
"Iba rin." Aniya sabay clap ng hands. "Pero di nga, kelan pa? Sigurado kaba na di mo alam na pamangkin ko 'yung dini-date mo?" Paano ko malalaman eh kagabi nga lang kami nagkakilala ng hayop na 'yon.
"He's a private person. N-ni hindi ko nga alam na nag-aaral pa 'yun eh." I said, tone small. Sobrang nagi-guilty na ako sa patong-patong kong kasinungalingan.
"Oh, I think I know why. Nasabi ko rin kasi sakanya na ayaw mo sa mas bata sa'yo pero sabi ko keri lang kasi naman nasa dugo talaga ng mga Jeon na magka gusto sa mga mas older sakanila."
Keri? Ako, hindi! Gusto ko 'yung mas older saakin, responsible enough, 'yung hindi na dapat gina-guide pa, gusto ko 'yung aggressive at dominant na lalake lalo na pagdating sa kama, 'yung tipong iru-ruined ka, ganun!
"Sabi ng sister in law ko, wild daw si Kuya sa kama, kamusta yung pamangkin ko?" Bumilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"B-bakit ko sasabihin?!" Tanong ko at ngayon ay nakatayo na't nakaharap sakanya, pulang-pula na siguro ang pisngi ko sa kahihiyan, bakit parang na hit niya 'yung iniisip ko, just now?
"How was it?" He asks again, 'yung mata niya ay nasa akin na nakatingin.
"Hyung, tahimik!"
"Sus, nahiya ka pa. Dinig na dinig ko ngang pinagod ka kagabi, eh." I pressed my eyes shut, kasi nga dinala ako ng gago kung saan-saan para humaba 'yung ride ko pauwi. I sigh heavily, calming myself.
"Hyung, 'yung meeting mo, mag p-present ka pa!" Excuse ko para tantanan na niya ako.
"Fine, pero ito tandaan mo, I'll ask you again." Threatened niya saakin. Napairap naman ako sa sinabi niya at padabog na umupo.
Umalis na rin siya pagkatapos dala-dala ang laptop niya. Tinignan ko 'yung iced coffee at tila nawala 'yung sama ng loob ko kanina and caught myself smiling.
Tangina talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top