Chapter 1

Maggie's P.O.V

3years ago I fell in love with a guy, I gave all the love but in the end he broke my heart. Chaar,ako lang pala yung na inlove sakanya kasi ako lang yung nagmahal ng tudong-tudo. While him,girls here,girls there. Ganyan yung crush ko ,in short he is a playboy. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya nagustuhan basta dumating na lang yung time na tumibok yung puso ko sakanya.

Naglalakad na ako sa corridor ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Maggie,hintayin mo ko!"  Sigaw ng best friend ko tsaka niya ako inakbayan. "Saan kaba galing at hingal na hingal ka dzae?!" (Dzae or dai) Saway ko sakanya at pawis na pawis talaga tong kaibigan ko parang ang layo ng tinakbo niya hahaha

"Nag text ang mommy mo pinapasabi ni tita maaga ka uuwi ngayon." Pagtataka ko sa sinabi niya. "Bakit raw?" Humigop muna siya ng maraming hangin para makapagsalita ng maayos. " May bumalik na daw galing ibang bansa, Basta umuwi ka 5 pm sharp " tumango nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na maglakad papunta sa next class ko.

"Diba si josh yun?" Turo ni kurtney kung saan nakatayo si josh ang ex crush ko. Hindi parin siya nagbabago at kahit kailan Hindi magbabago ang isang playboy. "Once a playboy always a playboy,tsk!"  Yan nalang nasabi ko tsaka pumasok na sa room at umupo sa harapan ng teacher desk."dzae, may extra ball pen ka?"  Pagtatanong ni kurtney sakin at alam ko na to manghihiram siya.

Inabot ko yung isang ball pen ko sakanya"Nakalimutan ko kasi yung ball pen sa kwarto,he he. Thank you talaga dzae." Pagpapalusot niya,hays. Tsaka bumalik na siya sa upuan niya.

Pagkarating ng teacher namin na si Ms. Domingo ang matandang dalaga sa lahat ng guro dito sa university , bumalik na sila sa upuan at nagsimula na mag discuss si Ms.Domingo.

Makapalipas ang mga ilang oras,tapos na kami sa last subject namin at dumiretso na ako sa gate para makaabang ng taxi.

Sino kaya yung sinasabi ni kurtney at kailangan talaga Kay Kurtney pa tumawag si mommy at Hindi sakin?

Baka kamag-anak lang namin? Ayan tuloy tinatanong ko na rin sarili ko.

Antagal naman ng mga taxi 10mins na ako naghihintay dito malapit na mag 5pm ,kung kailan ako nagmamadali saka walang taxi na dumadaan. KAINIS!!!

"Maggie,may sundo kaba?" Pagtatanong ni kurtney sakin na agad nalang susulpot sa harapan ko."Wala,magtataxi lang ako ngayon. Ikaw ba?" Pagtatanong ko sakanya tila may kakaiba sakanya ang saya Niya kasi. "Susunduin ako ni Samuel may usapan kasi kami na magde-date kami ngayon" masaya niyang pagkasabi na kinikilig pa siya.
"Ah,ganun ba? So kailangan pa kitang i-cheer para sa halikan niyo mamaya?" Pagbibiro ko na pagkasabi sakanya kaya siya nahihiya ngayon.

"Maggie naman,eh! Wag ka ngang ganyan. Kasalan ko ba na Hindi siya marunong humalik?!" Tawanan na lang ang nagawa namin habang hinihintay niya si samuel habang ako nagaabang na may taxi na masasakyan.

Wala pang 5 minutes dumating na si Samuel ang boyfriend ng best friend ko kaya nagpaalam na sila na mauuna na sila sakin.

Pag minamalas nga naman talaga?

May isang kotse ang tumambad sa harapan ko. Na Pulang kotse at parang kababago lang bili ng may-ari neto. At may isang lalaking lumabas sa sasakyan na hindi ko namumukhaan.

"Maggie Dela Vega?" Unang salitang binigkas Niya kaya subrang gulat na lang sa lalaking to. "Ako nga,bakit?" Sabi ko. "Pinapasundo ka ng mommy mo." Sabi Niya tsaka nilahadan Niya ako na pumasok sa sasakyan niya. "At sino ka Naman,aber?!" Pagtatanong ko,baka kidnapper to.

Sa gwapo niya magiging kidnapper siya? Wow! Baka naman rapist to? Rape-in lang ako neto. Huhuhu may pangarap pa ako.

"Imbis na magisip ka ng kung ano-ano diyan pumasok kana sa sasakyan para makauwi na tayo." TAYO? Ibig niyang sabihin alam Niya talaga address ng bahay ko,pero walang kami."Magta-taxi na lang ako!"pagmamatigas ko."Kahit kelan ang kulit mo parin taba!" WOW!Sino ba'to? Para tawagin akong mataba. Ni Hindi ko nga siya kilala. "HOW DARE YOU NA TAWAGIN MO AKONG MATABA,AH?!"Gigil na ako sa lalaking to ,hawakan niyo ko.


Author's note:
Keep on reading  mga dzae/dzong ,sana magustuhan niyo story ko 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: