Introduction

A MUST READ AUTHOR'S NOTE:

Hello! 🥰

Nais ko pong ipaalam na magkakaroon ng minor changes ang story na 'to dahil nawala ko po ang original draft ko at hindi ko na maalala ang ilan sa mga naisulat ko. 🥲 Aayusin ko rin ang timeline maging ang POV ng mga characters para mas maayos ang execution ng story. Idaragdag ko rin itong Introduction para magkaroon kayo ng idea kung paano nasaktan ang ating bida. May ending na po itong nakahanda at ngayon ay kasalukuyan kong ine-edit ang mga chapters.

══════ ♡♡♡ ══════

October 30, 2022

Masayang naglalakad si Serena Cardenas palabas ng Green Care Medical Centre kung saan siya nagtatrabaho bilang isang nurse. Patungo ito sa kaniyang kotse. Katatapos lamang ng kaniyang twelve-hour shift at nais niyang sorpresahin ang kaniyang kasintahan para sa kanilang ikatlong anibersaryo.

She was about to make a turn on the street heading home when she saw Miguel's car parked at a local pastry shop. Napangiti ito sa isipin na baka bibilhan siya ng kaniyang kasintahan ng cake ngunit ang ngiting iyon ay napalitan kaagad ng isang guhit nang masaksihan ang kunot-noong mukha ng binata. She parked her car on the corner. Napatigil ito sa kaniyang paghakbang nang makita nito ang pagsunod ni Anna, ang best friend ni Miguel.

Napako ang tingin niya sa maliit na umbok na tiyan ni Anna at nakaramdam ito ng kakaibang kutob. She decided to hide herself in the corner, close enough to hear their conversation. "Miguel, 'wag ka namang maging unfair!" Umiiyak si Anna, tila nagsusumamo sa binata. "Pareho nating ginawa ang batang ito behind Serena's back dahil sabi mo nga, she can't fulfil your needs!"

Parang sinasakal si Serena sa mga sandaling iyon matapos marinig ang litanyang binitiwan ni Anna. She decided to walk away and the last thing she heard was Miguel screaming back at Anna, "Hindi ko puwedeng akuin ang batang 'yan! Makakasira 'yan sa imahe ko and Serena's my only ticket to get the promotion I want!"

Everything else was mumbled in her ears. She badly wants to go home and shut herself off from Miguel. She felt betrayed, and her dreams were fading into thin air. 'Paano niya nagawa sa 'kin 'to?' ang tanging tanong na nasa isipan ng dalaga sa mga panahong iyon. It's true that she was not able to fulfil her boyfriend's sexual needs lalo na't nangako ito sa sarili na ibibigay lamang niya ang kaniyang pagkababae sa lalaking ihaharap siya sa altar.

Miguel vowed to wait until Serena's ready. He even proclaimed that she sees her as the mother of his future children. 'Nasaan na ang mga pangakong iyon, Miguel? Bakit mo ako niloko? Bakit mo nagawa sa akin 'to?'

══════ ♡♡♡ ══════

Kindly click the star⭐️ if you liked this chapter and/or leave me a comment💬 to let me know what you think. See you next chapter! 💖

Aldub you.

Second Chances © by Wintermoonie

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top