Pakikisama

*****

Iyon ang unang tagpo naming dalawa, hindi ko masyadong naaninag ang kanyang kabuuan subalit alam kong siya ang gumagawa ng mga kakaibang bagay sa aking buhay. Nagtataka man kung sino siya, ngunit dama ng puso ko ang gaan ng pakiramdam. Na para bang idinuduyan niya ako sa hangin ng dahan-dahan. Simula noon, araw-araw ko na siyang hinahanap, gusto ko ulit mamasdan ang mukha niya at maitanong kung bakit siya nagpapakita sa akin. Hindi man nawala ang takot ko sa tuwing magpaparamdam siya sa akin, subalit gusto ko parin siyang mamasdan. Sa lahat ng lakad ko ay dama kong nandoon siya, dahil dama ko ang haplos niya tulad ng malamig na hangin na humahampas sa aking katawan. Sa tuwing pupunta ako sa dalampasigan ng mag-isa, kitang-kita ko ang bakas ng kanyang mga paa na nakabaon sa buhangin. Kinakausap ko siya kahit wala ni isang sagot ang aking naririnig. Maging sa panahon na hirap akong makatulog, damang-dama ko ang kanyang presensya sa aking likuran. Lahat ng mga bagay na sadyang makabuluhan sa aking buhay, patuloy niya itong pinapakita sa akin. Nagiging maligaya ang araw-araw na aking paggising at panatag ang aking loob sa tuwing ako'y magpapahinga dahil pinupuno niya kung ano ang kulang sa aking sarili na hindi kayang ibigay ng kahit sino pa man. Hindi ko alam kung bakit, gusto kong itanong sa kanya kung bakit subalit nananatiling lihim ang lahat ng kasagutan sa marami kong katanungan.

*****





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top