Chapter Five

Jimin


Bumuntong hininga ako tsaka binuksan ang glassdoor. Nakita ko si Seokjin-hyung na nakaupo sakanyang desk.


"Good Morning." Bati ko. Tinignan ako ni Seokjin-hyung, tila nagulat sa pagpasok ko.

"Okay kana?"

"Huh? Di naman ako nagkasakit." Punto ko dito.

"Jungkook railed you, thought you won't get to walk for days." Bigla namang uminit 'yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Hyung! You know he is just fooling around!" Dipensa ko tsaka umupo sa chair at inilapag ang gamit ko sa mesa.

Fortunately, we're both busy. Hindi ito nagkaroon ng oras para i-tease ako. After the long ass paper works ay nakalabas na rin ako ng opisina. Nag-unat unat pa ako habang papalabas ng building.

Agad kong chineck 'yung phone ko kung may notification ba galing sakanya, wala naman. Mukhang busy siya at walang time para saakin, charot!


Nagpaalam siya saakin after niya akong ihatid na hindi niya ako masusundo, may tatapusin kasi silang— basta regarding sa School, nakalimutan ko kung ano. Pero sabi nga nila pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Charot, ulit!


May taxi naman, hindi ko dapat sinasanay 'yung sarili kong hinahatid at sundo, baka makalimutan kong dukha ako at hindi ko talaga driver si Jungkook.

Pumwesto na ako para mag antay ng taxi, may tumapik bigla saakin kaya napatingin ako dito.

"Oh, Wooshik, Hi!" Ngumiti siya saakin and waved his hand, siya nga pala si Wooshik ang secretary ng CEO namin at crush ko. Never ko inimagine na magiging boyfriend ko siya, tamang kilig lang at tamang inspirasyon lang sa work, ang cute niya kasi eh at sobrang effortless magpatawa.

I heard, crush din ako nito but never did act on it. Baka di talaga ako jowa material at hanggang crush lang talaga, katulad ng pagtingin ko sakanya.

"Uuwi kana?" Tanong niya saakin. Tumango ako.


Tinignan niya ang relo niya. "Baka gusto mo sabay na tayo mag dinner?" He asked me. Oh right, ot nga pala ako ngayon, sakto dinner time na rin.

"Sige, ba." Pagsang-ayon ko.


Sumakay ako sa kotse niya at pinaandar ito. Nag-uusap kame tungkol sa workload at mukhang parehas kami ng sentiment, perks of being secretary.


"I heard you got yourself a boyfriend." Biglang nag-iba ang topic naming dalawa. Bumilog naman ang mga mata ko, he's the secretary of the said man's father.


"Boyfriend ba kamo?" Kunwari ay wala akong alam sa sinasabi nito. Jungkook told me this was his first relationship with a guy, meaning, ineexpect ng family niya na straight siya but turns out he's not.


Paano kung putulan siya ng pamana at mawalan ako ng trabaho? O di kaya papipiliin siya, ako o 'yung pamilya niya. Sa dalawang possible scenario, parehong talo ako sa laban, same lang naman 'yung outcome 'nun ako parin 'yung mawawalan. Malamang di rin ako matutulungan ni Seokjin-hyung, kumakapit lang din 'yun sa Kuya niya, eh.


"May lalake kasing nagtanong sa lobby area, about you, may dala-dalang iced coffee, usap-usapan na boyfriend mo daw 'yun." Ang kalat naman ng mga marites, pota. Pero nice! Safe parin 'yung identity ni Jungkook.


"Hindi ko boyfriend 'yon. Kakilala lang, inutusan kong bilhan ako ng coffee, oo, ayun nga." I said convincing him. Tumango-tango naman siya, I'm sure if he's convince though.

"Ah, ganun ba." I nodded my head.

"So, you're single?" Tanong niya saakin.

"Uh, um— yeah, I am." Sagot ko naman, binalingan ko siya ng tingin, I looked at him half-lidded, suspicious.

"Teka nga, bakit interesado ka sa lovelife ko ha? Pati chismis tungkol saakin pinapatulan mo?" Intriga ko sakanya. Hindi siya sumagot, ngumiti lang siya.


"Ano yan? Bakit nakangiti?"

"Nandito na tayo." Basag niya, sumimangot naman ako.

***

"Thank you sa libre." Ngumiti lang siya saakin. He motioned to go inside my building.

"Ingat ka."


"Teka lang," Aniya, tinaasan ko siya ng kilay. Hinawakan niya ang braso ko at lumapit. Nagtataka akong nakatingin sakanya.


"Ano—"


Wooshik kissed me on my cheek. Umakyat ata 'yung dugo ko sa buong mukha ko. He pulled away smiling, I was in daze.

Pumasok na siya sa kotse niya habang ako ay naka-estatwa parin sa kinatatayuan ko. This is the first time he did actually do this, and I'm wondering what on earth pushed him to do this? Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi ko.


"He's so cute." I mumbled, umandar naman 'yung kotse. Tinignan ko ito habang papalayo. "Pero di parin kita jojowain, Choi Wooshik." Habol ko.


Pumasok na agad ako sa loob ang apartment ko. The smile never left my face, he never acted on his feelings though.


'Yung rumor lang pala ang makakapagpago sakanya.

I stripped off my clothes at pumasok sa shower room. It was a quick shower dahil nanlalamig ako. Nagbihis agad ako ng damit pangtulog at humiga na rin sa kama.


Kinuha ko 'yung phone, Wooshik even left a message for me. This guy, really. Bigla akong tumawa sa nangyayari.


From: Wooshik 🥰

have a good night :)

Rereplayan ko na sana ito nang biglang may tumawag, it was Jungkook. My eyes widened, I kind of forgot about his existence though. Binitawan ko ang phone ko, I dropped it on the bed. I pulled my hair, "Shuta." I mumbled. "Oh my god." Binaon ko ang mukha ko sa unan. Bakit ko nakalimutang taken na pala ako? Pakingshit!

y r u ignoring my calls?

answer it.


Umiling ako. "Hindi!" Kinuha ko ang phone ko at pinatayan ulit ito ng tawag. I turned off my phone.


"What should I do? Kapag nalaman niyang nagpahalik ako sa ibang lalake, ano na?" Tanong ko sa sarili ko. "I bet he won't care." I nodded to myself. "Pero, anong sasabihin saakin ng parents niya? Lalo na si Tito?" I asked myself.


"Sus, as if kilala ako 'non." Bumagsak ulit ang mukha ko, "Pero close sila ni Tito, sabi ni Wooshik parang anak na raw ang turing nito sakanya. Paano kung sinabi ni Wooshik na hinalikan niya ako?" Umiling ako.


"Hindi ko naman 'yun inexpect. Nagulat ako." But then looking back, nakita ako ni Wooshik na natuwa sa nangyari.


"Paano kung magkaroon ng confrontation at nalaman ni Tito na boyfriend ko 'yung anak niya. He'll connect the dots, and boom, now I'm the cheater who both played their feelings." Humiga ako ng maayos, hands over my stomach.


"I don't think we will break over this, di naman ganun ka-seryoso saakin si Jungkook, hindi 'yun masasaktan. Pero baka, mag break kami dahil pipiliin ko si Wooshik over him." Tumawa ako bigla sa pinag-iisip ko, syempre joke lang.


"Kung meron man akong pipiliin it will be Jungkook, that boy has a lot of money... and sweet." Bigla akong napangiti. Kahit sobrang bilis naging kame, sobrang alaga niya. Thinking about him now over how sweet and caring he is made me feel guilty over the fact that I ignored his calls.


I sighed at kinapa ang phone ko and eventually turned it on. 7 missed calls. Binitawan ko ulit ang phone ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.


***


Nagising ako sa malakas na katok ng pintuan ko. I was annoyed and checked on the time, wala pang 30 minutes simula nang makatulog ako, panira naman!


Binuksan ko ang pintuan, there I saw him. It was him.


"Mahirap bang sumagot ng tawag?" Tanong niya saakin at mukhang iritado. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at pumasok rin naman ito agad, umatras ako at siya na rin ang nagsara nito.


"Mamamatay kaba kapag hindi ko sinagot?" I asked, starting to get annoyed as well.


"What do you take me for? Look, I'm being serious here, can't you do the same? I don't play in relationships." Nagulat ako sa sinabi niya saakin, he's acting as if, we're in love relationship, ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa relasyon na meron kame. Sobrang random and I happened to be stuck in this so called relationship.


"Serious? Ikaw? It's not even a week, or you're just desperately want to get on my pants?"


"You're saying that as if di mo ibubuka 'yang legs mo the moment I ask for it." Jungkook said in a harsh tone, I looked at him in disbelief. I looked away embarrassed and pressed my lips in a tight line.


"I'm sorry," narinig ko itong humingi ng dispensa, there was paused. "Let's end it, kung di ka komportable. I was positive I can make you fall in no time, pero kung ayaw mo sa idea, it's better kung tigilan na lang natin." Tumingin ako dito, he looked apologetic.


"Gusto kita, dati pa, I may sound crazy, but the moment I saw that photo of yours, I can't get you out of my head. I was mesmerized and stuck, kaya di ko na pinalampas nung nakita kita. I guess, mali lang talaga na minadali ko lahat, naging makasarili ako. I'm sorry." My heart sunk. The idea of him stopping, I don't like it.


Natututunan naman talaga ang mag mahal diba? Kung talagang gusto niya ako, then I'll give this a shot, for real this time— I don't care what future holds, ayokong pagsisihan na pinakawalan ko ang isang tulad niya.


"Jungkook," Tawag ko sa pangalan niya, nakikita ko 'yung lungkot sa mga mata niya. I step forward, reached for him, "Don't end this, sorry na," Saad ko at niyakap ito.


"Sorry," Ulit ko, "Wag kana magalit, di ako sanay." Bulong ko, pressing my face against his shoulder.


Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa likuran ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top