CHAPTER 6: LITLLE ZAIRA

CHAPTER 6: LITLLE ZAIRA

Zeque's POV

"Guys, alam niyo ba na may bumagsak daw na bata galing langit sa soccer field?" rinig kong pagkukwento ng isa sa mga kaklase ko. Tumuloy lang ako pagpasok. Kakatapos ko lang maglunch.

"Kumain ka," sabi ko kay Erie sabay lagay ng pagkaing binili ko. Hindi kasi siya lumabas.

"Hindi ako gutom," walang ganang sabi niya.

"Hindi ko tinatanong kung gutom ka. Ang sabi ko kumain ka. Hindi na babalik ang master mo kahit na magmukmok ka diyan," inis na sabi ko. Bwisit na Jiro yun. Bakit ba ako ang inutusan niyang gumawa nito? Siya dapat nag-aalaga kay Erie dahil sila magkasama.

"Hindi mo kasi alam. Si Master na lang ang natitirang meron ako. Siya na lang ang maituturing kong pamilya pero ngayon wala na. Wala ng natira sa akin. Mag-isa  na lang ako," umiiyak na sabi niya saka tumakbo.

"Erie!" sigaw ko.

"Tsk. Tsk. Ang sabi ko pakainin mo siya hindi paiyakin," sambit ni Jiro na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Tinignan ko lang siya ng masama dahil ayoko siyang kausapin. Mamaya mapakamalan pa akong baliw dahil hindi naman nila nakikita si Jiro.

Hinabol ko si Erie pero wala na siya sa paningin ko. Nasaan naman kaya siya nagpunta? Wala tuloy ako magagawa kundi hanapin siya at magsorry.

"Zeque."

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig kong may tumawag sa akin.

"Zeque, ikaw ba yan?"

Sabay kami ni Jiro, lumingon sa nagsalita.

"Kura?" gulat na tanong ko.

"Dragon nanaman," sambit ni Jiro.

"Dragon nanaman?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah! May dragon na pasyente kasi si Erie sa bahay. Napapaisip tuloy ako kung nagkakagulo na ba sa Outlandish kaya sila nagsisipuntahan dito," aniya habang malalim na nag-iisip.

"Napapadalas ang panggugulo ng mga Demon sa Outlandish pero hindi naman yata sapat yun para magsilipatan sila sa mortal world," paliwanag ko sa kanya.

"Narinig ko na pinapapatay ni Samael ang mga mythical dragon na kagaya ko. Pero hindi ito ang tamang oras para pag-usapan yan. Si Athena! Tulungan niyo ko hanapin siya bago siya mahanap ng mga demon," sabi sa akin ni Kura.

"Sinong Athena? Kung yung katawan niya yung tinutu--"

"Hindi siya. Yung totoong Athena. Nasa anyo siya ng isang batang werewolf. Nalaman ko kanina na bumagsak siya soccer field." putol niya sa akin. Bigla ko naalala yung pinag-uusapan ng mga kaklase ko kanina. Yung may bata daw na bumagsak galit langit.

"Nakita ko siya kanina," singit sa amin ni Jiro kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"Saan mo siya nakita?" tanong ni Kura.

"Nakita ko siyang hinahabol ng mga istudyante habang nakaupo ako sa taas ng puno," tugon ni Jiro. Bigla niya nilabas ang itim na pakpak niya.

"Kailangan ko ng umalis. Tinatawag ako ni Erie," aniya bago lumipad. Napatingin na ako sa taas at sa direksyon kung saan siya pumunta.

"Sundan natin siya," sabi ko kay Kura saka tumakbo.

*****

Zaira's POV

"Ayos ka lang bata?" napatingin ako sa nagtanong.

"Ian," sambit ko nang makita ko siya. Kamukhang-kamukha siya ni Ian kung hindi ko lang alam na nasa loob ng bote si Ian, baka nayakap ko na siya.

"Ha?"

"Wala. Ayos lang ako. Hehe."

"Totoo ba yang tenga at buntot mo?"

Napahawak ako bigla sa tenga ko. Oo nga pala. Iba nga pala anyo ko ngayon tapos nakita pa nila ako. Tumingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sa akin. Lagot.

"Kailangan ko na umalis. Bye," paalam ko saka tumakbo ng matulin.

"Teka. Sinira niya yung field. Hindi siya pwedeng makaalis. Habulin niyo siya," rinig kong sigaw ng isang lalaki. Pagtingin ko sa likod ko, hinahabol na nila ako.

"Waaahhhh! Wag niyo ko habulin," sigaw ko habang natakbo. May nagtunggo ako sa lugar kung saan wala masyadong tao. Umakyat ako ng puno at doon nagtago. Napansin ko na yung kamukha na lang ni Ian ang nakahabol sa akin.

"Bata! Nasaan ka?" sigaw niya habang natingin sa paligid. Hindi ako sumagot. Pinanood ko lamang siya mula sa puno hanggang sa umalis na siya.

"Dito na muna ako," sabi ko saka tinignan yung bote. Sinubukan ko itong buksan pero ayaw. Yung buksan ung kahoy na sinuksok sa bote. Napabuntong hininga na lang ako.

Biglang may babaeng dumating. Umupo ito sa ilalim ng puno kung saan ako saka yumuko at umiyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Napaangat siya bigla ng ulo at tumingin sa paligid.

"Sino yan?" tanong niya.

"Binully ka ba?" tanong ko ulit saka tumalon para makababa. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Hi! I'm Zaira," pakilala ko saka ngumiti.

"I'm Erie," tugon nito. Saka muling umupo. Kitang-kita ko sa mukha niyo ang kalungkutan. Tumabi naman ako sa kanya.

"Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal sa buhay?"

"Hindi pa. Pero isang beses kamuntik na mamatay ang lalaking minamahal ko. Binuwis niya buhay niya para protektahan ako at siyempre hindi ko hinayaan na mamatay siya kaya naman..." hindi ko na tinuloy ang pagkukwento ko. Tao nga pala itong kausap ko kaya hindi niya din ako maiintindihan. Baka hindi rin siya maniwala.

"Ano ginawa mo para mabuhay siya?" tanong niya sa akin na para bang naniniwala siya kwento.

"Nagbibiro lang ako. Hahahaha. Nabasa ko lang yan sa isang libro," pagsisinungaling ko.

"Ganun ba?" walang ganang sabi niya.

Bigla akong may naramdaman na papalapit sa amin. Tinulak ko si Erie saka dumapa. Biglang natumba ang punong sinisulungan namin dahil sa wind blade na tumama dito.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Erie.

"Oo. Salamat," sagot niya saka umupo. Napatingin siya sa paa niya niya na nadaplisan ng wind blade.

"Sayang. Hindi mo pa sila natamaan," sambit ni Risa. Tinignan ko siya ng masama bago tumingin doon sa babaeng gumagamit ng katawan ko. Siya kasi yung nagpakawala ng wind blade.

"Kayo nanaman? Hindi pa ba kayo titigil? Pinatay niyo na nga si Master. Pati pa naman itong bata?!" sigaw ni Erie habang galit na nakatingin sa dalawa.

Bata? Ako ba tinutukoy niya?

"Hindi lang ang batang yan ang papatayin namin. Pati ikaw," sagot ni Risa.

"Ibalik niyo sa amin ang bote," sabi nung nagamit ng katawan ko.

"Hindi ko ito ibibigay sa inyo kahit patayin niyo ko," sagot ko sabay yakap sa bote.

"Kung ganun wala kami magagawa kundi gawin ito," aniya saka naglabas ng kuryente sa kamay. Naalala ko tuloy bigla si Magnus.

"Jiro, nasaan ka?" sigaw bigla ni Erie habang nakahawak ng mahigpit sa kwintas niya.

"Wala ang guardian mo dito. Katapusan mo na," nakangising sabi ni Risa at abay nila kaming inatake.

"Hawakan mo ito," sabi ko saka inabot kay Erie yung bote bago ko siya tinulak ng malakas at sinalo ang mga atake nila. Mabuti na lang natulak ko si Erie kahit na maliit ako.

"Zaira!" sigaw niya.

"Diyan ka lang," sambit ko nang makita kong palapit siya sa akin. Ningitian ko siya.

"Hindi ako mamamatay sa ganun," sabi ko sa kanya. Immortal ako kaya kahit ano gawin nila, hindi ako mamatay. Ayun ang dahilan kung bakit hindi ako namatay kahit na nahulog ako mula sa langit. Kahit pala wala sa akin ang iba kapanyarihan ko, immortal pa rin ako.

Tumakbo ako palapit kila Risa. Tumalon ako saka umikot sa ere bago sipain si Risa. Tumalon ito palayo para iwasan ako. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para hawakan ang matandang katawan ko.

"Ibalik mo ang kapangyarihan at katawan ko," sabi ko sa babaeng nagamit ng katawan ko.

"Wag mo ko hawakan," aniya saka nagpumiglas at tinulak ako. Ngunit tumayo din ako agad at niyakap siya. Hanggang binti niya lang ako dahil sa liit ko. Mukhang nasa limang taong gulang lamang ako.

May kakaiba akong naramdaman habang yakap siya at may narinig na tumawag sa akin. Hindi ko alam kung ano nangyari basta nakita ko na lang na nasa madalim na lugar na ako. Nakita ko yung dalawang kapangyarihan na hindi ko nakuha. Tumakbo ako palapit doon at kukunin ko na sana yung kulay green subalit bigla akong tumalsik.

Pagdilat ko wala na ako sa madilim na lugar. Siguro mapupunta lang ako doon kapag hawak ko yung matandang katawan ko.

"Aaahhhhh!" sigaw ni Erie at nakita ko na lang na hawak-hawak siya sa braso ni Risa habang may apoy ito sa kamay.

"Lumayo ka sa kanya!" sigaw ng isang lalaking may itim na pakpak katulad sa isang anghel. Bumababa ito mula sa itaas at sinugod si Risa kaya napabitaw ito kay Erie.

Nakita ko yung bote na nasa ibaba na kaya tumakbo ako papunta doon para kunin ngunit nagkaroon bigla ng dark sand storm sa paligid ko. Pinag-ekis ko yung dalawang braso ko saka ko pinangharamg sa mukha ko. Papikit-pikit kong nilapitan yung bote.

"Akin yang bote," sambit ng isang lalaki. Lalong lumakas ang dark sand storm. Aksidenteng nasipa ko ang bote kay gumulong ito palayo sa akin.

"Pati pa naman bata papatulan niyo?" sambit ng isang pamilyar na boses. Humangin ng malakas malapit sa akin at tinangay nito ang nakapaligid na dark sand storm sa akin. Napaupo na na lang ako saka ko kinusot yung mata ko bago dumilat.

"Zeque!" masayang sabi ko nang bumungad ang mukha niya sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanya para yakapin sana pero tumigil din ako nang mapansin ko yung reaction niya.

"Totoo nga na naging bata ka. Ikaw na ngayon si Little Zaira," aniya habang seryoso ang mukha kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.

"Yung bote!" sambit ko saka ito hinanap.

"Nakuha ko na," sabi ni Kuya Kura sa akin habang hawak-hawak niya yung bote.

"Buksan mo kuya para makawala na sila," suhestiyon ko. Baka sakaling mabuksan niya. Sinunod naman niya ang sinabi ko.

"Ayaw," tugon niya.

"Hahahaha. Idiot! Tanging si Tiffania lang ang makatanggal sa seal," tumatawang sabi ni Risa.

"Patingin ako Kura," sabi ni Zeque saka sinubukang buksan ang bote. Lumapit ito kay Erie.

"Subukan mo buksan," aniya sabay abot ng bote kay Erie.

"Sinabi ko na sa inyo. Si Tiffania lang makakatanggal ng seal. Kahit sino pa pagbuk--"

"Nabuksan," gulat na sabi ni Erie nang walang kahirap-hirap niya itong nabuksan. Kahit kami nagulat sa nasaksihan.

"Paano? Paano natanggal ng isang tao ang seal?" hindi makapaniwalang  sabi ni Risa.

Biglang may lumabas na ibat't-ibang kulay na usok. Mula sa usok na yun lumabas ang mga spirit nila Crystal.

"Salamat! Nakalabas din kami," sabi ni Dwayne.

"Waaahhh! Guyss!!" sigaw ko sabay takbo papunta sa kanila para yakapin pero tumagos lang ako.

"Spirit lang kami. Hindi mo kami mahahawakan. Sino ka nga pala bata? Kamukha mo si Athena nung bata pa siya," sabi sa akin ni Dwayne.

"Wag mo kong tawaging bata. Ako ito. Si Athena," nakasimangot na sabi ko.

"Athena?" gulat na sabi nila.

"Kung ikaw si Zai, sino yung Zaira na nasa harap natin?" tanong ni Gin.

"Gamit  lang niya ang katawan at kapangyarihan ko pero hindi siya ang totoong Zaira!" sagot ko.

"Si Persephone ang nasa harapan niyo," singit ni Zeque sa amin.

"Umalis na tayo," sabi nung tinawag na Persephone ni Zeque.

"Aalis na tayo agad? Nag-uumpisa pa nga lang ako ganahan," sagot ni Sandro.

"Kung gusto mo maiwan. Bahala ka," tugon sa kanya ni Persephone saka ito umalis.

"Pagbabalik ko papatayin na talaga kita," banta ni Risa kay Erie bago umalis. Wala na din nagawa si Sandro kundi sumunod sa kanila dahil  siya na lang naiwan.

Napatingin ako kila Kim nang mapansin kong nakatingin  sila sa akin.

"Ang cute mo pala nung bata ka. Sayang hindi kita mahawakan," sabi ni Kim.

"Lalong nagpacute sa kanya yung buntot at tenga niya," nakangiting sabi ni Thea.

Nahiya ako bigla  dahil sa pinagsasabi nila.

Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top