One

IMPORTANT MESSAGE:

Kindly re-read the whole chapter dahil may ilang bagay po akong binago, especially towards the last part. Thank you.

══════ ♡♡♡ ══════

October 25, 2023

"Sinungaling," bulalas ni Serena matapos niyang basahin for the nth time ang mensahe ng kaniyang ex-boyfriend na si Miguel.

"I can't imagine life without you," umirap ito sa huling pagkakataon bago in-exit ang inbox at nagpatuloy sa pag-iimpake. "Can't imagine mo mukha mo," ulit pa niya habang nagngingitngit sa inis.

Alam niyang hindi na dapat siya naaapektuhan lalo na't pitong buwan buwan na rin naman simula nang makipaghiwalay ito sa dating kasintahan, ngunit bumalik ang lahat ng alaala nang may nag-tag sa kaniya sa wedding invitation ni Anna at Miguel. At kung hindi nga naman makapal ang mukha n'ya, eh, talagang nag-message pa ang mokong kay Serena upang kamustahin ito kaya nabasa niyang muli ang lahat ng old messages nito sa kaniya.

"Ano ba'ng inaakala n'ya? Na porke't hindi ako naghabol noon eh magiging super good friends na kami ngayon? Na sasabihin kong, 'eto, keri naman matapos mo akong iwanan at saktan? Bwisit talaga!" Litanya niya habang pinaggigigilan ang mga damit na itinutupi at ilalagay sana sa loob ng maletang nakapatong sa kaniyang kama.

"Tatlong taon, Miguel! Tatlong punyetang taon!" sambit pa niya sa kawalan habang nakatitig sa kaniyang mobile phone nasa kama at para bang si Miguel ang kausap nito. "Itinapon mo lahat ng iyon dahil ano? Dahil sa tawag ng laman?"

Halos itapon ni Serena ang kaniyang mga damit sa puntong iyon. Malakas ang pagpatak ng ulan mula sa labas ng kaniyang bintana at sigurado siyang mas malakas ang ulan sa Edinburgh pagdating niya roon. May seminar itong kailangang daluhan bago siya magtungo sa Pilipinas. She volunteered to be transferred to her home country for a year, tutal ay may sister company naman ang kanilang hospital doon.

Isa ito sa mga ayaw ni Miguel noong sila pa. Madalas na ipadala si Serena sa mga local and overseas conferences because of her qualifications. Nag-aaral rin ito ngayon upang maging isang Nurse Anesthetist ngunit palagi lamang siyang dine-demotivate ng dating kasintahan.

Bumalik lamang siya sa kaniyang ulirat nang mag-ring ang kaniyang mobile phone at nasilayan ang pangalan ni Arianne, ang kaniyang best friend. Mukhang alam na niya kung bakit kaya naman sinagot niya iyon. "Bes..."

"OH. MY. GOD!" iyon ang unang sambit ni Arianne pagkasagot ni Serena sa tawag niya. "Ang kapal talaga ng mukha ng Miguel na 'yan to even tag you on his wedding invitation with that... snake!!!" mahihimigan ng panggigigil at pagkainis ang boses nito at tila mas affected pa siya.

Napabuntong-hininga na lamang si Serena. Arianne has been her best friend since high school at alam nila ang kuwento ng isa't isa. Palagi silang nariyan upang magdamayan kahit milya-milya pa ang layo nila.

Arianne worked as a nurse in Canada ngunit mas pinili niyang mag-open ng kaniyang pastry shop sa Pilipinas nang makaipon ito. Ayon sa dalaga, nasa baking ang passion niya at kinuha niya lang ang nursing dahil sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang. "Napaka-walang hiya! Napaka-walang modo! Napaka... grrrrr," ngitngit nito habang minamasa ang dough.

Kahit paano ay natawa si Serena sa tinuran ng kaniyang best friend. "Bes, h'wag mong panggigilan 'yang kaawa-awang dough. Baka walang bumili, malugi ka pa." Tatawa-tawang sambit nito sa kaibigan at tila umalma naman ang isa.

Halos mag-a-alas dose na ng hatinggabi ngayon sa London at umaga naman ngayon sa Pilipinas. "Eh kasi naman, bes! Umagang-umaga, eh, 'yong wedding invitation nila ni Anna-conda ang makikita ko pagbukas ko ng Facebook," nai-imagine ni Serena ang pag-irap ni Arianne habang sinasabi iyon. "Oh, 'di ba? Bagay na bagay talaga sa kanya 'yong pangalan n'ya, eh! Anna as in Anna-conda! Ahassssss!!!"

Serena somehow felt at ease hearing her best friend's voice over the phone. She sat on her beige-carpeted floor while staring at bedroom windows. "Sa tingin mo, Bes, mangyayari ito kung hindi ko tinanggap ang Operating Nurse position last year?"

Natigil si Arianne sa kanyang ginagawa at sumeryoso ang boses, "Oo." Simpleng sagot niya kay Serena. "Bes, hindi naman 'yang trabaho mo ang problema, eh," dagdag pa nya. "Si Miguel ang problema at ang pagti-take advantage niya ng tiwalang ibinigay mo sa kaniya. Sa kanila ni Anna!"

"Mahal ko eh..." tanging sagot naman ni Serena.

"Oo nga, mahal mo..." pagputol ni Arianne sa sinabi nito at sigurado itong nagma-marcha na ito sa loob ng kaniyang kusina habang nagsasalita. "Pero hindi porke't mahal mo, eh, pagbibigyan mo na s'ya sa lahat ng kagustuhan niya habang nililimitahan niya naman ang pagkatao mo. Love is supposed to help you grow, not stop you from nurturing yourself to improve, 'di ba?"

Napakagat na lamang ng ibabang labi si Serena at pinakatitigan ang sarili sa kaniyang salamin. She was absorbing everything that Arianne was saying dahil tama naman ang kaniyang kaibigan. Ilang beses na siyang sinabihan na tila hindi maganda ang kutob niya kay Annaliz ngunit hindi ito nakinig dahil sa tiwalang hindi siya kayang lokohin ng kaniyang nobyo. Pero malupit talaga ang tadhana sa kaniya!

"At yung nag-dinner pa silang dalawa habang nasa seminar ka sa Paris? Grabeng fine dining nilang dalawa, ha! Samantalang ikaw... binilhan ka lang niya ng Jollibee, take out pa!" naiinis na dagdag pa ni Arianne habang iniisa-isa ang mga pangyayari kung kailan dapat sana ay nakitaan na niya ng isang pulang bandila si Miguel.

Nasapo lamang ni Serena ang kaniyang noo. It has been a year since she broke up with Miguel ngunit hindi pa rin siya tinatantanan ng lalaking 'yon! Talagang gumagawa ito ng paraan upang makuha ang atensyon niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Iniwasan ko ang magduda... ang maghinala..." she started while staring blankly into thin air. Arianne fell silent, alam niya kasing nasasaktan pa rin ang kaibigan niya. "...dahil alam kong hindi iyon maganda sa relasyon." Serena laughed bitterly. "Pero kita mo nga naman... sa sobrang tiwalang ibinigay ko, niloko at iniwan pa rin ako."

Halos isang minutong silensyo rin ang pinagsaluhan nilang dalawa bago binasag ni Arianne ang nakabibinging katahimikan. "On second thought... mas mabuti nang ngayon pa lang nalaman mo na ang kalokohan niya. Mas masakit kung umabot pa kayo sa altar!" Giit nito.

Serena reached for her passport and plane tickets. Pinakatitigan niya ang salitang Destination: Philippines at halos ayaw na niya itong bitiwan. Para bang nasa maliit na papel na iyon nakasalalay ang paghilom ng puso niya.

"Bes..."

Kung ano man ang nililitanya ni Arianne ay hindi na niya narinig pa ngunit alam niyang nakuha nito ang atensyon ng kaniyang matalik na kaibigan.

"Yes, Bes? Do you need me there?"

Ito ang gusto niya sa best friend niya. Alam niyang kahit ano'ng mangyayari ay nandyan siya para sa kaniya. She smiled as if Arianne's in front of her. "See you soon!"

══════ ♡♡♡ ══════

November 15, 2023

Mabilis lumipas ang mga araw. Tinapos lamang ni Serena ang mag-endorse ng kaniyang mga pasyente sa nurse na papalit sa kaniya at ngayon nga'y lulan na siya ng eroplanong magdadala sa kaniya sa kaniyang bansang sinilangan. Walong taon na rin ang nakalipas simula nang masilayan niya ang Pilipinas at sigurado siyang marami nang nagbago rito.

Sinundo siya ni Arianne sa airport at tinulungan siyang magdala ng kagamitan sa isang hotel na pansamantala niyang tutuluyan. Hindi pa kasi naaayos ang main door ng condominium kung saan siya dapat tutuloy at ayaw niyang makisiksik sa kaniyang best friend dahil ayon sa kaniya, she needs space.

Inilapag ni Arianne ang isang spare key ng kaniyang sariling condominium. "In case magbago ang isip mo at kailangan mo ng ka-Marites o isang taong lalaitin ang ex jowa mong walking red flag!" at kumindat ito sa kaibigan.

Parehong natawa ang dalawa sa huling inasta ni Arianne. "Oo na! Sige na, lumayas ka na at baka mag-cancel pa 'yong nag-order ng cookies mo."

Hindi na rin nagtagal si Arianne at umalis na rin ito. She made sure that her best friend is comfortable dahil ito ang unang beses na umuwi ito and Serena is more than grateful. Nagpahinga lamang ito dahil ramdam niya ang pagod ng mahaba nitong flight.

Dalawang araw ang lumipas at nagtungo ito sa Green Care Medical Center, ang sister company ng hospital na pinagtatrabahuan niya sa London. Dito siya nagpa-transfer pansamantala.

"We are so pleased to have you, Ms. Cardenas." Nakangiting kinamayan siya ni Dr. Chan, ang Medical Director dito sa Pilipinas, matapos ang kanilang official meet and greet. "We will see you on Monday at the O.R. as endorsed by Dr. Evans."

Ngumiti si Serena sa sinabi ni Dr. Chan. Nabigyan naman na siya ng briefing na parte ito ng kaniyang practicum as an incoming Nurse Anesthetist ng kanilang hospital. She is thrilled to start anew and far from the stress of her ex's presence.

She is currently with Dra. Hannah Montesilva, isa sa mga resident doctors nila. Ipinapasyal siya sa iba't ibang wards ng hospital hanggang sa nakarating sila sa Emergency Ward kung saan samu't saring medical cases ang bumungad sa kanila. Ang iba ay minor lamang habang ang iba naman ay kailangan na ng immediate attention.

Isang umaalingawngaw na sirena ng ambulansya ang maririnig sa 'di kalayuan. Ibinaba ng mga responders ang isang pasyente na may head injury, severe cuts on his right hand that may require medical stitches, at ilang facial lacerations. Kaagad na lumapit si Dra. Montesilva sa biktima, gayon din si Serena. Kumuha ito ng lab gown na nakapatong sa information desk maging ng clinical gloves at face mask. Understaff ang E.R. ngayon dahil sa dami ng pasyente at nais niyang tumulong.

"We need to provide immediate fracture care to the patient." Utos ni Dra. Montesilva habang ipinupunta ang pasyente sa isang sulok ng Emergency Room. Kinuha ni Serena ang mga kagamitan upang linisin ang sugat ng pasyente habang ang iba naman ay inihanda ang cast para sa fracture ng lalaki.

Kasalukuyan niyang nililinisan ang sugat ng walang malay na pasyente nang magsimulang magsalita ang isa sa mga Medical Responders. "The patient was thrown violently to a nearby pole when the gas tank exploded due to leakage."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Serena sa mga sandaling iyon habang nakatitig siya sa binatang nagsalita. The lower half of his face is covered with a face mask, but she can't be mistaken. She knows that voice damn well.

'No.'

"He experienced difficulty breathing and a loss of consciousness." Pagtutuloy ng binata sa kaniyang salaysay.

'Fucking.'

"There was also a sign of cold, clammy skin, and weak pulse."

'Way!'

This time, sinalubong ng binata ang mga tingin niya at para bang nakikilala rin siya nito. Napalunok si Serena at kaagad na bumalik sa paglilinis ng sugat ng pasyente. Hindi rin nakaligtas sa pandinig niya ang pagtatanong ng binatang 'yon tungkol sa kaniya.

"Oh, she's the nurse from our U.K. hospital." Nakangiting sinagot ni Dra. Montesilva ang tanong nito. "She's..."

"Serena?" pagtatapos ng binata.

Natigilan pansamantala si Dra. Montesilva sa kaniyang ginagawa at tiningnan ang dalawang magkatapat. "Henry, you know her?" her curiosity piqued. "D-Do you know each other?" mapang-asar niyang tanong sa dalawa.

'Yes,' sagot ng utak ni Serena sa mga sandaling iyon. 'Henry Sevilla is my ex back in college.' Dagdag pa nito ngunit hindi niya naisatinig. She met Henry's bewildered eyes.

Ibinaba ni Henry ang kaniyang face mask at nginitian si Serena. He has stubbles on his face, which make him look more manly. "We're..."

"...college friends!" Mabilis na pagpuputol ni Serena sa kung ano man ang sasabihin ni Heny sa mga sandaling iyon. Nilingon niya si Dra. Montesilva na ngayon ay tapos na sa kaniyang patient care, ang ngiti niya'y mapang-asar at tila sinasabi sa kaniyang she smells something fishy.

"Y-Yeah... college friends." Pagbibigay-diin ni Henry sa huling salita.

"Great!" Tanging sambit na lamang ni Dra. Montesilva. "In that case, hindi kayo mahihirapang magsama sa O.R. next week since pareho kayong mag-a-assist sa operasyong pangungunahan ni Dr. Chan."

Nanlaki ang mga mata ni Serena sa narinig at sinundan ng tingin ang doktorang papaalis na sa E.R. habang nakipagpalitan siya ng tingin kay Henry. The lad doesn't seem to mind. In fact, he seems delighted by the news.

'Great! Umalis ako ng London para iwasan ang ex ko ngunit pagbalik ko naman dito sa Pilipinas ay makakatrabaho ko naman ang isa pang ex ko!' untag ng utak ni Serena nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. 'Math problem na ba ang buhay ko wherein I have to find the value of ex?'

‎══════ ♡♡♡ ‎══════

#SecondChances | End of Chapter 01.

Slow updates po muna dahil tinatapos ko ang isa kong on-going story.

Kindly click the star⭐️ if you liked this chapter and/or leave me a comment💬 to let me know what you think. See you next chapter! 💖

Aldub you.

Second Chances © by Wintermoonie
Written on: Sept. 20, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top