CHAPTER 8: CURSED FAMILY
CHAPTER 8: CURSED FAMILY
Erie's POV
"Successful ang first day ng cafe. Ubos lahat ng hinandan natin. Good job," nakangiting sabi ni Zeque.
"Yes!" sigaw nila. Umupo na lang ako dahil sa pagod. Hindi ko akalain na ganun karami ang costumer nila kahit na unang araw pa lang.
"Erie, sa bahay na kayo magdinner," yaya sa akin ni Zeque.
"Okay," sagot ko dahil tinatamad na din ako magluto ng hapunan. Gusto ko na matulog.
Sinara nila ang cafe at sabay-sabay kaming umalis.
"Magkakasama ba kayong lahat sa isang bahay?" tanong ko.
"No. Sila Henry umuuwi sa kanila," tugon ni Zeque.
"Hindi kami pwedeng manatili dito dahil kailangan din kami sa palasyo," paliwanag ni Henry nang tumingin ako sa kanya.
"Palasyo? Prinsepe ka?" gulat na tanong. Ningitian niya ako saka tumango.
"Hindi lang siya yung prinsepe. Sila Gin, apo ng Hari ng Terrain. Sina Thea, Kayden at Kaycie naman ay isang Royal Blood Elementalist. Anak sila ng mga hari at reyna sa kingdom nila. Kung hindi din ako nagkakamali may dugong Royal Blood Elementalist din ang pamilya nila Sir Liam." paliwanag ni Adrian.
"Halos lahat pala kayo may mga prinsepe at prinsesa," sabi ko.
"Hindi niyo nabanggit yung tungkol sa Legendary Elementalist. Isang prinsepe ng Bizarre si Zeque. Kung hindi lang siya naging immortal baka kilala na siyang hari," sambit ni Jiro.
"Oo nga no? Kaya gumamit ni Zeque ng lahat ng element. Ibig sabihin isa siyang Legendary Elementalist," sabi ni Adrian.
"Wait! Ibig sabihin may dugo din ng isang Legendary Elementalist sila Athena. Kung titignan sila Athena yung new generation ng pamilya nila Zeque," sabat ni Tyler.
"Yeah. Makikita mo naman sa magkakapatid na nasa bloodline nila ang pagkakaroon ng Royal Blood. Pero mas nakikilala sila pagiging cursed family," tugon ni Zeque.
"Cursed Family?" tanong ko.
"Nasa bloodline nila ang mga kauna-unahang lumabag sa batas ng Outlandish na bawal magmahal sa hindi kauri. Nung nakita ko ang magkakapatid doon ko lang mas naunahan kung bakit pinagbabawal nila yun noon. Mas posibilidad kasi na makalikha sila ng makapangyarihan na nilalang. Halimbawa na lang kaming mga pinanganak na Eternal Child. Iba ang dugo namin kumpara sa nga normal. Sila Hades at Kura, iba din ang sitwasyon nila kumpara sa normal na wizard. Idagdag pa ang pagkakaroon ng Umbra ni Zaira. Lahat yun may dahilan."
"Oo nga no?" sabi bigla ni Zaira.
"Wag mong sabihin na hindi mo alam yung tungkol sa pamilya niyo?" tanong ni Beatrix.
"Hindi ko nga alam. Wala naman nababanggit sila Mama tungkol doon. Pero aware naman ako about sa Eternal Child pero yung tungkol kay Kuya Hades, yung pagkakaroon ko ng Umbra saka yung sa curse family. Hindi ko alam yung tungkol doon," tugon ni Zai.
"Ako din. Hindi ko din alam ang tungkol doon. Ikaw ba kuya?" tanong ni Ash sa nakakatandang kapatid nila.
"Same. Wala din ako idea tungkol sa amin ni Kura," tugon nito. Napatingin sila kay Zeque at ikinatigil naman nito.
"Mauna na ako sa inyo. Maghahanda pa ako ng makakain niyo," aniya saka ito nawala.
"Tinakasan niya tayo," sambit ni Ash.
"Sila Mama na lang tanungin natin tungkol doon," sabi ni Liam sa kanila.
Pagkadating namin sa bahay nila, nakahanda lahat ng makakain.
"Wow! Ikaw lahat ng naghanda nito? Ang bilis naman," tanong ni Zaira. Ngumiti lang si Zeque sa sinabi niya.
"Mataga-tagal na din nung huli akong nagluto ng ganyan karami. Maupo na kayo at kumain," aniya kaya hindi na kami nagdalawang-isip ni umupo.
"Gusto ko din matikman yung luto ni Zeque," reklamo ni Kim.
"Makakatikim ka din ng luto ko kapag nakabalik ka na sa katawan mo," sabi sa kanya ni Zeque.
"Waahhh! Magbunutan na kayo para magkapag-umpisa na kayo bukas. Sana ako una," excited na sabi ni Kim.
"Mamaya pagkatapos kumain."
"Ngayon na Zeque. Gusto ko na makakain ng luto mo."
"Subuan na lang kita. Sabi nila kapag offer yung pagkain, pwede yun kainin ng spirit," singit ni Adrian. Tumusok siya ng karne saka nilapit sa bibig ni Kim.
"Oo nga no? Narinig ko din yung tungkol doon. Try natin Ian. Say Ahh," excited na na sabi ni Zai saka ginaya si Adrian. Pumatong pa ito sa upuan para maabot si Blaize. Kinain naman iyon agad ni Blaize.
"Totoo nga. Bigyan mo pa ko ng pagkain. Ang sarap," sabi ni Kim pagkatapos kainin yung sinusubo sa kanya ni Adrian.
Bakit kailangan pa nila subuan? Pwede naman nila kainin yun kahit hindi sila subuan.
"Pahingi din kami ng pagkain," sambit ni Tyler.
"Gusto mo din ba magpasubo?" nakangising tanong ni Gin.
"Gusto ko din matikman yung luto ni Zeque. Mukhang masarap talaga," tugon ni Tyler.
"Ahh! Akala ko gusto mo din magpasubo kay Athena."
"Hindi ako baliw para magpasubo kay Athena. Ayokong mamatay ng hindi oras. Tingin pa lang ni Blaize, nakakamatay na," tinuro niya si Blaize na kasalukuyang masamang nakatingin kay Tyler.
"Ang ingay nila," reklamo ni Jiro habang kumakain.
"Pasensya na. Ganyan talaga sila kagulo. Wag niyo na lang pansinin," sabi sa amin ni Zeque.
"Ayos lang sa akin. Nakakatuwa nga sila panuorin," nakangiting sabi ko. Sa totoo lang naiinggit ako sa kanila. Ang saya nila tignan kahit na may problema sila.
"Yeah. Dahil sa kanila nakakalimutan ko minsan yung problema," nakangiting sabi ni Zeque.
Pagkatapos namin kumain, nag-umpisa na silang magbunutan. Sinulat nila ang mga pangalan ng spirit saka nilagay sa garapon.
"Bubunot na ako," sambit ni Zeque. Lahat sila nakatutok sa kamay nito. Binuksan niya ang papel na nabunot niya.
"Max," aniya saka pinakita yung papel. Tinignan ko si Max.
"Sakto kaklase namin yung nasa katawan mo. Ano nga ba pangalan niya?" sambit ni Zeque.
"Marcky. Si Marcky yung nasa katawan niya," sagot ko sa tanong niya kahit hindi niya ako tinatanong.
"Ayun tama! Si Marcky! Kakausapin ko siya bukas sa school."
Tumayo na ako para magpaalam.
"Gabi na. Kailangan ko ng umuwi."
"Wait! May sasabihin pa ako sayo," pigil sa akin ni Zeque. Tinignan ko lang siya at sinalubong niya naman ito ng ngiti.
"Welcome ka sa amin. Kung gusto mo lumipat ng matitirahan, pwede ka dito. Hindi ka na nag-iisa. Nandito kami para sayo," aniya habang nakangiti. Naluha na lang ako bigla dahil sa sobrang saya. Ngayon lang may nagsabi sa akin ng ganun.
"Salamat. Pag-iisipan ko yung sinabi mo," nakangiting sabi ko kahit umiiyak.
"Wag mo na pag-isipan. Dito ka na tumira. Mas masaya kung marami tayo dito kahit siksikan tayo," sabi ni Zaira sa akin. Wala naman ako ibang masabi kung hindi salamat.
"Lilipat ka ba sa kanila?" tanong ni Jiro sa akin habang pauwi kami.
"Hindi ko alam."
"Gusto mo sila makasama tama?"
"Oo pero nakakahiya kung lilipat ako sa kanila. Saka darating yung oras na babalik din sila sa Outlandish."
"Kung ayan ang iniisip mo. Pwede ka naman sumama sa kanila oras na umalis na sila sa Outlandish. Pwede din kitang dalhin doon kung gusto mo."
"Doon ka nga din pala galing. Maganda ba sa mundo niyo?"
"Hindi ko alam kung ano na itsura ng Outlandish. Matagal na ako hindi nakakabalik doon. Siguro marami ng pinagbago."
*****
Zeque's POV
"Yo! Morning," bati ko kay Marcky. Mukhang nagulat ito dahil sa biglaang pagbati ko sa kanya
"Morning Zeque," aniya habang nagtatakang nakatingin.
"Gusto ko sana magtry sa basketball team niyo, pwede mo ba ako tulungan?" tanong ko.
"Ayun ba? Sige. Mamaya may practice kami, pwede kang sumabay sa akin."
"Salamat. Asahan ko yan," tinapik ko siya sa balikat bago lumingon kay Erie. "Morning Erie."
"Morning. Kinausap mo na siya?"
"Yeah. Sasali ako sa Basketball Club. Mamaya mauna ka na sa cafe."
Dumating na ang guro namin kaya nanahimik na kami. Alam ko na naman yung tinuturo niya kaya natulog na lang ako.
"Zeque! Lunch break na!" panggigising sa akin ni Erie. Umayos ako ng upo saka siya nilingon.
"Ano baon mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Bibili na lang ako sa cafeteria ng makakain," tugon niya.
Bago pa siya makaalis hinawakan ko na siya sa kamay.
"Tara sa Magical Cafe," sambit ko saka siya hinila. Mabuti na lang hindi na katulad kahapon na siksikan pero marami pa rin tao.
Dumiretso kami sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin. Itlog lang naman ang meron kami kaya gumawa na lang ako omelet para sa amin dalawa.
"Wow! Pahingi din ako," sulpot bigla ni Athena.
"Wag ka manggulo sa lunch date nila," sabat bigla ni Ash saka hinila ang kapatid niya.
"Waaahhh! Omelet!"
"Hindi ito lunch date," pagtatama ko sa sinabi ni Ash. Ningitian niya lang ako bago sila tuluyang umalis.
"Paano niyo nagagawang maging masaya kahit na ang laki ng problema niyo?" tanong bigla ni Erie.
"Tingin mo, masaya ba talaga sila? Sa likod ng mga ngiti nila, may lungkot silang nararamdaman. Katulad ni Athena, sa tagal kong nakasama siya alam ko kung masaya ba talaga siya o hindi."
"I see," aniya pero alam kong marami pa siyang gustong itanong.
"Kumain ka na," sabi ko sa kanya bago pa siya magtanong ulit. Mas magandang wala na siya masyadong alam dahil darating oras na babalik kami sa Outlandish. Nasa kanya na yun kung sasama siya sa amin o hindi. Kung hindi siya sasama mas okay na yung ganito na konti lang ang alam niya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top