CHAPTER 57: MISSING

CHAPTER 57: MISSING

Erie's POV

Agad ako nagtunggo sa Occult City. Pagdating namin sa kinaroroonan ng Black Academy, wala na ito.  Ramdam ko ang nagkalat na magical energy ni Zeque sa paligid. Walang duda na siya ang may gawa nito pero nasaan siya?

"May barrier din siya nilagay at mas matibay ito sa dati. Sigurado naubos ang kapangyarihan niya dahil dito," komento ni Jiro habang pinagmamasdan ang paligid.

"Ano mangyayari kapag naubos ang kapangyarihan niya?"

Hindi naman siguro siya mamatay?

"Immortal siya kaya hindi siya mamatay. Pwedeng magbago ang physical appearance niya tulad ng nangyari kay Zai noon or mawalan ng memory. Ano man sa dalawa ang mangyari kailangan natin siya mahanap. Kapag nalaman ni Samael ang nangyari, sigurodong hindi sa palalampasin nito ngayong nawalan siya ng kapangyarihan."

"Gaano katagal bago bumalik ang kapangyarihan niya?"

"10 years or more. Dipende sa lugar. Kung nasa lugar siya na malakas ang magical energy tulad sa Aurora mabilis lang itong makarecover."

"May alam ka bang paraan para madali siyang mahanap?"

Umiling siya bilang tugon.

"Kung hindi naubos ang kapangyarihan niya madali ko lang siya mahanap. Pero ngayon wala na ito, nawala na din ang sense of presence niya. Katulad na lang siya ng ordinaryong tao."

Nanghina ako lalo sa narinig ko. Napaupo na lang ako sa lupa at napaupo. Hindi ko na alam kung nasaan si Heidi. Pati pa naman si Zeque mawawala? Pakiramdam ko tuloy wala akong kwenta.

"No. Hindi pwedeng ganito," bulong ko. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Oras na para ako naman ang kumilos. Hindi ako makakapayag na masayang ginawa ni Zeque.

Sinuri ko ang paligid. Hindi lang magical energy ang nagkalat pati spiritual energy na binigay ko kay Zeque nagkalat din.  Naglakad ako patungo sa dulo ng barrier kung saan mas malakas magical at spiritual energy. May crack sa lupa. Pinakiramdaman ko ang paligid at doon ko lang napansin na  paikot ang barrier hanggang sa ilalim ng lupa. Ginalaw ko ang kamay ko at inumpisahang palutangin sa kalangitan ang lupang napapalibutan ng barrier .  Base sa laki ng lupa, ito yung kabuuan ng black academy. Dahil sa spiritual energy mas matibay ang barrier kumpara sa normal na barrier.

"Ano gagawin mo?" tanong ni Jiro. Tumingin ako sa ibaba na naging cliff dahil sa gunawa ko. Hindi ko alam kung gaano kalalim ito at kung ano ba ang nasa ilalim nito pagkatapos ko iangat ang  lupa na dapat nandoon.

"Ano pa nga ba? Babaguhin ko ang mundong ito. Hindi pa naman ito tuluyang sakop ni Samael. Saka kung hindi lang ako buntis noon matagal ko na ito ginawa."

Pagkasabi ko nun, inumpisahan ko ng wasakin ang kabuuan ng Occult City. Pinaghihiwalay ko  ang mga lupa at sinigurado kong magkakalayo ang mga ito. Merong lumulatang sa kalangitan at meron din nanatili sa ibaba. May iilang zombie na nasilalaglagan dahil sa ginawa ko. At hindi pa naman ako masyado masama, nilagyan ko ng tubig ang mga nawalan ng lupa. Nagmukha tuloy isla ang dating Occult City. At Siyempre mas lalo din itong nalayo sa iba Bizzare at iba pa.

"Impusihan na natin hanapin si Zeque," sambit ko. Isa-isa namin pinuntahan ang mga islang ginawa ko at wala kaming nakitang Zeque. Napadpad din kami sa tinitirahan nila Zaira na isa din sa mga nakaligtas sa dahil sa protektado ito ng illussion at barrier.

"Bumalik na muna tayo," nag-aalalang sabi ni Jiro. Napabuntong hininga na lang ako dahil walang Zeque sa Occult City. Hindi siya patay pero bakit hindi namin siya makita? Parang siyang bula na nawala na lang bigla.

'Zeque, nasaan ka na ba??'

Lumipas ang araw, buwan at taon sa paghahanap kay Zeque pero hanggang ngayon wala kaming makita. Kahit si Samael tumigil sa pagsugod pero may iilang demon pa rin na pakalat-kalat sa paligid. Nang mawala si Zeque, natahimik din siya bigla. Pakiramdam ko tuloy hawak niya si Zeque kaya siya namahimik. Gusto ko nga pumunta sa Infernal World pero pinigilan ako ni Jiro at siya ang pumunta doon.

"Sigurado ka ba talaga na hindi hawak ni Samael si Zeque?" tanong ko kay Jiro.

"Sigurado ako. Isang taon ko na sila binabantayan. Hindi ko nakita si Zeque doon. Tumigil lang sa pagsugod si Samael dahil alam niyang nawawala si Zeque."

"Magpadala ka ng maghahanap sa kanya sa mortal world."

Tumango siya bilang tugon.

"Kamusta na ang pinapatayo niyong school?"

"Maayos naman ang lahat. Pinadala ko sila Levi sa Occult City para sa bagong Black Academy na pinatayo namin. Nag-uumpisa silang tumanggap doon. Tulad sa pinag-uusapan, dadaan muna sila sa training doon bago ipadala sa Aurora para sa mas matinding training."

Pinatayo muli namin ang Black Academy para pahandaan ang muling pakikipaglaban kay Samael. Bukod doon nagpatayo din ako ng school sa Aurora. Mas malaki ito kumpara sa Black Academy at pinangalanan ko itong Zerie Academy. Sa ngayon nag-iisang school sa Aurora. Mababa pa lang naman ang populasyon sa Aurora kaya may oras pa kami sa pagpapatayo nito.

Pinagplanuhan namin mabuti ang lahat ng gagawin sa Zerie Academy. Sa ngayon dumadaan sa training ang mga magiging guro doon.

"Gusto daw ni Zero maging guro doon," sambit ni Jiro.

"Ano nanaman ang binabalak niya?"  tanong ko. Alam ko na ang ugali ni Zero. Isa siyang troublemaker. Lahat ng tingin niya interesadong gawin masama man o  mabuti gagawin niya. Minsan nga sa sobrang boring niya pinasabog niya ang isa sa mga isla sa Occult City. Dahil doon pinapunta ko siya sa Necropolis at inutusang pag-aaralang kontrolin ang mga zombie doon. Pumayag naman siya agad dahil interasado siya mga patay. Ngayon naging teritoryo na niya ang Necropolis.

"Gusto daw niya maghanap ng disciple niya. Sayang daw pinag-aralan niya kung wala siyang pagpapasahan ng natutunan niya," bulong ni Jiro.

"Narinig niya ba kila Zep na maghahanap sila ng desciple kaya gumaya siya?"

Hindi na ako magugulat kung lahat sila maghahanap mg desciple. Boring buhay kung mag-isa lang silang interesado sa ginagawa nila. Swerte ng mapipili nila dahil hindi normal ang master nila.

"Yeah!"

"Ikaw? Anong plano mo?"

Lahat sila may plano. Si Jiro na lang ang wala.

"Tutulungan kita sa paghahanap kay Zeque. Kapag nahanap ko siya tuturuan ko siya ng leksyon dahil sa pag-iwan niya sayo."

"Salamat," ningitian ko siya. Kung wala siya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Baka naglibot sa kung saan para lang mahanap si Zeque. Kung hindi nila ako pinigilan at nagpresenta na magpapadala sila ng maghahanap kay Zeque. Pinaalala din nila sa akin na may anak pa ako na kailangan ko alagaan kaya gustuhin ko man umalis, hindi pwede dahil may responsibilidad akong kailangan gawin.

Nagpaalam na siya sa akin at saka umalis .  Napatingin ako sa singsing ko. Hindi ko maiwasang isipin ang mga araw na kasama ko ang asawa ko. Miss ko na siya. Gusto ko na siya makita ulit. Oras na makabalik siya hindi ko na siya papayagang umalis sa tabi ko. Naramdaman kong may humawak sa paa ko. Pagtingin ko sa ibaba nakita ko si Damian na nakaupo habang gumagapang naman palapit sa akin si Nash.

"Gutom na ba ang baby ko?" binuhat ko ito at nilagay sa crib bago kinuha si Nash. Pinagtimpla ko sila ng gatas saka pinatulog.

"Ang daddy niyo kung saan nagpupunta. Paglaki niyo wag kayo tutulad sa kanya," sabi ko sa kanila sabay buntong hininga.

*********

Third Person's POV

"Achooo!"

"Sinisipon ka ba? Kailangan mo ng gamot?" tanong ng babae sa lalaki na kanina pa bumabahing.

"Ayos lang ako," tugon nito sabay tingin sa buhat niyang bata babae na sinusubukan abutin ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay nito saka nakipaglaro. Nang tumawa ito, napangiti na lang ang lalaki.

"Salamat sa pagbabantay kay Heidi habang wala ako,"  pagpapasalamat ng lalaki at nagpaalam na.

"Ako nga dapat magpasalamat sayo Kung wala ka, wala akong trabaho. Hindi ako makaalis ng bahay dahil kailangan ko siya alagaan si Sage. Saka mabuti na din na nandito si Heidi, may kalaro si Sage."

Napatingin ang lalaki sa batang lalaki na nakaupo sa sahig. Napatingin ito sa kanila nang mabanggit ang pangalan niya.

"Alis na kami Sage. Heidi magpaalam ka na kay Sage."

Kumaway ang batang babae at saka nagflying kiss ayon sa turo sa kanya. Tuwing magpapaalam sila lagi niya ito ginagawa.  Wala naman reaksyon ang batang lalaki. Seryoso lang itong nakatingin sa kanila. Sanay na sila dito na hindi bata kung umarte. Pansin din nila na mas matalino ito kumpara sa normal na bata.

Nagulat na lang sila ng biglang umiyak si Heidi. Nang marinig ito ni Sage, kinuha ang maliit na puzzle na binuo niya saka naglakad palapit sa kanila. Inabot niya ito kay Heidi upang suyuin.

Napangisi ang lalaki nang makita ang kinilos ng batang lalaki. Umupo siya upang maabot ni Heidi ang puzzle. Masaya niya itong kinuha at muling tumawa na ikinatuwa ng lahat.

"Kung hindi ka lang bata, iisipin kong nililigawan mo ang anak ko," sambit ni Zeque sabay tayo.

"Sage, magpaalam ka na din kay tito Zeque," utos ng babae.

"Bye," sambit ng batang lalaki.

"Bakit pakiramdam ko hindi one year old ang kaharap ko? Hindi rin pala maganda magkaroon ng anak na genius. Buti na lang normal si Heidi," komento ni Zeque na ikinatawa ng babae.

"Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako na mataas ang IQ ni Sage o hindi. Buti na lang iniiwan mo dito si Heidi. Kahit papaano nagiging normal si Sage sa kanya. May balita ka na ba sa nangyayari sa labas?"

"Pinatayo muli yung Black Academy. Sabi nila may pupunta dito para magrecruit ng students. Baka may kilala ka sa pupunta."

"Wala ka pa rin ba maalala sa nakaraan mo?"

Napailing si Zeque bilang tugon .  Bukod sa pangalan niya at ng anak niya wala na ito maalala.

"Matagal pa bago bumalik ang kapangyarihan ko. Ikaw muna aasahan ko humanap ng connection sa labas. Hindi tayo pwede magpatulong sa iba dahil hindi tayo dumaan sa tamang proseso para makapasok dito."

"Naiintindihan ko. Titignan ko kung may kilala ako sa mga pupunta."

Itutuloy....





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top