CHAPTER 7: MAGICAL CAFE

CHAPTER 7: MAGICAL CAFE

Third Person's POV

"Ano? Masarap ba?" tanong ni Hazel kila Adrian pagkatapos nila tikman ang ginawa nitong cake.

"Oo. Sigurado magugustuhan nila ito," tugon ni Adrian saka nagthumbs up.

"Gusto ko din matikman yung cake ni Ate," reklamo ni Gin habang pinapanood silang tinitikman ang mga ginawang cake nila Hazel.

"Hindi ka nag-iisa. Mukhang masarap talaga yung gawa ni Hazel," sambit ni Tyler.

"Gusto niyo?" tanong ni Zai sa kanila habang hawak ang isang platito na may isang slice na cake.

"Nang-aasar ka ba? Kahit gustuhin namin kainin yan hindi pwede. Buti ka ba bumata lang," tugon ni Tyler. Tinawanan naman siya ni Zai.

"Ian, kapag nakabalik ka na sa katawan mo gagawan kita ng cake," nakangiting sabi ni Zai.

"Siya lang? Paano kami?" tanong ni Tyler.

"Kayo din siyempre."

Napaisip bigla si Zeque habang nakikinig sa usapan nila Zaira.

"Hmmm. Sino kaya unang makakabalik sa katawan niyo? O sino kaya una naming tutulungan?" tanong nito bigla.

"Si Ian!" sagot ni Zai.

"Nakakatampo ka na Athena. Mas pinili mo pa si Blaize kaysa sarili mong kapatid. Tignan mo si Kuya," turo nito kay Liam. Nakayuko ito habang nakaharap sa pader.

"Mas pinili niya si Blaize kaysa sa akin. Kinalimutan na niya ang kuya niya," bulong nito.

"Hindi yun ganun kuya. Naisip ko lang na  malaki ang maitutulong ng pagiging immortal ni Blaize sa amin. Pwede siyang maging shield," paliwanag ni Zai.

"I see. Shield lang ako para sayo," sambit ni Blaize.

"Waaahh! Hindi Ian. Hindi ganun ang ibig kong sabihin," natarantang sagot ni Zai.

"Idaan niyo na lang sa bunutan. Kung kaninong pangalan ang mabunot, siya ang unang tutulungan," suhestiyon ni Thea.

"Tama! Ganun na lang," pagsang-ayon agad ni Gin.

*****

Erie's POV

"Pupunta ka kila Zeque?" tanong ni Jiro.

"Yup," nakangiting sagot ko.

"Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo naman. Kahit magmukmok ako habang buhay dito, hindi na mababalik ang buhay ni Master," tugon ko. Masakit pa rin para sa akin yung pagkawala ni Master pero hindi pwede malungkot na lang ako palagi. Siguradong ayaw niya din na ganun ako. Kaya mas pinili ko na lang maging masaya kahit mahirap.

"Oo nga pala. Homura, gusto mo sumama sa amin? Baka matulungan ka nila Zeque sa paghahanap sa mga kasamahan mo," tanong ko kay Homura. Naikwento niya kasi kay Jiro yung tungkol sa mga kasama niya dragon na sinabi naman sa akin ni Jiro. Habang daw hinahanap nila yung mga magiging master nila, bigla daw sila inatake ng mga demon. Nagkahiwa-hiwalay daw sila sa kalagitnaan ng pagtakas nila.

"Yeah," tugon nito.

Tumayo na ako pagkatapos ko nagsuot ng sapatos saka lumabas. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Opening sa lunes ng cafe na bubuksan nila pero ipapatikim daw muna nila sa amin yung mga nasa menu nila.

"Erie!" tawag sa akin ni Shiro nang makita ako. May hawak silang flyers na pinamimigay nila sa dumadaan.

"Para ba sa cafe yan?" tanong ko.

"Oo. Inutusan kami ni Zeque na ipamigay ito para daw marami kaming costumer," tugon nito. Pinakita niya sa akin yung flyers na gawa nila.


"Nasa loob sila Zeque. Pinapasabi niya na kapag dumating ka papasukin ka namin agad," aniya sabay turo sa akin ng cafe na bubuksan nila. Malapit lang ito sa school kaya walang problema kung didiretso kami dito pagkatapos ng klase para magtrabaho.

Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang mala-fairytale na disenyo ng cafe. Hindi na ako nagtaka kung magical ang tema ng cafe dahil pangalan pa lang, halata na.

"Good Morning. Nasaan si Zeque?" bati ko sa kanila.

"Good Morning. Nasa kusina gumagawa ng cake," tugon ni Clara.

"Kain ka muna ng cake habang hinihintay mo siya," sabi ni Hazel sa akin saka kami pinaupo at binigyan ng slice na cake.

"Athena! Bumalik ka dito. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na para sa ice cream yung stick-o," sigaw ni Zeque. Nakita ko na lang na tumakbo palabas ng kusina si Zaira habang kumakain ng stick-o.

"Sorry na Zeque. Ayaw kasi ako bilhan ni kuya ng stick-o," sagot nito kay Zeque habang natakbo. Nagtago ito sa likod ni Kura na kakapasok lang.

"Tulungan mo ko. May halimaw na humahabol sa akin," aniya habang nakatingin kay Zeque.

"Halimaw? Ang gwapo ko namang halimaw," sambit ni Zeque. Napabuntong hininga ito at tumigil sa paghabol kay Zaira.

"Ash, bumili ka ng stick-o pamalit sa kinain niya. Bilhan mo na din siya para manahimik na," utos niya kay Ash.

"Sama a--"

"Hindi!" sabay na sabi nina Ash at Zeque kay Zaira bago pa matapos ng sasabihin nito. Napasimangot naman ito.

"Hindi ka pwede lumabas na ganyan itsura mo," paliwanag ni Zeque.

"Okay," malungkot na sabi ni Zaira. Naupo na lang ito sa tabi nila Rhys.

"Kumain ka na lang ng cake," binigyan siya ni Rhys ng cake.

"Salamat."

"Haay! Hindi lang yata katawan niya ang bumata. Pati isip niya," sambit ni Zeque saka ito tumingin sa akin.

"Hi!" bati ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kamay. Lumapit siya sa amin.

"May kasama pala kayo," aniya nang makalapit sa amin.

"Si Homura nga pala. Homura, siya yung tinutukoy ko sayo."

"Ikaw pala si Zeque?" sambit ni Homura habang nakatingin kay Zeque. Biglang nabago ang mata ni Homura pero saglit lang ito.

"Fire Dragon?" tanong ni Zeque.

"Yeah," tugon nito.

"Ano ginagawa ng isang fire dragon dito?"

Tinignan kami ni Homura na parang sinasabing kami na ang magkwento kay Zeque.

"Inatake sila ng Demon habang hinahanap nila ang mga magiging master nila. Nagpunta sila dito para magtago pero nagkahiwa-hiwalay sila," pagkukwento ko.

"Nila?"

"Kasama niya yung ibang dragon."

"I see."

Nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng baba niya na para bang may malalim siyang iniisip.

"Nakakapagod. Ganito pala kahirap mamuhay sa mortal world," sabi ni Red.

"Good Job. Kumain na muna kayo," sabi sa kanila ni Zeque. Doon ko lang naisip  na para siyang boss. Bakit kaya sinusunod siya? Kung titignan, mas matanda pa sa kanya sila Ash pero sinunsunod nila lahat ng utos nito.

"Si Zeque pinakamatanda sa kanila kaya sinusunod nila," sabi bigla ni Jiro. Nabasa ba niya yung nasa isip ko?

"Yeah," sagot ulit nito sa tanong ko.

"Nababasa mo isip ko?" gulat na tanong ko. Napatingin tuloy sa akin yung iba. Tumawa bigla si Zeque.

"Nababasa niya isip mo dahil ikaw ang Alter Princess. Suot mo yung necklace kaya konektado kayong dalawa," sabi sa akin ni Zeque.

"Alter? Alter Princess din siya?" rinig kong tanong ni Zai.

"Oo. Nagulat din kami nung  sabihin ni Zeque na may iba pa lang Alter," sagot sa kanya Adrian.

"Ano ba meron sa pagiging Alter?" tanong ko.

"Wala bang sinabi sayo si Jiro?" tanong ni Zeque.

"Wala."

"Ibig sabihun hindi mo pa alam kung paano gamitin yung alter necklace?"

"Hindi."

Tinignan niya si Jiro.

"Hindi ko na nasabi sa kanya ang tungkol doon dahil lagi siyang nagkukulong sa kwarto niya." tugon ni Jiro kay Zeque. Tinignan  niya ako ng seryoso.

"Kapag suot mo yang kwintas na yan makakapagsummon ka ng iba't-ibang klaseng armas. Pwede mo iyon gamitin panlaban, panggamot at pumatay sa isang tira lang. Bawat crystal na nasa kwintas mo nagbibigay ng iba't-ibang kakayahan sa armas mo. Nakadipende iyon sa gusto mong gamitin," paliwanag niya sa akin.

"Bakit hindi mo subukan ngayon?" suhestiyon ni Zeque.

"Pwede ba?" tanong ko kay Jiro. Tinanguan  niya naman ako saka nila ako pinatayo.

"Sundin mo lahat ng sasabihin ko," sabi sa akin ni Jiro.

Huminga  ako ng malalim na tumayo ng diretso.

"Mag-isip ka ng kahit na anong armas na gusto mong gamitin. Hilingin mo iyon sa kwintas at kusa niya iyon ibibigay."

'Alter Necklace, bigyan mo ko ng baril,' sa isip ko habang iniimagine yung baril.

Biglang may lumabas na bilog at sa gitna nito may star sa harapan ko.

"Ngayon pwede mo na kunin  yung baril. Ipasok mo yung kamay sa gitna ng star," utos sa akin ni Jiro.

Pagkapasok  ko ng kamay ko sa loob nung bilog na may star, pakiramdam ko napunta ito sa ibang dimension. May nakapa ako mula doon at nang hawakan ko ito, nawala yung bilog na may star sa harapan ko. Nakita ko na lang na may hawak akong baril.

"Not bad," nakangiting sabi ni Jiro.

"Bakit iba yung sa kanya kapag ginagamit yung Alter Necklace?" tanong ni Zaira kay Zeque.

"Magkaiba  kasi ang pagkakagawa ng kwintas niya sa kwintas mo," tugon ni Zeque.

"Bakit? Paano mo ba ginagamit yung Alter Necklace mo?" tanong ko.

"Gusto mo makita?" nakangiting tanong ni Zai. Tumango ako bilang tugon.

"Zeque, pwede ba?" tanong niya kay Zeque.

"Hindi ko alam kung magagamit mo pa yung Alter Necklace. Nung huling sinuot mo ko, kusa akong binalik ng katawan mo sa totoong anyo ko."

"Subukan natin."

"Sige."

Biglang naging kwintas si Zeque. Sinuot iyon ni Zaira at saka niya hinawakan yung pendant. Biglang lumiwanag at nang mawala ito may hawak na din siyang baril.

"Nagawa natin Zeque," nakangiting sabi ni Zaira sa tabi niya at doon ko lang napansin na naging spirit na lang si Zeque.

Pagdating ng lunes, nagmadali kami ni Zeque na umalis galing school. Laking gulat ko nang makitang puno ng tao ang Cafe nila.

"Dapat pala mas nilakihan ko yung Cafe," sambit ni Zeque. Hindi na kami makapasok sa loob dahil sa madami din naghihintay sa labas.

"Ayos lang kaya sila sa loob?" tanong ko. Hindi naman siguro sila mauubusan ng tinda.

"Ewan. Tara tignan natin," hinila niya ako papunta sa nakapark na sasakyan  para magtago. Mula doon nagteleport kami papasok ng cafe nila.

"Zeque, buti dumating ka na. Tulungan mo kami," salubong sa amin ni Adrian.

"Okay. Ako na bahala," nakangiting sabi ni Zeque.

Nagpalit siya ng anyo niya bilang wizard bago lumabas.

"Good Afternoon Everyone. Welcome to Magical Cafe," aniya saka pumitik. Biglang may nasilaglagan na makikintab na iba't-ibang kulay na fairy dust. Sinubukan ko pa itong saluin pero nawawala ito bigla.

"Wow! Magic!" nakangiting sabi ng bata. Umupo si Zeque sa harapan nung bata para makatapat. Nilagay niya yung buhok nito sa likod ng tenga  at pagbalik ng kamay niya may bulaklak na ito. Lalong namangha yung bata. Nakuha ni Zeque ang atensyon ng mga costumer dahilan para kumalma ang mga ito.

"Okay lang kaya na gamitin niya yung kapangyarihan niya sa harap ng maraming tao?" tanong ko sa aking sarili.

"Wag ka mag-alala. Hanggang hindi niya ginagamit yung elemental power niya, ayos lang ang lahat. Iniisip ng mga tao na isa lamang magic tricks yung ginagawa niya. Kaya din Magical Cafe ang pinangalan namin para isipin ng mga tao na magic ang theme namin," sagot ni Adrian sa tanong ko.

Doon ko lang napansin mukhang bampira talaga si Adrian kumpara sa pangkaraniwan niyang anyo. Malaya din nakakalakad si Zai kahit na may buntot siya. Kung titignan para lang silang nakacosplay. Siguro kung hindi ko lang alam yung totoo, katulad ako ng iba na naniniwala sa tricks nila.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top